You are on page 1of 100

KATIPUNAN NG MGA

AKDANG PAMPANITIKAN

(PANITIKANG PAMBATA)

Ipinasa ni:

Ricarte C. Fernandez

Ipinasa kay:

Dr. Marichu D. Tulang

1
Dedikasyon

Una sa Poong Maykapal. Nais ko pong magpasalamat sa buhay na


ipinagkaloob mo po sa akin, sa patuloy na paggabay at pag-iingat mo po sa
akin. At dahil po sa inyo nandito po ako at nag aaral. Hindi ko po sasayangin
ang ibinigay ninyong buhay sa akin. At salamat sa lahat ng pagsubok sa buhay
dahil nandiyan ka at hindi mo po ako pinababayaan. Salamat sa mga taong
ibinigay mo at nakilala ko na naging parte ng aking paglalakbay. At dahil po
diyan ikaw po ang inspirasyon ko sa paggawa ng proyektong ito.

Pangalawa, sa aking mga magulang. Sa aking nanay at tatay, na nagbigay


buhay sa akin at nagtatrabaho upang makapag-aral ako . Kayo po ang
inspirasyon ko para gawin itong proyekto na ito.

Pangatlo, sa aking guro. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo, Dr.


Marichu D. Tulang dahil binigyan niyo po ako ng ganitong pagkakataon upang
mas lalong malaman ang panitikang pambata. Salamat din po sa pagtuturo sa
akin kung paano pahalagahan ang mga panitikang ito upang maituro ito ng
tama sa mga bata.

Pangapat, sa aking mga kaibigan salamat kasi nandyan sila para


tumulong sa panahon na kinakailangan ko sila. Handa silang maglaan ng oras
upang pakinggan ang mga problema hinggil sa buhay.

Panglima, sa mga bata na patuloy na nagpupursige para makatapos ng


pag-aaral. Isa sila sa mga dahilan kung bakit bawal akong sumuko sa laban ng
buhay. Sa mga batang patuloy na lumalaban para sa edukasyon at
naghahangad ng mabuting kinabukasan.

2
Talaan ng Nilalaman

Alamat (3) 4
Pabula (3) 9
Parabula (3) 14
Kwentong-Bayan (3) 21
Maikling Kwento (3) 24
Epiko (2) 31
Salawikain (10) 37
Sawikain (10) 42
Bugtong (10) 47
Palaisipan (3) 52
Bulong (3) 54
Sabi-sabi (5) 56
Kasabihan (5) 59
Awiting
Pambata(5) 62
Awitingbayan
Oyayi o 67
Hele(2)
Kundiman 69
(2)
Kalusan (2) 73
Diona (2) 76
Kumintang (2) 79
Dalit (2) 82
Dung-aw (2) 85
Umbay (2) 87
Rawitdawit (1) 90
Ditso (2) 92
Suliranin (2) 94
Talindaw (2) 96

3
Ang Alamat ng Araw at Gabi

https://tinyurl.com/23vb5ure

Noong unang panahon ay panay na liwanag at walang dilim, sapagkat


sina Adlaw at Bulan ay mag-asawang maligayang namumuhay. Sila ay
nagkaroon ng maraming anak. Ang kanilang anak ay mga tala at bituin na
nagkalat kung kaya’t lalong nagliwanag sa kalangitan.

Minsan ay nagkagalit nang malubha ang mag-asawa na humantong sa


paghihiwalay. Pinamili ang mga anak kung kanino sasama. Sapagkat mas
mabait ang ina, sa kanya sumama ang lahat ng mga tala at bituin. Walang
nagawa si Adlaw kundi tanggapin ang kanyang kapalaran.

Simula noon, kapag araw mag-isang nagbibigay liwanag si Adlaw. At


kung gabing madilim tulong-tulong na nagpapaliwanag ang mag-iinang
Bulan, mga tala at bituin.
Aral:
Iwasan ang pag-aawayan lalo na sa pamilya o sa mag-asawa. Kung magkagalit
man ang mag-asawa, huwag na itong patagalin pa at matutong
magpakumbaba.

https://noypi.com.ph/alamat/#araw-gabi

4
Ang Alamat ng Agila (Buod)

https://tinyurl.com/x54x8f7k

Noong bago pa lamang likhain ang mundo ay may isang lalaking


nilikha si Bathala na ang panagalan ay Bugso. Lahat ng kanyang kailangan ay
ipinagkaloob na ni Bathala, kabilang na ang isang malaking palasyo.

Di nagtagal ay nainip na si Bugso dahil wala siyang kasama doon. Kaya


naman hiniling niya kay Bathala na magkaroon ng kasama. Nilikha ni Bathala
ang isang magandang dilag na si Luning. Nagkaroon din sila ng tatlong anak
nito.

Nang minsang mainip na naman si Bugso ay hiniling niya kay Bathala


na makahinga at makarating sa ilalim ng karagatan. Ipinagkaloob ito ni
Bathala. Narating ni Bugso ang kailaliman nito at nang muling mainip ay
hiniling kay bathala na ilipat sa pinakatuktok ng pinakamataas na bundok
ang kanyang palasyo. Pinagbigyan ni Bathala ang hiling ni Bugso.

Nainggit si Bugso sa mga ibong nakakalipad kaya muli ay hiniling niya


kay Bathala na makalipad din. Muli siyang tinugon ni Bathala at binigyan ng
pakpak. Ngunit napansin ni Bugso na kahit anong taas ng lipad niya ay hindi
niya maabot ang hangganan ng langit. Dahil dito’y hiniling niya kay Bathala
na marating din ang langit.

5
Dito na nagsimulang nagalit si Bathala. Ipinagkaloob na niya lahat ng
hiling ni Bugso ngunit di pa rin ito makuntento at nais pang kunin at angkinin
ang langit na kanyang tinitirahan. Dahil dito’y hindi na inalis ni Bathala ang
malapad na pakpak ni Bugso. Lumipad siya ng lumipad na wari’y inaangkin
ang langit. At si Bugso ang naging kauna-unahang agila.
Aral:
Huwag mong hahamunin ang Diyos dahil kahit kailan ay hindi mananalo ang
tao sa Kanya. Matutong makuntento sa ipinagkaloob ng Diyos. Huwag maging
sakim.

https://noypi.com.ph/alamat/#agila

6
Alamat ng Ampalaya (Buod)

https://tinyurl.com/2kpjwk2h

Noong unang panahon, sa bayan ng mga gulay, ang lahat ay may


kanya kanyang katangian.

Ang kalabasa ay may kakaibang tamis, ang kamatis ay may asim at


makinis na kutis, ang luya ay may kakaibang anghang, ang labanos ay may
sobrang kaputian, ang talong ay may lilang kulay, ang mustasa ay luntian.

Ngunit may isang gulay na may kakaibang anyo. Ito ay si ampalaya.


Siya ay may maputla at may lasang di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si ampalaya kundi ikumpara ang sarili sa


ibang gulay.

Isang araw, nagplano si ampalaya na kuhanin ang taglay na katangian


ng ibang gulay. Nang sumapit ang gabi, naisakatuparan nya ang balak.
Isinuot nya ang taglay na katangian ng lahat ng gulay.

Tuwang tuwa si ampalaya sakapagkat ang dating di pinapansin ay


pinag kakaguluhan na ngayon.

Ngunit walang lihim na di mabubunyag, napagkasunduan ng lahat ng


gulay na sundan ang kakaibang gulay.

7
Dito nila nalaman na ang magandang gulay ay walang iba kundi si
ampalaya. nagalit ang lahat at si ampalaya ay iniharap sa diwata ng lupain.

Bilang parusa, ang balat ni ampalaya ay kumulubot at ang lasa sa loob


ng kanyang katawan ay naging mapait na dulot ng pag hahalo halo ng lasa
ng ibang gulay.

Aral:
Iwasan ang pagiging maiinggitin. Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-
ibang katangian kaya matuto tayong makuntento at iwasang ikumpara ang
sarili sa iba.

https://noypi.com.ph/alamat/#ampalaya

8
Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga Sisiw

https://tinyurl.com/4nwbv534

Sa gitna ng taniman ng mais ay may naninirahang isang inahing manok


na may anak na tatlong sisiw. Isang araw ay lumabas ng bahay ang
magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, “Panahon na upang anihin ko
ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapitbahay upang
tulungan ako sa aking pag-ani bukas!”

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, “Inang,


kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan! Kung
hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin tayo
upang kainin!”

“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok.


Kung mga kapitbahay lamang ang aasahan ng magsasaka, hindi agad
magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan
dito.”

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y


walang mga kapitbahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng
magsasaka.

“Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapitbahay, sa aking mga


kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani

9
bukas!” sabi ng magsasaka sa sarili.

Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka kaya dali-dali nila itong
sinabi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at
sinabing, “Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa, hindi susunod ang
mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na
hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”

Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Wala ni isang
kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa
maisan.

Dahil sa pangyayaring iyon, napilitan ang magsasakang tawagin ang


kanyang anak at sinabing, “Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang
ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating
mga sarili!”

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang


ina at agad na iniulat ang sinabi ng magsasaka.

Noon din ay nagdesisyon ang inahing manok na lumisan na sa lugar na


iyon at sinabing, “Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-
ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang
maaasahan kundi ang kanyang sarili!”

Aral:
Ang tagumpay sa buhay ay huwag iasa sa mga kaibigan o kamag-anak. Ito’y
matatamo lamang kung pagsusumikapan ng taong may pagnanais na
magtagumpay.

https://noypi.com.ph/pabula/#manok

10
Ang Uwak at ang Banga

https://tinyurl.com/v9mu3vez

Noo’y panahon ng tagtuyot. Naghahanap ang isang uhaw na uwak ng


tubig na maiinom. Buong araw itong naglakbay kaya siya’y uhaw na uhaw.
Mamamatay siya sa uhaw kapag hindi siya nakainom ng tubig sa lalong
madaling panahon. Sa wakas ay nakahanap siya ng isang banga na may
lamang kaunting tubig sa loob nito. Subalit ang banga ay malalim at may
makitid na leeg. Kahit anong subok niya ay hindi niya abot ang tubig.

Nag-isip ng paraan ang uwak. Kumuha siya ng maliit na bato at inilagay


sa loob ng banga. Sa bawat maliliit na bato na iniligay niya sa loob nito ay
unti-unting umaangat ang tubig. Ipinagpatuloy niya nag paglalagay
hanggang sa maabot na ng kanyang tuka ang tubig at siya ay nakainom.
Aral:
Maging matiyaga at huwag agad sumuko sa buhay. Ang tagumpay ay
naaabot lamang ng mga taong may matinding pagnanasa na mapangyari iyon.
Mas mainam nang sumubok kaysa wala kang ginagawa upang maging maayos
ang buhay na inaasam mo.
https://noypi.com.ph/pabula/#uwak-banga

11
Ang Lobo At Ang Kambing

https://tinyurl.com/3ujpysfw https://tinyurl.com/2xu2fk4j

May isang lobo na nahulog sa tuyong balon. Sinikap niyang tumalon


ng mataas upang makaahon ngunit ito’y bigo. Lubhang malalim ang balon
na kanyang kinahulugan.

Maya-maya’y dumating ang isang kambing na uhaw na uhaw. Narinig


nito ang tinig ng lobo kaya siya’y agad na lumapit sa balon.

“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong ng kambing sa lobo.

“Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling naman na sagot ng lobo.

Dahil dito’y agad na tumalon ang kambing sa balon at doon niya


nalaman na siya’y niloko lamang ng lobo.

“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng


tusong lobo.

“Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong


naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon,” wika ng lobo.

“Papaano?” tanong ng kambing.

12
Ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing.

“Ako muna ang lalabas. Kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin
pataas upang ikaw naman ang makalabas,” pangako nito.

“Sige,” ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Noong


pagkakataon na ng kambing para tulungan ng lobo ay agad itong tumawa
ng malakas. Sabay sabi ng, “Walang lobong manloloko kung walang
kambing na magpapaloko.”

Pagdaka’y naiwanan ang kambing na malungkot sa malalim na balon.

Aral:
Walang manloloko kung walang magpapaloko.
Huwag agad magtiwala sa iba. Kilatisin at kilalanin muna ng isang tao bago
pagkatiwalaan.

13
Ang Mabuting Samaritano

https://tinyurl.com/buyb98hs

Mula sa Lucas 10:25-37

Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya’y


subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na
walang hanggan?” tanong niya.

Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang


nababasa mo roon?”

Sumagot ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang


buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip
mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.'”

Sabi ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka


ng buhay na walang hanggan.”

Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki,


“Sino naman ang aking kapwa?”

Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem


papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at
14
iniwang halos patay na.

Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang
taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad.

Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong
binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad.

Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang


makita niya ang biktima, siya’y naawa. Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis
at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa
kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon.

Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang


namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit
pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.'”

At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging
tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”

“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan.


Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang
gawin mo.”

Aral:
Ang nagmamahal sa Diyos ay minamahal din ang kanyang kapwa. Kahit ano pa
ang kanyang paniniwala, magkaiba man kayo ng kulay o ng lahing pinagmulan,
kahit pa kayo ay minsang nagkagalit, ang ating kapwa ay kailangan nating
mahalin. Hindi natin pwedeng sabihin na mahal natin ang Diyos ngunit
napopoot naman sa ating kapwa. Kung mahal natin ang Diyos, mahalin din
natin ang ating kapwa.

https://noypi.com.ph/parabula/#mabuting-samaritano

15
Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga

https://tinyurl.com/n5ebt4n2
Mula sa Mateo 25:1-13

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang


lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang
ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima nama’y matatalino.

Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi


nagbaon ng langis. Ang matatalino nama’y nagbaon ng langis, bukod pa sa
nasa kanilang mga ilawan. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal
kaya’t inantok at nakatulog sila sa paghihintay.

“Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking


ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’

Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan.


Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit
kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’

“Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna
kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino.

16
Kaya’t lumakad ang limang dalagang iyon upang bumili ng langis.
Habang wala sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay
kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.

“Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. ‘Panginoon,


panginoon, papasukin po ninyo kami!’ pakiusap nila.

“Ngunit tumugon siya, ‘Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.'”

Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya’t magbantay kayo, sapagkat


hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”

Aral:
Palaging maging handa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesus.

https://noypi.com.ph/parabula/#sampung-dalaga

17
Ang Alibughang Anak

https://tinyurl.com/h7ytsw88

Mula sa Lucas 15:11-32

Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki.

Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang


mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian.

Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang bahagi at


nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat
niyang kayamanan.

Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing


iyon, kaya’t siya’y nagsimulang maghirap.

Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya’y pinagtrabaho nito sa isang


babuyan. Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa
kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga
bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy.
Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili,
‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako’y
namamatay dito sa gutom! Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa
18
kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-
dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong
mga alila.”‘ At siya’y nagpasyang umuwi sa kanila.

“Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding


awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan.

Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po


ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’

Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang
pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing
at ng sandalyas. Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo’y kumain at
magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay
nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga’y nagdiwang.

“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit
na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan.

Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano’ng mayroon sa


atin?’

‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng


inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang
buháy at walang sakit.’

Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan


siya ng kanyang ama at pinakiusapan.

Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming


taon at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako
binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking
mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng
inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng
pinatabang guya!’

Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-
arian ay sa iyo. Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat
namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling
natagpuan.'”
19
Aral:
Laging handa at naghihintay ang Panginoon sa pagbabalik ng mga taong
makasalanan. Labis Niyang ikinatutuwa ang pagbabalik nila. Kaya habang may
panahon pa, magbalik-loob ka sa Diyos at talikuran ang lahat ng iyong
kasalanan.

https://noypi.com.ph/parabula/#alibughang-anak

20
Kung Bakit May Kaliskis ang Isda

https://tinyurl.com/4vkmfb4

Noong unang panahon, nabiyayaan ng isang napakagandang anak ang


isang magsasaka at asawa nito. Dahil sa kaniyang sukdulang ganda, hindi
pinapayagan ng kaniyang mga magulang ang bata na gumawa ng kahit
anong trabaho. Lumaki siya sa layaw at naging palalo.
Isang araw, habang pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon sa
ilog, nagpakita sa kaniya ang pinuno ng mga alimasag upang ipahayag ang
paghanga sa kagandahan ng dalaga. Napahiyaw ang dalaga at itinaboy ang
pangit na alimasag.
Sa pagkapahiya, kinalmot ng pinuno ng mga alimasag ang kaniyang
mukha gamit ang kaniyang sipit at isinumpang magiging isda siyang
nagtataglay ng maraming kaliskis. Ipinapaliwanag nito kung bakit iniiwasan
at kumakaripas sa paglangoy ang mga isda kapag nakikita ang kanilang
repleksyon.

Ang kuwentong ito na tungkol sa kagandahan at pagiging palalo ay


maaaring magsilbing paaalala sa mga maliliit na bata.

https://tinyurl.com/269vbvs4

21
Inang Kabundukan

https://tinyurl.com/ex83ucym

Sa isang isla sa Batanes, isang balo ang may dalawang anak na nais
lamang maglaro buong araw. Ang tanging hiling lang ng nanay sa kaniyang
mga anak ay maghanda ng hapunan sa oras na umuwi siya galing sa
pagtatrabaho sa bukid. Isang gabi, pagkauwi ng nanay, hindi niya makita ang
kaniyang dalawang anak, kaya mag-isa siyang naghain at naghapunan. Nang
dumating na ang dalawa at nakitang ang kanilang nanay na ang abala sa
pagluluto sa kusina, nagpasya silang maglaro na lang ulit. Hindi nakayanan
ng nanay kaya tahimik siyang lumisan sa kanilang tahanan. Gayong sinundan
ng mga anak ang kanilang nanay, huli na. Naghugis-bundok na siya, at
pinangalanang Bundok Iraya.

Napukaw ng “Mother Mountain” si Ong dahil tinalakay ng kuwento


ang pangunahing takot ng mga bata: kung hindi ka magiging mabait, aalis
ang nanay. Kahanga-hangang kuwento rin ito tungkol sa pagkabuo ng isang
bundok na kahugis ng babae.

Sa kanilang paglaki, mainam na magkaroon ang bawat bata ng


kanyang paboritong kuwentong narinig mula sa kanilang pamilya at kasama
sa pamayanan. Lumikha ng mga alaala at ipakilala sa inyong mga anak ang
maka-Pilipinong pamumuhay at kultura sa pamamagitan ng ating mga
kuwentong-bayan.

https://tinyurl.com/269vbvs4

22
Ang Kuwintas at ang Suklay

https://tinyurl.com/5zuh7kx4

Noong unang panahon, abot-kamay ang kalangitan at madaling


naaabot ng mga tao ang mga ulap. Si Inday, isang magandang babaeng
nakatanggap ng pamana sa kaniyang ika-16 na kaarawan, ay nakawilihang
magsuot ng kuwintas at magsuklay kahit nasa trabaho. Isang araw, habang
nagbabayo siya ng palay, ipinatong niya sa ulap ang kaniyang alahas upang
hindi masira ang mga ito. Habang binabayo niya ang palay, itinulak naman
pataas ng kabilang dulo ng pandikdik ang kalangitan. Huli na nang mapansin
niyang umakyat na ang kalangitan kung nasaan din ang kaniyang mga
minanang kagamitan. Kalaunan, ang kaniyang suklay ay naging buwan at
ang mga butil ng kaniyang kuwintas ay naging mga bituin.

Sinusubukang ipaliwanag ng mga kuwentong-bayan ang natural na


mundo. Ang “The Necklace and the Comb” ay isang kahali-halinang
kuwentong naglalahad kung paano nabuo ang buwan at ang mga bituin.
Naibigan ni Ong ang kuwentong ito dahil sa kalugud-lugod at mala-
pantasyang larawang-diwa nito.

https://tinyurl.com/269vbvs4

23
Liham

https://tinyurl.com/9dv4p858

Mula sa Life That Matters

Ako si Jerry, pamilyadong tao at apatnapu’t taong gulang. Liezel ang


pangalan ng aking asawa at mayroon kaming anak na lalaki na
nagngangalang Ken.

Isang gabi, nang umuwi ako sa bahay ay nakita ko ang aking asawa na
naghahanda ng hapunan. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay
sabay sabi ng,

“Gusto ko nang makipaghiwalay.”

“Bakit?” tugon ni Liezel na tila nagulat sa aking sinabi.

Ayoko na sanang idetalye pa ang dahilan pero nakita kong nagagalit


na siya. “Hindi na ako masaya sa relasyon natin. Naaawa na lang ako sa’yo
pero hindi na kita mahal. May iba na akong gusto at siya ang mahal ko,”
paliwanag ko.

Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko at napahagulgol siya sa


sama ng loob sa akin. Ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil baka magbago
pa ang isip ko.

Kinabukasan pag-uwi ko galing sa trabaho, may iniabot siyang liham sa


24
akin at nakalagay doon ang kanyang kondisyon bago ko siya hiwalayan. Wala
raw siyang balak humingi ng kahit anong bagay mula sa akin pero mayroon
lang siyang isang hiling.

Buhatin ko raw siya palabas ng kwarto tuwing umaga na parang


bagong kasal sa loob ng isang buwan. Sa susunod na buwan daw kasi ay
may pagsusulit ang aming anak na lalaki sa paaralan. Ayaw niyang mawala sa
focus ang aming anak kapag nalaman nitong maghihiwalay na kami. Para
matapos na ang usapang iyon ay pumayag na rin ako sa kakaibang hiling
niya.

Sa unang araw, wala akong emosyon na naramdaman ng buhatin ko


siya dahil hindi na asawa ang turing ko sa kanya. Pero nakita kami ng aming
anak at masaya niyang sinabi,

“Uy si Daddy, binubuhat si Mommy!”

Nang marinig ko iyon ay parang may kirot akong naramdaman sa


aking puso. Ngunit ipinaalala sa akin ng asawa ko na ‘wag ko daw
babanggitin sa anak namin ang tungkol sa hiwalayan.

Sa pangalawang araw ng pagbuhat ko sa kanya, inihilig ni Liezel ang


kanyang ulo sa dibdib ko. Na-realize ko na matagal-tagal ko na din palang
hindi natititigan ang asawa ko. May kaunting wrinkles na siya sa mukha at
may ilang puting buhok.

Sa ikaapat na araw, parang nakaramdam ulit ako ng kaugnayan nang


buhatin ko siya. Naisip ko na ito na pala ang babaeng nag-ubos ng sampung
taon nang kanyang buhay para sa lalaking tulad ko.

Sa ikalima at ika-anim na araw, naramdaman kong bumabalik ang


pagkasabik ko sa kanya bilang asawa. Bigla kong napansin na ang laki na
pala ng ipinayat niya. Siguro dahil iyon sa konsumisyon sa akin.

Isang araw, nakita ako ng anak namin na hinahawakan ang ulo ng


Mommy niya.

“Daddy, buhatin mo na po ulit si Mommy,” nakangiting sabi ng aming


anak.

25
Para sa kanya, normal na ang makitang binubuhat ko ang kanyang
Mommy tuwing umaga. Tinawag ng asawa ko ang aming anak at niyakap
niya ito ng mahigpit. Hindi ko sila magawang titigan dahil baka magbago pa
ang isip ko. Muli ko siyang kinarga palabas ng kwarto na parang bagong
kasal, kagaya ng request niya.

Nang sumapit ang ika-tatlumpung araw ng pagkarga ko sa aking


asawa, halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Naisip ko na ang
gagawin ko sa araw na ‘yon at buo na desisyon ko. Pinuntahan ko ang
babaeng ipapalit ko sana sa asawa ko at pagbukas niya sa pintuan ay agad
kong sinabing,

“Patawarin mo ako. Hindi na ako makikipaghiwalay sa asawa ko.”

Malinaw na sa akin ang lahat. Mahal ko ang asawa ko at gusto kong


tuparin ang pangako ko sa kanya noong kami ay ikinasal. Nung araw na ‘yon
ay bumili ako ng bulaklak at isinulat ko ang mga katagang,

“Bubuhatin kita tuwing umaga hanggang sa paghiwalayin tayo ng


kamatayan.”

Agad akong umuwi para makita ang aking asawa at ibigay sa kanya
ang mga bulaklak. Ngunit huli na ang lahat. Wala na ang asawa ko. Namatay
na siya bago pa ako dumating.

Nakita ko ang isang liham na iniwan ni Liezel at nakasaad doon na


ilang buwan na pala niyang nilalabanan ang isang malubhang sakit. Hindi ko
iyon napansin dahil abala ako sa pambababae ko.

Nakasulat din sa liham na nararamdaman niyang malapit na siyang


mawala at nais niyang isalba ako mula sa negatibong reaksyon ng aming
anak kung sakaling malaman niya ang tungkol sa hiwalayan namin.

Nais ni Liezel na maalala ng aming anak na mayroon siyang


mapagmahal na Daddy na laging bumubuhat sa kayang Mommy hanggang
sa huling sandali ng kanyang buhay.

Aral:
Mahalin ang asawa at tuparin ang pangako sa isa’t isa.
Ang pambababae ay sumisira sa relasyon ng mag-asawa.

26
https://noypi.com.ph/maikling-kwento/#liham

27
Ang mga Tasa ni Prop

https://tinyurl.com/2fpbujhp https://tinyurl.com/55mz5ctv https://tinyurl.com/m63y2fk

Mula sa Life That Matters

Isang grupo ng dating magkakaklase ang nagsama-sama upang


bisitahin ang kanilang dating propesor. Lahat sila ay pawang mga
propesyunal na at magaganda ang naging hanapbuhay. Hindi nagtagal, ang
masaya nilang kwentuhan ay nauwi sa mga reklamo at stress nila sa trabaho
at buhay.

Habang nakikinig sa usapan ng kanyang dating mga estudyante,


pansamantalang nagpaalam ang propesor upang pumunta sa kusina at
magtimpla ng kape. Kinuha niya ang iba’t ibang klase ng tasa sa kanyang
istante.

May gawa sa porselana, may gawa sa papel, may mahal, may mura,
may makulay ang disenyo, at mayroon ding simple lang. Pagkatapos ay
inilabas niya ang mga tasa na may kape saka inialok sa kanyang mga
estudyante. Nang ang bawat isa ay may hinihigop ng masarap at mainit na
kape, saka nagsalita ang propesor.

“Kung mapapansin ninyo, ang lahat ng mamahalin at may


magagandang disenyo na tasa ang pinili ng marami sa inyo para
pagkapehan. Naiwan ang mga mumurahin, luma, at di-kagandahang tasa.

28
Normal sa tao na piliin lagi ang pinakamainam. Ngunit alam n’yo ba na
kadalasan ay dito nagsisimula ang mga problema at stress sa buhay na ating
nararanasan? Ating pakaisipin na ang tasang hawak n’yo ngayon ay walang
naidadagdag sa kalidad at lasa ng kape na inyong iniinom. Ngayon mga
minamahal kong mag-aaral, isipin n’yo ito.

Ang buhay ng tao ay ang kape. Ang inyong trabaho, pera, at posisyon
sa lipunan ang tasa. Ang tasa ay kasangkapan lamang para paglagyan ng
kape. Kung minsan, kapag masyado tayong pokus sa tasa, nakakalimutan
nating ma-enjoy ang kape. Namnamin n’yo ang kape, huwag yung tasa.

Madalas, ang pinakamaliligayang tao ay hindi yung mga taong nakuha


ang lahat ng pinakamainam sa buhay. They just make the best of everything.
Namumuhay sila ng simple, nagbibigay, nagpapatawad, at nagmamahal ng
walang hinihintay na kapalit.

Hindi masamang i-enjoy ang maiksi at hiram nating buhay paminsan-


minsan. Ngunit kapag sa trabaho at kaperahan na lang umiikot ang buhay
mo, baka kaylangan mo muna ng break at uminom ng mainit na kape.”

Aral:
Huwag masyadong pahalagahan ang mga bagay sa mundong ito.
Higit na mahalaga na ma-enjoy ang buhay.
Mamuhay ng simple, maging mapagbigay, mapagpatawad, at matutong
magmahal ng walang hinihintay na kapalit.

https://noypi.com.ph/maikling-kwento/#tasa

29
Ang Hindi Malilimutang Aral Mula sa Pintor

https://tinyurl.com/pxk8txbw
Isang araw ay naisipan ni Michael na bumili ng paintings sa matalik
niyang kaibigang pintor na si Carlos. Agad siyang pumunta sa bahay nito
upang makapamili ng paintings na bagay sa kanyang bagong opisina.

“Uy Michael, kumusta ka na? Ang tagal na nating di nagkita ah!” bati ni
Carlos ng makita ang kaibigan.

“Oo nga, sobrang busy kasi sa business, Pre. Sinadya ko talaga tong
mga paintings mo para naman gumanda yung bago kong opisina,” tugon ni
Michael.

“Aba ayos yan. Congrats, Pre!” sagot ni Carlos.

“Patingin naman ng mga bago mong paintings. Ang daming


nagandahan sa mga gawa mo nung huli akong kumuha sayo,” pagmamalaki
ni Michael.

“Salamat, Pre. Ayan nga pala yung mga bago kong gawa. Mamili ka
lang dyan,” masayang tugon ni Carlos.

Nang matapos nang makapamili si Mike, niyaya siya ni Carlos na


magkape sa kanilang bakuran. Pumayag naman si Michael kaya sila ay
nagkaroon ng pagkakataon para makapag-kwentuhan. Masayang silang
nagkamustahan habang pinapanood ang dalawang anak ni Carlos na
naglalaro malapit sa kanila.
30
“Pre, nakakainggit naman ang closeness nyong mag-aama,” sabi ni
Michael kay Carlos.

“Sakto lang, Pre. Malapit din silang dalawa sa Mama nila. Napaka-
sweet pa,” pagmamalaki ni Carlos.

“Buti pa kayo…” malungkot na tugon ni Michael.

“Bakit naman? Kamusta na ba kayo ng mga anak mo?” tanong ni


Carlos.

“Wala na ko halos time sa mga anak ko. Si misis naman may inaasikaso
ring negosyo. Aalis kami tulog pa ang mga bata. Pag uwi naman namin sa
gabi, patulog na rin sila. Nakukuha nga ng mga bata lahat ng gusto nila pero
di naman namin sila mapaglaanan ng oras kaya hindi namin masyadong
nadidisiplina. Hindi ko yata na-established ng maayos ang relationship ko sa
kanila. Nakakalungkot lang,” tugon ni Michael.
Maya-maya’y biglang nagsalita si Carlos.
“Alam mo Pre, ang pagpapalaki sa mga anak ay parang paintings din.
Ang mga bata ay parang empty canvas pag ibinigay sila sa atin ng Diyos.
Kailangan mong magsimulang gumuhit para lumabas ang magandang
paintings mula rito.
Ngayon kung hindi ikaw ang guguhit sa canvas, ibang tao ang
hahawak ng brush at guguhit sa canvas na yon. Sa case ng mga anak natin,
ang surroundings, mga napapanood nila sa telebisyon, at mga taong
madalas nilang kasama ang maaaring makapaghubog sa kamalayan at
pagkatao ng bata.
Huwag mong hayaan na yung surroundings o ibang tao ang humubog
sa anak mo. Maglaan ka ng oras para maka-bonding, makausap at pakinggan
sila. Kadalasan, kung ano ang bata sa kanyang pagtanda ay dahil sa
paghubog na ginawa ng magulang noong sila ay bata pa.
Alam mo Pre, hindi pa huli ang lahat para muli mong hawakan ang
brush at gumuhit ng maganda sa canvas.”
Aral:
Palaging laanan o bigyan ng oras ang mga anak.
Huwag hayaan na ang paligid ang humubog sa mga bata. Ito ay
responsibilidad ng mga magulang.

https://noypi.com.ph/maikling-kwento/#pintor
31
Epiko ng Bidasari (Buod)

https://tinyurl.com/a9ypww33

Ang epiko ng Bidasari ay mula sa Mindanao na batay sa romansang


Malay. Sa kanilang paniniwala, tumatagal ang buhay ng tao kapag
pinapaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng
punongkahoy.

Nagkakagulo sa kaharian ng Kembayat kapag ang garuda, isang ibong


mapaminsala at nangangain ng tao, ay sinasalakay sila.

Nang minsang sumalakay ang garuda, ang Sultan at Sultana ng


Kembayat ay nagkahiwalay habang nagtatakbuhan kasabay ng maraming
tao. Kasalukuyan noong nagdadalantao ang Sultana. Dahil sa labis na takot
ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dala na rin
marahil ng pagkalito, naiwan ng Sultana ang sanggol sa bangka sa may ilog.

Napulot ni Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian,


ang sanggol. Pinangalanan niya itong Bidasari at itinuring na anak. Habang
lumalaki ay lalong gumaganda si Bidasari at naging maligaya sa piling ng
kinilalang magulang.

Si Sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari,


isang babaeng maganda ngunit mapanibughuin at takot na umibig sa iba
pang babae ang kanyang asawang Sultan. Palaging tinatanong ni Lila Sari si
32
Sultan Mongindra kung siya’y mahal nito upang masigurado ang pag-ibig ng
asawa.

Kahit palagi namang sumasagot ang Sultan na mahal niya si Lila Sari,
hindi pa rin nasisiyahan ang babae.

Sa takot na baka makakita ng mas magandang babae ang Sultan,


inutusan niya ang kanyang mga tapat na utusan na saliksikin ang kaharian
upang malaman kung may babaeng higit na maganda kaysa sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda


sa Sultana.

Inanyayahan ni Lila si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing


dama ng Sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ng
Sultana sa isang silid at doon pinarurusahan.

Labis na parusa ang inabot ni Bidasari sa Sultana kaya nang ito’y hindi
na niya matiis, sinabi niya kay Lila Sari na kunin ang isdang ginto sa
halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y ipinakukuwintas kay Lila Sari
at sa gabi’y ibinabalik naman sa tubig. Dahil dito’y pumayag si Lila Sari.
Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ng Sultana ang kwintas na isdang ginto sa umaga kaya’t si


Bidasari ay nakaburol kung araw. Kapag ibinabalik naman sa tubig kung gabi
ang kwintas ay nabubuhay si Bidasari.

Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari kaya naman


naisipan niyang magpagawa ng isang magandang palasyo sa gubat at doon
niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw ay nangaso si Sultan Mongindra sa gubat at nakita niya ang


magandang palasyo. Ito’y nakasarado kaya’t pilit na binuksan ang pinto. Sa
isang silid ay nakita niya ang isang magandang babae, si Bidasari. Ngunit
hindi niya ito magising upang makausap.

Kinabukasan ay bumalik ang Sultan at matiyagang naghintay


hanggang gabi. Nagising si Bidasari at ipinagtapat nito sa Sultan ang ginawa
sa kanya ni Lila Sari. Galit na galit ang Sultan kaya iniwan niya ang kanyang
asawa at pinakasalan si Bidasari.
33
Samantala, pagkaraan ng maraming taon, ang tunay na mga magulang
ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang supling na ang pangalan ay Sinapati.
Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si
Sinapati, anak ng Sultan at Sultana ng Kembayat.

Kamukhang-kamukha ni Sinapati si Bidasari. Ibinalita ng anak ni


Diyuhara kay Sinapati ang tungkol kay Bidasari. Tinanong ni Sinapati sa mga
magulang kung mayroon daw ba silang nawawalang anak. Nang malaman
ang katotohanan ay agad na hinanap ni Sinapati ang nawaalang kapatid.

Nagpunta sila sa kaharian ng Indrapura at doon nakita si Bidasari.


Namangha ang magkapatid dahil magkamukhang-magkamukha nga sila.
Dahil dito’y nalaman din ni Sultan Mongindra na ang kanyang pinakasalan
pala ay isang tunay na prinsesa.

https://noypi.com.ph/epiko/#bidasari

34
Epiko ng Hinilawod (Buod)

https://tinyurl.com/3us6w544

Ang epiko ng Hinilawod ay nagmula sa mga Sulod na nakatira sa


bulubunduking bahagi ng Panay. Sinasabing ito ang pinakamahabang epiko
sa buong mundo na binubuo ng 28,000 berso at kung bibigkasin ay aabot ng
tatlong araw ang pagtatanghal.

Ito ay may dalawang pangunahing tauhan, sina Labaw Donggon at


Humadapnon. Mayroon din itong mga sariling salaysay. Sa saliksik ni F.
Landa Jocano, kaniyang naitala ang Labaw Donggon noong 1956 mula kay
Ulang Udig, isang Sulod sa Iloilo. Samantala, ang epikong-bayan tungkol kay
Humadapnon ay naitala naman ni E. Arsenio Manuel noong 1963.

Buod ng Epiko ng Hinilawod (Ang kwento ni Labaw Donggon)


Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya.
Isa siya sa tatlong mala-bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata,
at ni Buyung Paubari, isang mortal. Mga kapatid niya sina Humadapnon at
Dumalapdap.

Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng


mapapangasawa. Una niyang nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si
Anggoy Doronoon.

Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong


35
Yawa Sinagmaling na asawa ni Saragnayan, tagapag-alaga ng araw.

Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa


labanan na tumagal ng maraming taon.

Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa


silong ng bahay niya.

Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni


Labaw Donggon, sina Asu Mangga at Buyung Baranugan.

Hinanap ng magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit


ngayo’y natuklasan ni Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan
kaya napatay ang asawa ni Malitong Yawa Sinagmaling.

Pinawalan ng magkapatid si Donggon at pinaliguan. Ngunit nagtago


ito sa loob ng isang lambat.

Sina Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw


Donggon at nakita nilá ito sa loob ng lambat ngunit halos bingi at lubhang
matatakutin.

Gayunman, pinagtulungan siyang gamutin nina Abyang Ginbitinan at


Anggoy Doronoon pagkatapos mangako na pantay-pantay siláng ituturing
na asawa kasama ni Malitung Yawa Sinagmaling.

Sinundan pa ito ng mga pakikipagsapalaran nina Humadapnon at


Dumalapdap na nakuha din ng kani-kanilang asawa.

Buod ng Epiko ng Hinilawod (Ang kwento ni Humadapnon)


Si Humadapnon ay anak nina Munsad Burukalaw at Anggay Ginbitinan
at ito ang kanyang kwento ng pakikipagsapalaran upang makuha si
Nagmalitong Yawa.

Naipit ang kaniyang ginintuang biray sa dalawang nag-uumpugang


malaking bato ngunit iniligtas siya ng mga kaibigang espiritu. Pagkaraan,
naengkanto naman siya nang pitong taon sa pulo ng magagandang babae.
Isang mahiwagang lalaki ang nagligtas sa kaniya (si Nagmalitong Yawa na
nakabalatkayo) at muling naglaho.

36
Nagpatuloy sa paghahanap si Humadapnon at dumanas ng marami
pang hirap. Sa wakas, natagpuan niya ang Ilog Halawod at nakasal kay
Nagmalitong Yawa.

Sa pagdiriwang, isang lalaki ang dumagit kay Nagmalitong Yawa.


Sakay ng kalasag, humabol si Humadapnon at naglaban sila ng lalaki nang
pitong taon.

Sa dulo, namagitan si Launsina, diwata ng langit, at ipinaliwanag na


kapatid ni Humadapnon ang lalaki—si Amurutha. Hinati ni Launsina si
Nagmalitong Yawa, na nabuhay muli at naging dalawang magandang babae,
at naging mga asawa nina Humadapnon at Amurutha.

https://noypi.com.ph/epiko/#hinilawod

37
Mga Salawikain

https://tinyurl.com/3h253rxa

Ako ang nagbayo. Ako ang nagsaing.


Saka ng maluto’y iba ang kumain.

https://noypi.com.ph/salawikain/

https://tinyurl.com/aupvzsw

Ang bayaning nasugatan,


nag-iibayo ang tapang.

https://noypi.com.ph/salawikain/

38
https://tinyurl.com/p789ymcm

Ang buhay ay parang gulong;


minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.

https://noypi.com.ph/salawikain/

https://tinyurl.com/musyjpm9

Ang taong tamad kadalasa’y salat.

https://noypi.com.ph/salawikain/

39
https://tinyurl.com/y8pzd5jk

Anuman ang gawa at dali-dali,


ay hindi iigi ang pagkakayari.

https://noypi.com.ph/salawikain/

https://tinyurl.com/tydjexux

Daig ng maagap ang taong masipag.

https://noypi.com.ph/salawikain/

40
https://tinyurl.com/4sk2uy33

Huwag magbilang ng manok,


hangga’t hindi napipisa ang itlog.

https://noypi.com.ph/salawikain/

https://tinyurl.com/yhxwnaz7

Kung ano ang puno,


siya ang bunga.

https://noypi.com.ph/salawikain/

41
https://tinyurl.com/yy7smyyw

Ang bulsang laging mapagbigay,


hindi nawawalan ng laman.

https://noypi.com.ph/salawikain/

https://tinyurl.com/yvvansy3

Magbiro ka sa lasing,
huwag sa bagong gising.

https://noypi.com.ph/salawikain/

42
Mga Sawikain

https://tinyurl.com/ex7pfh76

Ahas
Kahulugan: Taksil, traydor
Halimbawa: Alam mo namang ahas iyang si Belinda, bakit kinaibigan mo pa?

https://noypi.com.ph/sawikain/

https://tinyurl.com/4v28wnz3

Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit
walang suweldo.
Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin na si Perla.

https://noypi.com.ph/sawikain/

43
44
https://tinyurl.com/ya87f7fk

Alsa balutan
Kahulugan: Naglayas
Halimbawa: Nabalitaan ko na nag-alsa balutan daw ang anak mo.

https://noypi.com.ph/sawikain/

https://tinyurl.com/4ecdybea

Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Walang masama sa pagiging anak-pawis.

https://noypi.com.ph/sawikain/

45
https://tinyurl.com/45uahfdj

Anghel ng tahanan
Kahulugan: Maliit na bata
Halimbawa: Si Mikay ang anghel ng tahanan namin.

https://noypi.com.ph/sawikain/

https://tinyurl.com/ke23pv3m

Bahag ang buntot


Kahulugan: Duwag
Halimbawa: Akala mo’y kung sinong matapang, bahag naman ang buntot!

https://noypi.com.ph/sawikain/

46
https://tinyurl.com/3p8f6z2n

Balat-sibuyas
Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin
Halimbawa: Napaka balat-sibuyas mo naman.

https://noypi.com.ph/sawikain/

https://tinyurl.com/4pek9wyp

Bukang liwayway
Kahulugan: Malapit nang mag-umaga
Halimbawa: Bukang-liwayway na ako umuwi.

https://noypi.com.ph/sawikain/

47
https://tinyurl.com/39spnrpb

Di malaglagang karayom
Kahulugan: Napakaraming tao
Halimbawa: Ang sabi sa balita ay di malaglagang karayom na daw ngayon sa
EDSA.

https://noypi.com.ph/sawikain/

https://tinyurl.com/e5xs6phn

Haligi ng tahanan
Kahulugan: Ama o Tatay
Halimbawa: Responsable at mapagmahal ang aming haligi ng tahanan.

https://noypi.com.ph/sawikain/

48
Bugtong

https://tinyurl.com/4rm9nrph

Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.


Sagot: Pusa

https://noypi.com.ph/bugtong/#Hayop

https://tinyurl.com/8td4u79y

Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.


Sagot: Paniki

https://noypi.com.ph/bugtong/#Hayop

49
https://tinyurl.com/ndxaurpn

Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.


Sagot: Aso

https://noypi.com.ph/bugtong/#Hayop

https://tinyurl.com/zta3p9y

Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.


Sagot: Paruparo

https://noypi.com.ph/bugtong/#Hayop

50
https://tinyurl.com/7j94jeav

Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.


Sagot: Niyog

https://noypi.com.ph/bugtong/#Prutas

https://tinyurl.com/5wfy54wy

Isang pamalo, punung-puno ng ginto.


Sagot: Mais

https://noypi.com.ph/bugtong/#Prutas

51
https://tinyurl.com/fyhxnn9d

Bahay ni Margarita, naliligid ng Sandata.


Sagot: Pinya

https://noypi.com.ph/bugtong/#Prutas

https://tinyurl.com/vn45879c

Kampanilya ni Kaka, laging mapula ang mukha.


Sagot: Makopa

https://noypi.com.ph/bugtong/#Prutas

52
https://tinyurl.com/ucpn9wmv

Limang magkakapatid laging kabit-kabit.


Sagot: Daliri

https://noypi.com.ph/bugtong/#Katawan

https://tinyurl.com/5bksvev3

Dahon ng pindapinda magsinlapad ang dalawa.


Sagot: Tenga

https://noypi.com.ph/bugtong/#Katawan

53
Palaisipan

https://tinyurl.com/3xws22e3

Dala ako niya, dala ko siya.


Sagot: Sapatos

https://www.tagaloglang.com/mga-halimbawa-ng-palaisipan/

https://tinyurl.com/s485ur5r

Isang balong malalim, puno ng patalim.


Sagot: Bunganga

https://www.tagaloglang.com/mga-halimbawa-ng-palaisipan/

54
https://tinyurl.com/hk2eeam7

Matapang ako so dalawa, duwag ako sa isa.


Sagot: Kawayang Tulay

https://www.tagaloglang.com/mga-halimbawa-ng-palaisipan/

55
Bulong

https://tinyurl.com/32rj7me8

Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko.

https://www.scribd.com/document/339885670/Mga-Halimbawa-Ng-Bulong

https://tinyurl.com/hrcstz5n
Makikiraan po.

https://www.scribd.com/document/339885670/Mga-Halimbawa-Ng-Bulong

56
https://tinyurl.com/ycwtc8vu

Paalam.

https://www.scribd.com/document/339885670/Mga-Halimbawa-Ng-Bulong

57
Halimbawa ng mga Sabi-Sabi

https://tinyurl.com/w3esmcrk

Mamalasin ang dumaan sa ilalim ng hagdanan.

https://tinyurl.com/3mcp9fks

https://tinyurl.com/byfwx38

Mamalasin ang magwalis sa gabi.

https://tinyurl.com/3mcp9fks

58
https://tinyurl.com/45eny4u9

Mamalasin kapag magbukas ng payong sa loob ng bahay.

https://tinyurl.com/3mcp9fks

https://tinyurl.com/4e2ytb23

Mabubulag kapag natulog na basa ang buhok.

https://tinyurl.com/3mcp9fks

59
https://tinyurl.com/2sxsxyw3

Bawal gupitin ang kuko sa gabi.

https://tinyurl.com/327e532p

60
Mga Halimbawa ng Kasabihan

https://tinyurl.com/y8ym8zcy

Buhay na ipinahiram, dapat ay alagaan.

https://tinyurl.com/4p7m9km2

https://tinyurl.com/8pybnjkr

Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ng tuloy.

https://tinyurl.com/58p69kbw

61
https://tinyurl.com/ye6dr2zd

Batu-bato sa langit, tamaan huwag magagalit.

https://tinyurl.com/4jnj9typ

https://tinyurl.com/azp48nw

Inosenteng isipan, madaling mabahiran ng kasamaan.

https://tinyurl.com/2rsybbrv

62
https://tinyurl.com/8cvzds69

Ang hindi magmahal sa kanyang sariling wika ay higit pa ang amoy sa


malansang isda kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay
nagpala.

https://tinyurl.com/57b6fus6

63
Mga Halimbawa ng Awiting Pambata

https://tinyurl.com/ch25r2fc
Bahay Kubo

Bahay Kubo (Nipa Hut)


Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.

https://tinyurl.com/upr63xtm

64
https://tinyurl.com/5sh22ksz
Kung Ikaw ay Masaya

Kung ikaw ay masaya, tumawa ka.


Ha, ha, ha…
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka.
Ha, ha, ha…
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka.
Ha, ha, ha…

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak.


Kung ikaw ay masaya, pumalakpak.
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak.

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka.


Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka.
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka.

Kung ikaw ay masaya, tumawa ka.


Ha, ha, ha…
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka.
Ha, ha, ha…
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka.
Ha, ha, ha…

https://tinyurl.com/y5z3aj
65
https://tinyurl.com/a5xcxf97

Ako ay may Lobo

Ako ay may lobo


Lumipad sa langit
'Di ko na nakita
Pumutok na pala

Sayang ang pera ko


Pinambili ng lobo
Kung pagkain sana
Nabusog pa ako

https://tinyurl.com/vbr4uv5k

66
https://tinyurl.com/4rs8c5p3

Sampung Mga Daliri

Sampung mga daliri


Kamay at paa
Dalawang mata
Dalawang tainga
Ilong na maganda

Maliliit na ngipin
Masarap kumain
Dilang maliit nagsasabi
Huwag kang magsinungaling!

https://tinyurl.com/jeeuanzn

67
https://tinyurl.com/censj263

Tong tong tong Pakitong-kitong

Tong, tong, tong, tong


pakitong-kitong

Alimango sa dagat
malaki at masarap!

Kay hirap hulihin


sapagkat nangangagat.

Tong, tong, tong, tong


pakitong-kitong.

https://tinyurl.com/2jb7s32x

68
https://tinyurl.com/2xa64nrh

Ili-ili tulog anay,

Wala diri imong nanay.


Kadto tienda bakal papay.
Ili-ili tulog anay.

ili ili tulog anay


wala diri imo nanay
kadto tienda bakal papay
Ili-ili tulog anay.

mata kana tabangan mo.

ikarga ang nakompra ko.


kay bug-at man sing putos ko.
tabangan mo ako anay..

kay bug-at man sing putos ko..


tabangan mo ako anay...

ili ili tulog anay

wala diri imo nanay


kadto tienda bakal papay
Ili-ili tulog anay...

https://tinyurl.com/vc6xmuts

69
Dandansoy bayaan ta ikaw

Pauli ako sa payaw


Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon

Dandansoy kon imo apason

Bisan tubig di magbalon


Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon
Instrumental...
Dandansoy bayaan ta ikaw

Pauli ako sa payaw


Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon

Dandansoy kon imo apason


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon

https://tinyurl.com/tefape74

70
https://tinyurl.com/hctrv4cz

by: Nicanor Abelardo

Nasaan ka Irog,
At dagling naparam ang iyong pag-ibig?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?

Nasaan ka Irog
At natitiis mong ako'y mangulila,
at hanap-hanapin ikaw sa alaala
Nasaan ang sabi mong
Akoy' iyong Ligaya
Ngayo'y nalulumbay
ay di ka makita.
Irog ko'y tandaan
kung ako man ay iyong siniphayo
Mga sumpa't lambing
Pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko
ay hindi maglalaho't
Masisilbing bakas
71
Nang nagdaan
'tang pagsuyo.

Tandaan mo irog,
Irog ko'y tandaan
Ang lahat sa Buhay ko
ay hindi maglalaho''t
Magsisilbing bakas
'Tang Pagsuyo,
Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?

https://tinyurl.com/xhu4yu8v

72
https://tinyurl.com/9yyrak53

Ang Tangi Kong Pag-ibig

Ang tangi kong pagibig


ay minsan lamang
Ngunit ang
yung akala
ay hindi tunay

Hindi ka lilimutin
Magpakailan pa man
Habang ako
ay narito
at may buhay

Malasin mo’y nagtiis


ng kalungkutan
Ang buhay ko’y
unti-unti
na pumapanaw

73
Wari ko ba’y sinta
Ako’y mamatay
Kung di kita ang
kapiling
habambuhay

https://tinyurl.com/pbuas7t7

74
Mga Halimbawa ng Kalusan

https://tinyurl.com/ab3fvy4u

Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko.

Di man lang makaupo,


Di man lang makatayo.

Braso ko'y namamanhid,


Baywang ko'y nangangawit.

Binti ko'y namimitig,


Sa pagkababad sa tubig.

Sa umagang paggising,
Ang lahat iisipin.

Kung saan may patanim


May masarap na pagkain.

Braso ko'y namamanhid,


Baywang ko'y nangangawit.
75
Binti ko'y namimitig,
Sa pagkababad sa tubig.

Halina, halina, mga kaliyag.


Tayo'y magsipag unat-unat.

Magpanibago tayo ng lakas,


Para sa araw ng bukas.

Para sa araw ng bukas!

76
https://tinyurl.com/326uj6kx

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Santo Niño sa Pandakan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale namamayong


Pasukubin yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

https://tinyurl.com/42yzxzhf

77
Mga Halimbawa ng Diona

https://tinyurl.com/3ehnc4b4

Kung tayo ay matanda na, sana'y di tayo magbago


Kailan man, nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin, mmm
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo, ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko?

Pagdating ng araw, ang 'yong buhok ay puputi na rin


Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa 'tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm


Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko

https://tinyurl.com/fbz5ke85

78
https://tinyurl.com/hs9sxfhm

Sana'y wala nang wakas


Kung pag-ibig ay wagas
Paglalambing sa 'yong piling
Ay ligaya kong walang kahambing

Kung 'di malimot ng tadhana


Bigyang tuldok ang ating ligaya
Walang-hanggan ay hahamakin
'Pagka't walang katapusan kitang iibigin

Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan


Kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin


Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
Higit pa riyan ang aking gagawin

79
Sana'y wala nang wakas (sana'y wala nang wakas)
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga ngayon ay pag-asa (pag-asa)
Dala ng pag-ibig, saksi buong daigdig (saksi buong daigdig)

Kung 'di malimot ng tadhana


Bigyang tuldok ang ating ligaya
Walang-hanggan ay hahamakin
'Pagka't walang katapusan kitang iibigin

Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan


Kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin


Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
Higit pa riyan ang aking gagawin

'Di lamang pag-ibig ko


'Di lamang ang buhay ko'ng ibibigay
Sa ngalan ng pagibig mo
Higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko

https://tinyurl.com/nnhhh9uk

80
Halimbawa ng Kumintang

https://tinyurl.com/y8dasxmk

Kung gabing ang buwan


Sa langit ay nakadungaw

Tila ginigising ng habagat


Sa kanyang pagtulog sa tubig

Ang isang larawang puti at busilak


Na lugay ang buhok na animo'y agos

Ito ang Mutya ng Pasig


Ito ang Mutya ng Pasig

Sa kanyang pagsiklot
Sa maputing bula
Kasabay ang awit
Kasabay ang tula

81
Dati akong Paraluman
Sa Kaharian ng pag-ibig
Ang pag-ibig ng mamatay
Naglaho rin ang kaharian

Ang lakas ko ay nalipat


Sa puso't dibdib ng lahat
Kung nais ninyong akoy mabuhay
Pag-ibig ko'y inyong ibigay

Ang lakas ko ay nalipat


Sa puso't dibdib ng lahat
Kung nais ninyong akoy mabuhay
Pag-ibig ko'y inyong ibigay

Kung nais ninyong akoy mabuhay


Pag-ibig ko'y inyong ibigay

https://tinyurl.com/2vxzpkuc

82
https://tinyurl.com/4vm24y4d

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

https://tinyurl.com/6f7uxjpf

83
Mga Halimbawa ng Dalit

https://tinyurl.com/m4dtytdd
AWIT NG PAGSAMBA

Kay buti Mo Panginoon

Dakila Ka sa buhay Ko
Sa labis na pag-ibig Mo
Ay naligtas ako
Hindi man karapat-dapat
Ay Iyong pinatawad
At binigyan Mo pa ng tinig
Tinuruan Mong umawit
Kaya ngayon ang puso’t isip ko
Iisang sinasambit

Koro:

Ang pagpupuri’t pasa – salamat


Ay sa Iyo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba’y
Sa Iyo lamang iaa – lay…
Ang pagpupuri’t pasa – salamat
Ay sa Iyo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba’y
Sa Iyo lamang iaa – lay…

84
Hesus

Kay buti Mo Panginoon

Dakila Ka sa buhay Ko
Sa labis na pag-ibig Mo
Ay naligtas ako
Hindi man karapat-dapat
Ay Iyong pinatawad
At binigyan Mo pa ng tinig
Tinuruan Mong umawit
Kaya ngayon ang puso’t isip ko
Iisang sinasambit

Koro:

Ang pagpupuri’t pasa – salamat


Ay sa Iyo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba’y
Sa Iyo lamang iaa – lay…
Ang pagpupuri’t pasa – salamat
Ay sa Iyo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba’y
Sa Iyo lamang iaa – lay…
Hesus

Ang pagpupuri’t pasa – salamat


Ay sa Iyo lamang nararapat

Ang tunay na awit ng pagsamba’y


Sa Iyo lamang iaa – lay…
Ang pagpupuri’t pasa – salamat
Ay sa Iyo lamang nararapat
Ang tunay na awit ng pagsamba’y
Sa Iyo lamang iaa – lay…
....
Hesus

https://tinyurl.com/hxynuxh5

85
https://tinyurl.com/4tjm5zmw

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak, at mayroong liwanag na tatanglaw


sa ating pagyapak.
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha, at siyang papawi nito ay ang pag-
asa ng umaga,
at kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim
may isang inang nagmamatyag, nagmamahal sa 'tin.

Awit niya'y pag-ibig ng Diyos, tawag niya'y magbalik-loob,


turo nya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob..

CHORUS:
O Inang mahal narito kami awit awit ang Ave Maria
at dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria
puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng amang nagmamahal

O inang mahal narito kami't awit awit ang Ave maria


sa anak mong si Jesus puso namin ay ihahandog
ang rosario mo't hawak namin at awit awit ang Ave Maria
puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
ihatid mo kami sa langit sa amang mapagmahal

https://tinyurl.com/udk6448a

86
Halimbawa ng Dung-aw

https://tinyurl.com/fmhfssjr

Ay ama nga nageb-ebba


Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.

https://tinyurl.com/5nsu7yr2

87
https://tinyurl.com/yxjh8s

Pakada (Farewell)

Adios, salda toy riknak.


Kalapati nga naimnas.
Biagko, panawanka,
Sayamusom nga liwliwa

Daytoy retratok ipenpenmo


Ita let-ang ta barukongmo,
Ta isunto’t murmuraymo
No sumken ta ladingitmo.

https://tinyurl.com/5nsu7yr2

88
Mga Halimbawa ng Umbay

https://tinyurl.com/v2eebwbc
Verse:
Hindi kita malilimutan
Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman
Sa king palad ang yong pangalan

Verse:
Malilimutan ba ang ina
Ang anak na galing sa kana
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano Niya matatalikdan . .
Ngunit kahit na malilimutan
Ng ina ang anak niyang tangan . .

Chorus:
Hindi kita malilimutan
Kailanma’y di pabababyaan
Hindi kita malilimutan
Kailnmay di pababayaan . .

https://tinyurl.com/m3dhcrjc

89
90
https://tinyurl.com/fhbprwnz

[Chorus]
Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

[Verse 1]
Ika'y hanap sa t'wina
Nitong pusong Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa'yo sinta

[Chorus]
Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

91
[Verse 2]
Ika'y hanap sa t'wina
Sa kapwa ko Ika'y laging nadarama
Sa iyong mga likha
Hangad pa ring masdan
Ang 'yong mukha

[Chorus]
Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

https://tinyurl.com/48e9d4yt

92
Mga Halimbawa ng Rawitdawit

https://tinyurl.com/f6mn363u

Ika, Ako, Kita

Ika,
ang tinta sa
sakuyang panurat,

Ako,
ang papel
na mayong surat.

Kita,asin ang satuyang


pagpadangat, garo
tinta sa papel,
dae na mapupura.

https://tinyurl.com/yynsv4cj

93
https://tinyurl.com/azv2h4vf

Tsinelas

Pagabot hale saeskwela


Bulos, kakan, rabas
Dalagan, minakuripas.
Mga tsinelas, winawasiwas.
Nainguragan nagdararinas
Su tsinelas, putol nagkairinas.

Naglakaw, pauli
Nag-iisip nin saiyang ibubuladas
‘Su tinampo kaya mahalnas.’

Kundi harayo pa, siya nangalas…


gabos na palusot, nawara.
Dangan, saiyang lobot
pinunas-punas
Si inay nahiling,
may kapot na badas.

https://tinyurl.com/yynsv4cj

94
Mga Halimbawa ng Ditso

https://tinyurl.com/yf5xfjja

Ang ibig sabihin ng ditso ay mga linya sa dula. Ito ay tumutukoy sa "script"
ng dula. Ang salitang ditso ay binanggit sa saknong 227 ng Florante at Laura
(Kabanata 16: Pamatid-Buhay).

Saknong 227:

"Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay

ay hindi ang ditsong nasa orihinal,

kundi ang winika'y "Ikaw, ikaw, na umagaw

ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!""

Isinasaad sa saknong sa itaas na hindi sinunod ni Adolfo ang kanyang dapat


sasabihin ayon sa ditso at siya ay nagsabi ng masasamang salita kay
Florante.

https://tinyurl.com/hs44mcez

95
https://tinyurl.com/yj6rycxd

Ako po’y si Kataba


Anak ng kondeng Mababa
Pagnakainom ng Tuba
Ay nanghahagad ng taga

Ako po ay si Pandak
Anak ng Kondeng Tabayag
Pagnakainom ng alak
Biyenan ma’y hinahagad.

https://tinyurl.com/5un9skvd

96
Mga Halimbawa ng Soliranin

https://tinyurl.com/8dzjcf5b

Ang Mangingisda

Paalam na Inang mahal


Lumulubog na ang buwan
Yayaon nang mamamandaw.

Haplit, haplit kasamahan,


At nagbubukang liwayway
Naghihintay ang may bakay.

Haplit, haplit nang pagsagwan,


Isdang huli'y hinihintay
Ng tunay na minamahal.

https://tinyurl.com/5jsaxt36

97
https://tinyurl.com/9y9apf6k

Si Filemon, si Filemon, nangisda sa karagatan,


Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na palengke
Kumita ng kaunting pera, kumita ng kaunting pera,
Para lang sa kaniyang alak na tuba.

https://tinyurl.com/an4mxhcz

98
Mga Halimbawa ng Tulindaw

https://tinyurl.com/3chevd6c

Isagwan ang Bangka patungong sapa,


Ang saya, saya, saya buhay na maganda.
Kami namamangka, sinasagwan ang bangka
Parang panaginip na buhay kay saya.

Isagwan ang Bangka patungong sapa,


Ang saya, saya, saya buhay na maganda.
Kami namamangka, sinasagwan ang bangka
Parang panaginip na buhay kay saya.

https://tinyurl.com/mnye77u3

99
https://tinyurl.com/h9v4j6ed

Sagwan, tayo’y sumagwan


Ang buong kaya’y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo’y tangayin,
Pagsagwa’y pagbutihin.

https://tinyurl.com/zepyh5sm

100

You might also like