- tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe - berbal na
komunikasyon tulad ng kumbersasyon - pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa pasalita man o pasulat -kapareho ng komunikasyon Dalawang anyo ng Diskurso 1. Pasulat - mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat. maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo. 2. Pananalita - mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap upang makamit ang layunin.