You are on page 1of 1

Disiplina

ni Rheno A. Velasco

Sa karimla’y sulo ito ng isip na namamarang


At lugod din ng kaluluwa na ang puso’y magkailaw;
Ang isipan at damdaming sa sala ay namamahay,
Binabago ng magandang simulai’t gintong araw

Nananalig akong ito’y kapag ito’y ating mimithiin


Ang ukol sa pagbabago ay madaling tatamuhin;
Ang tao ay mabibigo kung hindi bibigyang-diing
Masupil ang kasamaang nakaugat sa damdamin.

Kaya nga ba habang tayo’y may panahong nalalabi,


Ang mabuting gawi ay ilakip sa sarili;
Bakahin ang kamaliang sumisiil sa mabuti,
Ang may buting ipinunla’y may buti ring maani.

Una, ibigin ang Diyos, pangalawa’y ating kapwa,


Itiim sa kaluluwa ang magandang halimbawa;
Ang Bathalang nating Ama ay may handing gantimpala
Sa balanang ang damdamin ay busilak at dakila.

Talasalitaan:
karimlan – kadiliman, nakalilimot
namamarang- naguguluhan
sumisiil – pilit na pumipigil
itiim – tandaan nang mabuti
balana – sinuman

You might also like