You are on page 1of 10

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Araling Panlipunan 4, Ikatlong Markahan,


Linggo 3

Ang Balangkas ng Pamahalaan

Layunin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang LAS, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagtatalakay ng paraan ng pagpili at ang kaakibat na


kapangyarihan ng mga namumuno sa bansa;
2. Nakapagpapaliwanag ng paghihiwa-hiwalay ng tatlong sangay ng
pamahalaan; at
3. Nakapagpapaliwanag ng check and balance sa tatlong sangay ng
pamahalaan.

Pag-aralan

Balangkas ng Pamahalaan

Katulad ng ibang organisasyon o samahan, ang pamahalaan ay


mayroon ding mga miyembro at may kanya-kanyang mga tungkulin. Kung
mga samahan at organisasyon ay may balangkas na sinusunod, ganun
din ang pamahalaan.

1
Ayon sa saligang-batas, ang ating bansa ay may presidensyal na
uri ng pamahalaan. Ang pamahalaan ay binubuo ng tatlong sangay:

1. Tagapagpaganap | Ehekutibo

 Ito ang nagpapatupad ng batas na ginawa sa Kongreso. Ito ay nasa


pangulo na siyang pinakamataas na pinuno ng bansa at ang
pangunahing tagapatupad ng batas.
 Ang Pangulo ay may katulong na mga gabinete at Bise
Presidente.
 Gabinete – pinamumunuan ng mga kalihim upang mamuno sa mga
kagawaran.

2. Tagapagbatas | Lehislatura

 Ang sangay na ito ay may kapangyarihang magpanukala, gumawa,


at magbago ng batas. Nakasalalay ito sa Kongreso ng Pilipinas.
 Ang Kongreso ay nahati sa dalawang kapulungan:
o Senado – Ang mataas na kapulungan, ito ay binubuo ng 24
na senador at pinamumunuan ng isang presidente ng Senado
o Kapulungan ng Kinatawan – Ang mababang kapulungan.
Binubuo ng higit na 250 na kinatawan na pinamumunuan ng
isang Speaker of the House of Representatives o Punong
Kinatawan

3. Tagapaghukom | Hudisyal

 Sila naman ang nagdidisiplina sa mga huwes ng mababang


hukuman.
 Ito naman ay nakasalalay sa Kataas-taasang Hukuman o Korte
Suprema at binubuo ito ng Punong Hukom o Chief Justice at
labing-apat na Kagawad na Hukom.

2
Republika ng Pilipinas

Makikita natin na ang tatlong sangay ng pamahalaan ay


magkakapantay, ang tawag dito ay co-equal. Ipinakikita nito na hindi
maaaring maimpluwensyahan o diktahan ng bawat sangay ang galaw o
mga desisyon ng iba pang sangay maliban na lamang kung ito ay itinakda
ng batas. Kapag nagmalabis ng kapangyarihan ang isang sangay,
maaaring sitahin ng iba pang sangay, ito ay tinatawag na check and
balance para mapanatili ang paghihiwalay ng kapangyarihan ng bawat
sangay ng pamahalaan at maiwasan ang pang-aabuso.

3
Mga Gawaing Pampagkatuto

GAWAIN 1

Panuto: Tingnan ang tsart. Itala sa loob ng bawat kahon o sangay ang
mga namumuno sa pagganap ng tungkulin sa pamahalaan.
Gawin ito sa sagutang papel.

Kapangyarihan ng Tatlong Sangay


ng Pamahalaan

Tagapagpaganap Tagapagbatas Tagapaghukom

4
GAWAIN 2

A.

Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung tama ang pahayag at ulap ( )


kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

_________1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.

_________2. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng


bansa.

__________3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling


hurado.

_________4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na


tagapagpaganap.

__________5. Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng pambansang


pamahalaan.

_________6. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga


mambabatas.

_________7. Ang pambansang pamahalaan ay nangunguna sa


pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programa para
sa, mga mamamayan.

_________8. Nahahati sa dalawang kapulungan ang sangay na


tagapagbatas.

_________9. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na


pambansang pamahalaan.

_______ 10. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng


mga mamamayan nito maging yaong mga nasa ibang
bansa man.

5
B.

Panuto: Basahin ang tanong sa ibaba. Sagutin at ipaliwanag ang iyong


sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

Tanong:

Bakit mahalaga ang paghihiwalay ng kapangyarihan ng bawat sangay


ng pamahalaan?

GAWAIN 3

Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa prinsipyo ng


check and balance o kahalagahan ng paghihiwalay ng
kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan. Isulat ito sa
hiwalay na papel.

6
Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay

4 – Napakahusay 3 – Mahusay 2 – nalilinang 1 – nagsisimula

Mga Pamantayan 4 3 2 1

1. Kaakmaan sa paksa ng nilalaman

2. Kaayusan sa pagkakalahad ng mga pahayag


(Paraan ng pagpapahayag)

3. Kahusayan sa paggamit ng mga salitang


nagbibigay opinion at matibay na paninindigan

4. Kawastuhan ng baybay, bantas, at


kapitalisasyon ng mga salita

5. Kabisahan ng mga salitang ginamit

6. Paggamit ng mga masisidhing salita

7
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Balangkas
ng Pamahalaan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang natutunan ko…

1. ___________________________________
bagay 2. ___________________________________
3 na natutunan 3. ___________________________________

Mga bagay na nakapukaw sa aking interes…


bagay na
1. ___________________________________
2 naka pukaw
ng interes 2. ___________________________________

Kailangan ko pang matutunan ang…

bagay 1. ___________________________________
na nakapag-
1 papalito

8
9
Gawain 1
Gawain 2
1. Tagapagpaganap -- Pangulo A.
Pangalawang Pangulo
Gabinete o
Gabinete ng Pangulo
Pamahalaang Lokal
1 6.
2. Tagapagbatas – Senado
Kongreso 2. 7.
Mga Kinatawan o
Kapulungan ng mga Kinatawan
3. 8.
3.Tagapaghukom – Korte Suprema
Senado
Regular na Hukuman o 4. 9.
Mababang Hukuman
Natatanging Human o
Kataas-taasang Hukuman 5. 10.
Gawain 2 Gawain 2 Gawain 3
A.
B.
Ang sagot ay
maaring Ang sagot ay Ang sagot ay
magkaiba maaring magkaiba maaring magkaiba
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELC 2020)

DepEd Order No. 21, s. 2019

K to 12 Basic Education Curriculum

Online:

https://philnews.ph/2019/11/11/ano-ang-tatlong-sangay-ng-pamahalaan-sagot/

https://www.slideshare.net/edithahonradez/ap-4-lm-q3-50080541

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)


Manunulat : Delpha C. Apellanes

Editor : Jirc Nadia S. Bargado

Tagasuri : Marino L. Pamogas


: Carolyne D. Alisangco
: Gina B. Pegarro
: Vincent B. Reyna
Tagaguhit :
Tagapamahala: Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Venus M. Alboruto
Marino L. Pamogas
Claire Eloise V. Ortega

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

10

You might also like