You are on page 1of 2

ARALIN 5 Phil IRI Form I

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Nagugol na Oras sa Pagbasa: Iskor:
(Reading Time in Seconds)

Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa, isulat ang oras na nagugol sa
pagbasa.
Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

Si Diogenes

Isa sa pinakamarunong na tao sa buong daigdig si Diogenes ngunit simple lamang ang kanyang
pamumuhay sapagkat naniniwala siya na kailangan lamang na magkaroon ang tao ng sapat sa kanyang
talagang kailangan.

Maraming taong nanirahan sa Gresya na tinitirhan ni Diogenes. Sa paniniwala ng mga tao, siya na
ang pinakamarunong sa buong daigdig. Pumupunta sa kanya ang mga tao na nanggagaling sa iba’t ibang
lugar upang makinig sa kanyang mga sinasabi. May ugaling kakaiba
Si Diogenes. Dahilan sa kanyang paniniwala na makabubuti para sa isang tao ang magkaroon ng sapat
lamang sa kanyang pangangailangan, hindi siya sa bahay tumitira.
Sa bariles lamang siya sumisilong. Ito ay kanyang pinagugulong kung gusto niya lumapit at pumunta sa
ibang lugar. Umuupo siya sa arawan sa buong maghapon sa harap ng tinitirhan niyang bariles at
nakikipag- usap sa mga taong nagpupunta sa kanya upang makinig ng kanyang
mga patalinghaga.

Kung minsan naman makikitang naglalakad si Diogenes sa gitna ng arawan na may dala-dalang
parol na may ilaw.

“Bakit kayo may dalang parol na may sindi kahit na sumisikat ang araw?” Ang tanong sa kanya.

“Naghahanap ako ng isang taong matapat,” ang lagi niyang isinasagot, ngunit wala ni isang
makapagsabi kung may nakita siya kahit isa.

Isang araw dumating ang dakilang si Alexander upang salubungin ang dakilang mandirigma.
Sumalubong ang lahat maliban kay Diogenes. Napansin ni Alexander na wala si Diogenes kaya’t
sinamahan siya sa kinaroroonan ng marunong na tao at nakita nilang nakaupo ito sa arawan sa harapan
ng tinitirhan niyang bariles. Tumayo si Alexander sa harap ng taong marunong.
“Magandang umaga, Diogenes,”ang bati niya. “Marami ako naririnig tungkol sa iyong pambihirang
karunungan. May paipaglilingkod ba ako sa iyo?”

“Mayroon,”ang sagot ni Diogenes. Nasiyahan ang hari sa sagot ni Diogenes sapagkat gusto niyang
makapaglingkod sa kilalang taong ito . “Magsalita ka Diogenes,” ang sagot ng hari.
“Kung ano man iyon ay ipagkakaloob ko sa iyo.” “maaari bang umurong ka nang kaunti ,”ang pakiusap ni
Diogenes. “Natatakpan mo ako sa sikat ng araw.” Natawa nang malakas ang hari habang umuorong siya
sa isang tabi. Maaaring ang hingin ng sinomang tao ay salapi o mahalagang bagay. Ngunit ang hiningi ni
Diogenes ay isang napakalit na bagay at ito ang nagpapakilala na talagang isa siyang dakilang tao. Payak
lamang ang kanyang pangangailangan.

Nang papaalis na si Alexander ito ang sinabi niya sa kanyang kaibigan,”Kinagigiliwan ko ang taong
iyan, kung hindi ako naging si Alexander nanaisin kong maging si Diogenes.

Bilang ng mga salita: 405

Mga tanong:

1. Ano ang paniniwala ni Diogenes tungkol sa pangangailangan ng tao?


A. Labis B. kulang C. sobra D. sapat
2. Anong salita ang ginagamit ni Diogenes sa mga taong nakikinig sa kanya?
A. Pngkaraniwan B. patalinghaga C. salawikain D. bugtong
3. Batay sa binasang kwento, ano ang pagkakaiba ni Diogenes sa ibang taong marunong?
A. Nakatira siya sa kubo.
B. Nakatira siya sa bariles.
C. Gumagamit siya ng saliwikain.
D. Gumamit siya ng mga patlinhaga.
4. Bukod sa pagiging marunong at matapat, ano pa ang katangian ni Diogenes?
A. Mayaman B. mahirap C. mapagtaas D. mapagkumbaba
5. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
A. pagiging dakila C. pagiging matapat
B. pagiging marunong D. pagiging simple
6. Naniniwala kaba sa mga pangyayari sa kuwento?
A. walang masasabi
B. marahil, dahil sadyang mayrong ganoon
C. Oo, dahil may mga taong likas na marunong
D. Hindi, dahil hindi kapani-paniwala na may taong sa bariles tumira
7. Nakaakit ba sa iyo ang unang bahagi ng kuwento?
A. Oo, dahil talagang kahanga-hanga siya
B. Hindi, dahindi siya tumitira sa bahay
C. Hindi masyado, dahil imposibleng may ganoong tao
D. Oo, dahil namumuhay nang simple lang si Diogenes kahit siya ang pinakamarunong
na tao
8. Ano ang iyong sariling impresyon tungkol sa kaisipang inilahad sa binasa?
A. Pinagpala ang matapat C. Pinagpala ang mapagkumbaba
B. Hinahangaan ang dakila D. Hinahangaan ang mapagkumbaba
9. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Diogenes, hihingi kaba ng pera sa hari?
A. Oo, dahil wala akong pera
B. Marahil, dahil baka kakailanganin ko ang pera
C. Hindi, dahil meron akong sariling panindigan
D.Hindi, dahil wala akong pangangailangan sa pera
10. Kung saka-sakaling ikaw naman si Haring Alexander, hahangaan mo rin ba ang pagiging
simple ni Diogenes?
A. Oo, dahil kakaiba sa Diogenes
B. Marahil, dahil bihira na ngayon ang mga taong simple
C. Hindi, dahil payak lamang ang kanyang pangangailangan
D. Oo, dahil nanatiling mapagkumbaba si Diogenes kahit may angking pambihirang
karunungan

You might also like