You are on page 1of 52

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Modyul 2: Pagproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon

Mga Layunin: Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
mga komunidad at sa buong bansa;

2. Matukoy ang mga mapagkatiwalaan, makabuluhan, at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik;

3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;

4. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma


sa kontekstong Pilipino;

5. Makgawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t


ibang konteksto.

6. Makgawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto;

7Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahaayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at

larangan; at

8Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang ideya.

II. Lunsaran

May nagpapakalat ng disimpormasyon  sa Internet mula sa iba’t ibang grupong sosyo-


politikal. Magbigay ng halimbawa ng isang paskil ng disimpormasyon sa social media (halimbawa:
Facebook) at tukuyin ang mali o binaluktot na impormasyon batay sa iba’t ibang 
mapagkakatiwalaang sanggunian. Ibibigay ito ng guro bilang takdang aralin ilang araw bago ang
araw ng talakayan ng Yunit 3. Gamitin ang teknologiyang pang-impormasyon at

14
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pangkomunikasyon (ICT) na mayroon kayo o sa silid-aralan para maghanap ng paskil ng


disimpormasyon. Kung hindi naibigay bilang takdang aralin, maari itong gawin sa klase bago
talakayin ang paksa ng yunit, lalo  na kung saan may mga kompyuter na magagamit. Isang
halimbawa ng disimpormasyon ang pinakalatna larawan daw ng “bagong Marawi” (tingnan sa
https: // memebuster net/photo –of-new-marawi-is –not-really-marawi/).

III. Mga Aralin

Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay

Sa anumang sitwasyong pangkomunikasyon, ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha at


pakikipagtalastasan sa kapuwa ang mga kaalamang natutuhanan natin mula sa pag-oobserba at
pagsusuri ng lipunan. Ang mga nabatid at napaglimian nating kaalaman mula sa karanasang
panlipunan ang pumapanday sa ating karunungan (wisdom), na siyangg gumagabay sa ating maliliit
at malalaking desisyon  at hakbang sa buhay. Ang pangunahing salik ng kaalaman na ibinabahagi din
natin sa kapuwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao, at sa ating kapaligiran  at sa
midya. Samakatuwid, lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating kakayahan na magproseso ng
impormasyon na alam natin at anumang kaugnayan ng mga butyl na ito sa isa’t isa—dahil ito ang
malaking bahagi ng ating kaalaman. Ang ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon,
aksyon, at komunikasyon ay nakasasalay sa nabuo nating kaalaman at napanday nating karunungan.

Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa harapang


pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bisa at talab ng mga
ibinabahaging kaalaman na nakabatay sa malalim at malawak na pagsusuri at pagtatahi ng mga
impormasyon. Ang makatotohanan at katiwa-tiwalang kaalaman ay makatutulong sa pag-igpaw sa
kamangmangan at kahirapan. 

Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag-usap.


Ang  sinasabi ng eksperto mahal sa buhay, matalik na kaibigan  sikat na artista politiko o tinitingala
sa lipunan ay hindi awtomatikong katotohanan. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang at pagtatahi ng
mga impormasyon na galing sa iba’t ibang tao bilang batis ng impormasyon—mula sa mga taong
nakadaranas hanggang sa mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penomenong
pinag-uusapan.

Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang-alang ang pamamaraan ng pagkuha ng


impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan o pinagmulan ng
impormasyon. Ang maling pamamaraan  ay humahantong sa palso at di-angkop na datos. Ang
15
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing gabay sa


interpretasyon nito. Ang maling pamamaraan ng pagsusuri ay nagreresulta sa kaalamang hindi
maaasahan at kahina-hinala ang katumpakan.

16
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Higit sa lahat, sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagpoproseso ng impormasyon,


kailangang magtiwala tayo sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wika ng pag-unawa at
pagpapaunawa; gayundin, magtiwala tayo sa kaangkupan ng mga katutubong metodo sa pagkalap at
pagsusuri ng impormasyon. Sa paggamit ng wikang Filipino at katutubong pamamaraan, mas
magiging maigting at malaman ang komunikasyon sapagkat nagkakaintindihan ang mga kalahok at
mas nakakaugnay sila sa paksa dahil ang ating wika ay “hindi lamang daluyan kundi tagapahiwatig
at  imbakan-kuhanan ng kultura” natin bilang mga Pilipino (Salazar, 1996,p45). 

Kailangang maikintal sa mga isipan na ang pananaliksik ay hindi dapat itinutumbas lamang sa
tesis, disertasyon papel pantermino, o artikulo sa journal. Ito ay isang batayang gawain hindi lamang
sa loob ng akademya at laboratory kundi pati sa labas nito maging sa araw-araw na pamumuhay
(Salazar, 2016).  

Katuwiran ni Almario (2016)bata pa lang, dapat nang pagyamanin ng paaralan ang karanasan,
interes at kakayahan ng mga Pilipino sa pagsasaliksik. Isa itong paraan para mamukadkad ang kultura
ng saliksik sa Bawat tao paaralan, at komunidad, at sa buong lipunang Pilipino. Ito ay tungkulin ng
bawat responsableng mamamayan at aambag sa pagbuo ng isang matino at maunlad na lipunan kung
saan may balanse ng mga kapangyarihan (Salazar, 2016).

Sa pangkalahatan, tatalakayin sa yunit na ito ang ilang mahahalagang gabay sa pagpoproseso


ng impormasyon tungo sa pagbabahagi ng kaalaman sa isang sitwasyong pangkomunikasyon, mula
sa mga panimulang hakbang na dapat isaalang-alang bago mangalap ng impormasyon hanggang sa
pagbubuo ng bagong kaalaman batay sa nakalap na impormasyon. 

Sa gayon, gagamitin ang mga terminong pananaliksik at mananaliksik sa yunit na ito, subalit
sa konteksto ng pagbubuo ng kaalaman na layong ibahagi sa sitwasyong pangkomunikasyon, na
pansamantala’y ikakategorya sa dalawa, harapan (face to face-interpersonal) o mediado (mediated).

Mga Panimulang Konsiderasyon: paglilinaw sa Paksa, mga Layon, at Sitwasyong


Pangkomunikasyon

May ilang bagay na dapat isaalang-alang ang isang mananaliksik bago pumili ng batis ng
impormasyon para sa pagbuo ng kaalamang ipapahayag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.

 Una, kailangang malinaw ang tukoy na paksa at layon ng pananaliksik;

17
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

 Pangalawa, dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong


pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang bubuuing kaalaman;

 Pangatlo, kailanagng ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalakaran ng sitwasyong


pangkomunikasyon. Ang tatlong ito ay may implikasyon sa isa’t isa.

18
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Tukoy na Paksa at Layon.

Ang tukoy na paksa at layon pananaliksik ay nakakawing sa dalawa: 1) paksa ng sitwasyong


pangkomunikasyon kung saan  ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman  na kanyang bubuuin, at 2)
sa kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa, kung siya ay lalahok
sa isang harapang talakayan ng mga estudyante hinggil sa patakaran sa Filipino o bilingual, mas
mabuting malinaw sa mananaliksik ang paksa ng sa pagsasalita ng purong Ingles sa loob ng klase
maliban sa oras ng mga kursong itinturo talaga talakayan at ang panig nito.

Pakay sa Paglahok sa Sitwasyong Pangkomunikasyon

Batay sa paksa ng sitwasyong pangkomunikasyon, magdedesisyon ang mananaliksik kung


anong pakay sa paglahok dito. Kumbaga ba, ano ang inaasahan niyang mangyari sa kapuwa-kalahok
o audience pagkatapos niyang ipahayag ang kaalaman sa talakayan hinggil sa patakaran sa
pagsasalitang purong Ingles sa klase? Halimbawa, pakay ba niyangh madagdagan ang kaalaman,
mapalalim ang pagkaunawa, at maitaas ang kamalayan, madebelop ang pagpapahalaga,
makumbinsing pumanig sa isang posisyon, sumuporta sa adbokasiya, o mahimok gumawa ng aksyon
hinggil sa polisiya ang mga kapwa-kalahok sa talakayan?

Kung ang paksa naman ng talakayan ay desisyon ng pagsuporta o pagtutol sa patakaran


depende sa bentahe at disbentahe ng pagsasalita ng purong Ingles sa klase, ang isang tutol sa
patakaran ay malamang na may pakay na makumbinsi ang mga kapuwa kalahok na pumanig sa
posisyong laban sa patakaran. Sa gayon, dapat iakma niya ang mga layon ng kaniyang pananaliksik
sa paksa ng talakayan sa kaniyang pakay sa paglahok ditto. Ang mabubuo niyang kaalaman batay sa
layong ito ay magagamit niya sa pakay na pangungumbinsi. 

Konsiderasyon

Ito naman ay isang uri ng kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon sa pagbuo ng pahayag


ng kaalaman at pagpili ng plataporma ng pagpapahayag kung ang isang indibidwal ay naimbitahan 
bilang tagapagsalita sa isang seminar, malamang na susulatin niya ang kaniyang talumpati na
naglalaman ng kaalamang binuo niya sa pananaliksik. Mahalaga na nakaorganisa nang maayos ang
mga iimpormasyon at ang daloy ng ideya sa talumpati, babasahin o kakabisaduhin man ito. Kung
may tanungan pagkatapos niyang magsalita. Kailangan niyang magi8ng nhanda sa mga
posiblengtanong at sagot. Kung gagamit naman ng midya para magpahayag ng kaalaman, aalamin
niya kung ano ang angkop na midya na epektibong makapagpapahayag ng kaalaman binubuo niya

19
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

kakabisaduhin niya kung ano-ano ang katangian ng napiling midya, paano ito pinoprodyus, at paano
nito maipapahayag nang malinaw at sapat ang kaalamang nabuo sa pananaliksik.

20
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Mainam din na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan sa mga mungkahi nina Santiago at
Enriquez (1982) para sa maka-Pilipinong pananaliksik. Una, iugnay sa interes at buhay ng mga
kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa. Pangalawa, gumamit ng mga pamamaraan  ng pagsisiyasat na
nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura at katanggap-tanggap sa atingg mga kababayan.
Pangatlo, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok, lalo na iyong makabuluhan
sa kanila.

Mulaan ng Batis ng Impormasyon: mapanuring pagpili sa Samo’t saring Batis

Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa, facts,


and figures at datos (halimbawa obserbasyon, berbal at biswal na teksto, artefact fossil) na kailangan
para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang
realidad. Ang mga ito ay maikakategorya sa dalawang pangunahing uri: primarya at sekundarya.

Primarya at Sekundaryang batis

Ang primaryang batis ay mga original na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang


nagmula sa isang indibidwal, grupo, o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng
isang paksa o penomeno. Halimbawa ng mga primaryang batis ang sumusunod:

 mula sa harapang ugnayan sa kapuwa- tao:

1. pagtatanong-tanong

2. pakikipagkuwentuhan

3. panayam o interbyu

4. pormal, impormal, instrukturado o semi-estrukturadong talakayan

5. umpukan

6. pagbabahay-bahay

 mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang elektroniko

1. awtobiyograpiya

2. talaarawan

21
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

3. sulat sa koreo at email

4. tesis at disertasyon

5. sarbey

6. artikulo sa journal

22
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

7. balita sa dyaryo, radyo, at telebisyon

8. mga record ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon,  katitikan ng pulong,


kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang pang-organisasyon,

9. orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testamento

10. talumpati at pananalita, at

11. larawan at iba pang biswal na grapika

 iba pang batis 

1. harapan o online na survey

2. ariefact kagaya ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen  pera, kagamitan, at


damit;

3. nakarekord na audio at video

4. mga blog sa internet na naglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon;

5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet, at

6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting at music video

Ang sekundaryang batis naman ay pahayag  ng interpretasyon, opinion at kritisismo


mula sa mga indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba , o
nagsaliksik sa isang paksa o penomeno. Kasama rito ang mga “account o interpretasyon” sa
mga pangyayari mula sa taong hindi dumanas nito o “pagtalakay sa gawa ng iba” (Hinampas,
32016, p. 51)

Halimbawa ng Sekundaryang batis ang sumsunod:

1. ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagayang editorial, kuro-kurong  tudling, sulat patnugot, at


tsismis o tsika,

2. encyclopedia

23
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

3. teksbuk

4. manwal at gabay na aklat

5. diksyonaryo at Tesoro

6. kritisismo

24
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

7. komentaryo

8. sanaysay

9. sipi mula sa orihinal na pahayag o teksto

10. abstrak

11. mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng Power Point presentation, at

12. sabi-sabi

Alinman sa mga sekundaryang batis ay maaaring maging primaryang batis kung ito ang
mismong paksa ng pananaliksik. Halimbawa, ang nilalaman ng tsismis na pang-showbiz na
nalalathala sa mga diyaryo at ang katuturan nito sa buhay ng mga Pilipino ay maaaring maging paksa
ng isang pag-aaral ng diskurso. sa gayon, ang tsismis ay itinuturing na primaryang batis dahil ito
mismo ang susuriin.

Sa pangkalahatan, sa dalawang uri ng batis, binigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang


primary kaysa sekundaryang batis sapagkat ang una ay nanggaling sa aktuwal na karanasan,
obserbasyon, o pagsisiyasat kaya itinuturing na mas katiwa-tiwala kaysa pangalawa. Ngunit hindi
dapat ipagbalewalang bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng
kaugnay o alternatibong perpektiba at kabatiran na magpapatatag sa kaalamang binubuo ng
mananaliksik, lalo na kung ang mga ito ay mula sa kinikilalanag eksperto.  

Sa pagsangguni sa isang  espesipikong primaryang batis, maging pamilyar sa paalala ng mga


bihasang mananaliksik na gumagamit nan nito.Iwasan ang nalathala sa mga tinatawag na predatory
journal na hindi kinikilala sa akademya bilang  kapani-paniwala at katiwa-tiwalang sanggunian.

Sa pagsangguni sa mga sekundaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga


sanggunian na ang nilalaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman (halimbawa; Wikipedia)
Bagamat madali itong mapuntahan at impormatibo, kailangang tiyakin ng laman nito sa pamamagitan
ng pagsangguni sa iba pang mga batis. Maaari namang sumangguni sa mga teksbuk sa
pagbabalangkas ng depinisyon ng mga salita, lalo na ng mga teknikal na katawagan.  

25
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa harapang ugnayan sa kapuwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang


mga indibudwal o grupo na direktang nakakaranas  ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado
nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito, o kaugnay nito.

 Ilan sa mga kalakasan ng harapang ugnayan ang sumusunod:

1. maaaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa 

26
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

    tagapagbatid,

2. makapagbigay ng angkop na kasunod na tanong (follow –up question) sa kanila,

3. malinaw niya agad ang sagot, 

4. naobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresyon.

Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas maraming oras para sa fieldwork
lalo na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. Bentahe naman sa
mediadong ugnayan ang:

1. pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa malalayong lugar sa anumang oras
at pagkakataon kung kalian nila maisisingit ang  pagreresponde,

2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal
ng mananaliksik angmga tagapagbatid, at

3. ang mas madaling pag-oorganisa ng datos , lalo na kung    may elektronikong Sistema na
ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa: mga online survey tools, digital
transcriber, video analysis software, computer assisted qualitative data analysis)

Kailangan ng matibay na dahilan sa pagpili ng mga tagapagbatid sa kwantitatibong disenyo


ng pananaliksik. Kadala’y hangad ang random na pagpili ng kalahok lalo na kung hangad ang
paglalahat mula sa sample ng isang populasyon. Sa kwalitatibong pamamaraan naman, pakay ang
dibersidad sa katangian ng mga tagapagbatid, maliban kung kahingian sa pananaliksik ang
pagkakatulad ng isa o ilang partikular na katangian ng mga paksa.

Midya  Bilang  Batis  Ng  Impormasyon 

Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon , kailangan ding pag-isipang mabuti
ang kalakasan, kahandaan, at kaangkupan nito para sa binubuong pahayag ng kaalaman. Dapat
unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, ang angkop na uri ng midya, at kredibilidad ng
tukoy ng midya.Halimvawa, kung ang mananaliksik ay lalahok sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon kung saaan pakay niyang itaas ang kamalayan ng audience hinggil sa pang-
aabuso sa mga katutubong pangkat etnolingwistik, , ang mga midyang puwede niyang pagsanggunian
ay kinabibilangan ng mga nakaimprenta at online na diyaryo na nagtatapok ng mga balita at lathalain
tungkol sa paksa, sa website ng mga organisasyon  o grupo na may adbokasiya para sa mga katutubo,
27
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa mga account sa social media ng mga indibidwal at grupohng may malasakit sa kanila, at sag a ulat
ng ahensya ng gobyerno na  inaasahang mangalaga sa Kapakanan ngn mga katutubo.

28
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Iminumungkahing rebyuhin ng mananaliksik ang mga pamamaraan ng pagpili ng batis ng


impormasyon, kapuwa-tao man o midya, na establisado na sa larangan ng pananaliksik.Palasak sa
mga kwantitatibong disenyo ng pagsaliksik ang pagpili ng respondent o kalahok sa pamamagitan ng
iba’t ibang klase ng probability, sampling (halimbawa; simple random, stratified, systematic, cluster)
at nonprobability sampling (halimbawa; convenience, judgmental, snowball, quota) (Baxter &
Babbie, 2004). Sa mga kuwalitatibong disenyo naman, madalas gamitin ang purposive o purposeful
sampling kagaya ng theoretical, maximum variation, typical case , critical case, extreme o deviant
case, atcriterion ( Lindlof & Taylor, 2002)

Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa

Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng impormasyon, kailangang paghandaan


ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan  at datos. Ang pamamaraan ng
pagkalap ndatos at bahagi ng disenyo ng saliksik kung kaya inaasahang natukoy na nito ng
mananaliksik bago pa man siya pumili ng batis ng impormasyon.Sa kwantitatibong disenyo , palasak
ang pamamaraang sarbey na ginagamitan ng talatanungan at eksperimento na may pretest at posttest.
Sa kuwalitatibong  disenyo, malawak ang pagkakaiba-iba ng mga pamamaraan, pero mas palasakang
panayam at pangkatang talakayan.

Tambalan ng  Pangangalap at Pagbabasa ng Impormasyon

Maraming disenyo ng pananaliksik (halimbawa; sarbey, eksperimento, sosyometrikong


analisis) kung saan kailangang munang malikom ang datos bago ang pagbabasa at pagsusuri nito.
Subalit mayroon ding mga disenyo kung saan pinagtatambal ang dalawangg magkakahiwalay na mga
gawaing ito.. Halimbawa, sa kaso ng ilang midya bilang batis ng impormasyon (halimbawa ; ang
publikasyon, tesis, disertasyon, aklat, ulat), kailangan ang panimulang pagbabasa habang
nangangalap ng impormasyon kung hindi pa natutukoy ang espisiipikong  sanggunian mula sa isang
uri ng batis na napili. 

May mga kuwalitatibong disenyo sa pamamaraanna nagbibigay puwang sa relatibong


pagsasabay-sabay ng pangongolekta, pagbabasa at pagsusuri ng impormasyon lalo na kung
etnograpiko ang dulog at kung minimithi ang punto ng saturation ng mga tema ng kaalamanna
pinapalitaw batay sa mga layon ng pananaliksik (Baxter & Babbie, 2004, p. 79) 

Sa pangangalap ng impormasyon may pagkakaiba sa proseso kung tao ang napiling


panggagalingan ng datos, sa isang banda, at kung midya ang napiling batis ng katunayan, sa kabilang

29
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

banda. Bilang paghahanda, kung kapuwa-tao ang natukoy na batis, timbangin kung mas praktikal at
angkop ang harapan o mediaddong pakikipag-ugnayan; tukuyin ang espisipikong pamamaraan at

30
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

instrument ng pagkuha ng datos, at magkaroonh ng kaalaman sa mga etikal na panuntunan


dahil kapuwa ang kasalamuha.

Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-Tao

Ang ating mga kapuwa-tao ay mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang
maaaring masabi batay sa kanilang mga karanasan, maaari nilang linawin agad at dagdagan pa ang
kanilang mga sinasabi sa mananaliksik; at may kapasidad din silang mag-imbak at magproseso ng
impormasyon. Sa panahon ngayon palasak at kalat na ang teknolohiyang pangkomunikasyon, maaari
silang makausap nang online, bukod pa sa posibilidad na sila’y makasama sa isang harapang
interaksyon. Importanteng ipaalam agad sa mga tagapagbatid na sila at napili para sa isang
pananaliksik, hingin ang kanilang permiso na lumahok, at isangguni sa kanila ang takdang lugar,
araw, at oras ng harapan o mediadong interaksyon para sa pangangalap ng datos.

Ang pagdedesisyon kung harapan o mediado ba ang interaksyon ay nakasalalay sa pagiging


angkop at katanggap-tanggap  ng harapan o mediadong ugnayan sa mga tagapagbatid, espisipikong
metodo ng pangangalap ng datos, at limitasyon ng mananaliksik  at tagapagbatid. Halimbawa; nais
malaman ng mananaliksik kung ang mga Kabataan  sa kanilang bayan ay pabor o hindi pabor sa
pederalismo bilang Sistema ng pamahalaan sa PIlipinas. Para masagot ang layon ng pananaliksik,
maaari siyang magsagawa ng survey sa internet . 

Ang pagsasagawa ng online survey ay tanggapin na ngayon  ng mga Kabataan at mas


praktikal dahil maaari itong sagutan sa bahay ng respondent anumang oras.  Kung nais naman ng
mananaliksik  na malaman ang iniisip at saloobin ng mga Kabataan sa kanilang bayan hinggil sa
pederalismo at ang napili niyang mga pamamaraan ay pakikipagkuwentuhan at pangkatang talakayan,
higit na mainam ang harapang pakikipag-ugnayan, lalo pa kung hindi lahat ang mga tagapagbatid at
kalahok ay may access sa internet para sa isang kuwentuhan o talakayan online. Sa mga mananaliksik
sa deskriptibo at kuwalitatibo  ang harapang interaksyon ay inaasahang makapagbibigay ng mas
mayamang datos at magagawa ito sa pamamagitan ng fieldwork.

Eksperimento

Sa kontekstong Agham Panlipunan, ang eksperimento ay isang kwantitatibong disenyo ng


pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng independent variables, na nagsisilbing interbensyon,
sa dependent variables, na tinatalaban ng interbensyon . Halimbawa; ano ang epekto ng paggamit ng
bernakular sa pagtuturo sa klase(independent variable) sa antas  ng kaalaman ng mga mag-aaral
hinhhil sa isang paksa sa Agham (dependent variable)? Madalas gumagamit ng control at
31
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

eksperimental na mga pangkat ng kalahok para mapagkumpara ang result sa pagitan ng pangkat na
hindi ginagamitan ng interbensyon  (kontrol) at sa pangkat na ginagamitan nito (eksperimental).

32
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Limitado ang gamit ng eksperimental sa Agham panlipunan at nahaharap ito sa maraming


banta sa katumpakan (Baxter & Babbie, 2004)

Survey

Ang survey ay ginagamit sa mga deskriptibo at kuwantitatibong pag-aaral ng malalaking


populasyon para sukatin ang kaalaman, persepsyon, disposisyon, nararamdaman, kilos, gawain, at
katangian ng mga tao (baxter & Babbie, 2004). Ito ay ginagamitan ng talatanungan at maaaring
isagawa ng harapan o online. Mahalaga ang organisado, malinaw atespisipikong mga panuto at
katanungan sa pagsa-survey. Maaaring magbigay ng open-ended na tanong sa survey, subalit hindi
inaasahan na makakakuha ng komprehensibong sagot mula sa mga respondent kumpara sa interbyu at
iba pang kuwalitatibong  pamamaraan.

Interbyu

Ang interbyu  o panayam ay isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang


tagapagtanong at tagapakinig at ng tagapaghatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon (Baxter &
Babbie, 2004) Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabay na tanong, na ang
pagkakasunod-sunod ay mahalaga upang matiyak ang komsistensi sa lahat ng tagapagbatid. Sa semi-
estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang mananaliksik, subalit puwede
niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari rin niyang dagdagan
kung mayroon siyang mga follow-up na tanong. sa di-estrukturadong interbyu, hindi kahingian  ang
mga gabay na atnong  upang mas  natural ang daloy  ng usapan, subalit makabubuti na kahit paano’y
laging tinatandaan ang mananaliksik  sa layon at paksa na kanyang sinisiyasat habang nag –iinterbyu
para magabayan  si8ya sa mga dapat itanong at malaman. Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga
datos na hindi direktang naoobserbahan, sa pag-unawa sa iba’t ibang kahulugan ng karanasan o
penomeno batay sa punto de bista ng tagapagbatid, sa pag-aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa mas
malalimang paggalugad sa iba’t ibang aspekto ng isang paksa (Baxter & Babbie, 2004).

Focus Group Discussion

Ang focus group discussion (FGD) naman ay isang semi-estrukturadong talakayan na binubuo
ng tagapagpadaloy, na kadalasa’y ginagampanan  ng mananaliksik, at anim hanggang sampung
kalahok. Gamit ang gabay na mga tanong ang tagapagpadaloy ay nagbabato ng mga tanong at
nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok. Sinisigurado niyang lahat ng lalahok ay may pagkakataon
na magbahagi ng ideya o impormasyon. 

33
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ilan sa mga bentahe ng FGD ang sumusunod

34
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

1. naitatama, napapasubalian, o nabeberipika ng mga kalahok ang impormasyong ibinabahagi;

2. may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag sila’y magkakasamang
nag-uusap (na maaaring di limabas sa indibidwal na interbyu); at 

3. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag-usapan sa isang


pagtitipon.

Kahinaan ng FGD kapag:

1. may dominante sa grupo,

2. may nag-aagam-agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinigay ng


iba,

3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok, at

4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil, nahihiyang magkamali, mapuna, o matsismis. sa


mga ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang tagapagpadaloy upang maging
organisado,mahinahon, masigla, at kawili-wili ang talakayan.

Pakikisangkot habang Pakapa-kapa

Sa hanay ng mga pamamaraan maka-Pilipino , maraming mapagpipilianang isang


mananaliksik, depende sa layon ng pananaliksik at dulog ng pangangalap ng datos. Sa kaniyang
pananaliksik hinggil sa pagkalalake, halimbawa, ginamit ni Santiago (1977) ang pakikisangkot sa
buhay ng mga tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang mga komunidad sa loob ng
maraming araw sa tatlong buwan. Nakilahok siya sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain habang
isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa-kapaang dulog ng pangangalap ng datos, hindi siya
nagbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago ang fieldwork para hindi makulayan ang kaniyang
pananaw.  Bilang dulog, ang pakapa-kapa ay isang eksplorasyon hinggil sa isang paksa sa konteksto
ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong pamamaraanng pagkuha
ng datos kagaya ng “pagmamasid, pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at
pakikisangkot” (Torres, 1982,p.171).

Pagtatanong-tanong

35
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Marami ng mga mananaliksik ang gumamit ng pagtatanong-tanong sa pagkalap ng katunayan


at datos. Ang pagtatanong-tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon:

1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapagbatid;

36
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

2. kung hindi tuwirang matatanong ang mga taong may direktang karanasan sa paksang
sinisiyasat;

3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa; at

4.kung nais maberipika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid
(Gonzales, 1982). Nagtatanong –tanong din ang mananaliksik kung hindi niya masyadong gamay o
wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal at bernakular na wika ang ginagamit
para madaling magkaintyindihan ang nagtatanong at ang tinatanong (Gonzales, 1982). Sa ganitong
pamamaraan, may mga dapat isaalang-alang ang mga mananaliksik hinggil sa katangian ng
tagapagsiyasat, pook ng pagtatanong-tanong  at panahon ng pagsasagawa nito. (Gonzales, 1982).

Pakikipagkuwentuhan

Pakikipagkuwentuhan naman ang ginamit ni De Vera (1982) upang pag-aralan ang pakikiapid
sa isang baryo sa Camarines Norte. Ito ay isang di-estrukturado at impormal na usapan ng
mananaliksik at mga tagapagbatid hinggil sa isa o higit pang paksa kung saan ang mananaliksik ay
walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi niya pinipilit igiya ang daloy sa isang direksyon.
Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan, kundi ang pagigng “Malaya” ng mga
kalahok na “magpahayag ng anumang opinyon o karanasan” at magbigay ng berbal at di berbal na
ekspresyon nang “walang takot” o pag-aalinlangan na “ang binitiwan niyang salita  ay magagamit
laban sa kanya sa hinaharap” (De Vera, 1982). Wala rin sa kahingian ng pakikipagkuwentuhan na
ganapin ito sa isang tiyak nalugar at oras. Madalas na nangyayari na lamang ito nang walang kaabog-
abog habang ang mananaliksik ay nasa fieldwork.

Pagdalaw-dalaw

Sa pag-aaral ng kahirapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa Malabon, Rizal


, ang isa sa mga metodo  ng pangangalap ng datos   na ginamit nina Gepigon at Francisco (1982) ay
pagdalaw-dalaw. Ayon sa kanila, ang pagdalaw-dalaw ay ang “pagpunta-punta at pakikipag-usap” ng
mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay magkakilala, matapos magkakilala at makuha ang loob ng
isa’t isa, mas maluwag na sa kalooban ng tagapagbatid na ilabas sa usapan “ang mga nais niyang
sabihin bagama’t maaaring may ilan pang  pagpipigil” (1982,p.194). Ito ay maaaring kaakibat din ng
ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipagkuwentuhan at p0akikilahok.
Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago ito palalimin at palawigin ang mga impormasyong
kinakalap mula sa mga tagapagbatid.

37
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pakikipanuluyan

Ginamit naman ni NIcdao-Henson (1982) ang pakikipanuluyan sap ag-aaral ng kosepto  ng

38
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

panahon ng mga taga-Tiaong, Guiguinto, Bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang


ito, dumalaw-dalaw muna siya sa barangay hanggang sa nanirahan na siya ng tatlong buwana ditto
para sa kaniyang pag-aaral. Sa pakikipanuluyan, siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa
ilan sa kanilang mga aktibidad kagaya ng pagkukuwrntuhan, at pagdalo  sa iba’t ibvang pagtyitip[on,
pagmamasid sa mga nagaganap sa kapaligiran, at pagtatanong-tanong  hinggil sa paksang
sinasaliksik. Sa gayon, masasabing ang pakikipanuluyan ay pangmatagalan at masaklaw na
pamamaraan dahil ginagawa ito sa loob ng maraming araw at kaakibat ng iba pang mga espesipikong
pamamaraan ng pagkuha ng datos. 

Ang mananaliksik ay hindi lamang nakikitira sa isang bahay at nakikisangkot sa buhay ng


isang pamayanan, kundi siya rin ay nagmamasid, nagtatanong-rtanong, nakikipagkuwentuhan, at
nakikilahok sa mga gawain. Sa pakikipanuluyan, inaasahang mas malalim at komprehensibo ang mga
impormasyong malilikom ng mananaliksik. Hindi ito kataka-taka dahil ang pakikipanuluyan “ay isa
sa pinakamabisang pamamaraan upang mapaunlad ang pakikipagkapuwang isang tao” (San Juan &
Soriaga, 1985, p433).

Pagbabahay-bahay

May pagkamasaklaw rin ang pagbabahay-bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay
ng tagapagbatid ang mananaliksik, nagmamasid, nagtatanong-tanong, at nakikipagkuwentuhan o
nakikipagpanayam din siya. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsagawang survey, pero
itinuturing ding etnograpikongh pamamaraan kung saan inasahang makakakuha ng hitik, kompleks,
at malalim na impoemasyon mula sa maraming tagapagbatid.

Pagmamasid

Ang pagmamasid naman ay maaaring magamit hindi lamang sa paglikom ng datos mula
kapuwa-tao kundi pati na rin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa madaling
salita, ito ay pag-oobserba gamit ang mata, taynga, ilong at pandama sa tao, lipunan, at
kapaligiran.Ang pagmamasid ay kaakibat din ng iba pang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos
kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay-bahay, at pakikipanuluyan.

May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): 

1.complete observer(ganap na tagamasid); 

2. complete participant (ganap na kalahok); 

39
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

3. observer as participant (tagamasid bilang kalahok); 

 4. participant as observer (kalahok bilang tagamasid) . 

40
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa pagpli ng angkop na papel sa pagmamasid, dapat pag-aralang mabuti ang kalakasan


at kahinaan ng bawat isa at isaalang-alang ang layon at disenyo ng pananaliksik. May etikal
na isyu naman ang papel ng ganap na kalahok kaya kailangang timbanging mabuti kung ang
paglilihim sa mga tagapagbatid ay mabibigyang katuwiran ng mabuting intensyoin ng
pananaliksik at kung ito ay hindi magdudulot sa kanila ng kapahamakan. (Baxter *& Babbie,
2004,pp.307-309).

Instrumento sa Pagkalap ng Datos mula sa Kapuwa-Tao

 Parehong harapan at mediado na pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa-tao, dapat


ihanda ng mananaliksik ang angkop na instrument. Ang ila sa mga instrument na karaniwang
ginagamit ay ang sumusunod:

Talatanungan at gabay na katanungan. 

Gumagamit ng isang organisado at estrukturadong talatanungan kung ang gagawin ay survey


hinggil sa mga katangiang socio-demographic, kaalaman , persepsyon, aktitud, at iba pang variable.
Maghanda naman ng gabay na tanong kung interbyu at talakayan ang pamamaraan. Dapat na may
baonding mga tanong ang mananaliksik, subalit hindi niya dapat ito pilit na ipapasok habang
nakikiopag-usap sa mga tagapagbatid lalo na kung wala sa oras at lugar.

Pagsusulit o eksaminasyon . 

Lalo na sa mga kwantitatibong pananaliksik, ginagamit ang mga instrumentong sumusukat sa


kaalaman, kakayahan, aktitud, at kilos ng mga kalahok kagaya ng pagsusulit at eksaminasyon. Ang
mga ito ay nararapat buuin sa tulong ng mga eksperto sa paksang sinasaliksik.Halimbawa, palasak sa
eksperimental na disenyo ng pananaliskisik sa sikolohiya, sosyolohikal na pagsusulit , at pagtatasa ng
kasanayan ng mga mag-aaral sa wika, ang pagsulat ng sanaysay o pagtatalumpati na binibigyan ng
karampatang iskor batay sa mapagkakatiwalaang rubric.

Talaan sa fieldwork.

 Ang talaan ay hindi lamang nagsisilbing listahan ng mga tao, bagay, lugar at pangyayari na may
kaugnayan sa pananaliksik, kundi naglalaman din ni iniisip, agam-agam, repleksyon, at napantanto ng
mananaliksik hanbang nangangalap ng datos sa isang lugar. Dito isinu7sulat ang mga
obserbasyonghindi nakuha o nasagap sa elektronikong rekorder, at kung nairekord man ang isang

41
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

interaksyon sa pagitan ng mananaliksik at tagapagbatid, ang talaan ay mahalaga pa rin sa


pagbeberiipika ng impormasyon.

Rekorder.

Maaaring irekord ang audio o video ang nagaganap nan usapan ng mananaliksik at tagapagbatid
kung ito ay may pahintulot sa huli. Karaniwang inirerekord ang panayam at pangkatang talakayan
kagaya ng FGD. Tnitimbang naman kung kailangang irekord  sa anumang elektronikong

42
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pamamaraan kagaya ng pakikipagkuwentuhan, pagdalaw-dalaw, at pakikipanuluyan, lalo na


kung minimithi ang likas na daloy at samahan sa interaksyon ng mananaliksik at tagapagbatid. Ang
paggamitr ngb rekorder , lao na kung alam ito ng tagapaagbataid, ay maaaring makapagdulaot sa
kanya ng agam-agam na magbahagi nang bukal sa loob.Nagdadala ito ng iba pang balakid sa
manqanaliksik, lalo na sa mga lugar na nakakaranas ng pang-aabuso, pagmamalabis, o
pagsasamantala mula sa ahensiya ng gobyerno at pribadong institusyon.

Pangangalap ng Impormasyon mula sa mga Aklatan

May  mga katunayan at datos na hindi  sa kapuwa-tao direkta at tahasang maaapuhap, kundi mula
sa mga midya at iba pang mga material na maaaring matagpuan sa mga aklatan. Saa puntong ito,
mahalagang linawin na ang midya ay kahit na anong teknolohiya—pisikal o birtuwal na ginagamit sa
pagbabahagi ng impormasyon mula sa tagapagbatid o sa prodyuser tungo sa mambabasa,
tagapkinig,o manonood. Ang bawat aklatan ay puno ng mga midya tulad ng mga libro, journal,
magasin, diyaryo, tesis, at disertasyon, encyclopedia, diksyunaryo, globo, at marami pang iba.
Mahalaga ang aklatan dahil ditto makikita ang maraming sanggunian na magagamit sa pananaliksik.
Sabi nga ni Almario (2016), dapat nang nadebelop ang interes ng mga bata na dumalaw sa aklatan 
habang sila ay nasa elementarya pa lamang. Aniya, mas mabuting maipakilala na ang akilatan sa
unang baiting  ps lamang sa pamamagitan ng pagbisita rito. 

Pagkatapos, maaari nang ipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng aklatan at ituro ang mga
sumusunod: iba’t ibang dibisyon o seksyon  kung paano nakaorganisa ang mga libro, kasama ana ang
tamang paggamit ng kard katalog, mha panunutunan sap ag-iingat ata pagbabasa ng libro, at ang
proseso ng pananaliksik sa aklatan, kasama na ang sistematikong pagtitpon ng mga gagamiting aklat
at iba pang sanggunian (Almario, 2016, p5)

Magkagayunpaman, bigyang pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyon sa


aklatan.:

Una, alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa
sa isang pananaliksik. 

Pangalawa, gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung aklatan ng ibang paaralan,


kolehiyo, o unibersidad ang pupuntahan. Magtanong –tanong din hinggil sa mga protocol at
patakaran na pinaiiral sa aklatang natukoy. 

43
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangatlo, kung hindi man kailangan ng sulat kagaya sa ilang pampublikong aklatan, alamin ang
mga kahingian bago makapasok at nakagamit ng pasilidad at mga resources ng aklatang bibisitahin. 

44
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pang-apat, rebyuhin ang sistemang Dewey Decimal at sistemang Library of congress dahil
alinmansa dalawang ito ang madalas na batayang klasipikasyon ng mga aklat ng pangkalahatang
karunungan(Hinampas, 2016,pp.51-55).

Panlima, tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at


ilanpang mga printed ba material kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabasa kung marami
ang sangguniang bubulatlatin.

 Pang-anim, gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga
sanggunian o bago puntahan ang seksiyon o dibisyon ng aklatan. Panghuli, huwag kalimutang
hulughugin ang pinagkukunan na onlie ng aklatan gaya ng subskripsyon sa journals, e-book, e-
database, at iba pang batis ng impormasyon sa internet. 

Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online na Materyal.

Sa kasalukuyang panahon ng internet at digital  na teknolohiya maakses ang maraming


primaryang batis ng impormasyon hindi lang sa kompyuter na laptop at destop kundi pati sa mga
maliliit na gadyet na gaya ng cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang
mga artikulo sa journal, balita sa online  news site at account sa karanasan sa blog. 

Marami ng journal sa Pilipinas ang nakalagak sa Phillipine E-Journal  Database, partikular na


ang mga journal na naglalathala ng mga artikulo sa Filipino tulad ng Daloy, Dalumat, Hasaan, Layag
at Malay. Mababasa rin sa internet ang mga artikulong online ng journal ng Katipunan. 

Sa listahan naman ng online news sites, mas kilala ang website ng malalaki o matatagal nang
kumpanya ng midya kagaya ng ABS-CBN, GMA 7, PTV, CNN, malaking usapin ngayon sa bansa
ang isyu ng kredibilidad ng online ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad
ang mga online news.

Prayoridad ang online news na:

1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may
iba’t ibang panig.

2. pumupuna sa sarili o umamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata, at

3. hindi naglalabas ng mga propaganda nagpapabago sa pangalan ng isang tao, grupo, o institusyon
habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.
45
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa pagbabalanse ng mga impormasyon, lalo na kung malaking kinalaman sa mga isyung


pambansa, makabubuting sumangguni ang mananaliksik sa iba’t ibang online na batis ng
impormasyon gaya ng sumusunod:

46
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

website ng pamahalaan , 

halimbawa; aphillipine Information Agency (http/ pia.gov.ph, na nagbabalita ng mga ginagawa


ng gobyerno, at Official Gazette (http// www.official gazette.gov.ph) na naglalathala ng mga kopya
ng mga batas, proklmasyon, memorandum order, administrative order, at iba pa.

website ng mga ahensiya ng panahalaan

halimbawaKagawaran ng Agriultura (http//www.da.gov.ph), at kagawaran ng Edukasyon


(http//www.deped.gov.ph)

website ng mga samagang mapanuri ay adbokasiyang panlipunan

at mhalimbawa: IBON Foubdation (http//ibon.org) at Phillipine Center for Investigative


Journalism (http.// pcj.org) ; at 

website na gumagawa ng fact check,

 halimbawa; Vera Files (http//verafiles.org/specials/fact-check)

Maraming klase ng blog na matatagpuan sa Internet. Bigyang-pansin ang blog ng mga kilalang
eksperto  sa paksang sinasaliksik. Puwede ring bulatlatin ang mga impormatibong blog na
nagtatampok ng sariling karanasan at obserbasyon ng manunulat gaya ng mga blog tungkol sa
pagkain, paglalakbay at pamamasyal, palakasan, misika, potograpiya, at kalusugan.

Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya

Maraming impormasyon ang maaaring makuha sa mga pangmadlang midya gaya ng radyo ,
dyaryo, magasin, telebisyon, pelikula, at Internet (particular na sa Youtube at iba pang website na
nakaakses ng publiko ). Para makakalap  ng datos mula sa radyo at telebisyon, abangan ang programa
o palabas sa oras ng broadcast nito. Mas mabuting irekord ito para mabalik-balikan habang sinusuri.
May mga estasyon ng telebisyon at radyo na nagpapaskil ng kopya ng mga programa o palabas sa
kanilang website sa Internet na maaaring i-download ng mananalaiksik kagaya ng ilan sa mga
nabanggit na online news sites sa itaas. Kung pelikula ang batis ng impormasyon, mas mainam na
bumili ng kopya nito o manghiram sa kakilala sa may kopya kinuha sa paraang naaayon sa batas.

Maari ring sadyain ang prodyuser ng programa sa radyo at telebisyon, ang tagapaglathala   ng
dyaryo, magasin , komiks, at pocketbooks, ang prodyuser ng pelikula, awit, edukasyunal na video,

47
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pangmusikang video, at ang lumikha ng estruktura at painting. Sa ilang aklatan, may koleksyon din
ng iba’t ibang midya na maaaring mahiram.

Ang pangmadlang midya ay nahaharap sa malaking isyu ng kredibilidad at pagiging katiwa-


tiwala kahit itinuturing itong pang-apat na estado ng lipunan na nagbabantay sa gobyerno, sagana
sa bago at kawili-wilin para sa mga palabas, at ang komersyalisadong oryentasyon ng mga palabas
impormasyon, mapagkukunanng napapanahong impormasyon hinggil sa lipunan, at palasak na saan
mang lugar sa bansa. Hindi maiiwasang isipin kung kaninong interes ang kinakatawang ng
pangmadlang midya, partikular na ang mga impormasyong ipanapahayag dito, ang pamamaraan

48
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ng pamamahayag, ang mga simbolikong representasyon pinipili para sa mga palabas, at ang


komersyalisadong oryentasyon ng mga palabas. Sabi nga ni Chomsky sa kanyang aklat na Necessary
Illussions, ang midya ay nagsisilbi sa kapangyarihan ng estado at negosyo, at sumusuporta sa mga
establisadong prebilihiyo ng iilan at naglilimit sa pagbabalitaktakan  at talakayan. 

Pagbabasa ng Impormasyon 

Kagaya ng nasabi na ng pagbabasa, lalo na ang masinsihnan at mapanuring pagbabasa ay


madalas na ginagawa kapag nalikom na ang lahat ng batis ng impormasyon na kailangan. Subalit may
mga disenyo rin ng pananaliksik kung saan minamabuti ang pagsasabay ng pangangalap ng datos at
pagbabasa nito. Dagdag pa, ang pagbabasa ay puwede na ring sabayan ng coding ng datos para
mabilang, na ang mga obserbasyon na pasok sa bawat variable (kuwantitatibong dulog) o mapalitaw
na ang mga kategorya ng impormasyon (Kuwalitatibong dulog) tungo sa pagbubuo ng pahayag ng
kaalaman.

Ang mga datos mula sa talatanungan ng survey ay kailanagng basahin at bilangin nang isa isa,
kompyutin ayon sa pangangailangang estadistika, at ilagay sa angkop na porma ng presentasyon
kagaya ng dayagram, talahanayan, at tsart. Binibilang at kinokompyut  din ang mga iskor galing sa
iba’t ibang klase ng eksaminasyon o test na ginamit bilang instrument ng pagkalap ng impormasyon.
Sa kaso ng kwantitatibong content analysis ng teksto, kailangan ang marubdob na pagbabasa ng datos
para matukoy ang mga bahagi o tipak ng teksto na uuriin ayon sa mga attribute ng bawat variable ng
pananaliksik.

Ang talaan sa fieldwork ay mainam na binabasa nang paulit-ulit habang nangangalap ng datos
para magabayan ang pananaliksik kung ano-ano na ang kaniyang pinagdaanan, nagawa, at nalaman,
kunh sinu-sino na ang kanyang nakausap at kung maaari, ang mga maikaling tala ay pinapalawig 
tuwing magkakaroon ng pagkakataon  para mas maging detalyado ang datos sa talaan. 

Ang mga inirekord na datos mula sa interbyu, talakayan, pakikipagkuentuhan, at iba pang
kuwalitatibo at etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng datos ay kailangang isalin. Ang
transkripsyon ang siyang babasahin at susuriin ng mananaliksik.

Sa pagbabasa ng impormasyon mula sa mga pangmadlang midya kagaya ng telebisyon, bidyo, at


pelikula, mas mainam na isalin muna ang audio. Pagkatapos panoorin ang midya na nakatauon sa
mga tauhan, galaw, at interaksyon nila, eksena, pinangyarihan ng mga eksena, iba’t ibang
simbolikong representasyon, naratibo, at/o iba pang simboliko at biswal na salik na sinusuri batay sa
layon at disenyo ng pananaliksik.
49
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

May ilang pangkalahatang gabay sa pagbabasa ng anumang teksto, kasama na ang transkripsyon,
Una, basahin nang ilang beses at unawaing mabuti ang teksto. Alamin kung mahalaga ang nilalaman
nito sa pagsagot sa mga tanong ng pananaliksik.

50
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalawa, maging matalas ang isipan sa mga pahiwatig sa teksto. Ayon kay Maggay (2002) ang
pahiwati ay isang katutubong pamamaraan  ng pagpapahayaga na di-tuwiraqng ipinaaabot ngunit
nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na pagbabasa ng
mga himaton o ng mga verbal at di-verbal na palatandaang kaakibat nito. Mahalaga ito para mailagay
sa tamang konteksto ang teskto at makagawa ng angkop na code ng mga impormasyon.

Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo


ng Pahayag ng Kaalaman

Ang  pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos managalap at magbasa ng mga katunayan at datos


para sa binubuong pahayag ng kaalaman. Subalit alalahanin  muli na may mga kuwalitatibong 
disenyo ng pananaliksik kung saan maaari nang magsimulang magsuri ng impormasyon habang
nangongolekta at nagbabasa pa lamang nito, lalo na kung hangad ang punto ng saturation ng mga
kategorya at tema sa pagbubuo ng bagong kaalaman .

Sa pagsusuri ng mga nakalap  na datos, hinahanapan ng mananaliksik  ng kaugnayan sa isa’t isa 


ang mga datos at ang bumubuo  siya ng buod hinggil dito. Gabay niya ang mga layon  ng
pananaliksik sa pag-uugnay-ugnay at pagbubuo ng mga datos. Ang mga kaugnayan at buod na ito ay
gagamitin niya sa pagtukoy sa mga pangunahing tema ng naprosesong impormasyon at sa pagabuong
pahayag ng kaalaman.

Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon 

Sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon mula sa iba’t ibang batis, kailangan ng mananaliksik ng


malinaw, matalas, metikuloso, at mapanuaring isipan. Bagama’t may mga mataeryal na tahasang
nagpapaliwanag ng kaugnayan sa isa’t isa ng mga nilalamang impormasyon, mas marami sa mga
batis ng impormasyon ay walang ganitong paglilinaw. Dagdag pa, karaniwang saligan ng isang
pananaliksik ang mga maraming batis ng impormasyon kung kaya’t nararapat lamang na nagtataglay
ang mananaliksik ng kasanayan sa pag-uugnay-ugnay ng mga impormasyon na iba’t iba ang
pinanggalingan (magkakaibang mga tao, grupo, at midya), iba-iba ang anyo ng
pagkakapahayag(magkakaibang istruktura, naratibo, presentasyon , at estilo); at madalas, iba’t iba
ang pinaghuhugutang persepktiba, teorya, o ideolohiya.

Sa pagsusuri ng mga datos  may iba’t ibang dulog sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon. 

51
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Una, maaaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon kagaya ng
pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at disbentahe , iba’ ibang anggulo at anyo/mukha, pagtataguyod,
pagsalungat/pagtutol, pagbatikos, paglilinaw, pagpapalalim, mga hakbang sa isang proseso at
elaborasyon.

52
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

 Pangalawa, puwede ring tingnan ang tinatawag na spradley (1979) na mga semantikong
relasyon sa pagitan ng mga impormasyon. Ayon sa kay Spradley (1979) , ang ilan sa mga halimbawa
ng sematikong relasyon ay ang sumsusunod:

 Istriktong paglalakip  (strict inclusion)

“Ang X ay uri ng “Y” Halmbawa”Ang komiks  magasin ay isang uri ng publiksayon (Habito-
Cadiz, 2008,p.50)

 Espasyal (spatial) “Ang X ay isang lugar/lunan sa Y”, “Ang X ay isang bahagi ng Y”.
Halimbawa “Ang silid-aralan ay bahagi ng pisikal at simbolikong espasyo ng buhay-estudyante. 
 Pagbibigay-katuwiran (rationale):  “Ang X ay isang rason para gawin ang Y”. “Ang kawalan ng
sapat na pagkaakitaan ang isang sapat na pagkakakitaan ang isang dahilan kung bakit pinahinto
ng magulang ang anak sap ag-aaral”. 
 Sanhi-bunga/kinalabasan (cause-effect): “Ang X ay resulta ng Y”,”Ang X ay sanhi/dahilan ng
Y”. Halimbawa: “Batay sa napag-alaman ni De Vera (1982), sa panig ng kalalakihan, ang
tuksuhan ng kapuwa lalaki ay sanhi ng pakikiapid sa ibang babae”.
 Lugar ng isang Kilos(place of action): “Ang X ay isang lugar para gawin ang Y”. Halimbawa “Sa
panahon ngayon, ang sinehan ay isang lugar para sa romantikong ligawan”.
 Gamit (function): “Ang X ay ginagamit para sa Y”. Halimbawa “Paliwanag ni Guieb (2014), ang
edukasyon ay ginagamit ng estado bilang kasangkapang ideolohikal(ideological state apparatus)
para hu7bugin ang kaisipan ng mga Mamamayan” (Guieb, 2004,p.254).
 Paraan-kinayarian(means-end): “Ang X ay isang pamamaraan para gawin ang Y”.Halimbawa,
“Noong panahon ng panunungkulan ni Ferdinand E. Marcos, ang pagdeklara ng Martial Law sa
buong bansa ay isang paraan para makontrol ng pamahalaan ang midya at lahat ng sangay ng
gobyerno.”
 Pagkakasunod-sunod (sequence). “X is a step or a stage in Y”. Halimbawa “Ang
pakikipagpalagayang-loob ay isa sa mga unang hakbang sa pakikipanuluyan.”
 Atribusyon (attribution): “Ang X ay katangian ng Y”. Halimbawa “Ang pagkahumaling sa Ingles
ay isang katangian ng kolonyal na kamalayan.” (Spradley, 1979,p.111)

Pangatlo, maaaribng gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik.


Ang pagkokoda ay isang intensibong proseso ng pagsusuri ng datos tungo sa pagbuo ng mga bagong
kaalaman. Sa kwantitatibong dulog sa coding, ang mga datos na nagmula sa mga instrumenting
ginamit (halimbawa, questionnaire, test, checklists, sociometric device) ay karaniwang binibilang at
ginagawan ng pagsusuri na estadistikal para malaman ang katuturan. 
53
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa kwalitatibong dulog naman, humahalaw ang mananaliksik ng mga kategorya ng impormasyon


at tema ng kaalaman mula sa datos. May iba’t ibang mga pamamaraan ng coding at nakadepende ang
gamit ng mga ito sa layon at disenyo ng pananaliksik. May dalawang pangunahing klasipikasyon ng

54
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagkokoda na inihain si Saldana (2009), ang unang sikulo, pinapalitaw ang mga kategorya ng
impormasyon na makikita sa datos. Ang kategorya ay isang salita o parirala na naglalarawan ng isang
bahagi o pangkat ng datos. Sa pangalawang sikulo, pinagtitibaypa ang mga kategorya at pinapalitaw
din ang mga tema. Ang tema ay tumutukoy sa dalawang bagay: 1) ang ugnayan n g ilang kategorya
sa isa’t isa, at, 2) ang mas masaklaw na diwa ng isa o higit pang kategorya. Ang ilang halimbawa ng
mga pamamaraan ng coding sa unang sikulo ay ang attribute coding, descriptive coding, versus
coding , in vivo coding, initial coding, values coding at stru7ctural coding (Saldana,2009)

Marami ding iskolar sa Agham panlipunan, ang tiwala sa pagkokodang ginagamitan ng


pamamaraan ng grounded theory na inilalarawan nina Strauss at Corbin  (1990). Nahahati sa tatlong
bahagi ang pamamaraang ito ng pagkokoda tungo sa paggawa ng mga bagong konsepto batay sa
teksto:  open, axial, at selective(Baxter & Babbie, 2004, p.374). Ang bukas na pagkokoda (open
coding) ay unang sikulo kung saan tinutukoy, pinapangalanan, inuuri, at inilalarawan ang mga
kategorya ng impormasyon na lumalabas o lumilitaw sa t5eksto (Lindlof & Taylor, 2002,p.219). sa
aksiyal na pagkokoda (axial coding), na nagsisilbing pangalawang sikulo, hinahanap ang kaugnayan
ng mga kategorya ng impormasyong natukoy sa unang bahagi. Ito’y maaaring humatong sa
modipikasyon ng mga naunang kategorya, paglitaw ng mga panibagong kategorya, o di kaya’y
pagkabuo ng mga tema na sumasaklaw sa maraming kategorya. Sa selektibong pagkokoda (selective
coding), na kung  tutuusi’y pangatlong aikulo na tinutukoy ang isa o higit pang pangunahig temang
nagbubukold sa lahat ng mga tema ng kaalaman na nhapalitaw sa aaksiya na pagkokoda. Ag mga
proposisyon ng isang grounded theory ay nabubuo rin sa bahaging ito.(Baxter & Babbie, 2004, p.
377).

Pagbubuod ng Impormasyon   

Sa pagbubuod ng teksto, pinapalitaw ang pangunahing punto ng makukuha sa mga pinag-ugnay-


ugnay at tinahi-tahing impormasyon—kung baga”sa madaling salita, ang sinasabi ng teksto ay
(ganito o ganiyan)”. Makatutulong nang malaki sa pagbubuod kung may abstrak at sumaryo ang
binasang material, kagaya ng artikulo sa journal at piling ulat ng ilang ahensiya. Sa mga salita at
lathalain sa mga pangmadlang midya gaya ng diyaryo at telebisyon, karaniwang nasa pinakauna ang
pamatnubay (lead) na pinakabuod o pinakamahalagang mensahe. Subalit hindi dapat umasa lang sa
mga ito ang mananaliksik dahil ang mahalagang piraso at kontesktto ng impormasyon  ay mababasa
sa detalye ng nilalaman ng isang material. Dagdag pa, walang abstrak, buod at pamatnubay  na
matatagpuan sa mga tekstong mula sa mga metodo ng pangangalap ng datos na isinagawa ng
mananaliksik mismo (halimbawa: Sarbey, panayam, at talakayan)

55
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa pagbubuod ng impormasyon, may ilang gabay na dapat antabayanan.

Una, sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago  tukuyin ang
mga susing salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema. Bago sulatin ang buod, palitawin

56
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

muna ang koneksyon ng mga susing salita, ang paksang pangungusap, at / o ang pibnakapunto ng
teksto (Constantino et al, 2016).

Pangalawa,  kahingian ng ilang uri ng material ang angkop na element at estruktura ng buod.
Halimbawa, sa paggawa ng buod ng mga malikhaing katha (halimbawa; kuwento, nobela) sa radyo,
telebisyon, magasin, at iba pang midya, inilalahad ang mga pangunahing tauhan, tunggalian, at
resolusyon sa isang pangkalahatang naratibong may simula,gitna, at wakas. Isinasama rin ang
tagpuan at kapanahunan kung lubhang mahalaga ito sa naratibo.

Pangatlo, sa  pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang hinahantungan
ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto. 

Pang-apat, iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o
tinanong (Jimenez, 1982,p. 27).

Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman

Pagkatapos ng pagsusuri, ang susunod na hakbang  ng mananaliksik ay ang pagbuo ng pahayag


ng kaalaman batay sa mga pangunahing temang natukoy mula sa mga pinag-ugnay-ugnay at binuod
na impormasyon na nanggalibg sa iba’t ibang batis. Sa bahaging ito, kailangan nang pagpapasiyahan
at iorganisa ng mananaliksik ang mga pangunahing tema at karampatang detalye na lalamanin ng
kaniyang pahayag ng kaalaman. 

Ang mga tema ay dapat sasagot sa mga layon ng pananaliksik; isasaayos ayon sa mga layong ito,
at papalawigin ng mga paliwanag, katwiran, at exemplar na hinalaw sa datos, pati ng mga analitikal
na ideya  at konseptong nagmula sa mga eksperto sa paksa. 

Ang exemplar ay tipikal o malinaw na ehemplo na nagpapatunay sa kategorya ng impormasyon o


tema ng kaalamang napalitaw sa pagsusuri.

Tandaan din na bagama’t nasa pahuling bahagi na ng pagsusuri, kailangan pa ring balik-balikan
ng mananaliksik, hangga’t maaari, ang orihinal na katunayan at datos sa tekstong
sinuriparamaksigurong ang bbinubuong bagong kaalamanay nakaangkla sa datos at hindi nagmula
lang sa imahinasyon niya. Kung sa tingin ng mananaliksik aynhindi matibay ang nabuong pahayag ng

57
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

kaalaman, maaari siyang mangalap pa ng mga karagdagang datos o ipaalam nang matapat sa
kaniyang pahayag ng kaalaman ang mga limitasyon nito.

Sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman, dapat sagutin nang malinaw ng mananaalikssik gamit ang
mga pangunahinng temang napalitaw mula sa pagpoproseso ng impormasyon(pagkalap, pagbabasa,
pag-uugnay-ugnay, at pagbubuod). Ang mga kasaagutang ito ay lalamanin ng mamateriala kaniyang
susulatin o ipoprodyus para sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. 

58
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa pagsulat o pagprodyus ng material na naglalaman ng pahayag ng  ng kaalaman, dapat namang


isaalang-alang ng mananaliksik ang kaniyang pakay sa paglahok sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon. 

May ilang gabay na kailangang ikonsidera ng mananaliksik sa paghahanda ng materyal na


gagamitin sa pagpapahayag ng kaalaman:

Una, malinaw dapat sa kanya kung sa harapan o mediadong sitwasyon ngkomunikasyon niya
ipapahayag ang nabuong kaalaman mula sa pananaliksik. Ang mga halimbawa ng harapang
sitwasyon ay umpukan, talakayan, debate, pagsasanay, worksyap, poro,kumpernsya, at seremonya ng
pagtatapos. Kabilang  naman sa mediadong pagpapahayag ang paskil, diyaryo, polyeto, bidyo,
dokumento, pelikula, komiks, magasin, journal,at iba pang midya. 

Pangalawa, pumili ng angkop na plataporma kung midya ang gagamitin sa pagpapahayag ng


kaalaman. Halimbawa, kung ang pakay ng mananaliksik sa isasagawang komunikasyon ay ilahaad sa
kaniyang mga kababayanang kalakasan at kahinaan ng pagtatayo  sa kanilang bayan ng planta ng
kuryente na ginagamitan ng karbon, hindi lang iisa ang angkop na midya ang maar niyang
pagpipilian. Puwede ssiyang gumamit ng bidy, na makapagtatampok  na mga makatotohanag tunog at
imaheng may kakayahang umapela sa emosyon ng mga manonood, at makakapaglaman ng samu’t -
saring impormasyon sa loob ng maikling oras (Cadiz, 2008,p. 49). 

Pangatlo,   sa pagsusulat ng iskrip para sa midya, iskrip ng talumpati o pananaalita , o teksto ng


publikasyon na ibabahagi sa isang sitwasyong pangkomunikasyon, tiyaking malinaw ang pahayag,
wasto ang gramatika, kawili-wili ang estilo, at malaman ang mga sinasabi. Gumawa ng balangkas ng
nilalaman bago magsulat . Pagkatapos ng unang burador , basahin at pag-isipang mabuti  ang
kabuuan ng nasulat. I-edit ang gramatika sa bawat pangungusap pagkatapos ng pinal na burador.
Ikunsidera din ang sumusunod:

 *.  pumili ng angkop na salita na sumasalamin sa mga katunayan  at datos ng ginawang


pananaliksik,  naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong pangkomunikasyon, at
makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino.

 * Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon.

 * Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot ng


kalituhan.
59
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

* Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience.

* Gumamit ng angkop na paunang pananaw , una (ako, ko, akin, tayo, atin, natin, kami) 
Pangalawa, (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo) at pangatlo, siya, niya sila, kaniya) Subalit hindi naman
ito nangangahulugan na hindi makatotohanan ang anumang pahayag na ginamitan ng una at

60
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pangalawang panauhan, lalo na kung kailangan, kung mas inilalapit sa karanasan ng audience, at
nagtatangka ng mas malikhaing estilo ng pagsulat. 

* Iwasan ang paglalahad ng mga impormasyon na makapagpahamak sa mga


tagaapagbatid(Creswell, 2014, p. 99-100). Kailangang respetuhin ang kanilang karapatan sa privacy.
Gumamit ng alyas sa pangalan at lugar kung nararapat.

*  Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto pata patotohanan at palakasin ang
mga punto, argumento, o pahayag.

*   Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lao na kung kahingian (halimbawa: sa journal 


article) 

Pinakaimportante sa lahat ng konsiderasyon sa pagsusulat ang mga katunayan at datos na


nagpapatibay sa pahayag ng kaalaman. Higit sa gramatika, dulog at estilo, mas importante ang
kapani-paniwalang paglalahad. Ang kapani-paniwala ay “nakasalig sa mga katunayan” (Almario,
2016,p.27). 

Sintesis

Sa puntong ito, iniisip natin marahil na mahirap  ang magsaliksik para sa pagbuo ng malamang
pahayag na may kabuluhan at katuturan. Halimbawa, kung gagawa tayo  ng pananalita para sa
pagtitipon ng mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan sa ating barangay, kailangan ba
talaga nating pagdaanan ang lahat ng tinalakay sa taas? 

Sa unang tingin tila masalimuot ang  gumawa ng pananalitang nakasandig sa masusing proseso
ng paghahanda sa pagsisiyasat, pagpili ng batis ng impormasyon, pangangalap at pagbabasa ng
impormasyon, pag-uugnay-ugnay at pagbubuod ng nakalap na impormasyon, at pagbuo ng sariling
pahayag ng kaalaman.  

Pero kung bubuksan  pa natin ang isipan sa mas malalim at malawak na pagtanaw sa buhaya,
madaling yakapin ang kultura ng pananaliksik sa maraming kadahilanan.

Una, ito ay usapinh ng kaugalian. Baka naiisip ng marami sa atinna mahirap gawin ang
pananaliksik dahil hindi natin nakaugalian, lalo na sa mga aktibidad natin sa araw-araw.
halimbawagumagawa ba tayo ng hakbang upang patotohanan o pasubalian ang mga sab-sabing
naririnig natin hinggil sa isang kaibigan, kaklase, o kapitbahay bago natin ito  ibahagi sa iba?  Sa
madaling sabi kung maksanayan natin na magsaliksik nang maayos kahit sa mga simpleng usapin ng
61
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

buhaya sa ating lipunan, ito’y magiging pangkaraniwang gawain na lang para sa atin. Sabinga, ang
nakasanayan nang gawin ay mani-mani na lang. 

62
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalawa, ito ay usaping ng responsableng pakikipagkapuwa. Sa lipunang Pilipino , ang


pakikipagkapuwa ay taal at mahalagang salik  ng ating mga gawaing pangkomunikasyon. Kung ayaw
nating ipahamak ang ating kapuwa, hindi tayo magbibitiw ng mga pahayag na hindi  nakasandig sa
mga katibayan at datos. 

Pangatlo, ito ay usapihn ng kaayusan at kaunlaran ng lipunan. Ayaw nating mamayani ang
disinformation at mga kasinungalingan sa ating lipunan dahil hindi ito makatutulong sa pagbabago at
pag-unlad ng ating bansa. Sabi ni  Almario (2016), nagsasaliksik tayo para sa pagbabago sa kapauwa-
tao at sa kaniyang daigdig.

Samakatuwid, para maging kawili-wili ang pananaliksik, umigpaw tayo sa mga kalakarang
humahadlang sa ating pagyakap dito. 

Una’y iugnay natin ang paksang sinusuri sa ating sa karanasan, kapaligiran, a t lipunan para ang
mga pahayag natin ay maging makabuluhan at kapaki-pakinabang hindi lamang sa sarili kundi sa
bayan at mga kababayan.Gamitin natin ang imahi8nasyong sosyolohika para dumaloy sa ating
kamalayan bilang mananaliksik na ang mga problema sarili ay kaugnay ng mas malalaking
pangyayari sa lipunan, (Salazar, 2016).

Pangalawa, magandang gamitin natin ang bernakular at pambansang wika hindi lamang para sa
madaling magkaintindihan kundi para sa  pagsasakonteksto ng pananaliksik sa lipunang Pilipino at
para mabasa’t mapakinabangan ito ng mga kapuwa Pilipino. Hindi matutumbasan ng wikang Ingela
ang wikang Filipino  sa paglalarawan at pagtalakay ng mga penomenong matatagpuan lamang sa
bansa. Kung gusto ng mga Pilipino umunlad ang ating isipan kailangan paunlarin dinang bernakular
at pambansang wika sapagkat “ang wika ay instrument ng pag—sip” (Constantino, 1996,p.51).

Pangatlo, ibahagi natin ang mga nabuo nating kaalaman lalo na sa midya. Makikilahok tayo sa
pamamahayag bilang mga citizen journalist na nagbabahgi ng mga balitang binuo mula sa masinop
na pananaliksik ng mga impormasyon. Kayang-kaya natin itong gawin sa social media, na ayon sa
pananaliksik nina Suva at Manalo’y (2016) tinitingnan  na ngayon bilang  isang pook para buuin ang
sariling identidad magsulong ng aktibismo , mapalawig ang demokrasyang pangmidya, at magpraktis
ng citizen journalism. Huwag nating hayaan na ang malalaking korporasyon ng midyaang
magdomina sa pagpapalaganap ng mga kaalaman.

Sa malaking bahagi ng kasaysayan  ng Pilipinas, ang malalaki at pangmadlang midya ay


kontrolado ng naghaharing uri sa loob at labas ng bansa.(Santos, 2014). Kailangan nating

63
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

magpunyagi sa pagpoprodyus ng alternatibong midya na tunay na edukasyonal, makabayan, makatao,


at maka-Pilipino.  

64
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

65

You might also like