You are on page 1of 8

SAINT JOSEPH ACADEMY

OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Modyul Bilang : 1 - 2 IKAAPAT NA MARKAHAN


Date: S.Y. 2022 – 2023
CLASS PANGALAN:
BAITANG AT PANGKAT:
NUMBER: __________________________________
Gold - Iron
________ __________
GURONG PANG ASIGNATURA:
ASIGNATURA: Bb. AGNES T. MAGTIBAY TELEPONO:
ESP 9 Gng. LURIZE URI 0927-360-6971/0929-447-1643

SJA Philosophy Statement

Saint Joseph Academy is a highly respected non-sectarian secondary institution dedicated to impart to the
students the respect in the individual needs of themselves and others. Thus, SJA believes that every student has
the right to learn and get a quality education.

SJA Goals and Objectives

Accepting its role as the second home of its students, SJA endeavors to:

● mold its students to be God-loving and God-fearing, in imitation of the virtues of St. Joseph while respecting all
religious beliefs existing in the community.
● direct the minds of students to become productive citizen with positive Filipino values, developing in them love
of family, community and country.
● strengthen the school-community relations through extension programs
● stimulate in each student a desire to maximize his own talent

SJA Core Values

S – Simplicity and Self-Discipline (Kasimplehan at Disiplinang Pansarili)


J – Justice (Hustisya)
A – Acceptance and Asssertiveness (Pagtanggap at Pagtitiwala)
E – Excellence and Enthusiasm (Kahusayan at Kasipagan)
R – Rapport and Respect (Pagkakaisa at Paggalang)

Page 1
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o


Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay
Ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo sa kalidad at uri ng mga manggagawang ipinapadala sa
ibat’t ibang bansa. Amg mga manggagawang ito ay nakilala bilang Overseas Filipino Workers (OFW’s).
kinikilala ang pamahalaan ang kanilang malaking tulong sa kaunlaran ng bansa sapagkat sila ay nagdadala
sa bansa ng bilyong dolyar taon-taon. Sila ay tinaguriang ‘Mga Bagong Bayani”.
Subalit hindi lamang dolyar o salapi ang pangangailangan ng bansa.- nariyan ang kalusugan,
manggagawa, imprastraktura, edukasyon, ekonomiya, politika, cyberservices tulad ng call centers, sariling
Negosyo at iba pa.
Bilang isang mag-aaral na naghahanda para sa magandang kinabukasan, isa sa mga kinakailangan
mong siguraduhin ay ang opurtunidad na bukas para sa pipiliin mong kurso sa kolehiyo. Magagawa mo ito
sa pamamagitan ng masusing pag-aaral upang matiyak na ito ay kasama sa listahan ng trabahong
kailangan ng bansa. Sa ganitong aspeto, Malaki an pag-asa mong makakuha ng trabaho sa pagtatapos mo
sa kolehiyo.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpaplano ng kursong


akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo bilang tugon sa hamon ng paggawa

Nagtatakda ang mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na naaayon sa taglay na mga
talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya.

PAMAGAT PINAKAMAHALAGANG PAMANTAYAN SA PAGKATUTO MODYU


L
BILANG
Mga Pansariling Salik Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig
sa Pagpili ng Tamang (mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong 1
Kursong Akademiko o akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo
Teknikal-Bokasyonal, Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang
Sining at Isports, mapaunlad ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig at
Negosyo o mithiin
Hanapbuhay Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa
A. Talento mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko,
B. Kasanayan teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang
(skills) magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang
C. Hilig pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
D. Pagpapahalaga – bansa
(service to and Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit
love of country) ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at 2
E. Katayuang palakasan o negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa
pinansyal mga tracks sa Senior High School)
F. Mithiin
Personal na Pahayag Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng
ng Misyon sa Buhay Misyon sa Buhay
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
Nahihinuha na ang kanyang personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ay dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na
nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang
Page 2
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

panlahat
Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Mga Lokal at Global Natutukoy ang mga trabahong may mataas na lokal at global na
na Demand demand
Nakikilala ang mga mapamimiliang kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay na angkop sa sariling
talento, kakayahan at hilig.
Napatutunayan na makatutulong ang sapat (updated and accurate) na
impormasyon tungkol sa mga trabahong kailangan sa Pilipinas at sa
ibang bansa upang mapili at mapaghandaan ang kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal na maaaring maging susi ng sariling tagumpay at
ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
Nakabubuo ng profile ng mga trabahong mataas ang lokal at global na
demand na angkop sa taglay na mga talento at kakayahan,
pagpapahalaga at tunguhin
Paghahanda sa NaipaliLiwanag ang kahalagahan ng sistematikong pagpili ng kursong
Minimithing Uri ng akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
Pamumuhay Nakapagsusuri ng pagkakatugma ng mga pansariling salik sa lokal at
global na demand upang makabuo ng pasiya sa pipiliing kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
Napangangatwiranan na:
A. Mahalaga ang pagtutugma ng pansariling salik sa lokal at
global na demand upang makamit ang mga itinakdang tunguhin
tungo sa pagpapaunlad ng sarili at pakikibahagi sa lipunan
B. Ang pagkamit ng mithiin sa buhay ay nagsisimula sa mabuting
pagpili ng track at stream sa senior high school bilang
paghahanda sa kurso o trabaho; ang mabuting pagpili ay
ginagamitan ng mga hakbang sa paggawa ng mabuting pasya.
Nakapagpapasya ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
negosyo o hanapbuhayna ayon sa sariling kagustuhan na angkop sa
mga pansariling salik at lokal at global na demand

“Handa ka na ba?” ang malimit na tanong ng taong hinihintay ang iyong paghahanda sa isang
gawain. Madalas ito rin ang linya ng iyong guro bago ang pagsusulit o di kaya naman, ito ay nasasambit ng
isang Game Master sa kanyang contest bago magsimula ang kompetisyon o laro. Kawili-wiling tanong
ngunit nakakagulat kung paano ito sasagutin nang mabilisan. Ikaw, handa ka na rin bang pumili ng nais
mong kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School (Baitang 11 at 12)? Ito na ang huling markahan bago
magtapos ang iyong taon sa Baitang 9, ngunit bago ito mangyari, kailangan mo munang magpasya at
pumili para sa iyong sarili kung ano ang nais mong kuning kurso. Nais mo bang masagot ang mga tanong
na iyan nang sigurado ka at nang walang alinlangan? May mga dapat bang pagbatayan sa mga pagpili
mong ito, o sapat na bang making na lamang at umasa sa mga taong nakapaligid sa iyo?

GAWAIN 1: Pagbalik Tanaw


Naalala mo pa ba ang mga natukoy mong kursong akademiko, teknikal-bokasyonal noong ikaw ay
nasa Baitang 7 pa lamang? Ano-ano ang mga ito?
Mula sa pagbabalik-tanaw mo, dalawang taon mula ngayon, may pagbabago kaya sa iyong talento,
kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansyal at mithiin? Gayundin sa nais kong kuning
kurso sa pagtuntong ko sa Senior High Schoo?
Mga gabay na tanong:
1. Ano-anong pagbabago sa talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansyal at
mithiin noong ako ay nasa Baitang 7?
2. Nagbago ba o hindi ang kursong kukunin ko noong nasa Baitang 7 ako? Ipaliwanag..
3. Sa pagbabago ng mga ito, ano ang kursong plano kong kunin sa Senior High School?
Page 3
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kurso Daan sa Maayos at Maunlad na Hinaharap

“Anak, mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya.” Narinig mo na ba
ito sa iyong nanay o tatay, maging sa iyong lolo o lola? May ideya ka ba kung bakit nila ito sinabi sa iyo?
Bunga ng kanilang mga karanasan at karanasan ng iba nilang kakilala, ibinahagi s aiyo ang ganitong payo.
Matapos mong tuparin ang kanilang payo, may mga paghahanda ka bang ginawa para sa papasukin mong
mundo pagkatapos ng pag-aaral-ang mundo ng paggwa?
Ang nakalulungkot dito ay hindi mo man lang masabi o maipahayag ang iyong tunay na pasya o nais
na kuning kurso dahil may gusto ang iyong mga magulang para sa iyo. Maaaring hindi pa matatag ang iyong
loob na ito ay sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na magpasya para sa sarili at maging maligaya
sa pinili mo.
Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa iyong na makita
ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at
sitwasyon, mas malinaw itong makikita. Mas malaki ang panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas
malaki rin ang pagkakataon na maging tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninais. Malaya kang
lumapit sa mga taong pinagkakatiwalaan at makapagbibigay sa iyo ng mabuting payo. Hindi ito maiaalis sa
iyo dahil sila ang mga taong matatakbuhan natin sa oras na kailangan natin ng tulong. Sila ang may
malaking impluwensiya sa ating pagkatao. Bagaman ikaw ay may malayang isip at kilos loob, hindi pa rin ito
sa lahat ng oras ay maaaring pagbatayan. Kailangan natin ang mga taong nakapaligid sa atin upang
matulungan tayong magtimbang, magsuri ng mga bagay-bagay at maggabay tungo sa tamang
pagpapasya.
Sa bahaging ito ng modyul, pagtuunan mo naman nang malaking pansin ang mga pansariling salik sa
pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa iyong:
1. Talento: Tandaan mo na ang mga talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang
kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos ng Junior High School (Baitang
10)
Balikan natin ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983):
1. Visual Spatial 5. Musical/Rhythmic
2. Verbal/Linguistic 6. Intrapersonal
3. Mathematical/Logical 7. Interpersonal
4. Bodily/Kinesthetic 8. Existential
Kung matagumpay mong maitutugma ang iyong talento sa trabaho/ hanapbuhay ay makakamit mo
ang kagalingan at produktibong paggawa.

2. Kasanayan (Skills). Ang mga kasanayan o skills ay isa ring maituturing na mahalagang salik sa
paghahanda sa iyong pipiliing kurso. Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay mga bagay kung saan
tayo ay mahusay at magling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan
(competency) o kahusayan (proficiency). Upang makilala at matukoy mo ang iyong kasanayan sa
isang bagay, kailangang ikaw ay may hilig at interes, mga tiyak na potensyal at malawak na
kaalaman. Kung hindi mo pa tukoy ang mga ito, makabubuting tingnan at bigyan ng oras ang mga
kategorya na nakalista sa ibaba (Career Panning Workbook, 2006):
1. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga tao (People skills)
2. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)
3. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)
4. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)
Mainam na ngayon pa lamang ay matiyak mo nang maaga ang iyong mga kasanayan o skills, nang
sa gayon ay makatulong ito nang malaki sa iyong pagpili ng kurso nais kuhanin.

Page 4
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

3. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang
iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
Salungat dito ang mga gawain o bagay na ayaw mong gawin. Nakararamdam ka ng kawalan ng
sigla at mabagal na pagkilos kung kaya maikling oras lamang ang iyong ginugugol sa mga ito.
Kumpara sa mga bagay na kinahihiligan mong gawin, hindi mo pansin ang humahabang oras sa
pagsasagawa ng mga ito dahil nasisiyahan kang gawin kahit ito ay mahirap sa paningin ng iba.
Hinati ng SIkolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers/Work envirenments, ito ay
ang mga sumusunod: Realistic, investigative, Artistic, Social, Enterprising at Conventional. Hindi
lamang nasa iisang kategorya ang hilig o interes ng isang tao, maaari siyang magtaglay ng tatlong
kombinasyon. Halimbawa, maaring tatlo ang kombinasyon ng kanyang trabaho gaya ng ESA
(Enterprising, Social at Artistic) o di kaya naman ISC (Investigative, Social at Conventional) o
anumang dalawa o tatlo sa iba’t ibang kombinasyon.

Mga Interes Deskription Halimbawa ng mga Trabaho


Realistic ang taong nasa ganitong interes forester, industrial arts teacher, radio operator, auto
ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng engineer, mechanical engineer, mining engineer,
mga bagay gamit ang kanilang vocational agriculture teacher, civil engineer,
malikhaing kamay o gamit ang industrial engineering technician, aircraft mechanic,
mga kasangkapan kaysa mechanical engineer technician, fish and game
makihalubilo sa mga tao at warden, surveyor, dental technician, architectural
makipagpalitan ng opinyon. Ang draftsman, electrician, jeweler, powerhouse
mga taong realistic ay matapang repairman, tool and die maker, machinist,
at praktikal, at mahilig sa mga mechanic, stone cutter, locksmith, nuclear reactor
gawaing outdoor technician, tree surgeon, piano tuner, typesetter, air
conditioning engineer, ship pilot, instrument
mechanic, motion picture projectionist, carpenter,
tailor, machine repairer
Investigate Ang mga trabahong may mataas Economist, internist, physician, anthropologist,
na impluwensiya dito ay nakatuon astronomer, pathologist, physical, chemist,
sa mga gawaing production planner, medical lab assistant, tv
pang-agham.Ang mga taong nasa repairer, biologist, osteopath, chiropractor, math
ganitong interes ay mas gustong teacher, natural science teacher, optometrist,
magtrabaho nang mag-isa kaysa psychiatrist, psychologist, medical technologist,
gumawa kasama ang iba. Sila ay bacteriologist, physiologist, research analyst,
mayaman sa ideya at malikhain computer analyst, programmer, pharmacist,
sa mga kakayahang pang-agham, actuary, quality control technician, computer
isa na rito ang mga pananaliksik. operator, geologist, mathematician/statistician,
Mapanuri, malalim, matatalino at surgeon, meteorologist, agronomist, animal
task-oriented ang mga katangian scientist, botanist, zoologist, horticulturist, natural
nila. scientist, oceanographer, biochemist, veterinarian,
geographer, x-ray technician, administrator, dentist,
tool designer, chemical lab technician, engineers
such as aircraft, chemical, electrical, metallurgical,
radio/tv technician, engineering aide, weather
observer.
Artistic ang mga taong may mataas na Drama coach, language teacher, journalistreporter,
interes dito ay mailalarawan drama-teacher, dancing –teacher, foreign language
bilang malaya at malikhain, interpreter, philosopher, art teacher, literature
mataas ang imahinasyon at may teacher, music teacher, musician, orchestra
malawak na isipan. Nasisiyahan conductor, advertising manager, entertainer, public
ang mga nasa ganitong interes sa relations person, fashion model, writer, editor, radio
mga sitwasyon kung saan program writer, dramatist, actor/actress, designer,
nakararamdam sila ng kalayaan interior decorator, critic, fashion illustrator, furniture
na maging totoo, nang walang designer, jewelry designer, furrier, garment
anumang estrukturang sinusunod designer, decorator, architect, artist, photographer ,
at hindi basta napipilit na photograph retoucher, photolithographer (printer),
sumunod sa maraming mga music arranger, composer.
panuntunan. Nais nila ang mga
gawaing may kaugnayan sa wika,
sining, musika, pag-arte, pagsulat
Page 5
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

at iba pa.
Social ang mga nasa ganitong grupo ay education, teaching, social welfare, human
kakikitaan ng pagiging development, counseling, health professions
palakaibigan, popular at (medicine, nursing, etc.), social service,
responsable. Gusto nila ang compensation advising etc., dorm director,
interaksyon at pinaliligiran ng mga interviewer, employment representative, funeral
tao. Madalas na mas interesado director, chamber of commerce executive,
sila sa mga talakayan ng mga employee benefits approver, food service
problema o sitwasyon ng iba at manager,claim adjuster, production expediter,
mga katulad na gawain, kung health and welfare coordinator, educational
saan mabibigyan sila ng administrator, training director, historian,
pagkakataong magturo, environmental health engineer, home service rep.,
magsalita, manggamot, tumulong community recreation administrator, business
at mag-asikaso. agent, extension agent, physical education teacher,
building superintendent, therapist, political scientist,
sociologist, social and group worker, personnel
director, food and drug inspector, teacher, minister,
librarian, foreign service officer, history teacher
Enterprising - likas sa mga taong nasa sales and marketing field, banker, insurance
ganitong grupo ang pagiging underwriter, real state appraiser, florist, industrial
mapanghikayat, mahusay engineer, contractor, warehouse manager,
mangumbinsi ng iba para sa salesperson-technical products, lawyer, judge,
pagkamit ng inaasahan o target attorney, tv/radio announcer, branch manager,
goals. Ang mga taong may director industrial relations, government official,
mataas na interes dito ay insurance manager, managers such as
madalas na masigla, nangunguna restaurant/office/ traffic/human
at may pagkusa at kung minsan resource/production, etc., salary and wage
ay madaling mawalan ng administrator, labor arbitrator, systems analyst,
pagtitimpi at pasensya director of compensation and benefits, securities
salesperson, human resource recruiter.
Conventional ang mga grupo o pangkat ng mga clerical,administrative, time study analyst, business
taong may mataas na interes dito (commercial) teacher, finance expert, accountant,
ay naghahanap ng mga credit manager, timekeeper, auto writing machine
panuntunan at direksyon; operator, bookkeeping machine operator, estimator,
kumikilos sila nang ayon sa tiyak foreign trade clerk, office worker, payroll clerk,
na inaasahan sa kanila. Sila ay accounting machine operator, personnel clerk,
maaaring mailarawan bilang sales correspondent, reservations agent,
matiyaga, mapanagutan at bookkeeper, cashier, secretary, medical secretary,
mahinahon. Masaya sila sa mga library assistant, data processing worker, mail clerk,
gawaing tiyak, may sistemang personnel secretary, proofreader at iba pa.
sinusunod, maayos ang mga
datos at organisado ang record.

4. Pagpapahalaga: Sa isang gurong nagbibigay ng mga aralin, takda at grado, at humihikayat sa


kaniyang mga mag-aaral na matuto at magsikap sa pag-aaral, ang mga pagpapahalaga ay may
kalakip na kaalaman at pagsasanay. Personal na alam ng guro ang halaga at bunga ng kaalaman
mula sa pormal na pag-aaral tungo sa magandang hinaharap ng kaniyang mga mag-aaral. At siya,
sa kaniyang sinumpaang tungkulin ay determinado na ganapin ito nang buong tapang para sa
kapakanan at kabutihan ng kaniyang mga mahal na mag-aaral. Gayunpaman, sa tindi at bigat ng
kanilang responsibilidad, gusto niya ang kaniyang ginagawa at masaya siya dahil dito niya nakikita
ang kaganapan ng kaniyang mga pinili at pinahalagahang katangian.
5. Katayuang Pinansiyal. Mahalagang isaalang-alang mo ang kasalukuyang kalagayan o ang
kakayahang pinansyal ng iyong mga magulang. Gayundin, ang mga taong nagbibigay ng suportang
pinansyal sa iyong pag-aaral hanggang sa Baitang 10 patungo sa paghahanda mo nang angkop at
tamang kurso. Makatutulong ang pansariling salik na ito upang ikaw ay magpasya nang malaya at
Page 6
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

kumilos ayon sa ikabubuti ng iyong sarili at pagiging produktibong bahagi ng lakas-paggawa. Sa


ganoong paraan, makaaambag ka sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Sa pagkakataong ito, subukan mong sukatin ang iyong sarili pagdating sa kasalukuyang
katayuang pinansyal na kakayahan ng iyong magulang na pagpapaaral sa iyo.
1. Angkop ba ang kursong kukunin ko sa estado o kakayahang pinansyal ng mga magulang
ko?
2. Kakayanin ko ba ang demand sa akin kung kukuha ako ng kursong akademiko?
3. Kung kursong teknikal-bokasyonal naman ang aking magiging priyoridad sa pagtuntong
ko ng Baitang 11, anong mga benepisyo ang aking makukuha mula dito na pumapabor at
sumasagot sa aking sitwasyon sa buhay pagdating sa katayuang pinansyal ng aking mga
magulang?
4. Sa kursong sining-isports, alin sa mga talent, hilig at interes ko ang maaari kong
maituring na gabay sa pagpili ko ng kurso sa BAitang 11?
5. Tiyak na ba ako sa aking pasya tungkol sa kursong aking kukunin? Ano-ano pa ang
aking mga alalahanin na may kaugnayan sa katayuang pinansyal ng aming pamilya?

6. Mithiin: Kalakip ng pagkamit sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng


misyon sa buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na
bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang
panlahat. Kung ngayon pa lamang sa mura mong edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong
personal na misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong
hinaharap.
Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang kurso para sa Baitang 11, makakamit mo
ang tunay na layunin nito.
1. Pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay.
2. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa.
3. Kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay nakikibahagi sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa pamamagitan ng tamang pamamahala
ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga proyekto sa DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa
Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 13 Pahina 22 takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa
mabilis na produksiyon at maayos na pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang
layunin.

Gawain 2: Ako sa Susunod na Sampung Taon


Bilang isang mag-aaral sa ika siyam na baitang, paano mo ilalarawan ang sarili mo sampung taon
simula ngayon?

GOOD LUCK, GOD BLESS, KEEP SAFE

Page 7
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

1. Nakapagpapabagong Mamamayan para sa pagtibay ng Bansa (PHOENIX)


by: Sister Carmeli Ma. V. Catan
2. Edukasyon sa Pagpapakatao.Lungsod ng Maynila:Vibal Group Inc.3013
by: Arrogante,Constantina S.et.al

3. https://brainly.ph/question/36848

Page 8

You might also like