You are on page 1of 1

Sa kasulukuyang daloy ng panahon, tila mas umigting at higit na naging mas kapansin-

pansin rin na ang kulturang Pilipino ay madaling naiimpluwensiya sa mga bagay na banyaga lalo

na sa aspeto ng wika. Mula sa artikulong patungkol sa eksplorasyon sap ag-aaral ng kulturang

Popular aking nabasa, mababatid lamang ang makasaysayan at intelektwal na ari-arian ng ating

kultura. Hango rin rito, ang pangunahing gabay ng pag-aaral ng kultura ay naka-angkla sa

kulturang Kanluranin. ang etos ng lokal na larangan ay maaari ding masubaybayan saq

pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga gawang proyekto ng mga intelektwal at iskolar na

umusbong noong 1960s hanggang 1970s na kung saa’y siya ring bumuo ng higit pa sa panahon

ng post-kolonyal kung saan ang pagdulog sa pag-aaral ng kultura ng Pilipinas ay dito umiikot.

Dagdag pa rito, ang artikulo rin ay nagbigay-salaysay o komento patungkol sa kahalagahan at

papel ng interdisciplinarity sa parehong pag-usbong at pag-yabong ng Cultural Studies at pag-

aaral ng Kulturang Popular sa bansa. Sa aking palagay, maisasalaysay rin ang pinag-ugatan ng

isang kultura mula sa mga kanluranin sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-iintindi ng

mahahalagang artikulong nasa ilalim nito. Sa prosesong ito, rarami ang dating iisang intelektwal

na asosasyon. Isa pa, ang layunin nito ay upang makagawa ng malalim na konklusyon tungkol sa

pinagmulan ng kulturang Pilipino na kug saa’y madalas na sumasalamin sa ating karanasan at

edukasyon.

Sa lahat ng mga ito, aking naisapuso at naunawaan na maaari pa ring paunlarin ang etika

ng lokal na sector sa pamamagitan ng pagtindig kasama ng makabayang si Jose Rizal. Isa pa,

ngunit hinding-hindi huli, ay ang artikulong ito ay nangangaral sa ating kapwa Pilipino sa kung

gaano katimbang and pag-aaral at pagsasabuhay ng bawat aspeto ng kulturang Pilipino.

You might also like