You are on page 1of 6

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA


PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG
BUGTONGNAPULO
BUGTONGNAPULO

MASUSING BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

I. Layunin
 Nasusuri ang ibinibigay na prayoridad sa bawat gawain sa pamamagitan
ng pagraranggo ng mga ito ayon sa itinatakdang tunguhin sa paggawa
 Naisasaayos ang mga nakatalang gawain gamit ang Eisenhower Matrix
 Nababantayan sa buong linggo kung nasundan ang kabuuang minuto na
inilalaang gugulin sa bawat gawain ayon sa prayoridad at tunguhin
II. Nilalaman
Paksang Aralin: Modyul 12: Pamamahala sa Paggamit ng Oras
Paksa: Prayoritisasyon
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa mag- aaral, pahina
190-192
Kagamitan: Laptop, TV, Powerpoint Presentation, Instructional Materials
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Maikling Kamustahan
5. Pagbabalik- Aral

B. Pagganyak
" Bago tayo magsimula sa sunod na paksang ating
tatalakayin ngayong araw, mayroon akong
inihandang isang gawain na kung saan sasagutin
ang bawat tanong sa pamamagitan ng
pagmamarka mo sa iyong sarili sa bawat aytem ng
1 hanggang 5. Ang 1 ang siyang pinakamababa o
pinakamadalang at ang 5 ay ang pinakamataas o
pinakamadalas. Sagutin ang mga tanong ayon sa
aktuwal na ikaw at hindi ayon sa gusto mong
maging ikaw."

" Maliwanag ba ang gagawin?"


" Opo Ma'am"
(Iba't- ibang sagot ng mga mag-
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG
BUGTONGNAPULO
BUGTONGNAPULO

1) Ginagawa ang mga gawain na nasa mataas na aaral)


prayoridad. (Iba't- ibang sagot ng mga mag-
2) May kamalayan kung ilan ang guguguling oras sa aaral)
bawat gawain. (Iba't- ibang sagot ng mga mag-
3) May kamalayan sa halaga ng bawat gawaing aaral)
natatapos gawin. (Iba't- ibang sagot ng mga mag-
4) Nagtatakda ng prayoridad sa bawat bagong aaral)
gawaing dumating ayon sa nasusuring kahalagahan
nito. (Iba't- ibang sagot ng mga mag-
5) Nagtatakda ng prayoridad sa mga inilistang aaral)
gawain para sa sarili.

C. Aktibiti
Gamit ang talahanayan sa ibaba, gumawa ng
listahan sa mga dapat mong gawin sa buong
maghapon. Pagkatapos ay suriin ang mga ito kung
alin ang pinakamahalaga na kailangan mong
unahin. Iranggo mo ito ayon sa pinakamahalaga
hanggang sa huling mahalagang gagawin mo sa
maghapon. Pagkatapos ay ipaliwanag ang dahilan
kung bakit ito ang pinakamahalaga hanggang sa
huling mahalagang gawain.

Mga Dapat Pagraranggo Dahilan ng


Gawin sa (Mula sa Pagraranggo
Maghapon pinakamahalaga,
(Ilista ang Rank 1 hanggang
bawat sa huling
gawain mahalaga, Rank 4
ayon sa o 5, o ayon sa
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG
BUGTONGNAPULO
BUGTONGNAPULO

kung ano dami ng gagawin


ang maisip) sa maghapon)

" Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para


tapusin ang gawain"

D. Analisis (Pagsusuri)
(Tatawag ang guro ng dalawang estudyante na
(Iba't- ibang sagot ng dalawang
magbabahagi ng kanilang naging sagot)
estudyanteng natawag)

" Napakahusay! Sa ginawang aktibidad, ano kaya sa


palagay ninyo ang paksang tatalakayin natin
ngayong araw?"
" Tungkol po sa Prayoritisasyon"

" Napakahusay! Bigyan ng tatlong bagsak ang


inyong mga sarili."

E. Abstraksyon (Paghahalaw)
" Ngayong alam na ninyo na ang paksang
tatalakayin natin ngayong araw ay tungkol sa
prayoritisasyon, ano para sa iyo ang " Ito po yung inuuna muna kung

prayoritisasyon?" aling gawain ang pinakamahalaga"


(Iba't- ibang sagot ng mga mag-
aaral)
" Mahusay! Iba pa pong kasagutan"

" Magaling! Bigyan ng limang bagsak ang inyong


mga sarili" (Iba't-ibang sagot ng mga mag-
aaral)
" Bakit kailangan ang prayoritisasyon?"

" Napakahusay! Kailangan ang prayoritisasyon dahil


mas madadalian tayong tapusin ang mga gawain na
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG
BUGTONGNAPULO
BUGTONGNAPULO

nakaatang sa atin. Sa pamamagitan ng


prayoritisasyon, mapamamahalaan mo ang
paggamit ng iyong oras at matutupad mo ang iyong
tunguhin."

Ang pagbibigay ng prayoridad kung ano ang


kailangang gawin at tapusin sa takdamg oras ay
napakahalaga. Sa pagkakaroon ng prayoritisasyon,
mas mapapamahalaan mo ang paggamit ng iyong
oras. Maiiwasan mong magkabuhol- buhol ang
iyong isledyul at aabot ka sa itinakdang dedlayn ng
iyong ginagawa.

Pagkakaiba sa Importante at sa Kailangan Agad


" Paano ba nagkakaiba ang importanteng gawin at
ang kailangang gawin agad?"

Upang masagot ang tanong na ito kilalanin mo


kung ang kailangang gawin agad na hinihingi sa iyo
ay tunay ba na mahalaga ayon sa kaugnayan nito sa
iyong tunguhin, prayoridad at sa papel mo sa
sitwasyong iyong kinaroroonan.
Kailangang matutuhan mo sa dalawang sitwasyong
ito ang maihiwalay ang tunay na emerhensiya o
importante na sitwasyon mula sa sitwasyon na
kailangang tugunan agad subalit hindi naman
gaano kaimportante.

Halimbawa para sa tunay na emerhensiya o


importante na sitwasyon:
Isugod mo ang iyong kaklase sa klinik dahil inaatake
ito ng matinding hika.
Halimbawa para sa kailangang tugunan agad
subalit hindi naman gaano kaimportante:
Ang pagkakaroon ninyo ng pagsusulit sa oras na
iyon. (Iba't-ibang sagot ng mga mag-
aaral)
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG
BUGTONGNAPULO
BUGTONGNAPULO

" Alin sa dalawang halimbawa ang nararapat mong


unahin sa pagtugon?" " Opo Ma'am"

" Naunawaan na ba ang pagkakaiba sa importante


at sa kailangan agad?" " Wala na po"

" Sigurado? Wala na kayong ibang katanungan?"

F. Aplikasyon (Paglalapat)
Sa isang "short bond paper" ayusin ang mga
gawaing nakatala sa loob ng kahon gamit ang
Eisenhower Matrix. Italaga ang mga gawain sa kung
saan sila nababagay o nararapat ilagay.
• Maghugas ng mga plato • Matulog
• Magwalis ng kwarto • Magbalik-aral
• Magtupi ng mga damit • Maglaro
• Magpakain ng mga alagang hayop
• Bilihan ng gamot ang kapatid na may sakit
• Pumunta sa mall kasama ang mga kaibigan
• Magbisikleta sa parke • Manood sa netflix

DO IT NOW DO IT LATER
Urgent and Important Important and Not
Urgent

DELEGATE IT DEFER IT
Urgent and Not Not Important and Not
Important Urgent
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG
BUGTONGNAPULO
BUGTONGNAPULO

" Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para


gawin at tapusin ang gawain"

IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong
diwa at ekisan (x) naman kung hindi.
___1) Ang pagbibigay ng prayoridad kung ano ang kailangang gawin at tapusin sa
takdang oras ay napakahalaga.
___2) Sa pagkakaroon ng prayoritisasyon, mapamamahalaan mo ang paggamit
ng oras at hindi matutupad ang iyong tunguhin.
___3) Sa pagkakaroon ng prayoritisasyon, aabot ka sa itinakdang dedlayn.
___4) Sa paggawa ng gawain laging unahin ang pinakamahalaga.
___5) Sa pamamagitan ng prayoritisasyon, madali mong malalaman kung aling
gawain nararapat mong tugunan o gawin agad.

SUSI SA PAGWAWASTO

1. ✓
2. x
3. ✓
4. ✓
5. ✓

V. Takdang Aralin/ Karagdagang Gawain


"Ano ang maitutulong ng prayoritisasyon sa iyong paggawa? Ipaliwanag."

You might also like