You are on page 1of 17

Unang Semestre

Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
APPLIED SUBJECT: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
HANDOUT BLG. : 4
YUNIT 2 : Pagsulat ng Iba’t ibang Akademikong Sulatin

Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin; at

(CS_FA11/12PU-0d-f-92)
2.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-93)

ARALIN 4
PAGSULAT NG SINTESIS O BUOD
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT NG SINTESIS O BUOD

Sa pagbuo ng mga sulating akademiko, inaasahan ang pagsipio paghiram ng

mga ideya sa iba’t ibang mga sinasangguning sulatin. Sa gayon, hindi maiiwasang
baguhin ang paraan ng paglalahad ng sipi lalo na kung kinakailagang paikliin ito
upang mapatingkad ang buod ng nilalaman ng sinisiping sulatin.Dito pumapasok ang
kahalagahan ng pagsulat ng Sintesis o buod.

Kahulugan ng Sintesis o Buod

Sintesis o buod . Ang pinakamahalagangkaisipan ng anumang teksto. Ito
ay isang bersyon ngpinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang paglalahadng
anumang kaisipan at natutunang impormasyongnakuha mula sa tekstong binasa
na nasa yamangpagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Marapatlamang na
maging malinaw sa pagpapahayag.Kqilangan panatilihin ang mga binanggit na
katotohano mga puntong binibigyang diin ng may akda
-Paglalahad ng anuman kaisipan at natutunang impormasyong nakuha
mulasa teskstong binasa sa pagkakasunod-sunod sa pangyayari. Ito ang
pinakamahalagang kaisipan.-
-Ito’y kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan
ng buod ang maikling kwento,mababang akademikong sulation at/o kaya naman
iba pang tuluyan o prosa.

1
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
- Isang ebalwasyon o pagsusuri ang sintesis.
-Ito ay dapat mas malikhaing paraan kung saan ang mga pinaka-
importanteng bahagi ay naibabahagisa sintesis sa pamamagitan ng iba pang
mga pahayag, salita o mga kataga.
Sintesis. Tumutukoy sa uri ng pagbubuod kung saan tinatahi-tahi ang
mga nilagom na nilalaman mula sa iba’t ibang teksto.

Mula sa Griyego na syntithenai ◦ - Syn = kasama, magkasama ◦ -tithenai -ilagay, sama-

samang ilagay.
Sa larangan ng Piliosopiya - ang sintesis ay bahagi ng metodong diyalektikal ni Georg
Wilhelm Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.
Sa larangan ng pag susulat - ang sintesis ay isang anyo ng pag- uulat ng mga
impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos mula sa iba’t-ibang
pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa
isang malinaw na kabuuan o identidad.
Kabuuang datos Datos Ideya Datos Ideya Ideya Paksa Paksa Datos Ideya.
Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggagaling ang mga ito
saiba’t-ibang batis ng impormasyon.
Hal. Sa interbyu sa isang tao, iba-iba ang ititanong ng nag-iinterbyu gaya ng
tungkol sa pamilya, propesyon, opinyon sa paksa at ba pa.

ANO BA ANG SINTESIS?

Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
Pagsasamang iba't ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-uugnay.
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig
sabihin sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016). Makikita ang prosesong ito
sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan
hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng mga ito upang makuha
lamang ang kahulugan, layunin, at kongklusyon ng libro.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS:
1.Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t
ibang estruktura at pahayag.

2
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
2.Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga
impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginagamit.
3.Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napaialalim nito ang
pag-unawa ngnagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay

2 ANYO NG SINTESIS:

1.EXPLANATORY SYNTHESIS:
Isang sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong
maunawaan ang mga bagay natinatalakay.
2.ARGUMENTATIVE SYNTHESIS:
Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.

MGA URI NG SINTESIS:

1.BACKGROUND SYNTHESIS. Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang

pagsama-samahin ang mga saligang impormasyon ukol sa isang paksa at
karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.
2.THESIS-DRIVEN SYNTHESIS.Halos katulad lamang ito ng background synthesis
ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon sapagkat sa ganitong uri ng sintesis
hindi teratura lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan
kung hindi ang malinaw ng pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin
3.SYNTHESIS FOR THE LITERATURE. Ginagamit ito sa mga sulating
pananaliksik.Kadalasang, kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-
tanaw o pagrebyu sa mga naisulat ng literature ukol sa paksa karaniwang
isinasaayos ang sulating batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin naming ayusin
ito batay sa paksa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS:

1.Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na
nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.

3
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
2.Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil
rnaisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang rnahalagang diwa ng teksto.
3.Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.
Sekwensiyal—pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad ng
una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa.
Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang
detalye ayon sa pangyayari.
Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pa
gsasagawa.
4.Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.
5.Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at
sistematikong pagsulat.
KAHULUGAN NG BUOD
 Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga
narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at
iba pa.
 Tumutukoy sa nilagom na bersyon ng isang teksto.
 Pinaikling teksto sa pamamagitan ng paglalahad lamang ng
kinakailangan impormasyon o nilalaman.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA BUOD o SINTESIS

1. Nagtataglay ng obhetibong balangakas ng orihinal na teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Hindi nagsasama ng mga
halimbawa, detalye, o impormasyongwala sa orihinal na teksto.
3. Gumagamit ng mga susing salita
4. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang mensahe

Uri ng Pagbubuod
Presi –maayos at nauunawaang pahayag ng isang orihinal na
nagpapanatili sa pangunahing kaisipan,kayarian o balangkas,
pananaw ng awtor at nasusulat.

4
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
- ito ang pinakaikling buod ng mahahalagang ◦ 1 punto ◦ 2.
pahayag ◦ 3. ideya ◦ 4. impormasyon - Muling pagpapahayag ito ng
ideya ng may akda sa sariling pangungusap ng bumasa, ngunit
maaaring madagdag ng komento na nasusuri sa akda. Wala itong
elaborasyon,

- Galing sa salitang presi(precis) sa lumang Pranses na ibig sabihin

ay pinaikli.
- Ito ang buod ng buod.Kung baga sa sa katas ng niyog ito ang
kakang gata. Higit itong maikli kaysa sa buod at halos ang pinaka
tesis ng buong akda ang tinatalakay.
Katangian ng Presi .Malinaw ang paglalahad. Kompleto ang mga ideya May kaisahan
ng mga ideya May pagkakaugna y-ugay ang mga ideya Siksik sa dalawa hanggang
tatlong pangungusap ang pangkalahatang puntos
Hawig- tinatawag itong Paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang
Griyego(Latin) na paraphrasis na iang ibig sabihin ay dagdag o
ibang paraan ng pagpapahayag. Katulad ito ng buod kung saan
ipinapahayag sa sariling pangungusap ang mga pangunahing ideya
ngunit nagkakaiba ito sa pinipiling pahayag.

Hawig o Buod inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong

ideya o impormasyon Inilalahad ang buong istorya, artikulo, at tula Inilalahad sa isang
bagong anyo o estilo Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya
o datos Ginagamit ang ang mga kataga at pandiwa na paraangg nag-uulat ng sinassabi
ng may akda ngunit nilalagyan ng panipi Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at
kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto.
Halimbawa ng Hawig  Sa pag-aaral ni acuna (1977), lumalabas na mas
nagiging malikhain at ttumutulong sa kognitibong pag-unlad ng bata ng paggamit ng
katutubong wika sa kaniyang pag-aaral kaysa banyagang wika. (P. Constantino, “Wika
Bilang Kasangkapang Panlipunan,” nasa Constanino, P. at M. Atienza.1996)

Sinasabi sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na dapat gumawa ng nararapat na

hakbang ang gobyerno upang simulan at subaybayan ang paggamit ng wikang
pambansa bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wikang panturo sa sistemang
edukasyunal, alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaring ipasya ng kongreso.
Lagom o Sinopsis - Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing
punto, kadalasan ng piksyon.

5
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
Karaniwang di-lalampas sa dalawang pahina.  Ito rin ang ginagamit sa mga
panloob o panlabas ng pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb.

MGA KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD:

•Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
•Kailangang nailalahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
•Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling
pananalita ng gumawa.
MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD:
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto o
detalye.
2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang
pangunahing paliwanag sa bawatideya.
3. Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
4. Kung gumamit ng unang panuhan ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng
“Ang manunulat”, o “siya”.
5. Isulat ang buod
MGA KARAGDAGANG HAKBANGIN SA PAGSULAT NG BUOD
1.Basahin nang masinsinan ang tekstong lalagumin.Karaniwang nangangailangan ng
makailang-ulit na pagbasa ang isang teksto upang lubusang maunawaan kung ano
ang nilalaman nito.
2.Hatiin ang teksto ayon sa bulto ng mga ideyang nakalahad dito.Maaaring
makatulong ang pagbuo ng balangkas ng mga ideya o paksang tinalakay ng sulatin.
3.Tukuyin ang pangunahing ideya ng teksto sa pamamagitan ng paglalahad nito sa
porma ng tesis na pangungusap.Maaaring ang tesis na pangungusap ay tuwiran o
di-tuwirang nakalahad sa teskto.
4.Bumuo ng borador ng buod.Maaaring simulant ang borador sa paglalahad ng
tesis na pangungusap at palawigin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
importanteng impormasyong natukoy sa makailang-ulit na pagbasa sa teksto.Balikan
ang balangkas upang maisaayos ang istruktura ng buod.
5. Kinisin ang borador.Tiyaking malinaw ang pagpapahayag ng mga nilagom na
detalye at ideya mula sa orihinal na teksto. Makatulong din kung babalikang basahin
ang orihinal na teksto upang maiwasan ang apgbaliktot ng orihinal na

6
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
nilalaman.Huwag ding kaligtaang bigyan ang iyong buod ng kaukulang
dokumentasyon ng nilagom na teksto.
Hakbang sa pagsulatng synopsis
1. Basahin ang bawat kabanata.

2. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat kabanata.

3. Igawa ang balangkas ang bawat kabanata.Bubuin ito ng mahahalagang puntos

at impormasyon tungkol sa tauhan.

4. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap na buod, storyline o tema.

Mga Pantulong para maging kapana- panabik ang pagkukuwento ng palagom

1. Simulan ito sa pangunahing tauhan at ang kaniyang pinagdadaanan o
problema

2. Maaring maglakip na maikling diyalogo o sipi.

3. Ilantad ang damdaminng tauhan at mga dahilan kung bakit namomroblema

siya,pinoproblema siya o kaya’y bakit niya ginagawa ang bagay na nagiging
dahilan ng problema.

Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata. Ikuwento ang buong istorya gamit ang
mga datos mula sa bawat kabanata. Hindi kailangang ipaliwanag ang lahat ng bagay.
Sundin ang kronolohiya ng istorya. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa.

7
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________

Pangalan: _________________________ Baitang/Istrand/Sek: _________________

Guro: ___________________________ Iskor:________________________
Petsa: __________________________

KASANAYANG PAPEL BLG.4

Pagsasanay 1: IBUOD MO AKO!

Panuto. Basahin at suriin ang teksto. Ibuod ang teksto gamit ang mga
hakbang sa pagsulat. Isulat sa kahon.

CANTEEN; TAGUMPAY
Ni: Marie France A. Gumahin
Ang isang babaeng nagsipag, nag pursige, nagtiwala sa diyos at ang ngayo’y
nagmamay-ari ng isang Canteen sa Lapu-Lapu City College, Cristina Magalang
Bering. Siya ay 46 na taong gulang at ipinanganak noong Ika-27 ng Hulyo, 1971.
Siya ay nakapagpangasawa ng isang Chemical Engineer at ngayon ay nagtatrabaho
sa Saudi bilang OFW, si Ginoong Ignacio Dungog Bering, 59 taong gulang. Bunga ng
kanilang pagsisikap meron silang dalawang anak na sila si Mary Siadah Bering isang
purchaser sa Qatar ar si Belinda Isabel Bering isang Senior High Student sa Asian
Learning Center, Pajo, Lapu-Lapu City.
Si Bering ay lumaki sa Lutupan, Toledo at sa Don Andres Solano School
naman siya nakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya at Hayskul. Si Bering ay
isang Airline Management graduate kung saan kinuha niya ang kanyang kurso sa
Cebu Christian College. Nagtrabaho siya bilang Rack and Fine sa Philippine Tonan
Corporation sa MEPZ 1, Pusok, Lapu-Lapu City noong 1991.
Bunga ng kanyang dalawampu’t limang taong pagsisikap at pagpupursegi sa
trabaho sa Philippine Tonan Corporation, naisipan niyang tumigil. Sa kanyang
Separation fee na natanggap, ito ay ginawa niyang pangpuhunan sapag nenegosyo,
at ito ng ang Canteen. Sa taong 2016, Ika-7 ng Hunyo, nabuksan niya ang kanyang
pinakaunang Canteen at sa Setyembre sa parehong taon nakapagtayo rin siya ng
bagong canteen sa Be Resort Hotel sa Punta Engaño, Mactan. Naging maganda ang
takbo ng kanyang negosyo at nagging maganda rin ang takbo ng kanyang buhay.
Lubos ang pasasalamat ni Bering sa ating Panginoon sa paggabay at pagbigay ng
biyaya sa kanya.
Si Cristina Magalang Bering ay isang halimbawa ng isang babaeng Masipag,
Mapursige, May takot sa diyos at babaeng may positibong pananaw sa buhay.
Bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya na kanyang natanggap galing sa Panginoon,
ito ay kanya ring ibinabahagi sa kanyang kapwa, ika pa nga niya “Be a blessing to
others”.

8
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________

BUOD:

__________________________________________________________________________________

9
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
Pangalan:___________________________ Baitang/Istrand/Sek: _________________
Asignatura:_________________________ Petsa:
________________________________
Guro: ______________________________
Iskor:_________________________________

Pagsasanay 2. Sagot mo – Tsek Ko!

Panuto.Suriin ang buod sa ibaba. Sagutan ang mga katanungan.

1.Naging matagumpay ba ang pagkakabuod ng tekstong binasa?

_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2.Ginamit ba nang wasto ang mga hakbangin sa pagsulat ng buod sa teksto?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3.Nakita mo ba ang katangian ng isang maayos na buod sa binasa?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

10
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________

11
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
Pangalan:___________________________ Baitang/Istrand/Sek:__________________
Asignatura:_________________________ Petsa: ________________________________
Guro: ______________________________ Iskor:_________________________________

Pagsasanay 3: SUNDAN MO AKO!

Panuto. Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng

paglalagay ng bilang 1 hanggang 10. Pagkatapos, ipaliwanag ang kahalagahan
ng gawaing ito sa pagsulat ng buod.

_____1.Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.

_____2.Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo

sa dagat.

_____3.Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak

ay naipangako niyang dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang
Amanpulo.

_____4.Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na

lamang silang napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran.

_____5.Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na

dadalhin.

_____6.Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak.

_____7.Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa

gitna ng dagat.

_____8.Nakikita nilang Iumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa

dalampasigan.

_____9.Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rurnagasa ang

higanteng alon at sila ay sinaklot at tinangay.

____10.Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na

laman ng sariwang balita.

Paano nakatulong ang mga hanay ng maiikling pangyayari upang ipahayag

ang kaisipan ng maikling kuwento?

12
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
Pangalan:___________________________ Baitang/Istrand/Sek:__________________
Asignatura:_________________________ Petsa: ________________________________
Guro: ______________________________ Iskor:_________________________________

Pagsasanay 4. BASAHIN MO AKO’T ISABUHAY!

Panuto. Basahin at unawain ang kuwento na mababasa mula sa ibaba.

Pagkatapos, ibuod ito ayon sa mga bahagi ng teksto.
Ang Alamat ng Ilang-Ilang

Noong panahong bago-bago pa Imang sa lupaing ito ang mga Espanyol,

sa isang pook ng bayang Malabon ay may isang dalagang tumutugon sa
pangalang Cirila. Kabilang siya sa angkan ng mga Gat kung kaya’t iginagalang
at pinagpipitagan ng madla. Ang kanyang ganda, na ayon sa sabry pinilas sa
buwan, ay tinambalan pa ng isang kabaitang siyang nagbibinhi sa puso ng
kanyang mga kababayan upang pag-ukulan siya ng isang pagmamahal na
wala nang makakatulad.
Sa bayang ito ay may isang binath rin naman na ang pangalan ay
Carlos na kung tagurian ay Lanubo, dahil sa kanyang mga bisig na matitigas
at matitipuno; sIya’y may katapangan at lakas ng loob na kinagugulatan ng
Sinumang binata sa mga karatig na bayan ng Malabon.
Si Carlos at si Cirila, na ang palayaw naman ay Ilang, ay magkatipan sa
pag-ibig. Ang kanilang pagmamahalan ay walang makakatulad. Hindi nila
nakikilala ang lungkot; ang kapighatian ay kanilang hinahamak, ang luha at
buntonghininga ay hinahalakhakan lamang nila kung ang mga ito’y
sinasambit ng sinumang kakilala na nakababatid ng timyas ng kanilang
pagsusuyuan. Ang pag-iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay hindi naman lingid sa
kanilang mga magulang at ang mga ito naman ay hindi tutol sa pag-iibigan
nila.
Isang araw ay dumating sa Malabon at umahon sa dalampasigan ng
Navotas ang ilang mga dayuhang Tsinong karaniwan na ring dumarating sa
nasabing bayan. Ang Tsinong ito, hindi nalao’y tinubuan ng pag-ibig sa
dalaga, ngunit hindi siya nagpahayag ng kanyang niloloob marahil ay sa
dahilang alam niya ang ugali ng mga babaeng Pilipina at ang isa pa’y
nasisindak siya na baka ito’y mabatid ni Lanubo na isang binatang lubos na
kinatatakutan ng lahat ng lalaki sa bayan at sa mga pook na karatig. Sinarili
ng Tsino ang gayong pagnanais at naghintay na lamang ng isang mabuting
pagkakataon na sa ganang kanya’y siyang lalong pinakamabuting magagawa.
Ang katuparan ng pag-iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay malapit nang
dumating.

13
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________

Sa pagkakasundo ng dalawang panig ay pinagkayarian ng mga

magulang nila na ang kasal ay idaos sa pagliliwanag ng buwan. Noon ay
gasuklay pa lamang ito at dahil diya’y may panahon pa sila upang magawa
ng bawa’t isa ang mga paghahanda sa lahat ng kinakailangan. Sa gayon, si
Lanubo ay nagpaalam upang tumungo sa Limay, Bataan, upang
makapanghuli ng usa na noong mga panahong yao’y isa sa mabuting
handa sa pagsasalo-salo ng magkakaibigan. Apat na matalik na katoto ng
binata ang isinama at isang umaga’y sumakay sila sa isang lunday na
patungo sa bundok na mausa.
Makadalawang araw ng pagkaalis ni Lanubo, sinamantala ng Tsino
ang pagkakataon at nagpahayag ng pag-ibig kay Ilang at naghandog pa ng
mga kayamanan, datapwa’t sukat isipin na ang mga paghahandog na ito’y
walang masasapit sa isang babae na di lamang sa marunong tumupad sa
pangako kundi may isang puso pang malinis at marangaI kaya’t isang
kabaliwan lang ang isinasagawa ng Tsino sa pagtatapat ng pag-ibig na
tiyak nang walang kasasapitan. Ang Tsino ay hindi lamang tumanggap nga
ng malaking pagkabigo kundi kinapopootan pa ng dalaga sa gayong
kapangahasan na sinamantala ang pag-alis ng kanyang minamahal na
katipan. Sa pagkapahiya ng Tsino ay minabuti ang umalis sa bayang yaon
at huwag nang paabot pa sa pagdating ni Lanubo, ngunit siya namang
pagdating ng dalawang pangkat ng mga tulisang Tsino na siyang
sinamantala ng nasiphayo upang ang hindi niya nakuha sa mabutihan ay
daanin sa masama. Nakipagsabwatan sa kanyang mga kababayan, at isang
gabing umuunos ay sinalakay nila ang tahanan ng dalaga at matapos na
itali ang mga magulang nito ay kinuha si Ilang at dinala sa isang malayong
pook at doon ay pinilit ang babae na mapasang-ayon sa kanilang maitim na
nais. Ngunit si Ilang ay hindi napahinuhod ng Tsino gaano mang
pananakot at pagbabanta ang kaniyang gawin. Nang inakala na niya na
siya ay sapilitarig mapapasakamay ng Tsino ay minabuti na lamang ang
mamatay kaysa mawalan ng puri, at sa isang pagkakalingat ng
salanggapang na Tsino ay inagaw niya ang sundang nito at sa pag-aagawan
nila, sinamang-palad na natarak ang sundang sa tapat ng puso ni ilang na
ikinamatay nito noon din.
Nang gabing iyon ay dumating ang pangkat ni Lanubo at nang
mabatid ang mga nangyari ay hinanap ang taksil na maygawa ng gayong
kalapastanganan, at sa gitna ng dagat na sinisiklot ng malakas na alon ay
naghamok ang mga tulisang Tsino at ang pangkat ni Lanubo, at dahil sa
nagngangalit na kapootan ng binata at ng kanyang mga kaibigan ay halos
walapg iniwang buh4 sa pangkat ng masasamang-loob.

14
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________

Kinabukasan, ang bangkay ni Ilang na tinatangisan ng mga binata at ng bayang

nagmamahal sa dalaga ay inilibing sa tabi ng isang malaking punongkahoy na
di namumulaklak. Buhat noon, gabi-gabi sa harap ng puntod ng kaawa-awang
si Ilang, sakbibi ng walang kaparis na pagdadalamhati ay lumuluhod si Lanubo
at sa buong magdamag ay walang tinatawag kundi ang pangalan ni Ilang.
Pagkaraan ng mahabang araw, isang umaga, nagisnan na Irnang ng buong
bayan na si Lanubo ay bangkay na ring malamig. Marahil ay upang matapos na
ang kanyang pagdadalamhati. Nang inilibing na si Lanubo sa pook ding
kinalilibingan ni Ilang, ang kura na isang paring Espanyol na lubhang
nakatalos sa mga nangyari ay nagsabi sa kanyang mga kausap ng ganito:
Kaawa-awang binata! Gabi-gabi siya’y walang isinisigaw kundi Ilang. .. Ilang. ..
na siyang pangalan ng dalagang sasamahan niya ngayon sa hukay.

Isang araw, pagkaraan ng ilang panahon ng pagkakalibing ni Lanubo sa

kinalilibingan ni Ilang, ang mga tao ay ginulat ng mabangong amoy na
nagbuhat sa libingan ng magsing-irog at nang pagsadyain ng mga tao ay
nagtaka sila nang gayon na l&nang sapagka’t ang punongkahoy sa libingan ng
dalawa na matagal na panahong di namumulaklak ay naghandog ngayon ng
mga talulot na may bangong kahanga-hanga. Ang bulaklak na yaon ay tinawag
na Ilang-ilang bilang paggunita sa dalawang pusong nagpamalas ng lalong
dalisay at tapat na pag-ibig.

PAMAGAT:

______________________________________________________________________________

PANIMULA:

_____________________________________________________________________________

15
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________
GITNA:

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

WAKAS

16
Unang Semestre
Baitang 12
Unang Markahan/ ikaapat na Linggo
_____________________________________________________________________________________

Inihanda ni :

GNG.JASMIN AGUADO-ARESGO, MAED

Master Teacher 1

Nabatid ni:

GRETA GLORY B. GUANZON

GA Cluster Head

Sinuri at Nirebyu ni:

RINALYN C.BESO,PhD
OIC- Asst.School Principal - SHS Department

Inaprubhan ni :

CALICK D. ARRIETA, PhD

School Principal III

17

You might also like