You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa EPP 4

Pamantayang Pang nilalaman: Makikilala ang iba’t ibang uri ng linya at mauunawaan mga gamit nito.
I. Layunin:

 Natutukoy ang mga uri ng letra


 Nabubuo ang iba’t ibang linya at guhit
 Nagagamit ang “alphabet of line” sa pagbuo ng linya, guhit at pagleletra
II.Paksang Aralin:
A. Paksa: Pagleletra, Pagbuo ng linya at pagguhit
B. Kagamitan: Laptop, Speaker at Powerpoint
C. Sanggunian: Module 4, Google Images at Youtube.
III.Pamamaraan
A.Panimulang Gawain

Magadang Umaga mga bata

 Pagdarasal

 Pagsusuri ng Pagdalo

Ishin maari mo bang tukuyin kung sino sa mga kamag-aral mo ang lumiban sa klase?

L- Laging buksan ang inyong camera.


A- Ayusin at ihanda ang mga kinakailangan na
gamit.
P- Panatilihing makinig sa klase.
I- I off ang mikropono sa lahat ng oras maliban
na lang kung nais ninyong sumagot
S- Sundin ang mga alintuntuning pang silid
aralan.
B.Pagsasanay

 Alin sa sumusunod na mga disenyo ang nakakahalinang pagmasdan? Alin naman ang pinakasimpleng istilo
ng pagsusulat?

a. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
b. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
c. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
d. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz

C. Balik-Aral

 Magbigay ng ibat ibang uri ng panukat at gamit nito?


 Ano ang dalawang sistema sa pagsukat ano ito?
 Magbigay ng halimbawa?
D. Pagtalakay sa Paksa
1.Pagganyak
SURIIN MO.
Suriing mabuti ang bawat letrang nakikita sa inyong larawan.

a. Adelene Jagonob
b. Leslie Anne Parpan
c. Maricar Ortez
d. Marites Rempis
1. Ano ang napapansin niyo sa inyong pangalan?
2. Ano tingin niyo ang pinagkaiba iba nila?

 Gothic - ang pinakasimpleng uri ng letra at ginagamit sa mga ordinaryong disenyo. Ito ay itinatag
noon sa pagitan ng 1956 at 1962. ito ay rekomendado sa paggawa ng pagtatalang teknikal. Ito ang
uring pinakagamitin dahil ito ay simple, walang palamuti o dekorasyon, at ang mga bahagi ay
magkakatulad ng kapal.
 Roman – may pinakamakapal na bahagi ng letra. Ito ay ginawang kahawig sa mga sulating
Europeo.
 Script – noong unang panahon ito ay ginagamit na pagleletra sa Kanlurang Europa. Ito ay
ginagamit sa pagleletra ng Aleman. Kung minsan ito ay tinatawag ng “Old English.”
 Text – ito ang mga letrang may pinakamaraming palamuti. Ginagamit ito sa mga sertipiko at
diploma.

Dapat din nating matutunan ang pagbuo ng disenyo gamit ang linya at guhit, katulad ng linya mayroon din
itong ibat ibang uri sa paggamit at bawat linya ay may kanya kanyang gamit, ang guhit at letra ay
tinatawag na alphabet o alphabet of lines.

1.Ang linyang pang- gilid o border line ang pinakama- kapal o pinakamaitim na guhit.
2. Ang linyang pang- nakikita o visible line ay para sa nakikitang bahagi ng inilalara - wang bagay.
3. Ang linyang pang- di-nakikita o invisible line ay nag- papakita ng natatakpang bahagi ng inilalarawang
bagay.
4. Linyang pasudlong o extension line ay ipinakikita ang pagkakatapat ng tanawin at hangga- nan ng mga
sukat ng inilalalarawang bagay.
5. Ang linyang panukat o dimension line ay nagpapakita ng kapal, lapad at haba ng larawan.
6. Ang linyang panggitna o center line ay nagpapakita ng axis o gitnang mga hugis simetrikal tulad ng
washer, gear at rimatse.
7. Ang linyang pantukoy o reference line ay tumutukoy ng isang bahagi ng inilalarawang bagay.
8. Ang linyang panturo o leader line ay nagpapakita ng sukat o bahagi ng isang bagay.
9. Linyang pambahagi o section line ay linyang ginaga- mit sa paghahati ng isang seksi - yon.
10. Ang long break line ay nagpapakita ng pinaikling bahagi ng isang mahabang bagay na inilalarawan.
(linyang pamutol)

2.Gawain

PAGPAPATALAS NG KAISIPAN

Panuto: Basahin ng mabuti ang diyalogong itinalaga sa bawat grupo. Itala ang inyong mga napansin o
nasuri sa diyalogong ibinigay. Ipresenta ang inyong gawa sa klase.

Unang Pangkat: Granadillos, Guillano Bellosillo Ikalawang Pangkat: Belaong, Anthony Louis
Jaring, Castor Waynard Timbol Garcia, Sebastian Jacinto
Cura, Gian Carlo Rome Warde Mariano, Evo Kendrick Dela Cruz

Ikatlong Pangkat: Santos, Clayne Owyn Tulao


Aguila, Danielle Yui Ibanez
Mendoza, Jeanin Claire Lompero

Unang Pangkat

Diyan mo na lamang
Inay saan ko maaring
ilapag ang mga
ilapag ang mga kubyertos
kubyertos at plato.
at plato na ito?

Ikalawang
Pangkat
Mike tumaas ang aking Aba! Mabuti naman mark
posisyon sa trabaho napakahusay mo naman.
bilang isang Supervisor.
Ikatlong Pangkat:

Itay, maari ninyo po ba akong


turuan kung paano mag tayo ng
tent para sa ating camping?

Gabay na tanong:

1. Ano ang damdamin/ekspresyon na ipinapahiwatig o ipinapakita sa bawat diyalogo?


2. Ano ang mga bantas na ginamit sa bawat diyalogo sa pagpapahiwatig o pagpapakita ng
damdamin/mensahe?
3. Bakit kailangan gamitan ng mga bantas o pananda sa pagsulat ng isang pangungusap?

3.Analisis at Presentasyon

Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng isang presentasyon ng kanilang gawain sa klase.

3 puntos 2 puntos 1 puntos


Kooperasyon Nagpakita ng mahusay Hindi gaanong Hindi nagpakita ng
na kooperasyon sa nagpakita ng kooperasyon sa
paggawa ng gawain kooperasyon sa paggawa ng gawain.
paggawa ng gawain
Pagpresenta ng gawa Mahusay at malinaw Hindi gaanong mahusay Hindi mahusay at hindi
ang pagprepresenta ng at malinaw ang din naging malinaw ang
gawa sa klase pagpreprensenta ng pagpresenta ng gawa sa
gawa sa klase klase.

4. Abstraksyon

1. Base sa inyong presentasyon, paano ginagamit ang mga bantas na tuldok,padamdam at patanong?

2. Base sa inyong mga nabanggit, sa paanong paraan ninyo matutukoy kung ang pangungungusap ay
nag sasaaad ng patanong,pasalaysay,padamdam,pautos, o pakiusap?
 Pasalaysay- ito ay pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay at nagpapahayag ng
kaisipan. Ito ay nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
 Patanong- Ito ay pangungusap na nagtatanong o humihingi ng kasagutan at nagtatapos ito
sa bantas na pananong (?).
 Pakiusap- Ito ay pangungusap na ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap.
Gumagamit ng mga salitang pananda: maaari po ba, maki, paki, pwede po ba. Ito ay
maaaring magtapos sa bantas na tuldok (.) o bantas na pananong. (?) 
 Pautos- ito ay nagpapahayag ng obligasyon na dapat gawin o nagsasaad ng pag-utos.
Nagtatapos din ito sa bantas na tuldok (.).
 Padamdam- Ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng tuwa,
galit, takot o pagkagulat. Nagtatapos ito sa bantas na padamdam (!).

5.Aplikasyon

Magpasikat

Panuto: Bumuo ng isang maikling patalastas gamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit batay sa
mga napapanahong isyu.

Unang Pangkat: Granadillos, Guillano Bellosillo Ikalawang Pangkat: Belaong, Anthony Louis
Jaring, Castor Waynard Timbol Garcia, Sebastian Jacinto
Cura, Gian Carlo Rome Warde Mariano, Evo Kendrick Dela Cruz

Napapanahong isyu: Mga paraan upang maka- Napapanahong isyu: Mga paraan upang
iwas sa covid 19. mabawasan ang epekto ng climate change sa
mundo.

Ikatlong Pangkat: Santos, Clayne Owyn Tulao


Aguila, Danielle Yui Ibanez
Mendoza, Jeanin Claire Lompero

Napapanahong isyu: Mga pamamaraan sa


pagtitipid sa panahon ng pagtaas ng bilihin.

Pamantayan
3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos

Patalastas Mahusay na nakabuo ng May iilang uri ng Hindi nagamit ang mga
isang patalastas gamit pangungusap n lamang uri ng pangungusap
ng mga uri ng ang nagamit sa pagbuo ayon sa gamit sa
pangungusap ayon sa ng patalastas batay sa pagbuo ng patalastas
gamit batay sa napapanahong isyu batay sa napapanahong
napapanahong isyu isyu
Pagprepresenta ng Mahusay at malinaw Hindi gaanong malinaw Hindi nagpresenta ng
gawa ang pagprepresenta ng ang pagprepresenta ng patalastas sa klase.
patalastas sa klase patalastas sa klase.

E.Pagpapahalaga

1. Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa inyo ang mga uri ng pangungusap bilang gabay sa
pag-aaral at sa pang araw-araw na pakikipagkomunikasyon?

2. Anu-anong Lakewood Core Values ang maaari nating maiugnay sa ating paksa ngayong araw?

F.Pag lalahat

Tandaan:
May iba’t ibang uri ng pangungusap na ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Ang Paturol/Pasalaysay ay pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan at karaniwang nagtatapos sa


bantas na tuldok (.).

Ang Patanong naman ay pangungusap o pahayag na humihingi ng sagot o tugon at nagtatapos sa


bantas na tandang pananong (?).

Ang Pakiusap ay pangungusap na nagsasaad ng kilos na ipinagagawa o hinihiling na gawin. Ito ay


maaaring magtapos sa bantas na tuldok (.) o tandang pananong. (?)

Ang Pautos ay pangungusap na nagsasaad ng pag-utos. Tulad ng paturol, ito ay nagtatapos sa bantas
na tuldok (.).

Ang Padamdam ay pangungusap an nagsasaad ng masidhing damdamin maaaring lungkot,


pagkabigla o takot. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!)

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na pagpipiliang pangungusap ang nagpapahayag ng pakiusap?

A. Umalis ka na dito.
B. Maaari ba kitang isama sa silid-aklatan?
C. Anong aklat ang paborito mong basahin?
D. Ano ang iyong pangalan?

2. Alin sa mga sumusunod na pagpipiliang pangungusap ang humihingi ng kasagutan?


A. Naku! Maiiwan na tayo ni nanay.
B. Ang nanay ay mamimili sa palengke.
C. Ano-ano ang pamimilihin ni nanay?
D. Nagpunta kami sa mall kahapon.

3. Anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ang pahayag na nasa ibaba?

Yehey! Nanalo kami sa paligsahan.

A. Patanong
B. Padamdam
C. Pautos
D. Pasalaysay

4. Anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ang kakikitaan ng bantas na tuldok at patanong? (.) (?)

A. Pasalaysay
B. Padamdam
C. Pautos
D. Pakiusap

5. Suriin ang pangungusap, tukuyin ang nagpamali sa pangungusap na nasa ibaba?

Hating-gabi na ako nakauwi galing sa trabaho?

A. Hating-gabi
B. galing
C. trabaho
D. Bantas patanong (?)

V. Kasunduan.
Panuto: Sa inyong modyul, sagutan ang pagsasanay A sa pahina 58
Takdang Gawain:
Panuto: Gumawa ng sariling reviewer mula sa unang paksa hanggang sa huling paksa bilang paghahanda
sa darating na pagsusulit.

You might also like