Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Epp 5: Butuan Central Elementary School
Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Epp 5: Butuan Central Elementary School
Department of Education
Caraga Region
Division of Butuan City
Central Butuan District I
BUTUAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Butuan City
____________________________________________________________________________
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 5
Pangalan: ___________________________ Baitang at pangkat: __________________
Guro: _________________________________ Petsa: ___________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang nararapat gawin kung ang damit ay nangangamoy?
A. Ilagay sa labahan C. Pahanginan
B. Plantsahin D. Tiklupin at ilagay sa cabinet
2. Aling paraan ng pag-aalaga ng kasuotan ang dapat gawin kapag ito napunit?
A. Paglalaba C. Pagsusulsi
B. Pagpaplantsa D. Pagtutupi
4. Ano ang dapat gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
A. Ayusin ang pleats ng palda
B. Ipagpag ang palda
C. Basta nalang umupo
D. Ibuka ang palda
7. Si Ana ay naghahanda ng kanyang mga susuotin sa pagpasok sa paaralan. Nakita niyang gusot
ang uniporme niyang blusa. Ano ang dapat niyang Gawain sa gusot niyang blusa?
A. Labhan agad-agad
B. Plantsahin
C. Ibalik sa pinaglalagyan
D. Ilagay sa hanger at pahanginan
8. Paano kuskusin ang mantsa sa damit upang hindi masira ang damit?
A. Kuskusing maigi ang mantsa upang matangal agad ito
B. Marahang kuskusin ang mantsa sa damit
C. Ibuhos ang lahat ng iyong lakas sa pagkuskus sa mantsa
D. Lahat ng nabanggit
9. Kung ang iyong damit ay nadikitan ng chewing gum, ano ang iyong gagawin pag-uwi sa bahay?
A. Lagyan ng asin at asin
B. Ibabad sa araw ang mantsa
C. Lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas ito bago kuskusin
D. Tama ang A, B at C
10. Paano tatanggalin ang putik na kumakapit sa damit mo?
A. Lagyan ng katas ng kalamansi at asin at kasutin
B. Ibabad ang damit sa mainit na tubig, sabunin at kusutin
C. Kuskusin ang mantsa gamit ang brush bago ito sabunin at labhan
D. Lahat ng nabanggit
11. Kailangan ihiwalay ang puti sa de-kolor upang maiwasan ang _________.
A. Pangungupas ng damit C. Pagkahawa-hawa
B. Pagkatastas D. Pagkabutas
13. Ano ang dapat gawin upang hindi maghawa-hawa ang ibat-ibang kulay ng damit tuwing
naglalaba?
A. Pagsama-samahin ang de-kolor at putting damit sa paglalaba
B. Ihiwalay ang de-kolor sa putting damit tuwing naglalaba
C. Pagsasabaying labhan ang de-kolor at putting damit
D. Wala sa nabanggit
14. Suot mo ang iyong plantsadong palda at nais mong umupo, ano ang iyong dapat gawin?
A. Makipag-agawan sa malinis na upuan
B. Umupo kaagad upang hindi magalit ang guro
C. Humanap ng kaklaseng magiging katabi sa pag-upo
D. Titingnan kung marumi ang upuan at iingatan ang palda habang umuupo
15. Nakita mong gusot-gusot ang nilabhan mong uniporme, ano ang iyong gagawin bago mo ito isot
sa iyong pagpaskok?
A. Ibabad muna sa mainit na tubig saka isampay
B. Ipagpag nag paulit-ulit para maalis ang gusot
C. Lablabhang muli
D. Plantsahin ito
17. Ang mga sumusunod ay wastong paraan ng pamamalantsa maliban sa isa. Alin dito?
A. Ihiwalay ang makakapal at manipis na damit
B. Huwag iiwanan ang pinaplantsa. Kung kailangan may gawing ibang bagay, tanggalin sa
saksakan ang plantsa.]
C. Ibukod din ang mga pantalon, palda, polo, kamiseta, blouse at iba pang damit.
D. Punasan ang ilalim ng plantsa ng basahan bago ito painitin upang makasigurong wala itong
kalawang o dumi na maaring dumikit sa damit.
20. Ito ang takip na metal na maaaring buksan upang maalis o mapalitan ang bobina.
A. Presser Foot C. Balance Wheel
B. Shuttle D. Belt
25. Paano mo malalaman na matibay at maganda ang kalidad ng ginawa mong Apron?
A. Maganda ang disenyo ng Apron
B. Pulido at nakasunod sa wastong hakbang ang pagkatahi
C. Maluwang ang pagkatahi
D. Wala sa nabanggit
26. Upang masagawa ng maayos ang proyektong kagamitang pambahay, ano ang unang hakbang na
iyong gagawin?
A. Gawin kaagad ang proyekto
B. Sukatin at gupitin ang tela
C. Bumuo ng Project Plan
D. Wala sa nabanggit
27. Ano ang mabuting maidudulot kapag Pulido at nakasunod sa wastong hakbang ang iyong
ginagawang kagamitang pambahay.
A. Madaling natapos ang ginawang kagamitang pambahay
B. Makagagawa ng kagamitang pambahay na may magandang disenyo.
C. Makasisiguro na matibay aut maganda ang kalidad ng ginawang kagamitang pambahay
D. Wala sa nabanggit
30. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng proyekto. Dito nakasulat ang tawag na binabalak gawing
proyekto.
A. Pangalan ng proyekto
B. Layunin ng proyekto
C. Pamamaraan sa paggawa ng proyekto
D. Talaan ng mga kagamitan at mateyales
31. Kung gusto mong magluto ng tinulang manok sa tanhalian aling sangkap ang dapat mong ihanda?
A. ½ kg Manok hiniwa sa 8 piraso. 1 litrong tubig, 2 pirasong knor cubes, sayote at malunggay.
B. 1 kilong manok, 1 litong tubig, gabi, sampalok, at kangkong.
C. 1 kilong manok, oil, tuyo at paminta
D. ½ kg manok, oil at harina
32. Sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain, dapat isaalang alang ang mga sumusunod na salik
maliban sa isa. Alin dito?
A. Kasarian
B. Gulang
C. Oras sa paghahanda
D. Ugali
33. Alin dito inihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi?
A. Agahan
B. Hapunan
C. Tanghalian
D. Meryenda
34. Alin dito ang hindi pwedeng ipagpaliban dahil sa mahabang oras na walang pagkain sa loob ng
tiyan?
A. Tanghalian
B. Meryenda
C. Hapuna
D. Agahan
35. Bakit mahalaga ang paghahanda sa mga sangkap ng mga lulutuing recipe?
A. Dahil ito ay nagbibigay ng masarap na panlasa at mabangong amoy sa pagkain
B. Dahil ito ay nagbibigay saya lalo na sa mga hilig kumain.
C. Dahil ito ay nagbibigay ng kompletong nutrisyon
D. Dahil ito ay nagbibigay kasiyahan sa kumakain
36. Alin dito ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamit sa pagluluto
ng pagkain.
A. Talaan ng paninda C. Meal Plan
B. Resipe D. Talaan ng Putahe
37. Sa paggawa ng talaan ng putahi o meal pattern, ano ang unang dapat isulat para sa agahan?
A. Prutas C. Kainin
B. Inumin D. Pagkain na mayaman sa protina
38. Paano bilhin ang prutas at gulay na may mataas na kalidad at mataas na uri?
A. Napapanahon C. Dami
B. Laki D. Presyo
40. Aling sustansya ang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay, mais, patatas, at ubi na
nagbibigay init sa katawan.
A. Taba C. Bitamina
B. Carbohydrate D. Mineral
41-43
Panuto: Hanayin sa loob ng kahon ang mga sangkap na may kaugnayan sa pagluluto
ng Sinigang na Baboy. Isulat ang titik sa tamang sagot.
A. Karneng baboy
B. Ampalaya
C. Gabi, Talong, Okra
D. Camatis, Sampaloc
E. Karneng Manok