You are on page 1of 1

LAST TRIP

By: Marie Robin Lee A. Felia

Mula sa kaniyang mahimbing na tulog, ramdam ni Rose ang matinding pagod ng kaniyang katawan, tila
ba’y nagbuhat siya ng isang daang kalabaw. ‘Di niya alam kung dahil ba ito sa kanilang buong araw na
field trip o dahil sa paghabol niya sa kanilang bus. Alam niyang matagal na siyang hindi tanggap sa
eskwelahan. Nag-ugat ito sa bulong-bulungan na mula siya sa pamilya ng mangkukulam. Hindi lang inakala
ni Rose na labis ang kamuhian nila na umabot ito sa muntik na pag-iwan sa kaniya ng bus.

Ang lamig na pang-Antarktika ay dahilan para manginig si Rose. Idinilat niya ang kaniyang mata at
sinalubong siya ng dilim. Nang ilibot niya ang kaniyang tingin, tumindig ang kaniyang balahibo dahil siya na
lang mag-isa sa loob ng bus. Dali-dali siyang pumunta sa unahan para makalabas na.

Nahirapan siyang tumakbo dahil parang may kung anong mabigat sa kaniyang talampakan. Sa sobrang
taranta, tumuloy na lamang siya ngunit siya’y natigilan pagkatulak sa pinto ng bus. Mula sa labas, ito’y
naka-lock. Pilit niya itong buksan, pinagsisipa niya na ngunit wala pa rin. Lalo pang nanlamig si Rose
nang makaramdam siya ng basa sa kaniyang noo. Pagtingin niya sa kaniyang repleksyon, siya’y duguan.

Nanginginig ang kamay, sinubukan niyang mag-dial sa kaniyang telepono ngunit nanlumo siya nang makita
ang kaniyang paanan;

Patong-patong na bangkay.

You might also like