You are on page 1of 11

Binagyong

Pahina
mga
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Produksiyon ng mga picturebook
Kasaysayan ng Produksiyon
ng mga Picture Book
Noong ika-15 siglo, nagsimula ang produksiyon ng mga
aklat na may mga larawan sa Europa. Ginagamit ito sa
simbahan upang magturo ng mga kwento mula sa Bibliya
sa mga taong hindi marunong bumasa.
Sa kasalukuyan, patuloy na umuunlad at lumalawak ang
produksiyon ng mga picture book sa iba't ibang mga
genre. May mga aklat na tumutugon sa mga katanungan
sa siyensya, kasaysayan, at iba pang disiplina, at mayroon
ding mga aklat na naglalaman ng mga impormasyon
tungkol sa mga kalamidad
Mga akda pambata na nailathala noong administrasyong Aquino (2010-2016) ay
nakatuon sa mga kalamidad na nagaganap sa Pilipinas.
Ito ay nahahati sa dalawang kategorya: mga picture book na nagtatampok ng
biswal at berbal na naratibo para sa paglalahad ng kuwento at mga aklat
impormasyonal na naglalaman ng kaalaman na maaaring walang "tunay" na
banghay/salaysay/kuwento, o hindi katha.
Mga uri ng kalamidad na itinatampok sa mga akda ay baha, malakas na bugso
ng hangin, matagalang buhos ng ulan, pagguho ng lupa, at pananalasa at
pagragasa ng madumi o maputik na baha.
Mayroong korelasyon ang paglitaw ng mga akda sa mga kalamidad na naganap
sa Pilipinas. Halimbawa, isinulat ang Bituin and the Big Flood na nagtatampok ng
karanasan, kaalaman, at kamalayang pandisaster ng mga batang nasawi at
nakaligtas sa mga bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009 bago pa man
nagsimula ang administrasyong Aquino. Matapos ito, noong 2014, lumabas ang
tatlong picture book na Signal Number 3, Maria's Colorful Banca, at Noah and
the Great Flash Flood na batay sa mga kalamidad na naganap noong bagyong
Yolanda noong 2013.
Sa pamamagitan ng mga akdang ito, nagbabahagi ng karanasan at kaalaman
ang mga awtor tungkol sa mga kalamidad upang magbigay ng impormasyon at
mabigyan ng kaalaman ang mga bata kung paano sila magiging handa sa
panahon ng kalamidad.
Mga Aklat Impormasyonal
Sa "ikatlong dekada ng panitikang pambata" (2000-2009), lumawak ang depinisyon
ng panitikang pambata sa bansa.
Nagkaroon ng paglago ng mga aklat impormasyonal, na kung saan pangunahin ang
"impormasyon" na inilalahad kaysa sa "kuwento" ng aklat.
Ang mga aklat impormasyonal ay matatag na pundasyon ng pandaigdigang
produksiyon ng mga encyclopedia, almanac, at atlas para sa mga bata at kabataan.
Ang Adarna House ay may ambag sa pagtataguyod ng mga ensayklopedik na aklat
reperensiya ng mga impormasyon at pangkulturang kaalaman para sa batang
Filipino.
Maaaring maikategorya bilang komersiyal at pampamahalaan ang produksiyon ng
mga akdang impormasyonal.
Sa mga aklat impormasyonal, masisilayan ang pagtatampok ng iba't ibang
anyo ng hazard na maaaring mahati sa apat na kategorya: bagyo, sunog,
pagsabog ng bulkan, at lindol.
Mahalagang elemento rin ang mga ilustrasyon upang gawing kapana-panabik
at nakakapagpanatili ng attention span.
Makikita rin sa mga aklat impormasyonal ang maingat na pagpapakahulugan
sa mga terminong pandisaster.
Isa itong pagpapamalas ng pagtuturo ng mga siyentipikong konsepto
kapanabay ng edukasyong pangkultura at panlipunan.
Maaaring may mga kalituhan tulad ng mga "sinonismong walang
hangganan," suliranin sa tuwirang panghihiram, at inkonsistensi sa mga aklat
impormasyonal.
Bago Maganap ang Disaster :
Ang Kaligiran ng Vulnerabilidad
Ang konsepto ng kahinaan, bilang isang sosyal na konstruksyon, ay nakapaglilinaw hindi lamang sa mga
salik ng pangkalahatang kalagayan ng krisis sa kalikasan kundi pati na rin sa mga espesipikong kalagayan
ng bawat lokasyon.
Ayon kay Bankoff (2003), sa kanyang pag-aaral tungkol sa banta ng baha, sa isang banda, ito ay bunga ng
pandaigdigang krisis sa ekolohiya, ngunit sa kabilang banda, ito ay sanhi rin ng mga lokal na gawain ng tao.
Hinati ng Citizens' Disaster Response Center (2014) ang mga katangian ng kahinaan ng Pilipinas sa dalawa:
a) mga pisikal at heograpikong katangian,
b) mga sosyo-ekonomiko at pampulitikang kalagayan, kabilang ang kahirapan, kakulanga sa trabaho,
mababang sahod at mataas na gastusin sa pamumuhay, at kakulangan sa mga sosyal na serbisyo.
Ito ay tumutugma sa paghahati ni Anderson at Woodrow sa mga pisikal/material at
sosyal/organisasyonal na salik (Lanada et al., 2016).
Sa kuwento, malinaw na napapansin na ang lokasyon at taas ng komunidad ay nagdudulot
ng mas malaking kahinaan sa mga panganib ng baha, bukod sa mga bagyo.
Ang mga kwento tulad ng Bituin and the Big Flood, Noah and the Great Flash Flood, at
Maria's Colorful Banca ay kadalasang nakatutok sa mga rural na lugar.
Ang bahay ni Bituin ay matatagpuan malapit sa bundok, na naging bahagi ng nasira dahil sa
kakulangan ng mga puno sa panahon ng kalamidad (Doyo at Abrera, 2010).
Ang bahay ni Noah ay matatagpuan sa isang nayon (Zamora-Martinez at Doctor, 2014), at
ang bahay ni Maria ay malapit sa baybayin (Francia et al., 2014).
Ang kabuhayan naman ni Maria at ng kanyang ama ay ang kanilang seaweed farm, at ang
mga bakawan ay tirahan ng mga alitaptap at maliit na isda (Francia et al., 2014).
Ang estado ng sosyo-ekonomiya ay maaari ring malaman sa estruktura ng mga bahay at
mga kasangkapan ng mga karakter.
Maaring malaman ang estado ng sosyo-ekonomiya ng mga karakter sa kwento sa
pamamagitan ng kanilang mga bahay at kasangkapan. Sa Signal Number 3, ang pamilya ay
maituturing na middle-class dahil sa kanilang dalawang palapag na bahay, mga appliances at
furniture, kakayahan sa paghahanda ng emergency kit, at edukasyon nina Yani at Tintin. Sa
kabilang banda, ang pamilya ni Maria sa Maria's Colorful Banca ay nabibilang sa rural working
class dahil sa trabaho ng kanyang ama bilang isang mangingisda at nagtatanim ng seaweed
na nasira dahil sa sakuna.

You might also like