You are on page 1of 1

DIIN KA NA, MARIA CLARA?

Ang Diin Ka Na, Maria Clara? ay isang palabas na isinagawa ng mga mag-aaral ng UPV upang makilala ang Maria Clara sa kasulukuyang panahon. Inikot nila ang lungsod ng Iloilo at tinanong ang mga taong nakita nila tungkol kay Maria Clara. Sa pagpapanood ko nito, ay natuklasan ko na talagang may malaking pagkakaiba ang mga pagkakataon noon at ngayon. Kung noon ay nasa bahay lamang, mahinhin, masunurin at tahimik ang mga babae, ay ngayon may malaking pagkakaiba na. Noon ay talagang may Dalagang Filipina na imahe ang mga babae at sila at nagsisilbi sa kanilang mga asawa at magulang. Ngayong naman ay parang magkapareho na ang katayuan nila sa mga lalaki sa lipunan. Kaya maraming nagsabi na parang wala na silang nakitang Maria Clara ngayon dahil kakaiba na ang ugali at gawa ng mga Filipina ngayon. Sa pagpapanood ko nito ay natutunan ko na dapat talaga pahalagahan ang mga ritwal at kultura ng isang bansa o lugar dahil ito ay ang nagsilsilbing tanda sa mga tao nito. Dapat nating ipanatili ang imaheng Maria Claria ng mga babae kahit na nasa kasulukuyang panahon na tayo dahil ito ang pinagmulan natin at dapat natin ito pahahalagahan.

Mary Alice Kanaan


III-St. Peter

You might also like