You are on page 1of 2

Group 2

“Parabula ng Banga “

Panalangin
Tayong lahat ay tumayo at makinig sa panalangin ni Clark

Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat upang magampanan naming an gaming
sariling tungkulin. Amen.

Pampukaw Sigla
Tayo’y paniguradong magkakaroon ng sigla pagkatapos sumayaw sa kantang itutugtog nina Jimuel at Vincent.

Music : Girl in the Mirror ( 3:53 minuto )

Pagbabalik Aral
Ang magbabalik aral ay si Richard at Christel

Mayroong ipaparinig na tula ( 3:19 minuto ) sina Richard at Christel tungkol sa kamatayan na ang pamagat ay

“Tula para sa pumanaw na Ina”

‘Di inaasahang gagawin ang tulang ito

Para sa kamatayan ng magulang na mahal ko

Pangyayaring ‘di inaasahang darating

Pagkawala ng inang ‘di na nagising

Masakit na ang unang tulang ginawa para sa’yo

Ay patungkol sa malungkot na pagkawala mo

‘Di inaasahan, ‘pagkat ito ay biglaan

Kahapon lang ay kausap ka, Bakit ‘di na nagpaalam?

Tila gumunaw ang aking mundo

Ang aking inang nagtaguyod at sumalo ng lahat

Nawala sa amin sa loob ng isang iglap

Babaeng nais pang mabuhay nang matagal

Kinuha ng Maykapal at ‘di na pinagtagal

Nakita ng Ama ang iyong mga luha

Sa daigdig.. kung kaya’t ‘di na pinamulat

Ang sabi marahil ng Diyos ay “oras na”

“Paghihirap ng kalooban mo sa mundo’y tinapos na.”


“Dito ka sa piling ko at mamahinga”

“Ang mundong ibabaw ay lisanin mo na”

Masakit man sa akin ang iyong pagkawala

Pilit magpapatuloy at magtitiwala

Nais ko sana na ikaw ay magbalik

Sa panaginip, pag dumadalaw ka ako’y nananabik.

Sabi nga nila ang pagkawala ng isang ina,

Isang panghabang buhay na sugat sa anak

Lilipas lang ito at makakasanayan

Ngunit ang pilat na ito ay walang hangganan

Ina ko, magkikita tayong muli

Sa pagkakataong iyon, ako’y magkukubli

Sa bisig mo… katulad ng nakasanayan noon

Mararanasang muli ang sumaya sa piling mo

Pagkatapos iparinig ang tula ay magbibigay ng kaunting eksplinasyon si Richard tungkol sa elehiya

Pangganyak
Ang mamumuno ay si Mecca at Chrisha

Magbibigay si Chrisha ng apat na sobre at ang laman ng sobra na iyon ay mga Jumbled Pictures.

Larawan # 1 : Mga minording edad na mga bata na nagdrudugs.

Larawan # 2 : Pagbibisyo sa murang edad.

Larawan # 3 : Maagang pagbubuntis.

Larawan # 4 : Pagbenta sa kanilang sarili/katawan.


Pagkatapos ibigay ang sobre ay kikitain nila ang kanilang kagroupo at ilalahad ni Chrisha ang gagawin. Bibigyan lamang
sila ng dalawang (2) minuto para ibuo ang larawan Pagkatapos ibuo ay ididikit nila iyon sa pisara at ipapaliwanag kung
ano ang nakikita nila sa larawang kanilang idinikit.

You might also like