You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF PAGADIAN CITY
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


(IKASAMPUNG BAITANG)
March 8, 2023-1:00-2:00 (G10-OSTRICH)
Ikatlong Markahan-Modyul 2
(“MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY”)
ROSE BERT MENDEZ LABAJO
MELC
Nakabubuo ng mga paninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan. EsP10PB
IIId 10.4

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.1)
2. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.2)
3. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa
buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay. (EsP10PB-IIId-10.3)
II. PAKSANG ARALIN
Paksa : “Mga Isyung Moral sa Buhay”
Sanggunian: Ikatlong Markahan-Modyul 2 (Ikasampung Baitang, p. 1-15)
Kaggamitan: Modyul ng Mag-aaral (Ikatlong Markahan-Modyul 2),
Curriculum Guide,Telebisyon/Laptop at Instraksiyunal Materyals, Smiley’s/Emoji Placards
III. PANIMULANG AKTIBIDADIS (Preliminary Activities)
A. Mga Panimulang Gawain 10 minutos
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtsek ng Atendans
4. Pagbibigay ng mga Panuntunang Pangklasrum
B. Balik-aral
~Pagbabalik-aralin sa huling paksang natalakay.
© Paano nakatutulong ang Pananampalataya sa buhay ng isang tao?
© Magbigay ng paraan upang maipakita ang pagmamahal sa Diyos at Kapuwa.

C. Pangganyak
Panuto: Sa pamamagitan ng isang edukasyonal geym na laro na tinatawag na “4 Pics in 1 Word” ay tutukuyin ng mga
mag-aaral ang mga isyu na tumutugon sa bawat kahon ng mga larawan at gawing gabay ang mga letrang clue na ibinigay
sa bawat bilang upang mas mapadali ang pagsagot nito. Pipili lamang ng ilang mag-aaral upang makilahok sa laro a
pamamagitan ng isang “Spin the Wheel.”
o Ano-anong ang mga isyu sa buhay ang nakikita mo sa nilaro nating 4 Pics in 1 Word?
o Alin sa mga isyung ito ang madalas mong nababasa at naririnig na pinag-uusapan? Bakit?
o Matapos ninyong matunghayan ang iilan sa mga isyu sa buhay basi sa nakikita niyo sa laro, ano kaya
sa palagay ninyo ang koneksiyon nito sa ating bagong paksa?
o May ideya ba kayo sa maaaring pamagat ng ating bagong paksa sa umagang ito?

D. Paglalahad 2 minuto
ZSNHS - Junior
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY
Department of Education, Region IX, Zamboanga Peninsula, Division of Pagadian City
Email address: 303910@deped.gov.ph // School telephone no.: (062) 301-6742
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF PAGADIAN CITY
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY

1. Paglalahad ng mga Layunin


Ngayong araw, tatalakayin natin ang Mga Isyung Moral sa Buhay.
2. Paglalahad ng mga Layunin
Ipabasa ang mga layunin sa mga mag-aaral.
3. Pagkakaltas ng mga Sagabal/Unlocking of Difficult Words
>MGA ISYUNG MORAL, IPINAGBABAWAL NG GAMOT, ABORSIYON (KUSA AT SAPILITAN),
PAGPAPATIWAKAL, EUTHANASIA AT ALKOHOLISMO.
> “Smileys/emojis” ito ay gagamitin ng guro upang bigyan ng pansin o papuri ang mag-aaral na makasagot
sa mga iilang katanungang inihanda nito para sa mga mag-aaral.

*** 4 As (Activity, ,Analysis, Abstraction at Application) ***

PAALALA: Gagamitin ang Spin the Wheel upang mapanatili ang katiwasayan sa klase at maiiwasang
sumingit habang nagsasalita pa ang guro o sino man sa klase at aantayin munang matawag ang kanilang
pangalan. Iwasang ring mag-ingay habang nagpapatuloy pa ang klase at ugaliin ring magsabi ng Po at
Opo bilang tanda ng pagrerespeto.

1. GAWAIN (Activities) 10 minuto


(ACTIVITIES)
Panuto: Sa pagkakataong ito ay bibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na mamili ng kahit isa lamang alin man sa
mga Gawain sa Pagganap na nakatala sa ibaba na kanilang gagawin at naaayon ito sa kanilang kagustuhan at
kakayahan na gawin ito. Ang may kaparehong napili para sa gawain sa pagganap ay maaaring bumuo sila ng
isang pangkat. Ang mga sumusunod na nabanggit sa ibaba ay iilan sa mga sinasabing Isyung Moral sa Buhay o
Taliwas sa utos ng Diyos. Ngayon ay mamili ka ng isa sa mga ito na ibabahagi mo sa harap ng klase. Gawing
gabay ang Rubriks para sa pagbibigay ng puntos.

*** Gabay
na mga Katanungan***
a. Ano ang pagkakaintindi mo sa isyung ito?
b. Ano-ano ang magiging epekto nito sa tao kapag pinili niyang gawin ito sa buhay niya?

Mga Isyung Moral sa Buhay Pangkatang Gawain


Paggamit sa ipinagbabawal na gamot Talkshow
Alkoholismo Pagsasadula
Aborsiyon Balitaan/Pakikipanayam
Pagpapakatiwakal Interpretative Dance
Euthanasia Sayawit (Awit o Sayaw)

ZSNHS - Junior
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY
Department of Education, Region IX, Zamboanga Peninsula, Division of Pagadian City
Email address: 303910@deped.gov.ph // School telephone no.: (062) 301-6742
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF PAGADIAN CITY
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY

PAALALA: Bigyan rin ng pagkilala ang bawat mag-aaral na nagpapakita ng husay sa pagtanghal
sa kanilang Gawain sa pagganap sa pamamagitan ng isang espesyal na uri ng palakpak (clap)

2. ANALYSIS (Pagsusuri) 10 minuto

Papanuorin ng mga mag-aaral ang isang short video clip na pinamagatang (PANATANG MAKASALANAN)
Matapos mapanuod ang naturang video clip, gabay ang iilang mga katanungan, bibigyan ng tig-iisang hugis prutas ang
bawat mag-aaral upang doon nila isulat ang magiging resulta o bunga ng kanyang pinipiling pagpapasya at pagkatapos ay
kanila itong ididikit sa punong kahoy na nakadikit sa pisara.
 Kung ikaw ang nasa katayuan nina Linda, Tina at Jeralyn Sapat ba ang kanilang mga
nagiging rason upang gumawa ng maling desisyon sa buhay upang matakasan ang
kinakaharap nilang mga problema? Ipaliwanag ang iyong sagot.
 May Karapatan ba ang tao na maging Diyos ng sarili niyang buhay? Ipaliwanag?
 Paano natin mapanatiling Sagrado ang ating buhay?
 Sa pamamagitan ng isang hugis prutas na papel ay magtala ng dalawa (2) hanggang
tatlong (3) paraan kung paano nila bibigyan ng solusyon ang mga problemang kung sakali
ay dumating man.

3. ABSTRACTION (Pagpapalalim) 15 minuto

Magpapakita ng mga Survey/Pagsisiyasat at iilang mga Pananaliksik na naitala simula pagpasok ng Pandemya tungkol sa
Maagang Pagbubuntis at Pagpapatiwakal.

Sanggunian: ***https://www.guttmacher.org/regions/asia/philippines?
gclid=CjwKCAiAmJGgBhAZEiwA1JZoliHlMTXda8
gydo8NfUAMDu4cU0KiPCtYSQB9AjoNfONkGPkFECoEhoCBowQAvD_BwE ***
***https://www.philstar.com/headlines/2021/07/06/2110596/pandemic-year-sees-57-rise-suicide-rate
Philippines ***
***https://www.macrotrends.net/countries/PHL/philippines/suicide-rate***
Kung ikaw ang tatanungin bakit sinasabing mga isyu sa buhay ang mga gawaing ito? Ipaliwanag ang iyong sagot
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang isyu?
Bakit sinasabing ang buhay ng tao ay higit na Sagrado kaysa sa iba pang uri ng buhay?
Paano natin mapananatili ang “Kasagraduhan” ng buhay ng tao?

 Mayroon din bang mga pagkakataon o sitwasyon na inyong nararanasan sa inyong buhay
na maaaring maihahalintulad mo sa mga iilang halimbawang nabanggit tungkol sa mga
Isyung Moral sa buhay? Paano mo ito napagtagumpayang malampasan?
 Bibigyan ng tig-iisang kandila ang bawat mag-aaral at ito ay iisa-isa nilang iilawan upang
ialay sa Panginoon ang lahat ng mga pagsubok at dagok na kanilang nararanasan sa buhay.

Tandaan:
Magtanong rin sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang napabilang sa tribong Subanen/Muslim at kung maaari ay bigyan
rin sila ng pagkakataon na maibahagi sa klase ang mga paraan na kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang paniniwala sa
kabila ng mga pagbabagong nagaganap na dulot ng makabagong banta ng teknolohiya lalo na sosyal media?

SABAYANG PABASA: Aral na makukuha sa Paksa


Ang tao ay nilikha na may likas na pagkahilig sa kabutihan. Kahit pa sinasabing siya ay may
ZSNHS kalayaang
- Junior pumili para sa sarili, inaasahan pa rin na magiging mapanagutan siya sa bawat pagpapasiya
ZAMBOANGA at pagkilos
DEL na kaniyang
SUR NATIONAL isasagawa. Magkaroon man ng iba’t ibang impluwensiya galing sa media at
HIGH SCHOOL-JHS
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY
Department ofkapaligiran,
Education, Regionnararapat
IX, Zamboangalamang na gamitin
Peninsula, Division niya
of Pagadian City ang kanyang mapanuring pag-iisip upang makabuo ng
Email address: 303910@deped.gov.ph // School telephone no.: (062) 301-6742
Mabuti at tamang posisyon tungkol sa iba’t ibang isyung moral sa buhay.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF PAGADIAN CITY
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY

4. APPLICATION (Pagtataya) 10 minuto

Estratehiya: (PAPEL AT LAPIS)-10 aytems


Panuto: Piliin lamang ang titik na wastong sagot at isulat lamang ito sa espasyong nakalaan bago ang numero.
__________ 1. Ito ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Isyu b. Tsismis c. Balita d. Pag-uulat

__________ 2. Ito ay pagpapalaglag o pag-aalis ng isang fetus o sanggol sinapupunan ng ina.


a. Alkoholismo b. Aborsiyon c. Miscarriage d. Induced

__________ 3. Ito ay pagkawala ng sanggol sa isang natural na pangyayari na hindi kailanman ginagamitan ng medical o artipisyal
na na pamamaraan.
a. Alkoholismo b. Aborsiyon c. Miscarriage d. Induced

__________ 4. Ito ay pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom
ng mga gamot.
a. Alkoholismo b. Aborsiyon c. Miscarriage d. Induced

__________ 5. Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling niyang buhay at naaayon ito sa kanyang sariling kagustuhan.
a. Aborsiyon b. Pagpapatiwakal c. Alkoholismo d. Euthanasia

__________ 6. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng taong
maysakit.
a. Aborsiyon b. Pagpapatiwakal c. Alkoholismo d. Euthanasia

__________ 7. Ito ay tumutukoy sa sobrang paggamit o pag-inom ng alak na hahantong minsan sa pagkakasakit sa atay at kidney.
a. Alkoholismo b. Ipinagbabawal na gamot c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal

__________ 8. Siya ang maysabi na upang mapigilan ang kawalan ng pag-asa, kinakailangang mag-isip ang isang tao ng mga
malaking posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang kaniyang kinabukasan.
a. Eduardo Morato b. Confucious c. Mahatma Gandhi d. Buddha

__________ 9. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?


a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang
kaganapan bilang tao.
b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang Mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral
c. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay
bagay sa kaniyang paligid
d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili,
kapuwa, at iba pang nilikha.

__________ 10. Bakit sinasabing ang buhay ng tao ay higit na Sagrado kaysa sa iba pang uri ng buhay?
a. dahil sa pagkakaugnay nito sa Diyos at higit sa lahat ang pinaka natatanging nilikha sa lahat ng may buhay
b. dahil sa pariralang “Sagrado ang buhay” at sumasalamin ito sa paniniwala na ang tao ay kawangis ng Diyos

ZSNHS - Junior
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY
Department of Education, Region IX, Zamboanga Peninsula, Division of Pagadian City
Email address: 303910@deped.gov.ph // School telephone no.: (062) 301-6742
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF PAGADIAN CITY
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY

c. dahil binigyan ng buhay ang tao para sa kapakanan ng kanyang sarili lamang at mamuhay ng masaya
d. dahil ang buhay ng tao ay mahalaga upang makamit nito ang rurok ng kanyang mga pangarap sa buhay

5. ASSIGNMENT o KASUNDUAN 3 minuto

Panuto: Isulat ito sa Kwaderno.


Alamin ng mga organisasyon sa inyong lugar na nagsusulong ng kasagraduhan ng buhay.
Makipag-ugnayan sa mga ito at pumili lamang ng isang Samahan at organisasyon na ang itinataguyod na paniniwala
ay katulad sa inyo.
Bilang isang mag-aaral, magbigay ka ng sampung (10) mga posibleng paraan kung paano ka makakatulong sa
pagtataguyod sa Organisasyong iyong napili.

Inihanda ni: Isinuri ni:

ROSE BERT M. LABAJO ANNALYN C. BUTAC, MAED


T-III Master Teacher II

Iniwasto ni:

AILEEN L. LUAB
ESP Department Head-IV

ZSNHS - Junior
ZAMBOANGA DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
STA. MARIA DISTRICT, PAGADIAN CITY
Department of Education, Region IX, Zamboanga Peninsula, Division of Pagadian City
Email address: 303910@deped.gov.ph // School telephone no.: (062) 301-6742

You might also like