You are on page 1of 32

Development Team of the Module

Writer: Elizabeth R. Reyes

Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD,

Regional Evaluator:

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan


Artist:

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, ​EPS – Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, ​LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, ​PDO II
Mercy M. Caharian, ​Librarian II
Tala ng mga Nilalaman
Paunang Salita i
Alamin i
Pangkalahatang Panuto: ii
Mga Icon ng Modyul na ito ii
Subukin iii
Panimulang Pagtataya: iii

Aralin 1
Ang nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga Kolonya Error!
Bookmark not defined.
Alamin 1
Tuklasin 1
Gawain 1: Picto-analysis 1
Suriin 2
Nasyonalismo sa Europa Error! Bookmark not defined.
Himagsikang Ruso Error! Bookmark not defined.
Nasyonalismo sa Latin America Error! Bookmark not defined.
Mga sagabal sa Nasyonalismo Error! Bookmark not defined.
Pagyamanin 4
Gawain 2: Kahulugan ng Nasyonalismo 4
Gawain 3: Who’s Who in the Revolution Error! Bookmark not defined.
Isaisip 6
Gawain 4: Maala-ala mo kaya Error! Bookmark not defined.
Isagawa 6
Gawain 5: Pangako Sa’yo Error! Bookmark not defined.

Aralin 2
Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo sa iba’t ibang bansa Error! Bookmark not
defined.
Balikan 7
Gawain 1: ​Complete It! 7
Alamin 8
Tuklasin 8
Gawain 2: Sing-along! Error! Bookmark not defined.
Suriin 10
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa Error! Bookmark not defined.
Nasyonalismo sa India Error! Bookmark not defined.
Nasyonalismo sa Malaysia Error! Bookmark not defined.
Nasyonalismo sa Japan Error! Bookmark not defined.
Nasyonalismo sa Japan Error! Bookmark not defined.
Nasyonalismo sa Pilipinas Error! Bookmark not defined.
Pagyamanin 12
Gawain 3: Pagpapalalim ng kaalaman! Error! Bookmark not defined.
Isaisip 12
Gawain 4: Reflection Error! Bookmark not defined.
Isagawa 13
Gawain 5: Interview Error! Bookmark not defined.

Buod 14
Pagtatasa Error! Bookmark not defined.
Susi sa Pagwasto 17
Sanggunian 18
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay tungkol sa nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga
bansang kolonya. Ang pagsibol ng nasyonalismo ay dulot ng Rebolusyong Pangkaisipan na
nagsilbing malaking hamon sa bawat bansa na mapanatili ang kalayaan at
pagkakapantay-pantay ng bawat isa.
Matutuklasan sa modyul na ito ang tungkol sa pag-usbong ng nasyonalismo sa
Europa at sa pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Mahalaga ang paksang ito
sapagkat pinatutunayan nito na ang nasyonalismo ay hindi lamang para sa rehiyon ng
Europa kundi isa ring pagpapahalagang unibersal.

May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:


 Aralin 1: Nasyonalismong Nalinang sa Europa at sa mga Kolonya
 Aralin 2: Rebolusyong Pangkaisipan at ang Pag-unlad ng Nasyonalismo

Alamin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga


sumusunod:

1. Maihahambing ang nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga Kolonya;


2. Maiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa
mga bansang sakop: at
3. Maipahahayag ang sariling pagpapahalaga sa diwa ng nasyonalismo sa
iba't ibang bahagi ng daigdig.
Halina at pag-aralan ang Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Ibat’t ibang
bahagi ng Daigdig.
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Tuklasin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay


Suriin at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

Naglalaman ito ng mga katanungan upang


Pagyamanin maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isaisip
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Subukin

Panimulang Pagtataya:
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang katumbas na tamang titik.
1. Ito ay isang kasulatang naglalaman ng mga karapatan at kalayaan. Itinuturing din
itong Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles.
A. Bill of Rights C. Magna Carta
B. English Common Law D. Writ of Habeas Corpus
2. Namuno sa hukbong Pranses at nagpamalas ng kabayanihan na gumising sa
damdaming makabayan ng mga Pranses.
A. Elizabeth I B. Indira Gandhi C. Joan of Arc D. Marie Antoinette
3. Sa panahon ni Philip IV, Philip the Fair noong 1302 ang Estates General ay
nagkaroon ng tatlong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
pangkat?
A. Alagad ng simbahan B. Commoners C. Franks D. Maharlika
4. Ang Vox Populi, Vox Dei ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno ayon sa
paniniwalang:
A. Ang karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.
B. Ang mga hari at reyna ay hinirang ng Diyos para mamuno.
C. Ang tagumpay ng mga maharlika ay tagumpay ng Diyos.
D. Ang tinig ng nakakarami ay tinig ng Diyos.
5. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa patakarang pang-ekonomiya na naging
dahilan ng paghihimagsik ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika, maliban sa:
A. Ang Intolerable Acts na tungkol sa di makatarungan at paglabag ng mga Ingles
sa karapatang Amerikano.
B. Ang Navigation Acts na nag-uutos na sa Britanya lamang maaaring ipagbili ang
mga produkto ng kolonya. 4
C. Ang Stamp Act na nagtakda ng pagbubuwis sa mga dokumentong
pangnegosyo.
D. Ang Townshend Acts na nagtakda ng paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga
kolonya.
6. Ang pahayag ni Patrick Henry na Give me liberty or give me death ay nagpasiklab sa:
A. Himagsikang Amerikano B. Himagsikang Pilipino
C. Himagsikang Pranses D. Himagsikang Russo
7. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa mga larangan ng Rebolusyong Pangkaisipan?
A. Agham, pulitika, sining, at kabuhayan
B. Maharlika, alagad ng simbahan, at mga karaniwang tao
C. Mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at soberanya
D. Pabahay, pagkain, at edukasyon
8. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming makabayan ng
mga mamamayan sa India, maliban sa isa:
A. Paghamak at mababang pagtingin ng mga Ingles sa mga Hindu
B. Pagkakaroon ng mga pagpupulong at samahan na pinamunuan ng tulad nina Allan
Octabian Hume at Mohandas Gandhi
C. Pagpatay sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab
D. Pagtataguyod ng Muslim League sa Basic Democracy na nagpapatatag sa mga
institusyon ng bansa.
9. Ang mga sumusunod na pangyayari ay mga dahilan sa panunumbalik ng demokrasya sa
Pilipinas, maliban sa:
A. Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng 1987 B. Pagpapatupad ng Batas Militar
C. Pagpaslang kay Sen. Benigno Aquino D. People’s Power Revolution sa
Edsa
10. Ang gitna ng Aprika ay nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa
pagsapit ng 18-siglo dahil sa malawak na disyerto, malalakas na agos ng ilog,
makapal na kagubatan, at malalaking hayop. Samakatuwid ang Aprika noon ay:
A. hindi kayang talunin ng mga taga-Europa dahil ang mga mandirigma ng Aprika
mahuhusay sa sandatahang pandigma.
B. kontrolado ng Ehipto dahil tanging ang Ilog Nile lamang ang nagdadala ng
masaganang buhay sa Aprika.
C. may sariling pamumuhay at kultura bago pa dumating ang mga mananakop na
taga-Europa.
D. walang naninirahang tao dahil sa mapanganib na kalupaan at katubigan.
Aralin
Ang nasyonalismong nalinang sa
1 Europa at sa mga Kolonya;

Alamin

Ang araling ito ay tungkol sa nasyonalismong nalinang sa mga bansa sa Europa


tulad ng Inglatera, Pransya, Italya, Alemanya at maging sa Amerika.
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang mga bansang pinagmulan ng diwang nasyonalismo sa Europa;
2. Maibibigay ang mahahalagang katangian ng mga piling pinuno sa pagsibol ng
nasyonalismo sa Inglatera, Pransya, Italya, Alemanya at Amerika; at
3. Maipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglinang ng nasyonalismo.

Tuklasin

Gawain 1: PICTO-ANALYSIS

Panuto: Kilalanin kung sinu-sino ang mga nasa larawan na siyang kinikikilalang
bayani/ama ng nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang mga pangalan
nila ay naka-jumble, ayusin upang mabuo ang pangalan.
1.
https://artuk.org/discover/stories/gloriana-and-the-virgin-queen-portraits-of-elizabeth-i

2.

EOLNONAP

RETPANA
OB

- siya ang ama ng Nasyonalismo ng Pransya


maging ng buong Europa. Sa pamamagitan ng
Napoleonic Wars, naipakilala niya ang ideya ng
kaniyang pamahalaan sa buong Europa. Ito ang
Egalite, Liberte at Fraternite. Ang digmaan ay
nagwakas nang si Napoleon ay natalo sa Waterloo
noong 1815

https://www.forbes.com/sites/davidcarlin/2019/09/30/learn-napoleons-secret-to-success-stop-multitas
king/#73b514ad13e6

3​.
E EPPSUIG

ZINIZMA

- isa sa mga taong gumising sa makabyang


damdamin ng mga Italyano. Ang kaniyang
pagsisikap para sa kalayaan ay parang isang
panatang relihiyon. Ang kaniyang
paniniwala sa pagkakapatiran ng tao ang
nag-udyok sa kaniya na tangkilikin ang
kapakanan ng mga mahihirap na
mamamayan.
https://www.biographyonline.net/politicians/europe/giuseppe-mazzini.html

Suriin

Nasyonalismo Sa Europa
Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan.
Kailangan itong madama, paghirapan ng mga tao upang mahalin nila ang kanilang bansa.
Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa
iba, kailangang isakripisyo pati ang buhay. Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng
kasiyahan ng mamamayan. Hangad ng mga tao na may ipagmalaki sila bilang isang bansa.
Habang tumitindi ang kanilangpaghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging
makabayan.
Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba’t-ibang pamamaraan kung paano nadama ng
mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga
pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa
digmaan.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union

Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak
na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos doble ang laki nito
sa Estados Unidos.
Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego
(Orthodox) kaya tinawag siyang Vladimir ​the Saint​.
Ika-13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga
mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita,
pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging
tagapagligtas ng Russia si Ivan the Great.

Himagsikang Ruso

Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng mga Ruso na naganap
noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang
pinakamalaking burukrasya sa mundo. Kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya.
Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging
nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar.
Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang pumunta sa
mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Dahil sa
paghihigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe
at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga
ito ng dalawang partido.
Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan- sina Josef Stalin at Leon
Trotsky-tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin ng Russia. Si
Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng
rebolusyong pandaigdig. Samantala, ayon naman kay Stalin, hindi ito napapanahon dahil
mahina pa ang Russia.

Nasyonalismo sa Latin America


Pagtapos makamit ng Estados Unidos
ang kanilang kalayaan sa Great Britain,
nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin
America laban sa Spain.
Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang
pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol,
katiwalian sa pamahalaan, walang kala-
yang magpahayag ng mga batas na nag-
hihigpit sa pangangalakal.
Mga Sagabal sa Nasyonalismo

Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America.


Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa mga
makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo.
Sa mga bansang Latin Amerikano, napabayaan ang nasyonalismo sapagkat matagal na
panahon bago nagkaroon ng panggit nang uri ng lipunan. Itinuturing na mababang uri ng
gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na mahalaga sa kanila ang pag-aaring
lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap.

Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nag nais na palayain ang Timog Amerika
laban sa mga mananakop. Siya ay si Simon Bolivar.Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy
lamang sa mga nasimulan ni Francis code Miranda, isang Venezuelan .Ang huli ay nag-alsa
laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang
kalayaan ng Venezuela mula sa Spain.
Ang tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong
Hilagang pampang ng South America). Tinawag siyang tagapag palaya o liberator at
pagkatapos, naging pangulo.
Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kaniyang heneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga
Espanyol sa labanan ng Ayacuchosa Peruvian Andes.

Pagyamanin
Gawain 2: Panuto: ​Punan ang bawat kahon sa ating talahanayan ng mga
mahahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Europa at sa mga kolonya.
Kahulugan ng Nasyonalismo: Ito ay isang paniniwala na ang isang bansa ay
nararapat na nabubuklod ng isang wika, adhikain,
kaugalian, at kasaysayan at pinamumunuan ng isa
lamang pamahalaan upang makatayo bilang isang
malayang bansa.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union Himagsikang Ruso

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso?


Sagot:

2. Paano nakakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng damdaming


nasyonalismo?
Sagot:

3. Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar?


Sagot:

4. Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng panggitnang uri ng lipunan sa


pag-usbong ng nasyonalismo?
Sagot: _____________________________________________________

5. Paano nakatulong ang wikang latin at relihiyong Katolisismo sa pag-usbong ng


damdaming nasyonalismo sa Latin Amerika?
Sagot: _________________________________________________________
6. Ano ang naging pamamaraan ng Latin America laban sa katiwalian ng monarkiya laban
sa republika?
Sagot: ____________________________________________________________

GAWAIN 3: WHO’S WHO IN THE REVOLUTION? ​Personality ang history


Panuto: Upang higit mong makilala ang mga personalidad na malaki ang ginampanan sa
Rebolusyong Politikal sa iba’t ibang bahagi ng Europa, hanapin ang sumusunod
gamit ang internet o kaalaman. Pumili ng dalawa sa mga nakalistang personalidad
sa ibaba. Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga personalidad na
pinili.

1. Vladimir Lenin
2. Napoleon Bonaparte
3. Simon Bolivar
4. Jose de San Martin
5. Josef Stalin

Isaisip

Gawain 4: Maala-ala Mo Kaya?

Panuto: ​Tukuyin ang konsepto, personalidad o pangyayaring hinihingi sa bawat bilang. Ang initial
letter ay ibinibigay bilang iyong gabay.

S_______B______1.Siya ang tinaguriang ‘Tagapagpalaya ng Timog Amerika’.

N_______________2.Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses naglalayong


magpakilalang kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europa.

V________ I 3. Nagpalaganap ng Kristeyanismong Griyego sa Russia.

S________ U________ 4. Pinakamalaking bansa sa daigdig.

R______________ 5. pinakamalaking burukrasya sa mundo​.


Isagawa

Gawain 5: Pangako Sa’yo


Gawin ito.

Pagkatapos ng lahat ng talakayan, hinihikayat kang magbigay ng panata o pangako na


isasabuhay mo ang pagiging mapagmahal sa bayan, o ang prinsipyo ng nasyonalismo. Sa
panatang iyon, masasagot ng mga ito:
Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay, bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino?
Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata ang pagsasabuhay ng prinsipyo
ng nasyonalismo?

Aralin Ang
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa iba’t
2 ibang Bansa
Balikan

Gawain 1: ​Complete It!

Panuto​: Anu-ano kaya ang mga kaisipang lumaganap sa pag-unlad ng


nasyonalismo sa
buong daigdig? Talasan ang mga mata at bilugan ang mga salita na iyong makikita,
maaring patayo, pahalang o padayagonal. May 10 salitang maaring mabuo.
Alamin

Ang araling ito ay tungkol sa pagpapahalaga ng iba’t ibang bansa sa diwa ng


nasyonalismo. Matutukoy mo kaya kung ano ang mga pamamaraan na ginawa ng mga
pinuno tungo sa pagkakamit ng kalayaan para sa kanilang bansa? Sisikapin ng araling ito na
ipaliwanag iyan sa iyo.

Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Matutukoy ang mga pinuno at kanilang nagawa para sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa


kanilang bansa;

2. Masusuri ang mga mahahalagang pangyayari ng nakaimpluwensya sa pag-unlad ng


nasyonalismo sa mga bansang dating sakop; at

3. Mabibigyang halaga ang diwa ng nasyonalismo sa pagtataguyod ng kalayaan at


pagkakapantay-pantay ng tao.

Tuklasin

Gawain 2: Sing-along!
Panuto: ​Pakinggan at unawain ang liriko ng kantang “Tatsulok”. Sagutin ang mga
gabay na tanong sa ibaba:

"Tatsulok"
(originally by Buklod)

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo


Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka't humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Di matatapos itong gulo
https://www.azlyrics.com/lyrics/bamboo/tatsulok.html

1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit?


2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit?
3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?Bakit kaya ninanais ng may-akda na
baliktarin ang tatsulok?
4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?
5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang
iyong ideya.
Suriin

Ang Pag-unland ng Nasyonalismo sa iba’t ibang Bansa

Nasyonalismo sa India
Nadama ng mga Hindu ang unang pagsilang ng damdaming makabayan noong
kapaskuhan ng taong 1885 nang itatag ang Pambansang Kongreso sa Calcuta, India ni
Allan Octabian Hume, isang nagretirong empleyado. Ang organisasyong ito ang siyang
nanguna sa kampanya sa pagkakapantay-pantay sa pulitika. Noong Abril 13, 1919 sa
Amritsar, capital ng Punjab, ipinabaril ni Heneral Due ang pulutong ng mga lalaki, babae at
batang tahimik na nagpupulong. Maraming napatay, at nasugatan. Ito ang lalong
nagpasiklab ng damdaming makabayan sa kalakhang India.

Nasyonalismo sa Malaysia.

Nakapagtayo ang mga Ingles sa Malaysia ng British North Borneo Company hanggang
1946, at noong noong ika-1 ng Pebrero 1948 ay pinasinayaan ang Pederasyon ng
Malaysia noong Hunyo, 1948 ay nagkaroon din ng pag-aalsa ang mga pinamumunuan ni
Chen Peng at namahala ito sa bansa sa loob ng siyam na taon hanggang noong 1957.
Habang sila ay nakikipaglaban sa mga komunista, nagkaroon sila ng inspirasyon na
maghangad ng kalayaan dahil sa paglaya ng Pilipinas, ng Burma at ng Indonesia.
Pinamumunuan ni Tunko Abdul Rahman ang Malaysia at siya ay tinawag na Yang
di-Pertuan Agong (Permanent Ruler). Isang pamahalaang Parlyamentaryo ang itinatag
niya at noong ika 16-ng Setyembre 1963, pinasinayan ang Pederasyon ng Malaysia at si
Abdul Rahman ang naging kauna-unahang Punong Ministro.
Nasyonalismo sa Japan
Noong 1868, isang himagsikan ang naganap laban sa mga shogun, sa pamumuno
ng ilang panginoon at ng kanilang samurai. Muli ay naibalik ang emperador sa kanyang
kapangyarihan. Sa taong 1914, ang Hapon ay naging isang makapangyarihang bansa sa
daigdig. Bagamat, nagwakas ang piyudalismo at pang— aalipin, ang pag-uugaling piyudal
ay nanatili pa rin. Sa maraming siglo, nahubog ang isipan ng mga Hapones na sundin ang
may kapangyarihan - sa pamilya, sa angkan, sa bansa, sa mayayaman at sa militar, at
isaisantabi ang pansariling kapakanan. Ang Shinto ang naging relihiyon ng estado. Ang
sistemang paaralang publiko ay naitatag, at noong 1868 ay binigyang diin ang paggalang
at paglilingkod sa emperador.

Nasyonalismo sa Pilipinas.

Ang mga kilusang propaganda at ang mga nobelang Noli Me Tangere at El


Filibusterismo, ang kamatayan ng tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at
Zamora, at ang pagbaril kay Rizal sa Luneta, ay pawang nakagising sa damdaming
makabayan ng mga Pilipino.
Ang walang humpay na pagsisikap nina Quezon, Osmeña at Roxas upang ang
Pilipinas ay lumaya ay nakamtan nang itakda ng Batas Tydings-McDuffie ang kalayaan ng
Pilipinas
pagkatapos ng 10 taong transisyon sa Pamahalaang Komonwelt. Ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay naglagay sa bansa sa kamay ng mga Hapones sa loob ng apat
na taon. Pagkatapos ng digmaan ang kalayaan ng Pilipinas ay nakamtan noong Hulyo 4,
1946 sa ilalim ni Pangulong Manuel Roxas.
Pagyamanin

Gawain 3: Pagpapalalim ng Kaalaman


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga konseptong nakasulat sa kahon at maglagay ng
mag halimbawa sa ilalim ng bawat paksa. Ilista ang mga kaisipang napalitan o
kaisipang umunlad dahil sa Diwa ng Nasyonalismo. Balikan mo ang teksto ng aralin
upang makapili ka ng angkop na kasagutan. Ang una ay ginawa na para sa iyo
bilang halimbawa.
Kaisipang Napalitan Kaisipang Umunlad
1.Pagkamatapat sa isang panginoon, hari o 1. Maaring pamahalaan ng mga tao ang
pinuno. kanilang sarili.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Isaisip

Gawain 4:

Pamprosesong tanong:

1. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa?


2. Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang
nasyonalismo sa Africa?
3. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba-ibang bahagi ng daigdig, kailan nadarama ang
nasyonalismo?
4- 5. Maraming pangyayari sa Pilipinas ang nakapukaw sa damdaming nasyonalismo ng
mga Pilipino. Mag-bigay ng dalawang halimbawa​.
Isagawa

Gawain 5: Interview
Panuto: Pumili ng tatlong taong pwedeng kapanayamin (kapit-bahay, kaibigan, o sinong
propesyonal),
Pasagutin ang mga tanong na nasa ibaba.

Sitwasyon #1 Sitwasyon #2
Isipin mo na ikaw ay nasa EDSA Revolution Isipin sa ating henerasyon ngayon,
1;
● Sasali ka ba sa mga nag-protesta? ● Paano mo maipapakita ang iyong
pagka-makabayan?
● Ano ang iyong magiging dahilan sa ● Magbigay ng dalawang pangyayari sa
pag-sali/hindi pag-sali? kung saan nasaksihan mo ang isang tao
na nagpakita ng kanyang damdaming
nasyonalismo.
Hal.: Manny Pacquiao, itanaas niya ang
bandila ng Pilipinas sa larangan ng Boxing
Buod

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO


Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman
na dapat mong tandaan?

♣ Ang Nasyonalismo ay pagpapahiwatig ng pagigiging kaanib sa isang pangkat na may


sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay may isang lahing
pinagmulan at relihiyong sinasampalataya.
♣ Sa Pransya sumibol ang diwa ng nasyonalismo. Ang Sandaang Taong Digmaan at
Himagsikang Pranses ay naging mga hudyat na gumising sa mga bansang kanluran na
sila ay magkaisa at ipaglaban ang kalayaan. Ang mga islogang Pranses na naging
ispirasyon ng maraming bansa ay: “Vox populi, Vos dei.” “Kalayaan,
Pagkakapantay-pantay at Pagkakapatiran.
♣ Nangyari ang unipikasyon ng Italya sa ilalim ng pamumuno ni Napoleon I. Samantalang
si Giuseppe Mazzini (1805-1872) naman ang naglunsad ng nasyonalismo sa
pamamagitan ng kanyang islogan na Kalayaan, Pagkakapantaypantay at Humanidad.
♣ Ang unipikasyon ng Alemanya ay naisagawa naman ni Otto Von Bismark (1815- 1833),
isang minister ng Prussia. Noong 1815 hanggang 1860, maraming pangyayari ang
nagbigay-daan sa unipikasyon ng Alemanya, tulad ng Pitong Linggong Digmaan (1866),
Digmaang Austria-Prussia (1866) at Digmaang FrancoPrussian (1870).
♣ Ang Rebolusyong Amerikano ay nagsimula noong panahong 1763. Ang patakarang
pang-ekonomiya ng mga Ingles ay lubos na nagpasidhi sa pag-aalsa ng 13 kolonya.
♣ Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang naging dahilan ng pagkamulat ng mga tao at ito ay
may apat na larangan ang Agham, Pulitika, mga Sining at Kabuhayan. May iba’t ibang
siyentipiko ang nakilala sa panahong ito tulad nina Newton, Descartes, Galileo, Darwin
at iba pa. Marami sa kanilang nilikha ang nakapagdulot
♣ Mula sa Europa, lumaganap ang nasyonalismo sa mga bansang kolonya sa Asya,
Aprika at Latin Amerika. Si Simon Bolivar ang itinuring na “Tagapagpalaya” ng
Venezuela at sinmulan naman ni Miguel Hidalgo, isang pari, ang pagkakaroon ng
katarungang panlipunan sa Latin Amerika. Si Mohandas Gandhi ay nakilala sa kanyang
"nonviolent resistance" sa India laban sa mga Ingles. Sa Asya, naging inspirasyon ang
pamumuno nina Muhammad Ali Jinnah at Benazir Bhutto ng Pakistan, Stephen
Senanayake at Sirimayo Bandaranaike ng Ceylon (Sri Lanka), Aung San at U Thant ng
Burma (Myanmar), Ho Chi Minh ng Vietnam, Achmed Sukarno ng Indonesia, Tunku
Abdul Rahman ng Malaysia at sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel Quezon at
Corazon Aquino ng Pilipinas.
♣ Maraming bansa sa Aprika ang naging alipin at nagtiis ng diskriminasyon sa mga
dayuhang Europeo. Marami ang nagbuwis ng buhay sa iba’t ibang bansa bago
nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria, Rhodesia at Nyasaland,
Angola, Mozambique, at Guinea Bissau.
Pagtatasa
Panuto​: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Kinilala si Vladimir Lenin at Josef Stalin bilang taga-gising ng damdaming nasyonalismo
ng mga Ruso samantalang si Simon Bolivar naman ay tinaguriang tagapag-palaya ng
hilagang bahagi ng Timog, at si Jose de San Martin naman sa rehiyon ng Argentina. Hindi
rin malilimutan si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ng Pilipinas. Ang ideyang ito ay
nagpapakita na…
a. Malaking bahagi ng daigdig ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning bansa
b. Bawat rehiyon o bansa sa daigdig ay may nabuhay na tagapag-taguyod ng
nasyonalismo
c. Ang mga lalaki lamang ay may malaking ginagampanan sa pakikipaglaban sa mga
mananakop
d. Hindi uusbong ang damdaming nasyonalismo kung wala ang mga nabanggit na
personalidad sa kasaysayan
2. Ito ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno na mamahala ayon sa isang kilalang
prinsipyo na Vox Populi, Vox Dei.
a. Hinirang ng Diyos ang mga hari at reyna para mamuno.
b. Kilalanin ang tinig ng nakakarami dahil ito ang tinig ng Diyos.
c. Mga maharlika ang pinagpala ng Diyos para sa tagumpay.
d. Mga karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.
3. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa mga dahilan ng
panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas?
a. Pagbaril kay dating Sen. Benigno Aquino sa Manila International Airport
b. Pagdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa
c. Pagkakaroon ng bagong Saligang-Batas noong 1987
d. Pagpupunyagi ng mga Pilipino sa People’s Power sa EDSA
4. Nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa pagsapit ng ika-18 siglo ang
gitna ng Aprika dahil sa kakaibang katangian nito tulad ng disyerto, mga ilog, kagubatan
at mababangis na hayop. Dahil dito ay masasabi nating ang Aprika, bago dumating ang
mga taga-Europa ay:
a. Isang malawak na lupaing mapanganib para sa tao at walang pamayanan dahil sa
kakulangan sa pagkain.
b. May mahuhusay na sandatang pandigma at mga kaharian na hindi kinayang talunin ng
mga taga-Europa.
c. May ugnayan na sa ibang kabihasnan, may sariling pamumuhay at kultura bago pa
dumating ang mga taga-Europa.
d. Nagdulot ng mga digmaan sa mga taga-Europa dahil sa sapilitang pagpasok at
pakikialam sa mga tribo ng Aprika.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagpasiklab sa
damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India?
a. Pagbaril sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab.
b. Pagkakaroon ng diskriminasyon laban sa mga Hindu kahit na nakapag-aral ang mga
ito sa Europa.
c. Pagpapatatag ng Basic Democracy laban sa monarkiyal na pamamahala ng Britanya
sa Muslim League.
d. Pamumuno nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi sa mga samahan at
usapin ukol sa paglaya ng India.
6. Ang sumusunod ay nagpapakita ng nasyonalismo ng mga tao, maliban sa;
a. ang pagsunod ng mga sinakop sa mga mananakop
b. Nagsagawa ang grupo ni Mohandas Gandhi ng “Salt” Strike
c. Pagtuligsa ng mga sinakop sa mga maling pamamalakad ng mga mananakop
d. Ang pakikipaglaban ng mga sinakop para sa kalayaan ng kanilang bansa
7. Ang nasyonalismo ay umusbong sa mga bansa sa Europa gaya ng England, France,
Russia; sa mga bansa sa timong at hilagang Amerika gaya ng USA, Cuba, Argentina; at
sa Asya gaya ng India, Japan, Pilipinas at maraming iba pa. Ano ang karaniwang
ipinaglaban ng mga nasyonalista?
a. Kalayaan b. Karapatan c. Kultura at Ekonomiya d. Kalayaan at Karapatan
8. Saang bansa sumiklab ang himagsikan nang ipahayag ni Patrick Henry ang katagang
“Give me liberty or give me death”?
a. Alemanya b. Indo China c. Estados Unidos d. Italya
9. Ito ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno na mamahala ayon sa isang kilalang
prinsipyo na Vox Populi, Vox Dei.
a. Hinirang ng Diyos ang mga hari at reyna para mamuno.
b. Kilalanin ang tinig ng nakakarami dahil ito ang tinig ng Diyos.
c. Mga maharlika ang pinagpala ng Diyos para sa tagumpay.
d. Mga karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagpasiklab sa
damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India?
a. Pagbaril sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab.
b. Pagkakaroon ng diskriminasyon laban sa mga Hindu kahit na nakapag-aral ang
mga ito sa Europa.
c. Pagpapatatag ng Basic Democracy laban sa monarkiyal na pamamahala ng
Britanya sa Muslim League.
d. Pamumuno nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi sa mga samahan at
usapin ukol sa paglaya ng India.
Susi sa Pagwasto

Panimulang Pagsusulit
Sanggunian:
Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig

Mga Sanggunian sa internet:


https://owl.purdue.edu/owl/research_and_citation/chicago_manual_17th_edition/cmos
_formatting_and_style_guide/chicago_manual_of_style_17th_edition.html
https://artuk.org/discover/stories/gloriana-and-the-virgin-queen-portraits-of-elizabeth-i
https://www.forbes.com/sites/davidcarlin/2019/09/30/learn-napoleons-secret-to-succes
s-stop-multitasking/#73b514ad13e6
https://www.biographyonline.net/politicians/europe/giuseppe-mazzini.html
https://www.azlyrics.com/lyrics/bamboo/tatsulok.html

You might also like