You are on page 1of 1

Block Out Reading Sinimulan

Buwan ng Marso patsa 1 hanggang 17 taong 2023, idinaos ang block out
reading ng Sta. Irene National High School. Ang mga mag-aaral na nagmula sa
baitang 7 hanggang 12 ay nagbasa ng teksto na naaayon sa kanilang antas o lebel.
Bawat antas ay pinangungunahan ng mga guro sa asignaturang Filipino, advisers at
mga student interns mula sa Philippine Normal University-Mindanao. Sa ginawang
pagpabasa, natukoy ang mga mag-aaral na nasa lebel ng malaya, instraksyunal at
pagkabigo.

Sa kabuuan, narito ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat antas na nabilang


sa malaya, instraksyunal at pagkabigo. Sa baitang 7, ang mga mag-aaral na
napabilang sa antas na malaya ay 40, 123 naman sa instraksyunal at 22 naman sa
pagkabigo. Samantala, sa baitang 8 naman ay 111 ang malaya, 73 ang
instraksyunal at 23 naman sa pagkabigo. Sa baitang 9, 97 mag-aaral ang
napabilang sa malayang antas, 74 sa instraksyunal at 20 sa pagkabigo. Sa baitang
10, ang malaya ay 105, 51 naman sa instraksyunal at 16 sa pagkabigo. Sa baitang
11, 72 ang nasa malaya, 36 ang instrakyunal at 22 ang nasa pagkabigo. Sa baitang
12, 92 ang napabilang sa antas na malaya, 36 sa instraksyunal at 22 sa pagkabigo.

Ang pagpapabasa ay natapos sa ika-7 araw ng Marso taong 2023. Masaya at


aktibong nakilahok ang faculty at staff ng Sta. Irene National High School sa
aktibidad na ito.

You might also like