You are on page 1of 21

Polytechnic University of the Philippines

College of Social Sciences and Development

Department of History

Sta. Mesa, Manila

PANGHULING REKISITO PARA SA KURSO NG KASAYSAYANG

PHILOSOPHY OF HISTORY

Semester I, A.Y. 2015-2016

Prof. Ma. Rhodora Agustin

Aguilera, Emmanuel A.

Bachelor of Arts in History 3-1

October 16, 2015


LIBRONG INIULAT AT PINAGKUHANAN NG IPI-PRISINTANG FRAMEWORK:

Kasaysayan ng Bulakan ni Jaime Veneracion

Ang papel na ito’y sumasaklaw sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ispesipiko nga sa

mga taong 1941 hanggang 1945. Subalit bago ilahad ang ipapanukalang paksa ng pag-aaral, akin

munang ipaliliwanag kung anong balangkas o framework nga ba ang aking gagamitin, upang

epektibong mabigyan ng diskusyon ang napiling pokus ng pananaliksik, at kung paano ilalahad

ang mga batis na may kaugnayan dito.

Ayon sa aming naiulat na aklat, ang Kasaysayan ng Bulakan ni Jaime Veneracion, may

paraan ng paglalahad ng datos at pagbabalangkas ng nilalaman ang mga kasaysayang pampook

tungo sa komprehensibong pagpapaliwanag. May pattern ang pagsasaad ng kasaysayan na ito na

maaaring matandaan at maintindihan ng mas maigi. Aniya, sa pagsasakasaysayan ng isang

partikular na lugar, ilista ang mga pang-kalikasan, pang-istruktural, at pang-pangyayaring mga

aspeto ng lugar na iyon habang nakapokus sa isang ispesipikong saklaw ng panahon.

Kumbaga, masasandalan ang tatlong aspetong ito: kalikasan, istruktura, at pangyayari

upang hindi maligaw ang isinusulat na kasaysayan. Bilang mga salik ng mga pangyayari o

nangyari sa isang tinutukoy na panahon, ang pagbanggit sa tatlong aspetong ito’y makukumpleto

na ng kinakailangang mga punto na ilalahad para sa saklaw ng panahong iyon. Hindi ibig

sabihi’y aplikable lamang ang balangkas na ito para sa kasaysayang pampook lamang: maaari

itong gamitin sa iba pang uri ng kasaysayan, hangga’t may mga hangganan o boundary na

naglilimita sa specification o pagiging impunto ng tinutukoy na area ng pag-aaral.


Malaking impluwensya umano kay Veneracion para sa balangkas na ito ang paraan ng

pagsusulat ni Marc Bloche sa pampook a kasaysayan (Rural History of France) at gayundin ang

kay Ferdinand Braudel (The Mediterranean). Kumbaga’y sa paraang ito, mas naisasaad ang

tama’t katotohanan sa naiintindihang paraan. Ang kalikasang aspeto ay tumutukoy sa mga

boundary ng tinatalakay na lugar, topograpiya, uri ng kapaligiran sa ispesipikong piryud. Ang

istruktura nama’y ang kalikasang ginagalawan at ginalawan na ng tao: ibig sabihi’y mga

institusyong kultural, ekonomikal, pulitikal, sosyal sa isa ring ispesipikong period. Panghuli’y

ang mga pangyayari ng isang lugar, kung saan nagaganap kapag ang mga istruktura ay

nagkaroon na ng interaksyon: mga pangyayaring nagdulot ng pagbabago sa madaling salita.

Ngayon, para sa papel na ito, paano ko maisasapraktikal ang nasabing teorya, para sa

isang napiling paksa? Una’y ilalahad ko muna ang topic ng aking interes. Napili ko bilang

saklaw ng panahon ng pag-aaral ang World War II at ang Luzon bilang lugar. Ibig sabihin,

maaari kong talakayin ang Luzon sa panahon ng mga Hapones. Dito na papasok ang balangkas

ni Veneracion, ang kalikasan – kultural – pangyayari na mga aspeto sa nabanggit na saklaw ng

pag-aaral.

Maaari kong ilahad ang mga heograpikal na katangian ng iba’t-ibang lalawigan o lugar

ng Luzon bilang salik sa pag-usad ng digmaan noon laban sa mga Hapones. Ibig sabihi’y ang

terrain ng mga bundok, stretch ng mga ilog, lawak ng dagat at karagatan, pagkakapulo-pulo ng

mga isla, o mga reachability ng mga kagubatan, kapatagan at iba pa bilang panganib, o

adbentahe para sa mga sundalo. Maaari ring mabanggit ang uri ng klima, ang hindi prediktableng

panahon na nag-iiba iba sa kalakhang Luzon. Marami ring hangganan ang mga nasalakay na

lalawigan, na malaking salik para sa distinksyon ng teritoryo. Ang mga pangkalikasan na aspeto

na ito’y para mailahad ang istratehikong pangkalahatang katangian ng Luzon, o ng buong


Pilipinas, bilang isang napakalaking salik sa katulad nitong panahon ng digmaan, kung saa’y

kalikasan o kapaligiran ang nagsisilbing battlefield ng mga panig.

Kung bibigyan naman ng diskusyon ang mga istruktural na aspeto ng Luzon bilang salik

sa mga pagbabago, maaaring ilista ang mga mayroon sa lipunang istruktura noong panahong

iyon, lalong lalo na sa ekonomikal at kultural na aspeto. Dito na papasok ang konsepto ng mas

mataas na tsansa ng pagkaligtas sa giyera ng mga may mas mataas na antas ng ekonomiko sa

Pilipinas. Gayundin ang mga hakbang na pulitikal na ginawa ng gobyerno noon, gaya ng mga

ugnayang naganap panlabas ng bansa. Dito rin maisasama ang mga paniniwala ng tao tungo sa

kapayapaan. Pinakamalaking mga pagbabago’t desisyong istruktural ang sa military, kung saan

sila’y direktamenteng lumaban para sa kapayapaan.

Panghuli, syempre’y ang mga pangyayari na naganap noon na nagpabago ng kasaysayan,

partikular na sa bahaging ito ng bansa. Masasabi kasing – kung hindi man lahat – nasa Luzon

ang mga headline ng digmaang dala ng mga Hapones sa Pilipinas. Ang mga headline na ito’y

siyang nag-ukit sa alaaala ng mga nakasaksing Pilipino, at mga pangyayari ring nagsisilbing mga

turning point sa kasaysayan, partikular na sa panahong iyon, kung saan ang mga kaganapang ito

ay buhay na buhay sa kamalayan. Nariyan ang Death March, ang Maynila bilang Open City, at

iba pa. Dito rin isinu-zoom ang mga pangyayari at narasyon ng mga saksi, mga maliliit na

Pilipino, at syempre ay ang mga sundalo.

Mula nang ako’y kwentuhan noong ako ay bata pa ng mga namayapa kong lolo at lola sa

kanilang karanasan sa mga Hapon sa Batangas, nag-guhit na ako sa aking isipan ng isang imahe

kung gaano nga talaga kalupit ang bahaging iyon ng kasaysayan. Sa pagkakabalangkas na ito na

prinisinta ni Jaime Veneracion, na magandang gamitin sa pag-intindi ng mga bahagi ng


kasaysayan tungo sa mas malinaw na kumprehensyon, mas malalim kong nadalumat ang mga

pangyayaring iyon sa nasabing panahon.

Bukod sa komprehensyon, ang kalikasan – istruktura – pangyayaring pattern ay paraan

ng pagsulat ng kasaysayan tungo sa komprehensibong resulta. Kung tutuusin, ang tatlong

aspetong ito ay sila na ring nilalaman ng kasaysayan, sa nasabing limitasyon ng panahon. Tsaka

na lamang ipapasok ang iba pang aspeto, kung may mga pagkukulang man.

Naririto ang varyasyon ng mga batis na maaaring magpasa-kongkreto ng ipapanukalang pag-

aaral:

ANNOTATED SOURCES

Primary Sources:

1. Galang, Maj. Ricardo C. Secret Missions to the Philippines. 1948 (Manila: University

Publishing Company)

Narasyon ang akdang ito ng mga karanasan ng isang sundalong Pilipino, tungkol sa mga

sikretong misyon kung saan siya ay na-destino. Ang paglalaman nito ng mga pangyayari gaya ng

pagkawasak ng Maynila: isang kahindik-hindik na larawan para sa isang syudad na sentro ng

bansa. Samantala, ayon sa awtor ay istatehiko pa rin ang heograpiya ng Pilipinas sa kabuuan.

Aniya’y hindi naman kakayaning patrulyahan ng mga Hapones ang lahat ng pitong libong isla:

kung gayoon, may mga lugar pa ring hindi nila masakop. Bukod dito ay nagamit di ang
heograpikal na katangian ng Palawan, Mindoro, Puerto Galera, Bauan Batangas, bilang lugar na

tatakasan at lalabanan: bukod pa ang mga kakamping mamamamayang nakilala ng awtor dito.

Sa kabuuan, dahil pulo-pulo nga naman ang isla, may adbantahe at hirap din na dulot

kapag panahon na ng kombat. Madali dahil istratehiko sa labanan, kung kabisado naman ay

madaling tumakas. Dahil hiwa-hiwalay naman ay madali mahuli kung lumipat: yan ang hirap sa

isla. Manipestasyon ng gampanin ng kalikasan at kapaligiran ng Pilipinas tungo sa

pakikipaglaban ng mga katutubong sundalong Pilipino.

2. Nuval, Leonardo Q. Ne’er Shall Invaders: The Major Land Battles for the Reconquest of

North Luzon in World War II. 1972 (Quezon City: University of the Philippines Press)

Mula sa perspektiba ng isang sundalong kapanig ng mga Amerikano, o USAFIP, ang

librong ito’y nagllahad ng mga istratehikong approach ng narrator kasama ng mga Amerikanong

sundalo tungo sa pakikipaglaban sa mga sundalong Hapon. Sitratehiko sa terminong iniugnay

ang mga setting ng lugar: ang Pasipiko, Bataan, bilang nagiiba’t ibang salik sa kombat.

Gayundin ang mga pangyayari sa Corregidor at sa Capas Tarlac, na nagsisilbing mga turning

point ng digmaan.

Ang nagiiba ibang setting umano ng battlefield na kinaharap ng mga sundalong Pilipino

at Amerikano ay nagdulot ng pasakit gayundin ng adbentahe sa paglaban. Sa mga Hapones,

malaki ang tsansang kinaharap din nila ang mga salik na ito. Sa kabuuan, ang varyasyon ng

pinaglalabanang lugar ay pangunahing salik din tungong tagumpay – o kung kadalasan,

kabiguan.
3. Morito, Akio M. Gawa sa Hapon (translated by Reynaldo Duque) 1990 (Manila:

Solidarity Foundation)

Ito nama’y narasyon mula sa mga perspektiba ng isang Hapones, na maaaring maglahad

ng personal na hugot ng mga ito kung bakit gayoon ang pagharapap nila sa mga bagay-bagay,

partikular na ang digmaan. Aniya, ang maliit, kulang sa likas na yaman, nililindol araw-araw,

walang langis, laging nasasalanta ng bagyong Japan – ang mga ito’y dahilan kung bakit labis

silang maparaan. Maparaan na kung minsa’y umaabot na sa sukdulan: halimbawa ay digmaan.

Ang kaisipang ito nga ang isang maaaring iturong dahilan kung bakit umano nila nagawa ang

digmaan: bilang pagtugon sa kinakailangan ng sarili, o ng Hapon bilang bansa mismo.

Gayunpaman, kung ilalabas sa konteksto ng malagim na digmaang nagawa nila, ang

ugali’t kaisipang nabanggit din ang nagluklok sa kanila sa mas maparaang pagpapaunlad ng

bansa. Bagamat sa kanila pa rin isinisisi ang giyera sa Asya, ang Japan ay hindi maitatangging

nagmanipesta ng di mapantayang diskarte sa pagtugon nito sa kinakailangang pangkalikasan, at

iba pa – na kanilang kakulangan.

4. Marking, Colonel “Yay.” Marking (The Crucible). 1950 (Philippines: Lejon Press)

Mula sa pagiging isang batang hindi maintindihan ng pamilya – pinalayas at inakalang

suwail – nabuo ang mga pangarap ni Marcos Villa Agustin Jr. – na naghirap para mabuhay ang

sarili, at mabuo ang mga minimithi mula sa kanyang pagkabata mismo. Sa pagpasok ng

digmaan, nakahanap siya ng paglalagyan ng sarili sa lipunan: bilang tagasilbi at tagapagtanggol

ng bayan, na labis naman niyang minahal, labis siyang naging dedikado, at hinangad ang

kasarinlan ng baya’t ng bayan lamang.


Ang pagmamahal niyang ito sa bayan ang nagdala ng gantimpala sa kanya ng

kapayapaan bandang huli – na naranasan din ng kanyang mga kababayan. Mula sa pagiging

matapang lamang na musmos na hinubog ng mga istrukturang nakapaligid sa kanya, naging

epektibo siyang tagatanggol ng bayan. Ang kapayapaang nakamit ay labis niyang dinamdam,

dala na rin ang kasiyahang naipanalo niya ang bayan – mula sa pangarap, pagbuo sa military – at

natupad ding naman.

5. Laurel-Avacena, Rose. Days of Courage: The Legacy of Dr. Jose P. Laurel. 1980

(Philippines)

Mula sa pagiging saksi sa isang amang prominente’t may pangalan, ipinakita ng may-

akda ang pagtanaw niya ng utang na loob kay Jose P. Laurel bilang anak, at bilang Pilipino. Ang

respeto sa ama ng awtor ay ang nagtulak sa kanya na silat ang akdaing gaya nito: isang

biograpikal na akawnt ng pasasalamat, pagpuri, at paghanga.

Bilang direktang saksi, isinaad ng awtor ang mga pangyayari sa dating Pangulo na nasa

ilalim ng pamahalaan ng bansang Hapon: kung paano siya nakabuo ng mga desisyong

pambayan, na ang pangunahing layon ay ang kapakanan ng nasasakupang Pilipino. Ang mga

ideya, kaisipan, na nasa loob ni Laurel, na siyang malaking pulitikal na mga desisyon para sa

Pilipinas noon – ayon sa awtor – ay palaging may halong pagmamahal sa bayan. Bilang

paghanga sa sariling ama, ipinakita ang mga pagbabago ng kaisipan, mga dahil kung bakit, mga

salik sa pamumuno at iba pa ni Laurel sa Pilipinas noon. Kadalsan mang misunderstood subalit

ang akdang ito ng kanyang anak ay nagpatunay ng kung gaano prupesyunal na lider si Laurel.
6. Villamor, Col. Jesus. They Never Surrendered (A True Story of Resistance in World War

II) 1982 (Quezon City: Vera-Reyes Incorporated)

Sa may akda ipinangalan na mismo ang Villamor Air Base – isang hindi kaduda-dudang

pagkilala para sa isang sundalo ng labis na pagmmahal sa bayan, na naisulat naman niya bilang

mga dokumento. Kinuwento niya ang mga pangyayari noong panahong ton, bilang isang sundalo

ng Hukbong Panghimapapawid, at bilang saksi ng iang malupit na digmaan: punong puno ng

detalye, gayundin ng emosyon. Binanggit din niya sa akdang ito ang mga ugnayang panlabas ng

Pilipinas lalong lalo nsa sa military ng Amerika – McArthur at Eisenhower – tungo sa mga

hakbanging ikapapanalo ng kampanya laban sa mga Hapones.

Napupuno ang pagtanaw sa mga sundalong Pilipino at Amerikano, bilang pinunu ay

inilahad ni Villamor ang emosyon, pagkasabik, kalungkutan, kasiyahan para mailagay ang mga

mambabasa saa isang makatotohanang uri ng pagku-kwento – hanggang sa pagkamit ng

kalayaan. Siyempre, ang mga Amerikano na lang nasa tabi lang nga Pilipinas ay maayos, ayon

na rin sa mga naunang pinuno.

7. Villaloid, Oscar S. Surviving World War II. 2005 (Pasig: Colet-Villaloid Publishing

Company)

Mula sa perspekrriba ng nakatataas sa lipunan, makikitang iba ito kumpara sa tipikal na

narasyon ng mga sundalo at Guerilla sa mga akda ng panahon ng Hapon. Si Villaloid, bilang

may mataas na kalidad ng edikasyon, ay kabilang sa iilan na may higit na mataas ngang tsansa

ng pagkakasalba sa panahong iyon.


Gayunpaman, ang giyera’y walang duda paring piniling biktima. Biktima rin naman sila,

kung ang pinagkaiba’y nakaaangat ng higit dahil sa ekonomikong taglayin nito. Naglilipat-dlipat

din sila, subalit hindi sa mga kagubatan o kaparangan dahil may mga nag-accommodate sa kanila

dahil sa koneksyon. Naka-engwentro rin naman nila ang mga Hapon, subalit hindi sila pinatay

dahil yata sa koneksyon. Ang tanging siguradong pinagdaanan: malaking pagbabago ay nagdala

ng malaking pagkakaiba sa paraan ng pamumuhay ng sinuman.

8. De Viana, Dr. Augusto V. Remembering the Word War II in the Philippines: To

Collaborate or Not to Collaborate-That is the Question. 2007 (Manila: National Historical

Institute)

Sa koneksyon at kalagayang political sa gobyerno, mas may mataas na tsansa ng

kolaborasyon ang mga nasa posisyon sa kalabang mga Hapones. Bukod sa sila ang kausap sa

mga pambansang usapan, ito rin ang nakita nilang paraaan upang magpatuloy:

makipagkasunduan sa kaaway. Ang pulitika bilang salik ay manipestasyon naman ng mga

prominenteng tao na nagko-collaborate sa mga kalaban, dahil sa mga personal na

pangangailangan kadalasan at nauuwi bilang hindi benepisyo ng bayan.

Subalit may ekonomiko, kultural at militaryang salik din umano kung bakit nagkakaroon

ng mga kolaborasyon sa kalaban. Ang mga institusyon sa nasabing mga sektor ng lipunan ay

silang kailangan ng mga Hapon: at kung minsan, kailangan din nila ang mga Hapon. Ano’t ano

pa man, totoo ma’t hindi ang layunin nila sa pakikipag-collaborate, isa pa rin ang maituturong

ugat ng lahat ng ito: takot, dahil lubhang makapangyarihan ang Japan noon.
9. Pestano-Jacinto, Pacita. Living with the Enemy (A Diary of Japanese Occupation) 1999

(Pasig: Anvil Publishing House)

Tunay na napakalaking salik ng ekonomikal na antas ng isang saksi ng digmaan upang

matiyak na siya’y patuloy na mabubuhay sa panahong ito. Noong panahong iyon, makikita agad

iyon bilang salik sa mga tinataguang lugar pa lamang ng isang sibilyan. Halimbawa ang normal

na mga Pilipino, nasa kabundukan, kweba, ka-ilugan para hindi matunton, ang mga may kaya –

na kamukha nitong awtor ng libro – ay maaaring nasa isang safe house, nagsusulat ng talaarawan

na kagaya nito, kung anong nasasaksihan sa giyera.

Gayunpaman, wala pa ring pinipili ang digmaan, at mayaman ma’y tinatamaan din ng

takot at trauma. Sa akdang ito, ipinakikita ang kalagayang pang-ekonomikal nga bilang bala o

sandata sa anumang kakaharapin sa kamay ng mga Hapon: mas maliit ang tsansa na masaktan,

na magutom, o mamatay, dahil kadalasan, nasa ligtas silang lugar. Isa pa, may sapat silang

proteksyon upang hindi magalaw.

10. Mizuguchi, Hiroyuki. Jungle of No Mercy (Memoir of a Japanese Soldier). 2010 (Pasig:

Anvil Publishing)

Ang Pilipinas ay isang tropikong bansa: kaibang iba sa Japan. Kung gayon, ang pagtugon

ng mga sundalong Hapones sa pagbabagong ito ay hindi naging madali, at maraming kaso ang

nauuwi sa kamatayan at paghihirap. Ang talang ito ni Mizuguchi, isang sundalong Hapon, ay

nagpapakita ng kung gaano kahirap nga ba ang lumaban sa battlefield na tulad ng bansang

Pilipinas, at sa anumang giyera. Na sa sobra umanong hirap ay kamatayan na lamang kung


minsan ang kasagutan tungo sa kaligtasan, para matapos lamang ang mga paghihirap sa gitna ng

mga kagubatan ng Luzon.

Ang labis na lamig na mga kampo sa gabi, mga lamok na nagdadala ng Malaria at hindi

malunasang tindi ng mga lagnat noon ang naging kalaban ng mga Hapones sa pagpapatuloy na

mabuhay. Samakatuwid, ang kalikasan, at ang walang kasiguraduhan nitong inaasal. Napabayaan

ang mga sundalong nagkasakit dulot ng kakaibang klima at panahon dulot ng tropiko.

Manipestasyon na ang mga kalaban ma’y naghirap din sa giyera. Gaano man sila kalupit,

kalikasan naman ang naging kalaban nila sa pagpapatuloy ng laban.

Secondary Sources:

1. Buenafe, Manuel E. Wartime Philippines. 1950 (Manila: Philippine Education

Foundation)

Inilahad sa akdang ito kung gaano nga b aka-istratehiko ang lokasyon ng Pilipinas sa

mapa kung kaya’t siyang sinakop din ng bansang Hapon. Bukod doon, nandirito rin daw ang

mayamang hilaw na materyales na wala sa kanila; dito rin pwedeng ibagsak ang mga surplus

nilang produkto para bilhin ng Pilipino’t silang makinabang. Maaaring para nga iyon sa mala-

sakim nilang interes, subalit talaga nga naming hindi maikakaila ang yaman ng Pilipinas, sa likas

na yaman na pagkukunan ng resources, at likas na yamang tao rin.

Sa kabuua’y inilarawan ang Pilipinas bilang ‘kasakop-sakop’ na uri ng bansa: mahina pa

ito noong panahong iyon, walang depensa para sa sarili. Gayunpaman, hindi naman iyon naging
madali dahil sa naghaharing nasyonalismo sa bansa: kung saan ayon sa narasyon ng akdang ito,

naipakita ang pilit na paglaban sa mga nang-aapa ang iba’t-ibang istruktura ng lipunan dito sa

Pilipinas.

2. Quirino, Eliseo. A Day to Remember. 1961 (Manila: Benipayo Press)

Alay para sa mga naghirap at nasawi noong Ikalawang pandaigdig na digmaan, ang

akdang ito ay narasyon ng mga naitalang pangyayari ng giyera. Nagamit ang mga dokumento ng

mismong digmaan bilang batis: patunay ng patuloy pa rin ang pagsulat ng kasaysayan sa gitna ng

digmaan sa panahong iyon. Bagamat may mga naitago, walang duda ang kahindik-hindik na

pagkawasak ng Pilipinas noon: isang masamang alaala na may iba’t ibang larawan para sa mga

nakaranas nito.

Sa akdang ito naipahayag ang mga pasasalamat sa itinuring na tagapagligtas: ang mga

Amerikano, na ang mga bayani ng panahong iyon ay mga dayuhan din naman. Malaki ang papel

na ginampanan ng US sa giyera noon, at walang dahilan umano upang sila ay hindi bigyan ng

pagtanaw ng utang na loob. Mas malawak na mga interpretasyon ang inihain dito: maiintindihan

ang tunay na mga alaalang naiwan ng Hapon sa Pilipinas – na pinilit na pansamantalang burahin

sa pagpasok ng mga Amerikano.

Nangangahulugan ang “A Day to Remember” hindi ng isang ispesipikong araw sa parting

iyon ng kasaysayan, kundi ang mismong period na iyon ng kasaysayan kung saa’y nagtanim ng

mga alaalang mapait ang mga pangyayari sa mga saksi nito.


3. Hernandez, Juan B. Between Two Wars. 1981 (Quezon City: National Printing

Company)

Amerika ang itinuturing na bayani ng ikalawang digmaan – silang nagsalba sa Pilipinas

mula sa Hapon. Nabigyan ng mga pagtanaw: subalit malaki rin ang mga naging papel ng

gobyernong Pilipinas noon tungo sa kasarinlan. Silang mga nakipag-ugnayan – at nakita ang

kapangyarihan ng awtoridad sa pagbuo ng mga desisyon: pagpapakita kung gaano katindi ang

hinahawakan nitong posisyon.

Subalit bukod doon, nais ng librong ito ang panibagong approach sa paksa kumbaga: ang

pag-intindi sa pinakaugat ng kabayanihan, para sa pagkilala at papuri para sa mga ipinagtanggol

– na nakasaksi man o hindi. Ang pag-alam sa kanunuan ng kabayanihan ay kagaya rin umano ng

pag-aaral ng kasaysayan: silang simula ng lahat. At doon na iuugnay ang konsepto ng

kapayapaan: ang bagay na dinala ng mga panibagong bayani, baon pa rin ang pagtanaw sa

pinagmulan.

4. Baclagon, Uldarico. Christian-Moslem Guerillas of Mindanao. 1988 (Manila: Lord

Avenue Printing Press)

Ang may-akda, isang sundalo ng hukbong sandatahan na may mataas na ranggo, at

mayamang kaalaman sa military na kasaysayan – ay may kakaibang approach sa paglalahad niya

ng kasaysayan ng military sa ikalawang digmaang pandaigdig. Habang ang nagku-kwento ay tila

nagbibigay ng lektura tungo sa epektibong pakikipaglaban: ang detalyadong paglalahad at

istratehikong pagbibigay narasyon ng mga pangyayari sa digmaan, kung saan ang hukbo ay

naging malaking parte.


Para sa akdang ito, isang di pangkaraniwang sitwasyon sa giyera ang nailatag: ang

ugnayan sa pag-itan ng dalawang magkaibang paniniwala, pagtingin sa buhay, pakikitungo at

pakikipaglaban: Muslim at mga Kristyano. Sa Bukidnon at Cotabato bilang pinagmulan at

setting, napatunayan ang posibilidad ng pamumuno ng isang Muslim sa mga Kristyano – isang

pagkakataong nagpapakita ng kani-kanilang kooperasyon – magkaiba man ng paniniwala, tungo

sa pambansang kapakanan. Na ang Mindanao, bagamat malayo sa Luzon at sa matinding pinsala,

ay nakabuo ng pagkakaisang may iisang layunin sa kabila ng malaking pagkakaiba.

5. Baclagon, Uldarico. Philippine Campaigns. 1952 (Manila: Lord Avenue Printing Press)

Ang istratehikong-militar na paglalahad ng awtor ay lubos na nagkukunsidera sa mga

aspetong pang-heograpiya bilang salik tungo sa epektibong eksekusyong military. Habang ang

libro ay tumitingin din sa mga naunang wave ng campaign, ang panahon ng ikalawang digmaang

pandaigdig ang siya umanong tunay na kinailangan ng taktikal na pag-iisip at paggamit ng

kapaligiran upang makalamang sa kalaban.

Ang madalas, marami at ispesipikong detalye ng topograpiya ay lais na nagbigay

kalinawan sa kahalagahan ng kalikasang mga salik sa istruktura ng military. Habang nabubuo rin

ang ibang institusyon gaya ng Guerilla, lahat ng paglabang ito sa battlefield ay binigyan ng

komprehensibong analysis – gaano kalaking salik ang paligid at ang mga istruktura – na

maaaring magdulot ng kagandahan, o kahirapan para sa mga sundalo ng magkaibang panig, ng

Amerikan-Pilipino o ng Hapon.

6. Baclagon, Uldarico. Last 130 Days of the USAFFE. 1982 (Manila: Astra Incorporated)
Isa sa mga istrukturang military na dala ng Amerika at umusbong sa Maynila ang

USAFFE, o mga sundalong Amerikano na nagsilbi para sa silangang Asya. Sinasabong sa buong

paninilbihan ng mga USAFFE rito sa Pilipinas, kaunting panahon lamang naman ang pagsubok

na lumaban – ang mga natira pa ay puro paghihirap na. Mga larawan at alaala ng naglalahong

pag-asa.

Sa taktikal na approach ng akdang ito, maikukunsidera ang mga ilog, dagat sa buong

Pilipinas, at ang varyasyon ng paligid sa Maynila, Guagua, Bataan ay sinubukang gamitin bilang

adbentahe laban sa mga Hapon. Habang nagbibigay ng perspektiba para sa mga USAFFE,

ipinakikita rin ang hirap na pinagdaanan maging ng mga sundalong Amerikano, sa mga

pangyayari sa giyera. Ang madugong martsa sa Bataan – isang pangyayaring nagpahiwatig na

tila nawawala ang pag-asa – hanggag sa paglaban naman pabalik: lahat ay nagpakita ng hirap ng

pinagdaanan ng mga sundalo sa pagharap ng mga pangyayari.

7. Agoncillo, Teodoro A. The Fateful Years (Japan’s Adventure in the Philippines, 1941-

1945) Vol. I and II. 1965 (Quezon City: R.P. Garcia Publishing Company)

Sa dalawang volume ng pag-aaral ni Agoncillo sa nasaksihan niyang digmaan, naglahad

siya ng mga pangyayari lamang. Sa unang volume, naipakita ang simula ng kaguluhang ito: ang

kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, kundi kung bakit naganap ang baawat

pangyayari. Dala dala rin ang pagiging saksi niya habang sinusulat: ibig sabihin, ang kredibilidad

ay mapagkakatiwalaan.

Sa ikalawang volume na pumasok ang mga ekonomikong pagbabago, at ang mga

istrukturang nabuo. Sa laki nga naman ng epekto ng giyera sa ekonomiya ng hindi naman
mayamang Pilipinas, labis ang naging mga pinsala. Gayundin ang mga istrukturang political – na

altered ng mga hapon, modified para sa kanilang pananakop. Huli, syempre ay ang mga bayani

ng panahon, at ang mga pangyayaring pamayanan nila, na nagdulot ng pagbabago.

8. Agoncillo, Teodoro A. The Burden of Proof. 1984 (Quezon City: University of the

Philippines Press)

Si Agoncillo, na kilalang hindi natatakot na magbigay ng mga konpidensyal na mga

datos, ay muling bumida sa librong ito tungkol sa kolaborasyon umano ng dalawang

prominenteng opisyal ng gobyerno noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: sina Jorge Vargas at

Dr. Jose P. Laurel. Bilang mga tagapagtanggol pa man din umano ng estado, silang mga

pinakamalapit pa ang tsansa na makipag-collaborate sa mga Hapon. Silang kung tutuusin dawn a

mga collaborator, kasama nina Recto, subalit itinuturing pa rin bilang mga patriotiko ng bansa ng

panahong iyon: kung hindi man galit ang namayani.

Ipinakikita kung gaano kalaking salik ang pulitikal na kalagayan ng mga opisya bilang

nakaaapekto sa kanilang ideya, kaisipan at mga desisyon. Diumano’y sila ang nagbukas ng daan

sa mga Hapon sa mas maigting na panghihimasok at pananakop sa mga Pilipino – na nagdulot

naman ng hirap sa mga ordinaryong mamamayan at pangkaraniwang mga biktima – habang ang

mga nabanggit na opisyal ay hindi nagagalaw, o nasasaktan ng mga mananakop. Bukod sa

kasangga na nga ng Amerika, sila ring mga nagkanulo sa bayan – iyan umano ang maaaring

imaheng makita sa kanila ng karamihan, hangga’t hindi napapatunayan ang mga pruweba. O

kahit ang makatwirang dahilan man lamang kung bakit nila ginawa ang mga bagay na iyon.
9. Mojica, Proculo L. Terry’s Hunters (The True Story of the Hunters ROTC Guerillas)

1965 (Manila: Benipayo Press)

Ang mga guerilla, na maaari ring tawaging mga unsung hero ng nasabing panahon, ang

binibigyang pugay ng akdang ito. Ang istratehiko umano nilang mga pamamaraan sa Timog

Luzon, kung saan sila’y itinuting na mga hunters, ay nagpapakita ng taktikal na paggamit sa mga

kabundukan ng Luzon, particular na sa Rizal, tungo sa epektibong pakikipaglaban sa mga

Hapones. Sa rami rin ng dibisyon, klase, grupo ng mga lumabang guerilla, sa iba’t ibang sulok

ng Luzon, wala ngang duda ang laki ng naiambag nila sa kapayapaan mula sa mga mananakop

na Hapones.

Bilang maituturing na istrukturang military, ng iba’t-ibang uri at varyasyon ng mga

miyembro, ang mga Guerilla ng Pilipinas ay maaaring sabihing representasyon hindi lamang ng

masang Pilipino, kundi ng mga indibidwal na mamamayan ng Pilipinas – ng iba’t-ibang antas ng

pamumuhay – na may bukas na isipan na magsakripisyo para sa bayan at sa kaisipang

ipinaglalaban. Sa libro’y naglalaman ng mga narasyon ng kalupitan ng mga Hapon, hanggang sa

pagsaklolo ng Amerika – mga manipestasyon ng pagbabagong istruktural noon sa bandang

Luzon, na nagdulot nga ng mga samahang ito. Na sila namang naging mga pangunahing parte ng

pagbabago at pag-aaklas sa pamamaraan ng pwersa.

10. Baclagon, Uldarico. Filipino Heroes of World War II. 1980 (Makati: Agro Printing and

Publishing House)

Ayon na rin sa pamagat, ang libro ay pagtanaw sa mga bayani ng iba’t-ibang uri ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas – iba’t ibang lahi, antas ng pamumuhay – na


nagpapakita ng simpatikong pagsasakripisyo ng mga sundalo at mamamayang Pilipino sa

nasabing madilim na bahagi ng kasaysayan. Sa narasyon, nakatuon ito sa mga taong kasangkot –

bilang parte ng lipunan, na lumalaban para sa mga mamamayan ng bansa (o mga sibilyan). Ang

taglay nilang katapangan ay binigyan ng diin, na siya naming nagging nag-iisang pag-asa noon

tungo sa pag-alagwa mula sa mga Hapon.

Dito na nakasaad ang mga pangyayari na pinamunuan ng prominenteng mga tao – tungo

sa mga pagbabagong panlipunan sa kalagitnaan ng isang bayolenteng digmaan. Ang

pinagdaanang hirap ng mga taong ito – at pagkakabuo ng mga element ng pagkakaisa para sa

pagtatanggol ng bansa, ay binigyang pugay sa akda. Malaki ang gratitude ng librong ito sa

kanilang mga arkitekto umano ng depensa ng Pilipinas noong panahong iyon: sa pulitikal man o

military, at ang tagumpay na nakamtan din bandang huli dahil naman sa pagkakaisang paglaban.

Sa nabanggit na mga batis, para sa aki’y sapat ang mga ito (ngunit maaari pa naming

madagdagan sa pagpapatuloy ng pag-aaral) para mapunan ang nais kong ipunto bilang ‘Mga

Pangyayari sa Luzon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: ang Kalikasan, Istrukturang

Nabuo Bilang mga Salik’ at patunayan ang sinasabi nga ng balangkas na ang kalikasan at

istruktura’y silang bumubuo sa pag-usad ng kasaysayan. Maaari ring mabanggit ditto ang sinabi

ni Veneracion, na sa ganitong uri umano ng pagsusulat ng kasaysayan, sa pag-usad ng pag-aaral

at pananaliksik ay may mga madadagdag na tanong at punto para sa pag-aaral, bukod pa roon sa

mga nalalaman na, na naunang naisaad. Ibig sabihin, maaari pang lumawak ang diskusyon,

hangga’t ang saklaw na panahon, at ang lugar na tinatalakay ay ikinukunsidera.


BIBLIOGRAPHY

Primary Sources:

1. Galang, Maj. Ricardo C. Secret Missions to the Philippines. 1948 (Manila: University

Publishing Company)

2. Nuval, Leonardo Q. Ne’er Shall Invaders: The Major Land Battles for the Reconquest of

North Luzon in World War II. 1972 (Quezon City: University of the Philippines Press)

3. Morito, Akio M. Gawa sa Hapon (translated by Reynaldo Duque) 1990 (Manila:

Solidarity Foundation)

4. Marking, Colonel “Yay.” Marking (The Crucible). 1950 (Philippines: Lejon Press)

5. Laurel-Avacena, Rose. Days of Courage: The Legacy of Dr. Jose P. Laurel. 1980

(Philippines)

6. Villamor, Col. Jesus. They Never Surrendered (A True Story of Resistance in World War

II) 1982 (Quezon City: Vera-Reyes Incorporated)

7. Villaloid, Oscar S. Surviving World War II. 2005 (Pasig: Colet-Villaloid Publishing

Company)

8. De Viana, Dr. Augusto V. Remembering the Word War II in the Philippines: To

Collaborate or Not to Collaborate-That is the Question. 2007 (Manila: National Historical

Institute)

9. Pestano-Jacinto, Pacita. Living with the Enemy (A Diary of Japanese Occupation) 1999

(Pasig: Anvil Publishing House)

10. Mizuguchi, Hiroyuki. Jungle of No Mercy (Memoir of a Japanese Soldier). 2010 (Pasig:

Anvil Publishing)
Secondary Sources:

1. Buenafe, Manuel E. Wartime Philippines. 1950 (Manila: Philippine Education

Foundation)

2. Quirino, Eliseo. A Day to Remember. 1961 (Manila: Benipayo Press)

3. Hernandez, Juan B. Between Two Wars. 1981 (Quezon City: National Printing

Company)

4. Baclagon, Uldarico. Christian-Moslem Guerillas of Mindanao. 1988 (Manila: Lord

Avenue Printing Press)

5. Baclagon, Uldarico. Philippine Campaigns. 1952 (Manila: Lord Avenue Printing Press)

6. Baclagon, Uldarico. Last 130 Days of the USAFFE. 1982 (Manila: Astra Incorporated)

7. Agoncillo, Teodoro A. The Fateful Years (Japan’s Adventure in the Philippines, 1941-

1945) Vol. I and II. 1965 (Quezon City: R.P. Garcia Publishing Company)

8. Agoncillo, Teodoro A. The Burden of Proof. 1984 (Quezon City: University of the

Philippines Press)

9. Mojica, Proculo L. Terry’s Hunters (The True Story of the Hunters ROTC Guerillas)

1965 (Manila: Benipayo Press)

10. Baclagon, Uldarico. Filipino Heroes of World War II. 1980 (Makati: Agro Printing and

Publishing House)

Pagbabalangkas:

1. Veneracion, Jaime. Kasaysayan ng Bulakan. 1985 (Quezon City: University of the

Philippines Press)

2. Bloche, Marc. Rural History of France; Braudel, Ferdinand. The Mediterranean.

You might also like