You are on page 1of 4

Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad.

Maging sa iba’t – ibang larangan katulad ng mga


sumusunod:

WIKANG FILIPINO SA HUMANIDADES


Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga
palagay at saloobin na nakatuon sa pagpapahalaga sa
buhay.Kung susuriing mabuti, wika ang may pinakamalakirrg
papel na ginagampanan sa larangang ito — ang Humanidades.
Sangayon, higit nang malawak ang saklaw nito sapagkat maaari
nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika, estruktura, at iba
pa makataong sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito. Sa
tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang larangang ito, pati
na ang ating sarili at higit tayong nagiging maingat at magalang
sa paniniwalang likha ito at gawi ng ibang tao.

WIKANG FILIPINO SA AGHAM AT


TEKNOLOHIYA
Sa pagbabago ng panahon at lipunan, normal lamang na
sumabay ang wika sa mga pagbabago't modernisasyonng
lipunang gumagamit nito. lto ang hamon ng pagpasok ng bagong
siglo sa mga tagapagturo at tagapagpalaganap ng wikang
Filipino. Kailangang magamit ang Filipino sa pagtuturo at
pagsusulat sa larangan ng Agham, Matematika, at Teknolohiya.
Ayon sa kanila, ang paggamit ng wikang Filipinio ay nagdudulot
ng mahusay, mabilis, at mabisang pag-unawa sa mga
asignaturang siyentipiko at teknikal.
Kamakailan lamang, napatunayan sa Third Global Math and
Science Study o TIMSS na higit na epektibo ang pagtuturo ng
Agham at Matematika sa wikang katutubo sa isang bansa.

WIKANG FILIPINO SA AGHAM PANLIPUNAN


(Batas at Politika)
Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa pagitan
ng namamahala Ang pamahalaan at ng pinamamahalaan o ang
mga mamamayan. Dahil dito, dapat gamitin ang wika sa
komunikasyon ng bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito,
ang daloy o proseso ng komunikasyon ay dalawa ito ang
paghahatid ng mensahe o atas ayon sa nasa batas at ang tugon o
sagot ng bayan. Kung gayon, dapat gamitin ang wikang Filipino sa
batas at politika. Dapat ding maging lengguwahe ng hukumanang
wikang ito. Tandaan nating habang mangmang ang bayan sa
batas, hindi mangingimi ang mga tao sa paggawa ngkabuktutan
at katiwalian — mga bagay na hadlang sa ninanais nating
kaunlaran. Samakatwid, susi ang wikang Filipino sa politika ng
batas, sa pagpapalaganap ng katarungan, at pagsugpo sakrimen
na lumalaganap sa administrasyon ng batas at politika. Ang
layuning magkaisa ang ating lahi sa ilalim ng katarungan at
karangalang mahango ang mga nabubuhay sa karalitaan,
kawalang-muwang, at kawalan ng pagkakataon upang sila man
ay maging sangkap ng isang pamayanang pampolitika ay
magaganap lamang kung ang ating mga batas ay maisasalin sa
wikang Filipino at ang wikang ito ay gagamiting wika sa mga
hukuman at sa mga batasan kung saan ginagawa ang batas.
WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT
INDUSTRIYA

Tayo ay pumapasok na sa bagong siglo. Ito ang daigdig ng


cyberworld. Nasa paligid natin ang mga site, Web, email, fax
machine, at iba pang kagamitan tungo sa mabilis na daluyan ng
komunikasyon.

Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at


industriya. Ito rin ang lengguwahe sa internet. Ingles ang wikang
ginagamit ng mga mangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa mga
banyaga at malalaking negosyante.

Ngunit sa sinasabing daigdig ng the internet at sa darating na


panahon, magkakaroon ng worldwide language at isang wika ang
gagamitin sa buong mundo. Ayon kay John Naisbitt sa aklat na
Worldwide Oddity, totoong magkakaroon ng isang wika tungo sa
sinasabing worldwide town.

Sa kabilang dako habang umuunlad ang iisang worldwide


language ay lalong pahahalagahan ng bawat bansa ang kanilang
identity o sariling pagkakakilanlan. Higit na pag-uukulan ng
kahalagahan ang public character. At hindi magkakaroon ng
isang worldwide money related cash dahil ang salaping ililimbag
o gagawin ng bawat bansa ay maglalaman ng kanilang sariling
wika, sariling bayani, sariling kasaysayan, at kultura.
Sa ganitong konsepto, totoo ang sinabi ni Brother. Andrew
Gonzales na mahalaga talaga ang wikang Filipino sa negosvo at
industriya. Kahit na sa daigdig ng the internet, ng mga babasahin
tungkol sa larangang pangkabuhayan, at mga iba pang may
kinalaman sa negosyo at kalakal, Filipino rin ang iiral at
mangungunang wika ngayon at sa darating na panahon, aniya.

Sa pagdagsa ng mga itinatayong industriya sa ating bansa,


kukuha't kukuha ng mga manggagawang Pilipino. Karamihan dito
ay iyong mga hindi nakaabot ng mataas na antas ng pag-aaral,
ngunit nakauunawa naman ng kaunting Ingles. Ngunit upang higit
na mapakinabangan sila sa mga itatayong industriya, kailangang
turuan sila ng mga bagong kakayahan sa paglikha ng mga
produkto.

Dito papasok ang mga ekspertong Pilipino na mamumuno at


magtuturo ng mga kaalaman sa mga manggagawa. At dahil nga
pinagtutuonan ng pansin sa kasalukuyan ng mga itinatayong
industriya sa bansa ang pandaigdigang pamantayan ng anumang
produktong lilikhain, hindi Ingles kundi Filipino ang gagamitin
upang turuan ang kanilang mga manggagawa ng kakayahan at
katalinuhan sa gawaing produkto.

Kaya kung titingnan natin ang mga halimbawa sa itaas na


pahayag ay mauunawaan natin kung paanong magiging
kasangkapan ang wikang Filipino sa pag unlad ng bawat
larangan at lalo na ng ating bansa.

You might also like