You are on page 1of 1

CHILD LEADER’S GUIDE

Teaching #1

ANG MGA IPAPAAWIT:


1. ____________________________________
2. ____________________________________

ANG IKUKUWENTO - MATEO 15:29-31 MBB


 “Pag-alis doon, naglakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Umakyat siya
sa bundok at naupo roon. Nagdatingan naman ang napakaraming taong may
dalang mga pilay, bulag, lumpo, pipi, at marami pang ibang maysakit.
Dinala nila ang mga ito sa paanan ni Jesus at sila'y pinagaling niya. Kaya't
namangha ang mga tao nang makita nilang nakapagsasalita na ang mga pipi,
gumaling ang mga lumpo, nakakalakad na ang mga pilay, at nakakakita na
ang mga bulag. Kaya't pinuri nila ang Diyos ng Israel.”

 ANG MGA ITATANONG:


1. Bakit napakaraming tao ang dumating kay Hesus. (Sagot: Dinala nila ang
maraming maysakit.)
2. Saan nila dinala ang mga maysakit? (Sagot: sa paanan ni Hesus.)
3. Pinagaling ba ni Hesus ang lahat ng maysakit? (Sagot: Opo)
4. Anu-anong sakit ang mga pinagaling ni Hesus? (Sagot: pipi, lumpo, pilay
at bulag)
5. Mayroon bang mahirap kay Hesus? (Sagot:Wala)
6. Ano ang ginawa ng mga tao? (Sagot: Pinuri nila ang Diyos.)

MEMORY VERSE TIME


 Isa-isang magsabi ng kanilang mga nasaulo ng mga talata.

LARO
 Ang mga ipapalaro ay
___________________________________________.

UWIAN NA.

You might also like