You are on page 1of 1

Dancy Mae N.

Dianopra BSEF-II

Dalagang Pilipina

Nasaan na nga ba si Maria Clara? Siya kaya ay makikita ko pa? Sa kasalukuyan siya pa kaya ay masasalubong ko pa sa daan o tuluyan ng nagpatangay sa agos ng modernisasyon at binago ang nakaugalian.

Ang mga katangiang taglay daw ni Maria Clara ay sumasalamin sa isang dalagang Pilipina. Inilalarawan nito ang panlabas na anyo at ugali ng dalaga; ang paraan ng pananamit at ang kilos niya. Pero kung ang mga matatanda ang tatanungin ang mga dalaga noon at ngayon ay malayong- malayo sa isat isa, kung paghahambingin mula ulo hanggang paa.

Sadyang matamis makamit ang oo ng mga dalaga noon kung sila ay nililigawan. Pinaghihirapan kasi ng mga kabinataan ang panliligaw sa kanila. Harana at paninilbihan ang kanilang ginawa upang tuluyang masilo ang dalaga. Pero sa ngayon isang text lang ang gagawin ng manliligaw handa nang sumama ang dalaga o kayay sinasagot na siya. Ganito na ba binago ang dalaga?

Noon hanggang sakong ang kanilang saya, pero ngayon paiklian na ang kanilang ginawa. Damit na halos tumatabon na sa buong kamay at leeg pero ngayon hindi pwedeng di ilabas ang likod, balikat at dibdib. Mukhang walang kulerete noon, make-up na makapal ngayon. At buhok na hindi pinapuputulan noon maiksi at may kulay pa ngayon. Talagang pinagbago na ang mga dalaga noon sa pagdaan ng panahon.

Sa mabilis na kalakaran ng panahon ngayon at masyadong moderno kailangan din bang makisabay ang pagbabago ng katauhan? Kaya napapaisip ako, tuluyan na rin bang mawawala si Maria Clara o nagtatago lang sa puso ng bawat dalaga? Patunayan mo ito dalagang Pilipina.

You might also like