You are on page 1of 86

Kontekstwalisadong Komunikasyon

sa Filipino

YUNIT V
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
(IKALAWANG BAHAGI)

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Panimula

Ipakikita sa yunit na ito ang mahalagang papel ng wikang Filipino bilang


kontekstwalisadong wika ng komunikasyon na magagamit sa konteksto ng mga napapanahong
isyu o usapin sa bansa sa antas na lokal at nasyonal.
Sa yunit na ito, hinati ang pagtalakay sa mga reyalidad ng lipunang Pilipino sa dalawang
bahagi: ang globalisasyon bilang bahagi ng buhay ng tao at ang mga sanhi at bunga ng
korapsyon sa kontekstong Pilipino. Idinisenyo ang pagtalakay sa paraang madaling mauunawaan
ng mga mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin sa pamamagitan ng pagbibigay-
depinisyon, pagpapaliwanag, at pagbibigay ng halimbawa.
Pagtitibayin din sa yunit na ito ang ginagampanang tungkuling ng Filipinisasyon ng
komunikasyon sa paglalapit ng ugat at mungkahing solusyon sa mga Pilipino sa paglutas ng mga
kontemporaryong suliranin sa lipunan.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa;
2. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto; at
3. makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at
mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa
mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

Lunsaran

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, mayroon ka bang lugar o bansa na nais mong


marating? Bakit gusto mo doon? Suriin ang larawan sa kaliwa. Anong konsepto ang binibigyang-
larawan nito? Paano nakaapekto ang globalisasyon sa lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa
mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas? Paano nakakamit ang isang matatag at
nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon?
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Nilalaman

Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, masasabing ang mundo ay unti unti


nang nagiging isang malaking nayon. Mas nagiging malapit na ang bawat tao sa mundo bagamat
ang agwat nila ay magkalayo. Marahil na rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas
napadadali na ang ating komunikasyon, transportasyon, at ang pagkakaroon ng interaksyon sa
iba’t ibang panig ng mundo. Ang prosesong ito ay ang tinatawag nating “globalisasyon”.
Ang globalisasyon ay ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa integrasyon at
interaksyon ng mga tao at organisyason ng iba’t ibang bansa. Sa madaling salita, ang
globalisasyon ay ang pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa mundo. Sa tulong ng teknolohiya,
ang globalisyason ay nagpapabilis ng internasyonal na kalakalan at pamumuhunan. Habang ang
paraan o prosesong ito ay umiiral, ang mga tao nagkakaroon ng pandaigdigang palitan ng mga
produkto, impormasyon at mga kaugalian. Masasabing umusbong ang globalisasyon sa
pamamagitan ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa
integrasyon ng ekonomiks, kultura, politikal, relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar
na umaabot sa buong mundo. Ang globalisasyon ay nakadepende sa sa mga ginagampanan ng
mga tao tulad ng migrasyon, kalakalang panlabas, paglaki o pagliit ng kapital, at integrasyon ng
financial market. Sa tulong naman ng globalisasyon, ang pamantayang interes ng pandaigdigang
pamilihan ay tumutugma sa mga lokal na presyo, produkto at sahod ng isang bansa.
Ang globalisasyon ay kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o
pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling salita, ginagawang magkakasama
sa buong daigdig. Tungkol ito sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o
kultura. Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-
iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa
ilang mga tao.
Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t
ibang lipunan o bayan ay kung paano mapananatili at lalo pang maitataguod ang kani-kanilang
pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon,
tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang
kultura. Ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan ay bunga ng isang
pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan
sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano maitataguyod ang pambansang identidad ng
kamalayan hango sa mga bagay na kinabibilangan ng mga bagay kung saan nakatuon ang
kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamlayan, ang mga pamamaraan (mga
kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan
ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Sa kabila ng kaginhawaang naidudulot sa ating buhay ng globalisasyon, may mga
pangamba sa mga posibleng di-magagandang kahihinatnan nito. Ang ating kultura ay
maituturing na pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad, kung kaya
gumagawa tayo ng mga paraan upang mapanatili ang integridad nito. Subalit sa harap ng mga
pagbabagong dala at dulot ng globalisasyon sa ating kultura, pinangangambahang baka maglaho
ang integridad ng ating kultura at sa kalaunan, ang ating pambansang identidad.
Pinangangambahang baka maging bahagi na lamang ang ating kultura ng isang pandaigdigang
kultura na maaaring umusbong sa proseso ng globalisasyon o kaya naman ng mga kultura ng
mga makapangyarihang bansa na siyang mga dominanteng manlalaro sa proseso ng
globalisasyon. Pinangangambahan din na baka ang globalisasyon ay isa lamang instrumento nga
pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa mga di-makapangyarihang bansa, sa
pamamaraang di-lantad o kaya ay nakalilinlang.
Samantala, ilan sa mga halimbawa ng globalisasyon ay ang mga sumusunod: pagkalat ng
mga multinasyonal at transnasyonal na korporasyon sa iba't ibang bansa (halimbawa:
Matatagpuan na ang Mcdo, Burger King, Toyota, Lenovo at iba pa sa iba't ibang parte ng
mundo.), paglawak ng paggamit ng internet (halimbawa: Dahil sa Facebook, matatawagan na ng
taong nasa Europe ay taong nasa Asya), paglaganap ng mga imported na produkto (halimbawa:
Matatagpuan na ang Hersheys, Cadbury, Pringles, at iba pa sa iba't ibang mga bansa), at ang
pagkakaroon ng mas malayang interaksyon ng mga bansa (halimbawa: ASEAN Integration sa
pagitan ng mga bansa na kabilang sa Association of Southeast Asian Nations).
May tatlong uri ng globalisasyon. Ito ay ang mga sumusunod: Politikal na globalisasyon
- ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga politikal na usapin at kooperasyon;
Sosyal na globalisasyon - tumutukoy sa malayang pakikipag-komunikasyon at interaksyon ng
mga tao mula sa iba't ibang mga bansa; at ang Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng
mga bansa sa pamamagitan ng mga ekonomik na usapin at kooperasyon.

Kasaysayan ng Globalisasyon
Kung kailan nagsimula ang proseso ng globalisasyon ay hindi tiyak. Katunayan, may
mga manunulat ng kasaysayan na nagsasabing ang globalisasyon ay mauugat sa sinaunang
panahon ng malalaking imperyo (Imperyong Romano, Persian, Griyego, at Tsino). Anila, sa
pamamagitan ng napakalawak na saklaw ng mga nasabing imperyo ay naging pangkaraniwan na
ang pagpapalitan ng produkto mula sa iba’t ibang imperyo (Makikita sa mapa ng Silk Road ang
mga ruta ng mga mangangalakal na nagdadala ng mga produkto mula Silangan tungong
Kanluran at vice-versa.).
Gayunpaman, naging pormal lamang ang modernong porma ng globalisasyon ng
kalakalan ng lagdaan ng maraming bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT)
na mas kilala ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) mula pa noong 2014. Sa
pamamagitan ng GATT, ang restriksyon at limitasyon sa malayang kalakalan ay sinimulan ng
maraming bansa. Isang halimbawa nito ay mula noong dekada ‘90, unti-unti nang inalis ang mga
taripa o buwis sa maraming angkat na produkto. Naging dahilan ito ng mabilis na pagpapalitan
ng mga produkto, bagay na nagpalago sa ekonomiya ng maraming bansa. Bagama’t tila lugi
naman ang mga bansang hindi industriyalisado o mga bansang agrikultural, sapagkat ang halaga
ng kanilang karaniwang eksport (hilaw na materyales at semi-manupaktura) ay mas mababa
kaysa halaga ng kanilang karaniwang import (makinarya) sa mga bansang indistriyalisado sa
ganitong kalakaran.
Mahalaga rin ang papel ng mga internasyonal na institusyong pinansyal gaya ng World
Bank at International Monetary Fund sa globalisasyong ekonomiko. Ang mga institusyong ito
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino Bansa (UN)
ang nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang kasapi ng mga Nagkakaisang
para sa proyektong pangkaunlaran (patubig o irigasyon, imprastraktura, at iba pa) na may
kondisyon
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
tulad ng pagpapataw ng mataas na interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis (para
matiyak ang pagbabayad sa utang), at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan. Ang mga gayong
kondisyon, sa pangmatagalan, ay nagiging tanikalang nagtitiyak na hindi na makababangon sa
utang ang mahihirap na bansa at sa halip ay paulit-ulit silang mangungutang. Isang halimbawa
ang Pilipinas. Sa mga nakalipas na dekada, napakalaking bahagdan ng pambansang badyet ay
inilalaan sa pagbabayad ng utang na patuloy pa ring luamalaki habang tumatagal.
Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone. Naitatag ang UN bilang
tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos
ng mapaminsalang digmaang kumitil ng milyon-milyong buhay at nagwasak ng bilyon-bilyong
dolyar na halaga ng ari-arian. Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng
mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang
kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan,
kagutuman, at epidemya.
Sa pamamagitan din ng UN, nagkaroon ng istruktura ang isang entidad na may
limitadong kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga bansa sa daigdig. Kumikilos ang
UN sa pamamagitan ng isang General Assembly na binubuo ng isang kinatawan mula sa bawat
bansang kasapi ng UN, at ng Security Council na binubuo ng kinatawan mula sa limang
pinakamakapangyarihang bansa (China, U.S., U.K., France, at Russia)pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ng ilan pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansang inihahalal at
nagsasalitan. Ang UN General Assembly (UNGA) ay taunang nagpupulong tuwing Setyembre
upang talakayin ang pinakamahahalagang usaping nakaaapekto sa kapakanang ng nakararaming
mamamayan ng daigdig. May kapangyarihan ang UNGA na maglabas ng mga resolusyon o mga
dokumentong naghahayag ng pagkakaisa para sa o laban sa isang partikular na usapin, entidad, o
gobyerno. Samantala, ang UN Security Council (UNSC) naman ay may kapangyarihang patawan
ng parusa ang mga bansang lumalabag sa mga tuntunin ng UN. May kapangyarihan din itong
atasan ang mga bansa ng UN na magpadala ng tropa sa mga bansang nangangailangan ng tulong
para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan nito, lalo na sa panahon ng
digmaan. Marami pang mahahalagang ahensyang pandaigdig ang nasa ilalim ng UN tulad ng
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO), International
Labor Organization (ILO), Food and Agricultural Organization (FAO), at ang World Health
Organization (WHO).Sa pamamagitan ng mga ahensyang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang
mga bansa na magtulungan para sa pagpapabuti ng antas ng edukasyon, pamumuhay, at
kalusugan ng mga mamamayan.
Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng
kolonyalismo at imperyalismo na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga bansa sa Kanluran at
Silangan. Mapait at marahas mang panahon sa kasaysayan ang panahon ng kolonyalismo at
imperyalismo, nagbigay naman ito ng pagkakataon na magkapalitan ng kultura ang Kanluran at
Silangan. May mga pagkakataong sapilitang ipinataw ng mga bansang mananakop sa mga
bansang sinakop ang kanilang kultura. May mga pagkakataon ding kabaligtaran ang nangyayari.
Makikita sa pagkain, pananamit, wika, at iba pang larangan ang resulta ng pagpapalitan ng
kultura mula pa noong panahon ng kolonyalismo. Ang ganitong pagpapalitan ay nagpatuloy
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang globalisasyong sosyo-kultural sa kasalukuyan ay lalong pinasigla ng mabilis na
takbo ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon. Sa pagkaimbento ng Internet noong
dekada ‘90, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging
popular sa buong
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
mundo at maituturing na bahagi ng global na kultura. Naging mabilis din ang pagpapalitan ng
impormasyon sa pagitan ng bawat bansa at ng mga mamamayan sa buong daigdig. Hindi na
kailangang pumunta sa U.S. ang mga estudyanteng Tsino para mag-aral ng wikang Ingles dahil
maaari nang mag-enrol sa mga online English language courses na inaalok ng mga gurong
Pilipino sa Pilipinas. Tumitibay ang pagsasamahan at mabuting ugnayan ng mga bansa sa
pamamagitan ng globalisasyong sosyo-kultural. Pinag-aaralan at pinahahalagahan ng mga
mamamayan ang kultura ng ibang bansa. Isang tiyak na halimbawa nito ang epekto ng ASEAN
integration na nagpabilis ng mobilisasyon na may malaking naiambag sa turismo sa Timog-
Silangang Asya.
Sa kabila ng maraming mabubuting bunga ng globalisasyon sa aspektong sosyo-kultural,
partikular sa mga umuunlad na bansa, hindi rin mapasisinungalingan ang mga negatibong epekto
nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Sa tala ng The Endangered Language Project,
40% ng 7,000 wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro ng pagkawala bunsod ng patuloy na pag-
igting ng globalisasyon na ang pangunahing wikang isinusulong ay Ingles. Sinundan ito ng mga
patakaran sa wika na pawang nakatuon sa paghubog ng mga mag-aaral na matuto ng Ingles gaya
ng nagyayari sa pagpaplanong pangwika ng Departamento ng Edukasyon, na nananatiling
naksandig sa bilingual education mantra nito, lalo na sa antas sekundarya. Maging ang relihiyon
ay nalalagay sa peigro bunsod ng homogenisasyon ng mga paniniwala. Sa pag-aaral ni Jaime
Bulatao S.J., isiniwalat niya ang katayuan ng pananampalataya sa Pilipinas at tinawag itong
split- level Christianity dahil sa pagkakahalo ng ilang Tsino at indigenized na paniniwala at sa
mga gawi at ritwal ng mga Kristiyano, gaya ng sayaw sa Obando at paniniwala sa feng shui sa
kabila ng pagiging kabilang sa Simbahang Katolika. Patuloy rin ang paglabnaw ng sistema ng
pagpapahalaga (values system) ng mga Pilipino dahil sa palagiang exposure sa kulturang
Kanluranin. Kapansin-pansin ngayon ang pagiging indibidwalista ng mga kabataan hinggil sa
maraming isyung panlipunan, gaya ng mantrang “Pera ko ito, gagastusin ko ito sa paraang gusto
ko,” na maituturing na imoral kung isasaalang-alang ang sitwasyon ng nakararaming Pilipino, at
taliwas sa dating masinop na paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang epekto ng labis na
pagtalima sa kulturang Kanluranin na nagbubunsod ng malalim na kagustuhan ng mga Pilipino
na pumuti, upang makasunod sa pamantayan ng kagandahan sa konteksto ng mga Kanluraning
bansa ay nakababahala rin. Maging ang patuloy na militarisasyon sa mga pambansang minorya
gaya ng mga Lumad at iba pa na pilit na pinaaalis sa kanilang mga ansestral na lupain ng mga
kumpanya ng pagmimina sa mga bansa ay nakaaalarma rin. Ang nakalulungkot dito, mas
pinoproteksyonan pa ng gobyerno ang mga nasabing kumpanya kaysa mga grupong ito.
Sa madaling salita, kung nakabubuti man ang globalisasyon sa iba’t ibang aspekto, higit
na malaki naman ang negatibong epekto nito. Naririto ang iba pang epekto ng globalisasyon.

Epekto ng Globalisasyon
May mga positibong epekto ang globalisasyon. Sa pamahalaan, nagkakaroon ng
pagkakaisa ang mga bansa. Nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa. Sa
ekonomiya, nagkakaroon ng malayang kalakalan, mas napabibilis ang kalakalan o ang
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo, paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa,
pakikipagsundo ng mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan, paglaki ng oportunidad para
makapagtrabaho, malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao, maiiwasan din ang
monopolyo, at tataas ng pamumuhunan (investment). Sa kultura, mas naiintindihan natin ang
mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba.
May mga negatibong epekto rin ang globalisasyon.Sa pamahalaan, maaaring
panghimasukan ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalaan at lumaganap ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon
terorismo. sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Sa ekonomiya, magkakaroon ng environmental issues tulad ng Climate Change, Global
Warming at iba pa, magdudulot din ito ng kahirapan bunsod ng paglaki ng agwat ng mayayaman
sa mahihirap, at lalala ang problema sa ekonomiya ng mga bansang nakakaranas nito.Sa kultura
naman, mas natatangkilik ang kultura ng ibang bansa, nakalilimot sa mga nakasanayang
tradisyon, at nawawala ang ugaling nasyonalismo.
Noon ang SABI NG GOBYERNO ang Pilipinas ay kikilalanin bilang bagong tigre sa
ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Mula sa dati ay mahirap at naghihingalo ay tatanghalin
tayo bilang bansang may pinakamabilis na ratio ng pag-unlad at kakain sa atin ng alikabok ang
mga kalapit- bansa sa nakakabulag na bilis ng ating pananagana. Magkakandarapa kasi ang mga
dayuhang korporasyon sa pag-uunahang makapag-negosyo sa ating bayan. Paano ba naman eh
dito sa atin matatagpuan ang pinakamasarap na putahe sa pagni-negosyo : murang lakas-
paggawa, mababait at hindi reklamador na mga trabahador (it’s more fun in the Philippines
baby!). Wag mag-aalala ang mga kapitalista; protektodo kayo ng gobyerno laban sa mga magri-
reklamo. may
mga batas kaya na magtitiyak na hindi mabibitin si foreign investor sa kanyang panggagahasa sa
yaman ng bansa. Nariyan ang privatization, deregulation, liberalization at kung ano-ano pang
syon para wala talagang istorbo sa malayang kalakalan at negosyo.
Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa
nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap. Bagaman ang kayamanan sa daigdig
ay walang-alinlangang dumami, natipon naman ito sa iilang tao lamang at sa iilang bansa. Ang
neto na halaga ng mga ari-arian ng 200 pinakamayayamang tao sa lupa ngayon ay nakahihigit
nang 40 porsiyento kaysa sa pinagsama-samang kita ng mga taong nabubuhay sa planeta—
humigitkumulang 2.4 bilyon katao. At habang patuloy na tumataas ang mga kita sa mayayamang
bansa, nasaksihan mismo ng 80 naghihikahos na mga bansa ang pagbaba ng katamtamang kita sa
nakalipas na sampung taon. Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang
globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado
sa kita kaysa sa pangangalaga sa planeta. Ipinaliwanag ni Agus Purnomo, pinuno ng World Wide
Fund for Nature sa Indonesia, ang hinggil sa problema: “Tayo’y patuloy na nagkukumahog sa
pagsulong. Nag-aalala ako na sa loob ng isang dekada, tayong lahat ay magiging palaisip sa
kapaligiran, subalit wala nang matitira pa para pangalagaan.” Ikinababalisa rin ng mga tao ang
tungkol sa kanilang mga trabaho. Kapuwa ang mga trabaho at kinikita ay lalong nagiging di-
tiyak, yamang ginigipit ng pagsasama-sama ng mga kompanya sa daigdig at matinding
kompetisyon ang mga kompanya na gawing mas simple ang kanilang mga palakad. Ang pag-upa
at pagsisante ng mga manggagawa ayon sa kasalukuyang pangangailangan sa pamilihan ay
waring makatuwiran para sa isang kompanya na nababahala sa paglaki ng kita nito, subalit
nagdudulot ito ng labis na kaligaligan sa buhay ng mga tao. Ang globalisasyon sa internasyonal
na pangangapital at dayuhang pautang ay nagharap ng isa pang salik para sa kawalang-katatagan.
Maaaring magpautang sa papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit
sa dakong huli ay biglang kukunin ang kanilang salapi kapag lumalala ang situwasyon sa
ekonomiya. Ang gayong malakihang paglalabas ng salapi ay makapagpapabulusok sa maraming
bansa sa krisis sa ekonomiya. Ang krisis sa pananalapi sa Silangang Asia noong 1998 ang
nagpangyari na mawalan ng trabaho ang 13 milyong tao. Sa Indonesia, nabatid mismo ng mga
manggagawang hindi natanggal sa trabaho na nabawasan nang kalahati ang halaga ng kanilang
kinikita.
Kung gayon, mauunawaan na ang globalisasyon ay naghaharap ng mga pangamba at
gayundin ng mga pag-asa. May dahilan ka ba para pangambahan ang globalisasyon? O inaasahan
mo bang mas mapauunlad nito ang iyong buhay? Nabigyan ba tayo ng dahilan para maging
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
optimistiko hinggil sa hinaharap dahil sa globalisasyon? Sasagutin ng ating susunod na artikulo
ang mga katanungang iyan.
Isa pa sa mga lumilitaw na suliraning dulot ng globalisasyon ang pagtaas ng pamasahe sa
mga pampublikong sasakyan. Ito’y problemang hindi lamang ang mga pasahero ang
nakararamdam kundi pati na rin ang mga drayber at operator ng mga pampublikong
sasakyan.Kung paniniwalaan kasi ang pamahalaan, hindi maiiwasan ang pagtaas ng pamasahe.
Una, tumaas ang singil sa toll ng mga pangunahing expressway. Ikalawa, patuloy ang pagtaas ng
presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Ikatlo, kailangang gumastos ng
mga nangangasiwa sa LRT at MRT para mapaganda ang serbisyo sa tinatayang 500,000
pasahero ng mga ito araw-araw. Alam nating lahat na ang mga salik na ito’y may direktang
epekto sa singil sa pamasahe. Hindi ko po ikinakaila ang realidad ng mga ito. Ang hindi lang
katanggaptanggap sa akin ay ang “ginagawa” ng mga nasa kapangyarihan sa gitna ng pagtaas ng
pamasahe. Tila ang estratehiya lang nila ay kumbinsihin ang taumbayang tanggapin ang
sitwasyong ito dahil sa mga kondisyong labas sa kontrol ninuman. Pangunahing argumento kasi
ng gobyerno ang pagtaas ng krudo at mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, pati
na ang desisyon ng mga korporasyong may kinalaman sa mga expressway at LRT/MRT na sa
tingin nila ay may “business sense” naman. Kahit na sabihing may regulasyon sa pamasahe ng
dyip, taksi at ilang linya ng bus (deregulated na po kasi ang pamasahe sa provincial bus lines
noon pang dekada 90), ang pagtaas ay nangyayari pa rin dahil sa deregulasyon sa downstream oil
industry. Sa kontekstong ito, ang pangmatagalang solusyon sa pagtaas ng pamasahe ay hindi
pagtitipid o paglalakad, o anumang kagyat na hakbang tulad ng pagbibisikleta o pag-oorganisa
ng car pool sa eskuwelahan o opisina. Bagama’t nakakatulong ang mga ito, hindi pa rin
natutugunan ang mga kontrobersiyal na polisiyang ugat ng ating problema. At ang mga
polisiyang ito’y naaayon sa globalistang tunguhin, lalo na sa usapin ng deregulasyon at
pribatisasyon.
Gaya ng nabanggit kanina, ang deregulasyon sa downstream oil industry ay may
direktang epekto sa pamasahe, kaya nararapat lang na malalimang pag-aralan ang alternatibo
dito, ang pagsasabansa ng industriya ng langis. Tungkol naman sa pribatisasyon, hindi dapat
ibigay sa kamay ng pribadong negosyo ang pangangasiwa sa LRT/MRT at expressways. Hindi
natin maaasahan sa mga negosyanteng isipin ang kabutihan ng nakararami sa pagtatakda ng
kanilang sisingilin. Sa huling pagsusuri, may kagyat na pangangailangang tutulan natin ang
pagtataas ng pamasahe. Pero may pangmatagalang hamon para patuloy na tuligsain ang mga
polisiyang patuloy na nagpapahirap sa atin, tulad ng konsumisyong mas kilala sa salitang
globalisasyon.
Panoorin din ang video na nagpapakita ng mabuti at masamang epekto ng globalisayon sa
link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Ea73LOvbMdAm

Migrasyon: Problema o Solusyon?


Halos lahat ng bansa sa mundo ay apektado ng globalisasyon. Marami ang mga taong
umaalis at dumarating sa isang lugar na may iba’t ibang dahilan. Sa bahaging ito ay tutuklasin
mo iyong kaalaman sa migrasyon dulot ng globalisasyon.
Isa sa mga bunga ng kahirapan sa bansa ang migrasyon. Ang migrasyon ay ang paggalaw
ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Maaari itong nasa loob ng isang bansa o sa
pagitan ng mga bansa. Marami sa mga migranteng internal ay yaong mula sa mga pook rural na
nagbabaka-sakali ng magandang buhay sa mga sentro ng kalakalan at hanapbuhay. Ang ilang
mga tao ay napipilitang lumipat dahil sa gutom o giyera. Sa konteksto ng Pilipinas, mas marami
pa rin ang Pilipinong nangingibang-bansa o yaong nabibilang sa eksternal na migrasyon. Maaari
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
ding maging permanente, temporaryo o pana-panahon. Ang migrasyon ay nangyayari sa isang
iba't
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
ibang mga kadahilanan. Maaari itong maging pang-ekonomiya, panlipunan, pampulitika o
kapaligiran. Pareho ang epekto ng migrasyon sa lugar na naiwan at sa lugar kung saan
naninirahan ang mga migrante. Ang mga epekto ay maaaring maging positibo at negatibo. Kung
pakasusuriin, hindi rin masasabing solusyon sa kahirapan ang migrasyong eksternal. Sa halip ay
nagdudulot pa ito ng iba pang suliranin.
Ang estadistika sa tumataas na halaga ng perang padala (remittance) ng mga OFW sa
mga nakalipas na taon ay nagpapatunay na may aktwal na pakinabang ang bansa sa migrasyon.
Yaon ay kung susuriin ang aspektong pinansyal, ayon sa datos mula sa Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP). Ikinukubli ng LEP ang kahinaan ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng
pagsasampa ng limpak-limpak na remittence na nagiging dahilan upang hindi mapansin ang
pagkabansot ng mga lokal na industriya. Kung titingnan, malusog ang ekonomiya ng Pilipinas
batay sa GDP, ngunit ang kahinataan nito ay malalantad kapag sinipat ang paghina ng sektor ng
pagmamanupaktura sa mga nakaraang taon kasabay ng paglawak ng pag-asa ng ekonomiya sa
remittance ng mga OFW. Kabaligtaran nito, nagrerehistro ng negatibong paglago ang balance of
payments ng bansa sa mga produkto bunsod ng paghina ng pagmamanupaktura batay sa
estadistika mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at World Bank Database. Makikita ito sa
Talahanayan 5.2. Tila bantulot naman ang gobyerno ng Pilipinas na buhayin at palakasin ang
sektor ng pagmamanupaktura sa pamamagitan ng pagdaragdag ng suporta sa mga industriya.
Bunsod ito marahil ng patuloy na lumalaking remittance ng mga OFW kahit pa nga sumambulat
na ang pandaigdigang krisis noon pang 2008.
Kaya’t ang malaking remittance ng OFW ay masasabing nagsisilbing salbabida ng
sisinghap-singhap na ekonomiya ng bansa. Samantala’y tila nakalilimutan namang itaguyod ang
sektor ng industriya na may potensyal ding mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Nakalulungkot isiping umasa na lamang ang Pilipinas sa pag-eeksport ng mga manggagawa at
pagkubra ng remittance, sa halip na bigyang-pansin din ang paglinang sa saganang likas na
yaman nito. Pinatunayan sa datos hinggil sa bahagdan ng pagmamanupaktura sa kanilang GDP at
ng relatibong maliit na bahagdan ng remittance bilang bahagi ng kanilang GDP na ang programa
ng Pilipinas ay taliwas sa ginagawa ng ilang mauunlad na bansa sa Asya.
Kung tutuusin, mas malaki ang pakinabang ng mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga
OFW. Ang kanilang talino at kakayahan ay higit na napakikinabangan sa ibang bansa sa halip na
makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa sa pamamagitan ng industriyalisasyon at
modernisasyong agrikultural.nalalantad sa ganitong di-pantay na kalakaran ang ebidensya ng
pagsasamantala sa mga manggagawa (mas mababang pasuweldo kumpara sa suweldo ng mga
manggagawa na mamamayan ng mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga OFW).

Pinatunayan naman ng Singapore ang pagbibigay-prayoridad sa pagkuha ng mga


kasambahay na Cambodian at iba pang mamamayan na nakahandang magtrabaho ang suweldong
higit na mababa kaysa tinatanggap ng mga Pilipinong kasambahay. Nagagawa ng bansang tulad
ng Singapore na mamili ng mas murang lakas-paggawa dahil sa migrasyon. Ang ganitong
pangyayari ay sinasamantala ng mga employer sa mauunlad na bansa. At ito’y nangyayari
habang tumitidi ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansang nabibilang sa Third World na
nagkakandarapa sa pagbebenta ng kanilang sariling mamamayan. Pagtitipid sa suweldo ang
nangungunang dahilan kung bakit pinapayagan ng mauunlad na bansa (kung minsan ay
hinihikayat pa nga) ang pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa mula sa mga papaunlad
na bansa. Ang ganitong kalagayan din ay higit na kapaki-pakinabang sa mga bansang
pinupuntahan ng mga migranteng manggagawa.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Ang kontribusyon ng mga migranteng manggagawa sa paglago ng ekonomiya ng mga
mauunlad na bansa batay sa kanilang Real Gross Domestic Product (Real GDP) ay pinatunayan
sa pag-aaral na isinagawa ni Tan (2013). Ayon kay Tan, karamihan sa mga bansang ito - na
siyang destinasyon din ng mga OFW - ay may malaking bilang ng mga migrante (batay sa datos
ng World Bank). Ilan sa mga bansang ito ang U.S., Hongkong, U.A.E.,Qatar, Singapore, Kuwait,
ay Norway na kasama sa dalawampung nangungunang destinasyon ng mga OFW.

I-click ang mga website sa ibaba upang malinang ang iyong kaalaman sa dami ng
Pilipino na nandarayuhan sa loob at labas ng bansa.
a. http://www.adbi.org/files/2013.01.23.cpp.sess1.5.capones.labor.migration.philippi
nes.pdf pdf ukol sa labor migration sa Pilipinas
b. http://www.nscb.gov.ph/ncs/10thNCS/papers/contributed%20papers/cps03/cps03-04.pdf
naglalaman ng datos ng migrasyon sa Pilipinas
c. http://www.census.gov.ph/content/domestic-and-international-migrantsphilippines-
results-2010-census Domestic and International Migrants in the Philippines (Results from
the 2010 Census)
d. http://www.migrationpolicy.org/programs/data-hub/charts/international-
migrantpopulation-country-origin-and-destination interactive website sa datos ng
immigrant

Mga Panlipunang Epekto

Ngayon ay i-click at suriin mo ang video sa ibaba upang malaman mo ang mga
pangyayaring nagaganap sa mga mandarayuhan tulad ng mga kabataan at ang dahilan ng
kanilang pandarayuhan pati na ang hakbang kung paano sila natutulungan. Pagkatapos ay sagutin
ang sumusunod na tanong: 1.) Anong nakita mo sa video? 2.) Ano ang epekto ng pandarayuhan
sa naiwang bansa? Ipaliwanag. 3.) Ano ang epekto ng pandarayuhan sa pinuntahang bansa?
Ipaliwanag. 4.) Ano-ano ang mga maling pananaw sa pandarayuhan at sa globalisasyon?
Ipaliwanag. 5.) Bakit umaalis ang mga kabataan sa kanilang lugar? 6.) Paano sila tinutulungan
upang mapabuti ang kanilang mga kalagayan? 7.) Paano nakakamit ang isang matatag at
nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon?
a. https://www.youtube.com/watch?v=qUHZqWGTkjw youtube video in "Youth Migration
and Development: Towards Sustainable Solutions" Hangout, 6 March 2013
b. https://www.youtube.com/watch?v=xg5JVK42xVk video sa Migration and
Development: Melissa Siegel

Kapag sinipat ang mga panlipunan epekto sa bansa, lalong mapatutunayan ang pinsala ng
migrasyon sa Pilipinas. Inisa-isa ni Alcid (c. 2005, sa isang pananaliksik na pinondohan ni
Friedrich Ebert Stiftung (FES), ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon (tulad ng
exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor), bagay na inaasahang “hahantong sa
matinding krisis sa sistemang pangkalusugan... ng bansa, “...de-skilling ng mga propesyonal…”
at ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Ipinanukala ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago (hinggil sa pagdami ng bilang
ng mga nasirang pamilya sa hanay ng mga OFW) ang Senate Bill 1779 (LEFT-BEHIND
HOUSEHOLDS OF OFWS ACT OF 2007). Maraming ulat mula sa Philippine Overseas
Workers Welfare Administration (OWWA) at mga Non-Governemnt Organization (NGO) ang
nagpapatunay na ang mga suliraning gaya ng “pumalyang kasal, adiksyon sa droga, imoralidad
sa seks, krimen, pagpapakamatay o mga psychological breakdowns” ay maiuugnay sa
“pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng kanilang mga anak” na malinaw na
epekto ng migrasyon. Ito ay ayon sa nasabing panukalang batas. May mga patunay na empirikal
na rin hinggil sa mga ganitong kaso (Halimbawa: sarbey ng OWWA sa rehiyong Cordillera na
sumasaklaw sa 100,000 OFW). Sa sarbey na ito ay nabanggit na “3 sa 10 contract workers mula
sa Cordillera ang nang-iwan sa kanilang mga pamilya o kaya’y nakipaghiwalay sa kanilang mga
asawa, batay sa kanilang remittance mula 2006-2007” (Cabreza, 2007). Suliranin din ang
talamak na illegal recruitment. Ito ay makikita sa mga kasong hawak ng POEA mula 2004-2010,
bukod pa sa mga hindi naiulat na kaso na dokumentado naman ng mga organisasyon ng
migrante.

Dapat ding bigyang-diin, bilang panghuli, na mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng
buhay, sa kanilang mga prime year. Ito’y nangangahulugang sa halip na makapag-ambag sa pag-
unlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan
ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan. Mismong
sa isang ulat ay nagtanong ang National Statistical Coordination Board (NSCB) kung kailan
mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang pangkat na ito ng mga kabataan na ang karamiha’y
katatapos pa lamang sa kolehiyo upang direkta silang makatulong sa paglago ng ekonomiya ng
bansa sa halip na sa ekonomiya ng ibang bansa. (Kailan maiibsan ang social cost ng Pinoy
diaspora. Ayon sa nasabing ulat, may halos kalahating bahagdan (50%) ng mga OFW ang nasa
edad 25-29 at 30-34.

Sa pangkalahatan, pinigilan at binansot ng migrasyonang pag-unlad ng mga industriya sa


Pilipinas sapagkat nasanay ang gobyerno sa pagdepende sa remittance ng mga OFW na siya
namang naging salbabida ng ekonomiya ng bansa, bagama’t higit ang pakinabang ng mga
bansang destinasyon ng mga OFW sa kanila. Ang mga benepisyong nakukuha ng bansa sa
pamamagitan ng migrasyon ay pinalabnaw ng samo’t saring panlipunang epekto. Marami din
ang nabiktima ng pang-aabuso at pagsasamantala ng mga employer sa mga bansang destinasyon
ng mga migranteng manggagawa. Sa ganitong diwa, ang mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang
bansang kabilang sa Third World ay hinihikayat na suriing mabuti ang kanilang patakaran sa
migrasyon at humanap ng alternatibong landas patungong kaunlaran na hindi na magsasakripisyo
sa yamang tao ng bansa, sa altar ng tubo at ginhawa para sa mauunlad na bansang
mapagsamantala.

Mga Isyung Politikal

Ang politika ay makikita natin saan mang dako. Lahat ng gawaing pantao ay likas na may
politika. Ngunit ano nga ba ang politika? Bakit marami ang interesado sa mga isyung politikal?
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Ang politika ay mula sa sa salitang Griyegong politikos, nangangahulugang "mula, para,
o may kinalaman sa mga mamamayan, ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa
pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa
pamahalaan, maaari ring pagmasdan ito sa lahat ng interaksiyon ng grupong pantao kabilang ang
pangkalakal, pang-akademya, at panrelihiyon. Agham pampolitika ang tawag sa pag-aaral sa
mga gawing pampolitika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, katulad ng
kakayahang magpataw ng sariling kalooban sa iba. Sa isang limitadong pagpapakahulugan, ito
ay tumutukoy sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala — organisadong
kontrol sa isang pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang
pag-aaral o pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang
pamayanan (isang organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng
mga mamamayan. Maraming paraan naisasabuhay ang pagsasapolitika, kasama na ang
pagpapalaganap ng mga pampolitikang pananaw sa mga tao o samahan, pakikipag-usapan sa iba
pang kasapi ng politika, paggawa ng mga batas, at paggamit ng dahas laban sa mga katunggali.
Naisasabuhay ang politika sa malawak na saklaw ng mga nibel ng lipunan, mula sa mga angkan
at tribo ng mga tradisyonal na pamayanan, sa mga modernong lokal na pamahalaan, mga
kompanya at institusyon hanggang sa mga soberanong estado, hanggang sa pandaigdigang nibel.

Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at ang mga dinastiyang politikal ay
malinaw na mga suliraning politikal. Ang mga rebelyon, bagama’t isang suliraning ekonomiko,
ay maituturing na kaugnay rin ng mga isyung politikal dahil malinaw na may ugnayan din ang
sistemang ekonomiko at sistemang politikal ng bansa (Halimbawa: Ang mga dinastiyang
politikal na may kontrol sa mga institusyon ng pamahalaan ay may koneksyon din sa mga
pamilyang elite na may kontrol naman sa estrukturang ekonomiko ng bansa.). Samakatuwid,
maaaring may pinagmulan ding politikal na suliranin ang anumang rebelyon.

Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas

Sa huling linggo ng labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay muling bumalik


ang mga Amerikano sa Pilipinas pagkatapos maitaboy ng mga Pilipino ang mga Hapones. Sa
kanilang pagbabalik, muli nilang ipinataw ang dating opisyal na kalakaran. Ang mga natalagang
opisyal noong panahon ng mga Hapones ay muling pinalitan ng mga maka-Amerikano. Nilusaw
din ang mga nagsasariling yunit ng pamahalaang lokal na binuo naman ng pangkat ng mga
gerilya.

Pagsapit ika-4 ng Hulyo, 1946, ipinahayag ang pagtatapos ng kapangyarihang Amerikano


sa Pilipinas bagama’t sa pananaw ng ilang mamamayan, makikita pa rin ang tanikala ng
kolonyalismo sa kasalukuyang sistema ng politika sa bansa. Ibig sabihin, bagama’t ang mga
pinuno ng ating bansa mula sa Presidente hanggang sa mga opisyal ng barangay ay pawang mga
Pilipinong halal ng nakararami, maraming magpapatunay na impluwensiyado pa rin ng mga
dayuhan ang ating sistemang politikal.isang patunay dito ang madaling paglusot sa sangay na
ehekutibo ng alinmang kasunduang paborable sa Amerika gaya ng Enhanced Defense
Cooperation Agreement (EDCA). Bagama’t noong deakada ‘90 ay napalayas na ng bansa ang
mga base militar ng Amerika, sa ilalim ng EDCA ay pinapayagan pa ring maging base militar na
Amerikano ang alinmang bahagi ng bansa. Samantala, impluwensiyado rin ng mga dayuhan
Kontekstwalisadong Komunikasyon
maging ang mga sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
patakarang ekonomiko kagaya na lamang ng pagmamay-ari sa mga minahan.isang halimbawa
nito ang pagpayag sa pagmamay-ari ng 100% ng malalaking minahan ng mga dayuhan sa ilalim
ng Philippine Mining Act of 1996 sa kabila ng isang probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal
ng gayon. Ang mga patakarang pang-edukasyon ay tila nakakiling din sa mga pangangailangan
ng dayuhan. Isang mlinaw na halimbawa nito ang pagpapataw ng sistemang K to 12 sa bansa.
Naging batayan ng ilang historyador at ekonomistang gaya nina Renato Constantino, Edberto
Villegas, at Alejandro Lichauco ang ganitong malakas na impluwensiya ng mga dayuhan sa
pagbabalangkas ng patakaran ng bansa para sabihing ang sistemang politikal ng bansa ay
malakolonyal o kaya’y neokolonyal.

Maraming kontemporaryong pangyayaring maaaring suriin hinggil sa aktuwal na


pakikialam ng mga dayuhan, partikular ang gobyerno ng Amerika, sa politika ng bansa. Isang
halimbawa ang ginawang paninirang-puri o black propaganda ng Central Intelligence Agency
(CIA) sa anti-Amerikano at nasyonalistang si Claro M. Recto noong panahong tumatakbo siya
laban sa maka-Amerikanong si Ramon Magsaysay. Ito ang dahilan kung bakit nagwagi si
Magsaysay sa halalang iyon laban kay Recto. Dahil naman sa pagsusulong ni Carlos P. Garcia sa
kaniyang patakang “Pilipino Muna” sa ekonomiya, sinuportahan din ng CIA ang tangkang
kudeta laban sa kaniya. Bumisita noong panahon ng diktadurang Marcos ang noo’y pangalawang
pangulo ng U.S. na na si George Bush para makipag-toast sa diktador at sabihing kinikilala ng
Amerika ang “pagsandig ng Pilipinas sa demokrasya” noong 1981. Ang diktadurang Marcos ay
tumagal hanggang 1986.

Kapansin-pansin na malaking bahagdan ng mga posisyong ehekutibo at lehislatibo sa


antas na lokal o nasyonal man ay kontrolado ng mga prominenteng angkan o dinastiyang
politikal. Marami sa mga pangunahing kandidato ay kadalasang mga reeleksiyonista o mga
kamag-anak ng mga nakaupo o dating pulitiko. Patunay ito ng pagiging elitista ng kasalukuyang
sistemang politikal ng bansa. Ang ganitong kontrol ng iilang pamilya sa sistemang politikal ay
idinidikta ng sistema ng eleksyon na magastos at hindi nakatuon sa mga plataporma. Ang
malalaking partido politikal ay pawang pare-pareho lamang ang sinasabi at ginagawa. Sa
katunayan, talamak ang paglilipat-lipat ng partido ng mga politiko dahil wala namang
pagkakaiba sa plataporma ang malalaking partido politikal. Ang halalan ay paligsahan hindi sa
plataporma kundi sa pera, kaya kailangang mahusay ang iyong makinarya sa halalan. Bagama’t
ang sukatan ng paglahok sa halalan bilang kandidato ay kung marunong kang bumasa at sumulat,
napakaliit ng pagkakataong magtagumpay ng sino mang mamamayan laban sa kapangyarihan at
impluwensiya ng mayayamang angkan sa bansa. Kapansin-pansin ding mismong ang gobyerno
ay kumikilala sa ganitong sistema. Ipinasa halimbawa ang batas hinggil sa pagkakaroon ng mga
kinatawan ng mga grupong marginalized sa gobyerno sa pamamagitan ng sistemang partylist
dahil malinaw na ang mayayaman ang higit na may kontrol sa sangay na ehekutibo ng gobyerno.
Sa ganitong konteksto, malinaw na malayo pa ang lakbayin ng Pilipinas tungo sa pagkakaroon
ng isang lipunang ganap na demokratiko kung saan ang kapangyarihang politikal ay hawak ng
mga karaniwang mamamayan at hindi ng iilan.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Ipinakita ng pag-aaral noong 2012 ng Asian Institute of Management Policy na ang mga
pampulitikal na dinastiya ay bumubuo ng 70 porsyento ng mga mambabatas na may sariling
hurisdiksyon sa ika-15 Kongreso ng Pilipinas. Isiniwalat nito ang mga palatandaan na kailangan
pag-isipan mabuti: ang mga dinastiyang pampulitika ay kadalasang nauuwi sa pangingibabaw ng
mga pangunahing partidong pampulitika at, karaniwan, nasa mga lugar na may mababang
pamantayan ng pamumuhay, mas mabagal na pag-unlad ng tao, at mas mataas na antas ng
kawalan sa buhay. Ang mga miyembro ng dinastiyang pampulitika ay kadalasang mas
mayayaman kaysa sa mga hindi miyembro.

Sa kanyang huling State of the Nation Address noong 2015, sinabi ni Pangulong Benigno
Aquino III na panahon na para sa isang batas laban sa pampulitikang dinastiya na maglilimita sa
dalawang miyembro lang ng isang pamilya na maaaring manungkulan (sa halal na posisyon)
nang sabay.

Sa halalan ng 2016, ang mga Pilipino, dismayado sa mabagal na takbo ng pagbabago at


sa maliit na pangkat na may hawak ng kapangyarihan nang ilang taon, ay bumoto para sa
pagbabago at laban sa mga matataas na tao sa politika, clientelism, korapsyon, at krimen — at
inihalal si Rodrigo Duterte, na nagsabing kaya niyang lutasin ang lahat ng mga problemang ito at
itinuring na kandidato laban sa gobyerno.Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagsabi
na siya ay maglulunsad ng giyera hindi lamang laban sa ilegal na droga kundi laban din sa mga
oligarka na kanyang inilarawan na mga “halimaw”.

Korapsyon at Iba Pang Katiwalian sa Gobyerno


Pangarap ng bawat Pilipino ang magkaroon ng isang maayos na lipunang ginagalawan
hindi lamang para sa kanilang kinabukasan kundi maging para sa kinabukasan na rin ng kanilang
mga magiging anak at iba pang salinlahi. Subalit ang mga pangarap na ito ay nananatili lamang
pangarap bunsod ng maraming katiwalian sa pambansang pamahalaang kanilang
pinagkakatiwalaan at sinasandalan. Sa simpleng pagpapahayag, katiwalian ang anumang
transaksyon na gumagamit ng salapi ng bayan para sa personal na kapakinabangan.

Maraming mukha ang katiwalian na patuloy na pumapatay sa itinuturing nating kakampi


sa buhay - ang pag-asa. Ang mga mukha na matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay
alinman sa mga sumusunod: (1) pang-aabuso sa kapangyarihan; (2) pakikipagsabwatan; (3)
pandaraya sa halalan; (4) pagnanakaw sa kaban ng bayan; (5) sistemang padrino o palakasan; at
(6) korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno

Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin
na inaasahan sa kaniya ng mga tao sa kaniyang kapaligiran. Kung wala ito, walang puwersang
makapagbibig ay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na
implementasyon ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang
kaparaanan: ministeryal at diskresyunal. Sinasabing ministeryal kung ang isang namumuno ay
Kontekstwalisadong Komunikasyon
walang ibang nararapat sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagtupad sa tungkuling
pambatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino; ang
mekanikong pagpoproseso ng income tax return; pagpoproseso ng ligal na titulo ng lupa mula sa
orihinal na may-ari tungo sa bumili nito; at pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad
ng mamamayan.

Ang diskresyunal na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy naman sa paggamit ng


opsyon o diskresyon ng isang namumuno o kawani ng gobyerno na ipatupad o hindi ipatupad
ang isang tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na pamantayan. Ang
kapangyarihang ito ay kailangang gamitin nang ayon sa katuwiran, walang kinikilingan, at hindi
mapang-api o nakapananakit ng iba. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagpili ng Pangulo ng
Pilipinas sa mga magiging kasapi ng gabinete ng ehekutibo; pagpasok ng lokal na pamahalaan sa
kasunduan sa isang pribadong kumpanya; at pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa
pagpapatupad ng isang polisiya.

Mahalaga ang polisiya sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao upang siguraduhin na


anumang diskresyon na nakiyang nais gawin ay may sapat na pamantayan at legal na basehan.
Ito ang magsisilbing sukatan kung ang isang tao ay lumalabis sa kapangyarihan na iginawad na
sa kaniya.

Ang pang-aabuso sa kapangyarihan o diskresyon ay tumutukoy sa hindi angkop na


paggamit ng kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang ibigay. Ilan sa
mga halimbawa nito: (1) Ang pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kaniyang asawa o mga anak
bilang gabinete ng ehekutibo. Bagama’t ang Pangulo ang may eksklusibong kapangyarihang
pumili ng mga taong kaniyang makakatuwang sa pagpapatupad ng mahahalagang polisiya ng
gobyerno, ang pagtatalaga ng kaniyang asawa o mga anak ay maaaring ipinagbabawal ng ating
Saligang Batas 1987 sa ilalim ng prinsipyo ng nepotismo; (2) Ang kapangyarihan ng gobyerno
na pumasok sa isang kasunduan ay mahalagang mekanismo para sa episyente at epektibong
paglilingkod sa bayan. Subalit ang pagsasaalang-alang sa personal na interes sa kasunduan ay
mga sirkumstansiyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala ng
taumbayan sa gobyerno, lokal man o nasyonal; (3) Ang pagbili ng mga kagamitan ay isang
sistema ng pamamahala na nangangailangan ng masusing pagsunod sa proseso sapagkat ito ay
maaaring maging ugat ng korapsyon sa gobyerno; (4) Ang paggamit ng kapangyarihan upang
makakuha ng pabor sa ibang tao na karaniwan ay may kapalit na kabayaran.

Ang sabwatan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na


nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba
upang tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Isa itong krimen ng pandaraya, panloloko
sa iba para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa batas na
karaniwan ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na kalamangan. Ilan sa
mga halimbawa nito ang: (1) Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa
pamamagitan ng kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa
itinakdang presyo na
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan; (2) Pagsunod ng lehislatibong sangay
ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin ang mga hindi kapanalig kahit na walang
sapat na batayan at hayagan ang paglabag sa basikong karapatan katulad ng magpahayag at
karampatang proseso na malaman ang krimen at maipagtanggol ang sarili; at (3) Paggawad ng
kontrata sa isang ahensiya na may kaugnayan sa proyektong pampamahalaan kahit na walang
naganap na tamang pag-aalok o bidding (isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng
pagkakataon sa lahat na maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan; mahalaga
upang iwaksi ang maraming katiwalian sa pamimili).

Ipinagkakatiwala ng taumbayan sa mga politiko ang kinabukasan ng bawat mamamayan


sa pamamagitan ng kaniyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang bawat balota ay
sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang suportang
kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisisihan. Sa
kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at mandato sa Komisyon ng Eleksyon na
pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan, lantaran pa rin ang mga pandaraya at
anomalyang ginagawa ng mga politiko at mga kasabwat na nagbubunga ng paghalal sa mga
taong hindi totoong napupusuan ng higit na nakararami. Bunga nito ang maraming kilos-protesta
at kawalan ng tiwala sa isang pamamahala. Marahil, ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay
hindi lamang umusbong sa kasalukuyan. Matagal nang kinahaharap ng bawat mamamayan ang
suliraning ito, na nagpasalin-salin at patuloy na magpapasalin-salin sa mga susunod pang
henerasyon.

Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay


kinikilala ng ating Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2).

Kung lilingunin ang nakaraan, makikita na naging malaking katanungan ang


pagkakahalal kay Heneral Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Bukod sa diktadurya ng rehimeng Marcos, pumaimbabaw rin ang usapin ng pandaraya sa halalan
na nagbunga ng People Power. Inakusahan din ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago ng
pandaraya sa halalan ang kaniyang katunggali na si dating Pangulong Fidel V. Ramos. Naging
mainit na usapin sa Pilipinas at sa buong mundo ang iskandalong kinaharap ni dating Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo - ang Hello Garci scandal. Habang isinusulat ang aklat na ito, may
nakabinbin namang protesta sa Korte Suprema si Senador Bongbong Marcos laban sa Bise
Presidente na si Leni Robredo.

Narito ang ilang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon:


(1) Electoral fraud o ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng boto sa pinapaborang politiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o
pareho. Anumang akto na makaaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng kaibahan ng boto sa
nararapat na resulta ay maituturing ding pandaraya sa eleksyon, bagama’t ang bawat bansa ay
may kani-kaniyang konsepto nito. Pumapasok din sa konsepto ng pandaraya ang mga karahasang
katulad ng pagsupil at pagpaslang sa mga katunggali sa halalan, ang pananabotahe ng mga
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
balota, at ang pagbili o panunuhol sa mga botante kapalit ng isang boto; (2) Election
manipulation na
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga
manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya; (3) Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto na
isinasagawa kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ay sumusuporta sa
kalabang panig o partido. Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na
magrehistro, o kung sakali man na nakapagrehistro na, ay tanggalin sila sa talaan ng mga botante
sa pamamagitan ng animo ba ay legal na pagtanggal sa proseso ng korte; (4) Manipulasyon ng
demograpiya kung saan, maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng mga kinauukulan ang
komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa
sinusupotahang politiko. Kabilang dito ang (a) Intimidasyon na tumutukoy sa lakas o puwersang
ibinibgay sa mga botante upang sila’y bumoto pabor sa isang partikular na kandidato o kaya’y
pigilan silang makibahagi o makiisa sa pagboto; (b) Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng
Karahasan na nagpapakitang ang mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga
kilalang tagasuporta sa isang partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta
ng kalabang partido upang ibasura ang pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusuportahang
kandidato. Inilalarawan ito ng mga krimeng tulad ng pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog, at
iba pa; (c) Pag-atake sa Lugar ng Halalan kung saan ang madalas na nagiging target ay ang mga
lugar na aktuwal na pinagdarausan ng lokal o pambansang halalan. Inilalarawan ito ng
bandalismo, paninira ng mga kagamitan o ari-arian, mga pananakot na nagbubunga ng pangamba
sa mga botante na tumutungo sa lugar na pagdarausan ng halalan; (d) Mga Pagbabantang Legal
kung saan, may pagkakataong sinasamantala ng mga politiko ang ng kaalaman ng isang
indibidwal sa kaniyang karapatan na makiisa sa lokal at pambansang halalan sa pamamagitan ng
pagboto. Sa pagkakataong ito, ang mga botante ay pinaniniwalaang walang legal na karapatang
bumoto o kaya’y may obligasyong bumoto gamit ang partikular na pamamaraan. Ginagamit ng
mga taong mapagsamantala ang kahinaan ng isang indibidwal na ito ay matakot sa magiging
resulta ng isang partikular na aksyon; (e) Pamimilit na nagpapakitang ang demograpiko na may
kontrol sa balota ay sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga lumalaban sa higit na nakararami, ang mga ito ay naiimpluwensiyahan na
palitan ang kanilang mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang iboboto; at (f) Pamimili
ng Boto na isang akto ng kung saan ang isang partido politikal o kandidato ay nanghihingi ng
boto sa mga botante kapalit ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay mga serbisyo.
Ang kasanayang ito ay karaniwang ginagamit upang hikayatin ang mga botante na bigyan sila ng
pabor sa araw ng halalan. Hindi lamang sa Pilipinas talamak ang ganitong usapin ng pandaraya
sa eleksyon. Maging sa Amerika, Argentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang
pamimili ng boto para sa eleksyon.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Ang gerrymandering ay isang konseptong pampolitika na kung


saan ang isang partikular na partido o grupo ay gumagawa ng
kapakinabangang pampolitika (political advantage) sa pamamagitan ng
manipulasyon sa hangganan ng isang distrito (political boundaries).
Tinatawag na gerrymander ang mabubuong distrito. Negatibo ang
konotasyon ng gerrymandering batay sa mga pangunahing taktika nito:
Cracking (halimbawa: paglusaw sa kapangyarihang
bumoto ng mga tagasuporta ng kalabang partido sa maraming
distrito);
Packing (halimbawa: konsentrasyon ng
kapangyarihang bumoto ng kalabang panig sa isang distrito upang
mabawasan ang kanilang kapangyarihang bumoto sa ibang distrito)

Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taumbayan sa mga politiko na kanilang iniluklok


sa puwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa mga
kayamanang dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang wasto ang taumbayan. Ang
suliraning ito ay matagal nang kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na pinaniniwalaang
ugat ng pagkalugmok sa kahirapan ng bawat mamamayan.

Sa Pilipinas hindi na bagong maituturing ang usapin tungkol sa pagnanakaw sa kaban ng


bayan. Maraming isyu o usapin ng katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan ang ipinukol sa
mga politikong pinagkatiwalaan ng bawat Juan. Ang dating Pangulong Marcos ay pinukol ng
maraming alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan, dahilan kung bakit ang taumbayan
ay nagsagawa na at natutong makipaglaban noong 1986. Hindi natupad ni dating Bise Presidente
Jejomar Binay ang kaniyang pangarap na mahalal na Pangilo ng Republika ng Pilipinas noong
2016 dahil sa naging mainit ang mga lumabas na isyu ng katiwalian (sa Makati noong siya ay
Mayor pa lamang) ilang buwan bago maganap ang Pambansang halalan.

Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa


ilalim ng Kodigo Penal ng Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws). Ilan
sa mga anyo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at sa gayo’y maituturing na isang krimen ang:
(1) Panunuhol (Bribery at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public Officer);
(2) Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan; (3) Pandarambong (Plunder); (4) Graft
and Corruption.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct
bribery) ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa
ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang
konsiderasyon sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal,
personal man o sa pamamagitan ng iba. Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ding
ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing
na krimen, bagama’t higit na mababang parusa ang katumbas nito. Mayroon ding krimen ng
katulad na uri kung ang isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap ng regalo o ng pangako bilang
kondisyon na hindi siya gagawa na isang akto batay sa kaniyang opisyal na tungkulin. Kung ang
bagay na kung saan ang regalo ay tinanggap o ipinangako ay ginawa sa kondisyon na iiwasan ng
opisyal ng gobyerno na gumawa ng isang akto na kaniyang opisyal na tungkulin.

Isinasaad ng Artikulo 211 na ang isang opisyal ng gobyerno ay maaaring maakasuhan ng


di-tuwirang panunuhol (indirect bribery) sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa
tanggapan na kaniyang hinahawakan (inamyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872, ika-10 ng
Hunyo, 1985). Ang pananagutan ng katapatan sa bayan ay tungkuling iniatang sa lahat, maging
sa mga pribadong indibidwal. Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyal ng gobyerno
(corruption of public official) ayon sa Artikulo 212. Ang krimeng ito ay maaaring ihain sa kahit
na sinong tao na magbibigay ng alok o mga pangako o mga regalo o aginaldo sa opisyal ng
gobyerno.

Sa ilalim naman ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, binigyan ng depinisyon


ang krimen ng maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong
probisyon ang paglalagay (presumption)sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit
sinong opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng kaniyang tungkulin sa tanggapan, ay may
pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling
pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na
gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo man o bahagdan. Ang halaga ng sangkot
sa maling paggamit ng pondo ay mahalaga sa pagtukoy ng ankop na parusa sa taong
mapatutunayang gumawa ng krimeng ito. Ang pagkabigo ng opisyal ng gobyerno na mailabas o
maipaliwanag ang pananalapi at ari-arian na nasa ilalim ng kaniyang kustodiya kung ito ay
tahasang hihingin ng awtorisadong opisyal ay itinuturing na prima facie na ebidensya na
magpapatatag sa paniniwala na ang nawawalang pondo at mga ari-arian ay ginamit sa personal
na gamit.

Sa kabilang dako, isinasaad naman sa Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-
arian ng publiko. Tahasang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal ng
gobyerno na gagamit ng pondo at ari-arian ng kaniyang administrasyon sa pampublikong gamit
bukod sa totoong pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong
technical malversation. Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na
materyales na regular ang presyo, o kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng
pekeng proyekto ( gaya ng modus operandi ng mga nagtayo ng pekeng NGOs sa pangunguna ng
kasalukuyang nasasakdal sa kasong si Janet Napoles at tatlong senador na sina Bong Revilla,
Kontekstwalisadong Komunikasyon
Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile). sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa sistema ng pamamahala sa


Pilipinas. Sa bisa ng RA 7080, itinuturing na krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta,
o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa
pamamagitan ng kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o
sund-sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong
halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa sa limampung milyong piso. Reclusion perpetua
hanggang kamatayan ang parusang naghihintay sa sinumang mapatutunayang nagkasala sa
krimeng ito.

Ang mga sumusunod ay mga espisipikong akto na may kaugnayan sa pandarambong: (1)
Paglustay, paglilipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong pampubliko o
mga pagsalakay sa kabang-yaman ng bayan; (2) Pagtanggap nang direkta o hindi direkta,
anumang paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga kickback o anumang anyo ng pansalaping
pakinabang mula sa sinumang tao at/o anumang entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata
o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opisyal ng
bayan; (3) Ilegal na pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan o
anumang subdibisyon nito, mga ahensya o instrumentalidad o mga pag-aari ng gobyerno o
kinokontrol ng gobyerno na mga korporasyon at mga subsidyaryo nito; (4) Pagkakamit,
pagtanggap nang tuwiran o hindi tuwiran ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o
anupamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng panghinaharap na trabaho sa
anumang negosyo; (5) Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo
o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay
makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o (6) Higit sa nararapat na
kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksyon o impluwensiya upang
hindi makatarungang payamanin ang sarili nito na may pagsasawalang-bahala sa panganib o
pinsalang maidudulot nito sa mamamayang Pilipino at Republika ng Pilipinas. Ilang halimbawa
ng pandarambong ang overpricing gaya ng mga lampposts na nagkakahalaga ng P224,000 bawat
isa sa Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu o kaya’y ang mga proyektong pinondohan ng malaki
ngunit hindi natapos (gaya ng Bataan Nuclear Power Plant na nagkakahalaga ng $2.3 bilyon, at
ang North Rail Project na nagkakahalaga naman ng $500 milyon) o kaya’y hindi talaga naitayo.

Ang konsepto ng graft and corruption ay mga usaping nagpapasakit sa bawat Pilipino.
Ang usaping ito’y matagal nang hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan, bigo
pa ring mapaglabanan. Dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo
mula sa transaksyong pampamahalaan ang graft and corruption. Tumutukoy ang korapsyon sa
maling gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Ang graft sa
kabilang banda ay tumutukoy naman sa maling gamit ng impluwensiya para sa personal na
benepisyo. Makikita sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang enumerasyon ng
mga espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang
sistemang padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang
nagiging bulag at binging saksi sa hustisyang dapat ibigay sa taumbayan mapagbigyan lamang
ang mga taong pinagkakautangan nila ng loob. May mga pagkakataong ang isang indibidwal ay
nabibigyan ng magandang katungkulan sa gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya
dahil sa basbas ng mga makapangyarihan, ito’y sa kabila ng kawalan ng sapat na karanasan at
kwalipikasyon sa posisyong ipinagkaloob sa kaniya ng nasabing makapangyarihan. Ang tanging
pinanghahawakan lamang niya ay ang proteksyong nanggagaling sa pinunong minsan ay
sinuportahan niya sa panahong kailangan nito. Ang suliraning ito’t talamak sa mga posisyong
nakabatay lamang sa tiwala at kumpiyansa ng taong nasa puwesto, bagama’t ang mga posisyong
nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Civil Service Commission ay hindi rin ganap na ligtas sa usaping
ito.

Masasabi na ang nepotismo at kroniyismo ay kasama ay kasama rin sa mga ugat ng


padrino o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang umiiral na batas, ang
nepotismo o ang pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal
samantalang walang tiyak na batas na makapagpaparusa sa kroniyismo o pagbibigay ng pabor sa
mga kaibigan, bagama’t matindi itong kinukundina. Ang nepotismo at kroniyismo ay hindi
pinapaboran upang maiwasan ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng
dalawang panig na kasangkot.

Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang magandang sistema ng


pamamahala hindi lamang sa mga pangunahing sangay ng gobyerno kundi maging sa mga
maliliit na yunit nito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa pagtataya sa mga suliraning may
kaugnayan dito. Hindi ligtas dito ang kapulisan ng Hukbong Sandatahan. Nababalot din ng
kontrobersya ang kanilang pagbili ng mga kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang
tungkulin. Kung matatandaan, naging lamang ng maraming balita sa telebisyon at pahayagan ang
mga akusasyon ng katiwalian sa dating hepe ng AFP na si Angelo Reyes. Bunga marahil ng
depresyon sa pagkasira ng kaniyang pangalan, pinagpasyahan niyang kitlin ang kaniyang buhay
sa harap ng libingan ng kaniyang namayapang ina. Sinabi ng dating AFP Chief bago wakasan
ang kaniyang buhay noong Pebrero 2011 na hindi siya ang nagsimula ng maraming iregularidad
sa AFP. Aniya, ito ay isang tradisyon. Ang tanging naging kasalanan niya ay ang pagtanggap
dito bilang ordinaryong bagay sa AFP.

Sa kabila ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika, may mga pagkakataong


nilalabag pa rin ng kapulisan ang ispesipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod:
(1)pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain; (2) pagtanggap ng suhol kapalit
ng pananahimik at hindi pag-akto sa isang kaso na kailangan niyang gawan ng aksyon; (3)
pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag ng motorista
sa batas pantrapiko;
(1) pagtatanim ng ebidensya na karaniwang ginagawa upang patibayin ang kaso laban sa isang
indibidwal - ito ay ilegal, instigasyon kung saan ay karaniwang gumagawa ng paraan ang
kapulisan upang ang isang indibidwal ay kumilos at ilabas ang ebidensyang kailangan upang
magkaroon ng sapat na batayan ang kapulisan na hulihin ang naturang indibidwal batay sa mga
Kontekstwalisadong Komunikasyon
mga ebidensyang ipinakita - ito ay legal, at ang pagpapahirap o tortureFilipino
sa na isang konsepto ng
pagpapaamin o
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
pagpapahirap sa isang indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring kaniyang ginawa o
kaya ay hindi ginawa; (5) pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang
mapagtagumpayan ang nais na makuha - kinikilala bilang isang anyo ng pangingikil na
lumalabag sa mga umiiral na batas at polisiya sa Pilipinas; at (6) paglahok ng kapulisan sa mga
organisadong krimen tulad ng pagnanakaw, terorismo, kidnapping, at iba pa.

Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno. Mataas


ang pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na
ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad naman ng Ehekutibo. Ngunit hindi rin ligtas ang
Hudikatura sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan (pagtanggap ng
suhol upang magbaba ng desisyong pumapabor sa nagbigay ng suhol, pagpapatagal g desisyon
na nagbubunga ng inhustiya sa mga taong walang kasalanan).

Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika ay
ang pagharap sa mga kasong administratibo o maaari ding pagtanggal sa kanilang lisensya bilang
abogado. Isa sa mga naging mainit na usapin ang kasong ipinukol kay dating SC Justice Renato
Corona dahil sa maling deklarasyon ng kaniyang mga pagmamay-ari at pagkakautang batay sa
deklarasyon ng kaniyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Naging daan ito sa
pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto, ang kauna-unahang SC Justice sa kasaysayan ng Pilipinas,
sa pamamagitan ng proseso ng impeachment noong Mayo 29, 2012. Hindi rin nalalayo ang
kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno - ang kauna-unahang babaeng Chief Justice - kay
dating SC Justice Renato Corona. Na-impeach din siya sa pamamagitan ni Atty Larry Gadon na
siyang naghain ng impeachment case laban sa babaeng Chief Justice. Sinuportahan pa ito ni
Solicitor General Calida sa pagsasabing walang bisa ang pagkakapagtalaga dito bilang Chief
Justice ni dating Pangulong Aquino dahil hindi nito naibigay ang basikong kahingian na
paghahain ng SALN.

Ang pamamahayag ay isa sa mga basikong karapatang pantao na binibigyang ng


proteksyon ng ating Saligang Batas ng 1987 (Artikulo III, Seksyon 4). Isinasaad dito na walang
makapapasang batas na bumabangga sa karapatan ng tao na magsalita, magpahayag, o ang
karapatan na magtipon-tipon sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang karaingan
laban sa gobyerno. Sa kabila ng mga karapatang ito, may mga pagkakataong nababahiran din ng
usapin ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan gaya ng mga sumusunod na sitwasyon: (1)
pananahinik o pagpapasyang huwag ilantad ang katotohanan kapalit ng pagtanggap ng suhol o
ang kabaligtaran nito; at (2) may mga pagkakataong kapalit ng suhol ang pagsusulat ng mga
kuwentong mapakikinabangan ng indibidwal o kumpayang nagbigay ng suhol.

Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas


ng mga batas na nararapat namang ipatupad ng Ehekutibo. Malapit sa usapin ng korapsyon ang
sangay na ito sapagkat maaaring makapaglagay ng isang probisyon sa panukalang batas na
maaaring pumabor sa may-akda nito. Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ilang
prinsipyo upang labanan ang katiwaliang ito sa pamahalaan gaya ng: (1) hindi tugmang
Kontekstwalisadong Komunikasyon
tanggapan (incompatible sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
office) kung saan pinagbabawalan ang mga mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon
sa anumang ahensya ng gobyerno kasama ang GOCC o Government Owned and Controlled
Corporations liban na lamang kung iiwanan niya ang kaniyang posisyon bilang mambabatas
(TANDAAN: Hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na incompatible office
sapagkay mayroong mga tungkuling maaaring tanggapin ng isang mambabatas batay sa pagkilala
ng Saligang Batas. Halimbawa ang pagiging kasapi ng Electoral tribunal at Judicial and bar
Council of the Philippines); (2) ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office) kung saan
pinagbabawalan ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na
nilikha o ang suweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya’y nanunungkulan pa bilang
kongresista. Ang layunin nito’y upang iwasan ang anomalya na ang isang kongresista ay
makinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo.

Ang iba pang korapsyon na palasak sa Pilipinas ay ang: (1) pagtakas sa pagbabayad ng
buwis; (2) ghost projects at payroll; (3) pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng
pagkakaloob ng mga kontrata; (4) pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba
pa o subcontracting; (5) pangingikil; at (6) panunuhol.

Mga Ugat ng Korapsyon


Kung susuriin ang kasaysayan ng bansa, maaaring sabihing sa panahon ng mga Espanyol
nagsimula ang korapsyon. Nang masakop nila ang Pilipinas, ipinaubaya sa mga dating datu,
rajah, at iba pang maharlika ang mabababang posisyon sa gobyerno (gaya ng pagiging cabeza de
barangay) na ang pangunahing tungkulin ay maningil ng buwis. Mahirap maging cabeza dahil
may quota ang buwis na kokolektahin. Kapag hindi umabot sa quota ang cabeza, obligado siyang
magpaluwal. Kung walang salapi ang cabeza, kukumpiskahin ng mga Espanyol ang kaniyang
ari- arian. Sa takot ng ilang mga kolektor na magpaluwal, tinaasan nila ang paniningil ng buwis,
lagpas pa sa halagang itinakda. Sa gayong paraan, hindi kukulangin at malamang na may
lumabis pa nga sa masisingil. Ang sumobra sa nasingil ay “ibinubulsa” na ng mga opisyal.

Mayroon ding mga gobernador-heneral na Espanyol na maituturing na tiwali. Katunayan,


pagkatapos ng kanilang mga termino, madalas na ibinubulgar ng pumalit na gobernador-heneral
ang mga kuwestyonableng transaksyon ng nakaraang administrasyon. Sa panahon din ng mga
Espanyol lumitaw ang sistemang padrino o pagkakaroon ng backer na susuporta sa isang tao na
gustong magtrabaho sa gobyerno o kaya’y makakuha ng mataas na posisyon. Ang ganitong
sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan, sa bawat pabor na hingin sa padrino ay may
kapalit na suhol, salapi man o anumang mahalagang bagay. Sa pagkakaroon ng utang na loob sa
padrino, ang mga biktima ng ganitong sistema ay mananatili masugid na tagasuporta ng kanilang
padrino kahit na ang huli’y mapatunayan nang tiwali.

Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principlia mula sa mga
dating datu, rajah, at maharlika. Para mapatahimik ang mga dating pinuno at di na sila mag-isip
na mag- aklas laban sa mga Espanyol, ibinigay sa kanila ang mababang posisyon gaya ng
pagiging cabeza de barangay at gobernadorcillo. Pinaboran din sila ng mga Espanyol sa
pagbibigay ng karapatang
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
mamahala sa lupa at maningil ng buwis. Samakatuwid, kunga ang mga ordinaryong indio ay
walang sariling lupa at wala ring pera, ang mga pricipalia at ilustrado ay mayroon sapagkat
pinaboran sila ng mga Espanyol para maging maamong tagasunod na maglilingkod sa Espanya
at wala ng iba pa. Katunayan, sa maraming taon ay naging matapat sila sa mga Espanyol dahil
nakikinabang nga sila nang malaki sa paghahari ng mga ito. Marami sa mga pamilyang
asenderong ito’y nanatiling bahagi ng alta sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin
sila sa salapi at lupain.

Hindi naging mabisa ang reporma sa lupa ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang
pananakop, at hanggang ngayon, ang programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan - ang CARP
na pinalawig pa at naging CARPER - ay napatunayan na ring hindi mabisa. Samakatuwid,
napanatili ng iilang pamilya mula pa noong panahon ng Espanyol ang kanilang kontrol sa
malalaking lote ng lupa, at ang kanilang kayamanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
kayamanan ay napanatili rin nila ang kontrol sa kapangyarihang politikal. May natural na
kalamangan o edge sila sa mayorya ng mga ordinaryong Pilipino, sapagkat ang kanilang
kayamanan ay nangangahulugan din na may kakayahan silang mag-aral hanggang kolehiyo, at
bumuo ng mga koneksyon sa iba pang makapangyarihan sa lipunan. Sa mga unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano, ang karapatang maghalal at mahalal ay maaari lamang tamasahin
ng mga mamamayang may edukasyon at ari-arian. Samakatuwid, lalong tumibay ang monopolyo
ng mayayaman sa kapangyarihang politikal sa panahong iyon, bagay na nagpatuloy hanggang sa
kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng monopolyo nila sa kapangyarihang politikal, naging mahirap para sa


mga ordinaryong tao na bantayan at lumahok sa prosesong politikal. Halimbawa, ang
mayayaman lamang ang may malaking pagkakataong manalo sa mga eleksyon dahil sa laki ng
salaping kailangan sa pangangampanya. Kung may mga mamamayan mang galing sa mahihirap
na pamilya ang magwagi, karaniwang dahil lamang din sa suporta ng mayayamang nagbigay ng
salaping pangkampanya. Sa panahong maalo na ang mga puwersang ito, malakas ang tukso na
gamitin ang salapi ng bayan upang mabawi ang kanilang “puhunan” sa pagtakbo at
pangangampanya. Samakatuwid, maituturing na ugat din ng korapsyon ang monopolyo ng iilang
dinastiyang politikal sa kapangyarihan at ang kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga
mamamayan sa prosesong politikal.

Mga Dinastiyang Politikal


Sa aklat na “The Modern Principalia: The Historical Evolution of the Philippine Ruling
Oligarchy” (2007) ni Prp. Dante Simbulan, detalyadong sinuri ang pangingibabaw ng mga
dinastiya sa sistemang politikal ng bansa. Ayon sa kaniyang pananaliksik na sumasaklaw mula
1946 - 1963, may 169 dinastiya sa Pilipinas na pinagmulan ng 584 opisyal ng gobyerno (kasama
na ang 7 presidente, 2 bise-presidente, 42 senador, at 147 kinatawan sa Kongreso).

Sa pag-aaral naman ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011, mahigit
100 o 68% ng mga kinatawan sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2010, ang may mga kamag-
Kontekstwalisadong Komunikasyon
anak sa ika-12, 13, 14, at 15 Kongreso, o kaya mga lokal na opisyal naFilipino
sa nahalal noong 2001,
2004,
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
2007, at 2010. Karamihan sa kanila ay mga multi-milyonaryo na ang average na kabuuang
yaman ay P52 milyon. Ayon pa rin sa nasabing pananaliksik, kontrolado rin ng mga dinastiya
ang mga partido politikal batay na rin sa komposisyon ng kasapian o membership ng mga
nangungunang partido: 76% ng Lakas-Kampi; 57% ng Partido Liberal; 74% ng Natinalist
People’s Coalition; at 81% ng Partido Nacionalista. Batay naman sa isang ulat ng GMA News
Online, marami pa ring dinastiya ang nananatili sa kapangyarihan sa eleksyon noong 2013.
(Matatagpuan sa link na ito ang nasabing ulat:
http://www.gmanetwork.com/news/story/308899/news/nation/phl-political- dynasties-winners-
losers-in-may-13-elections). Sa isa database naman ng Philippine Center for Investigative
Journalism (PCIJ) ay masisipat ang detalyadong datos hinggil sa mga dinastiya na sumasaklaw
sa sangay ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal. Saklaw din ng nasabing database ang mga
negosyong hinahawakan ng mga kasapi ng mga dinastiyang politikal. Sa pamamagitan ng
nasabing database, mahihinuhang maraming dinastiya sa bansa ang mahigit apat na dekada nang
may kapangyarihang politikal, gaya ng dinastiyang Abad, Aquino, Cojuangco, Marcos,
Macapagal, Magsaysay, Ortega, at marami pang iba. (Matatagpuan ang nasabing database sa:
http://i-site.ph/).

Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate
Congress” (2004) nina Shiela Coronel et al., halos isang siglo nang kontrolado ng mga dinastiya
ang sistemang politikal ng bansa. Anila, bagama’t hindi na puro asendero ang mga dinastiyang
nakapuwesto, lahat ng mga angkang ito’y pawang mayayaman at maituturing na bahagi ng
noveau rich. Samakatuwid, malinaw na ang kayamanan at kapangyarihang politikal ay
magkaugnay pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Mga Bunga ng Korapsyon
Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga
ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Halimbawa, kahit may mga kinatawan ang mga grupong marginalized sa pamamagitan ng mga
partylist, kontrolado pa rin ng mga dinastiyang elite ang Kongreso dahil mayorya sa mga
kongresista ay mula sa mga mayayamang dinastiya. Samakatuwid, hadlang din sa mga
repormang sosyo-ekonomiko na isinusulong ng mga grupong marginalized ang mga dinastiya.

Pangalawang bunga ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga
serbisyong panlipunan (gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon , at kalusugan). Malaking
halaga ng badyet ng gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang umaabot sa 200
bilyong piso kada taon (ayon sa World Bank). Ang ganitong kalaking halaga ay maaari sanang
magamit sa paglutas ng kahirapan at iba pang kaugnay na suliranin. Samakatuwid, ang kabiguan
ng pamahalaan na lutasin ang kahirapan ay isa sa mga epekto ng katiwalian sa gobyerno.

Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. Sa halip
na mga propesyonal at ideolohikal na partidong may magkakaibang paninindigan sa iba’t ibang
mahahalagang isyu, mga personalistikong partido ang nangingibabaw sa bansa, mga partidong
kontrolado at pinopondohan ng mayayamang dinastiya.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Sa pangkalahatan, ang pagtamlay ng suporta ng mga mamamayan sa gobyerno at ang
pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa halalan at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng
monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang politikal. Tinatabangan ang marami-raming
mamamayan n makilahok sa mga proseong politikal dahil inaakala nilang wala rin namang
mangyayaring maganda o kaya’y mababago sa sistema, dahil kontrolado ng mga dinastiya ang
kapangyarihang politikal sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan. Samakatuwid, ang mababang
kalidad ng demokrasya sa bansa ay mauugat sa pagkakaroon ng mga makapangyarihang
dinastiya.
Mga Solusyon sa Korapsyon
Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa ng mga repormang politikal (gaya ng pagsasabatas
ng konstitusyonal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na
magpapatibay pa sa representasyon ng mga grupong marginalized gaya ng sistemang partylist)
ay dapat isagawa. Isinasaad sa Artikulo II, Seksyon 26 ng ating Saligang Batas ang ganito: “The
state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political
dynasties as may be defined by law.“ Sa kasamaang-palad, wala pa ring enabling law ang
constitutional provision na ito dahil laging hinahadlangan ng sangkatutak na political dynasties
sa Kongreso. Noong 2011, isinampa sa Kongreso ang House Bill 3413 (Anti-Political Dynasty
Bill) na co- authored ng mga partylist na Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis,
Kabataan, at ACT Teachers. Noong 2001 pa unang nag-file ng anti-dynasty bill ang Bayan
Muna. Sa kasalukuyan, nakalusot na sa lebel ng komite sa Kongreso ang katulad na panukalang
batas (konsolidadong House Bills 172, 837, at 2911 na inakda rin ng mga nasabing partylist at ng
tatlo pang kongresista. Sa Senado ay naka-file naman ang Senate Bill 2649 ni Senador Miriam
Defensor-Santiago.

Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang isang Anti-Dynast Bill, ang
pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng
mga partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal. Ang
pagsasagawa ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay
makatutulong din sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na
makapagpapahina naman sa kapangyarihan ng mga dinastiya.

Mga Isyung Kultural at Linggwistiko

Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang kultura, kultura sa pananamit, pagsasalita,


pananampalataya, at iba pa. Ang ating bansa ay napakayaman sa kultura. Sinasabing bago pa
man dumating ang mga dayuhan para sakupin tayo, ang ating bansa ay mayaman na sa kultura.
Ang kultura ng Pilipinas ay pinaghalong katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop. Ang nangyaring pananakop ng Kastila sa Pilipinas, sa
pamamahala ng Mehiko na tumagal ng 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa ating kultura.
Isa sa ating minana ay ang pagdiriwang ng pista at pag-alala sa mga Santong Patron. Sa
katimugang bahagi ng ating bansa kung saan ang mga kapatid nating Muslim ay nagdiriwang din
ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Bago pa man dumating ang unang mananakop, ang mga mangangalakal galing Malaysia,
India, Hapon, Indonesia, at Tsina ay mayroon ding malaking kontribusyon sa kultura ng
Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay impluwensiya rin sa mga katutubong paniniwala ng
mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyol at ang mga mangangalakal na Muslim sa atin.
Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito.
Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain ay minana pa sa mga mangangalakal na
Intsik. Ibig sabihin, ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng mga
kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan.

Namamatay na ang kultura ng ating bansa. Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay


wala ng pagpapahalaga para sa mga produkto at gawaing Pilipino. Ang sinasabi nilang “colonial
mentality’’, o ang kaugaliang pumapabor sa paggamit ng mga bagay na gawa ng mga dayuhan,
ay nagiging kanser na sa ating lipunan. Pero, bago natin suriin at sagutin ang problemang ito,
kailangan natin bumalik sa pinagmulan ng kaisipan na ito.

Sa tatlong daang taon na nakatira dito ang mga Kastila, maraming bahagi ng kanilang
kultura ay isinama sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino, katulad ng
Katolisismo o rehilyon Katoliko, mga Kastilang pangalan, wika, at pagkain. Hindi lang ito,
ngunit ang mga ginagawa ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon katulad ng pagbebeso,
pagsasali sa mga pista at pagsisiesta ay galing din sa mga Kastila. Sa panahon ng mga Kastila,
naniniwala sila na mas mabuti ang kanilang kultura kaysa sa kultura ng Pilipinas, at ang kaisipan
na ito ay pumasok sa utak ng mga Pilipino, lalong lalo na sa mga mas mayaman na tao.

Noong naging kolonya ng Estados Unidos ang bansang ito, pinakilala ng mga Amerikano
ang iba’t ibang uri ng kanilang kultura sa mga Pilipino. Ang panonood ng mga pelikula, ang mga
popular na “fast food” katulad ng hamburger at french fries, ang mga pangalang Amerikano, at
ang pagsuot ng pantalong maong ay mga halimbawa nito. Tinanggap ng malugod ng Pilipino ang
mga impluwensiyang ito, at dahil dito, naniwala sila na napakabuti ang mga natunan nila sa mga
dayuhan.

Makikita natin na sa kasalukuyang panahon, karaniwan sa mga Pilipino ay hindi


naniniwala sa kagandahan at pagkakaiba ng kultura ng sarili nilang bansa. Ang mga produktong
Amerikano o mga produktong Europa ay laging binibili at hinahanap nila, habang ang lokal na
produkto ay nawawalan na ng halaga. Nabubulag ang mga Pilipino sa realidad na hindi uunlad
ang Pilipinas kung hindi nila kayang mahalin ang sariling wika, produkto at kultura. Bilang
pagtugon sa problemang ito, magbabahagi ako ng anim na paraan upang maikontra ang kolonial
na mentalidad at maging mas apresiyatibo ang mga kababayan ko sa mga gawaing at kulturang
Pilipino.

Kamakailan lamang ay nag-survey ang Pulse Asia tungkol sa kawalan ng pag-asa ng mga
Pilipino sa ating bansa. Ayon sa survey, wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
“may pag-asa pa ang bansang ito.” Dama ng karamihan ang pangangailangan para sa
pundamental na pagbabago sa ating lipunan ngayon. Kailangan ng pagbabago sa ating ekonomya
kung saan ang karamihan ay nananatiling hikahos, hindi nakikinabang sa kanilang
pinagpapawisan. Kailangan ng pagbabago sa ating pulitika, kung saan ang gobyerno ay gobyerno
ng iilan, at hindi ng karamihan. Pero batid din natin na ang pagbabago sa lipunan ay hindi
magiging ganap kapag walang kasabay na pagbabago sa kultura ng bayan. Pagbabago sa
dominanteng kaisipan, kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan. Pero ano nga ba
ang kailangan baguhin sa kultura sa bansa ngayon? Hayaan ninyo akong magbahagi ng aming
pagsusuri hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at
programa sa kultura ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at
pulitika ng bansa sa panahon ng globalisasyon. Kung ito ay makakatulong sa paglilinaw at
paggigiit sa tungkulin ng artistang Pilipino sa pagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan,
nakamit na rin namin ang aming layunin sa pagkakataong ito.
Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa
kasalukuyang panahon. Itinatakda ito ng mga dominanteng pwersa sa ekonomya at politika ng
bansa – ang U.S. at ang mga elite sa ating lipunan, ang malalaking kapitalista at asenderong
Pilipino.

Ang pamantayan ng U.S., hindi lamang sa pulitika at ekonomya, kundi maging sa


kulturang kolonyal ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino. Sa
kulturang burges, ang sining ay kalakal at ang mga tao ay palengke na pwedeng manipulahin
para higit na pagtubuan. Pinapanatiling mangmang, kimi at palaasa sa “swerte” at sa
kawanggawa ang masang bihag ng kulturang pyudal. Sa tulong ng dominanteng kulturang ito,
nagiging mas madali ang patuloy na pagkontrol at pagsasamantala ng mga dayuhan at iilan sa
sambayanang Pilipino.

Sa ngalan ng “globalisasyon,” ibayo ang pananalakay ng dalawang pinakadominanteng


puwersa sa kulturang Pilipino – ang imperyalismong U.S. at ang simbahang Katoliko.
Kinakasangkapan din ng mga dayuhang imperyalista at mga naghaharing uri ang estado upang
ipalaganap ang artipisyal na kulturang popular, ang kultura ng korupsyon, at kultura ng pasismo
upang palakasin at higit na palawakin ang kanilang dominasyon.

Dahil sa patakaran ng import liberalization mas malaya nang nakapapasok pati mga
dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software. Sa
ilalim ng Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO, nagiging mas
madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pag-
agaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod:1) likhang sining at distribusyon nito
(sa pamamagitan ng karapatang-ari at mga kaakibat nito), 2) tatak (trademark) at pagtukoy sa
pinagmulan ng produkto (geographical indications),3) imbensyon (sa pamamagitan ng patente),
industrial design at trade secrets. Sa pamamagitan ng General Agreement on Trade in Service o
GATS ng WTO, pinadali rin ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa
Pilipinas. Kabilang dito ang mga serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng
mga produktong pangkultura, gaya ng distribusyon at pagpapalabas ng pelikula. Sa buong
Kontekstwalisadong Komunikasyon
mundo, sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
ang US ang pinakamalaking exporter ng mga produktong pangkultura ngayon. Kasabay ng halos
monopolyado ng US ang produksyon at distribusyon ng produktong pangkultura, hinuhulma nito
ang panlasa ng mga tao upang lumikha ng pangangailan (demand) para sa kaniyang mga
produkto. Ang panlasang Pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano kaya
madaling tanggapin ito ng marami. Ngunit nagreresulta ito sa pagkalugi o paglamon sa lokal na
industriyang pangkultura. Dahil sa matinding kumpetisyon lumalaban ang mga ito sa pabababaan
ng sahod, kontraktwalisasyon, at pagbabawas ng mga manggagawa na nagaganap sa mga
estasyon ng telebisyon at mga produksyong pampelikula. Ibinubunsod din ng kumpetisyon na ito
ang lalong pagkasadlak ng mga likhang sining sa pamantayang komersyal at kolonyal para
makapatas sa mga imported na likhang sining at pamantayan ng kahusayan. Naging laganap din
ang pamimirata ng mga nais kumita ng malaki sa mababang kapital. Habang sa isang banda, ang
panggagaya ay kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang
dayuhan o anila’y “global” na panlasa, ang pamimirata nama’y malupit nilang nilalabanan sa
larangan ng intellectual property rights dahil umuuk-ok ito sa kanilang tubo. Nagkakaroon din
ng impluwensya o kontrol ang pribadong korporasyon sa mga likhang sining sa pamamagitan ng
pagpondo nito sa mga ahensyang pangkultura at mga grupo o indibidwal na artistang hindi
nakatatanggap ng suporta mula sa gobyerno. Ang ganitong kalagayan ay lalong pang dadausdos
kapag naisulong ang mungkahing charter change ng administrasyong Arroyo kung saan kabilang
ang pag-alis ng mga restriksyong pang-ekonomya sa dayuhang pagmamay-ari.

Sa hanay ng kultura, itinuturing na world-class ang mga nagkamit ng parangal mula sa


mga dayuhang institusyon. Hindi masamang makilala ang kakayanan ng Pinoy sa ibayong-dagat.
Ngunit kung ang gagamiting pamantayan ng pag-unlad at kahusayan ay nakabatay sa kulturang
maka-dayuhan gaya ng laganap sa ating mga palabas, musika, atbp. mas malaki ang pinsala nito.
Anti-nasyunal na kaisipan ang kabilang mukha ng “world class culture”na nagmamaliit at
nagbabansot sa halip na nagpapayabong sa kulturang Pilipino. Maging ang sistema ng edukasyon
ay hinuhubog ding maging world-class. Kinakailangan daw ito para maging competitive o
makipagtapatan sa pandaigdigang kumpetisyon. Sa mga paaralan, pilit inaayon ang mga kurso at
aralin na maghuhubog ng mga susunod na manggagawang skilled at english speaking para sa
mga multinasyunal na kumpanya na nagdidikta ng kung ano ang kailangan nilang trabaho. Sa
kasalukuyan laganap ang call centers, kung saan maraming kabataan ang namamasukan bilang
kontrakwal. Inihahanda rin ng ganitong mga patakaran sa paaralan ang mga susunod na OFWs
na pinagkakakitaan ng pamahalaan.

Ang cultural diversity o ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang pagtingin
na may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na igalang, protektahan at
paunlarin ang mga pagkakaibang ito. Subalit ang pakahulugan sa cultural diversity – na
itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming
produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura. Binibigyan ng halaga na parang sa palengke ang
mga “kakaiba,” ispesipiko, “walang katulad,” at exotic na kultura. May pagromantisa pa sa
samu’t- saring tribo at komunidad na nagsisilbing materyal para saimahinasyon at pantasya ng
“mas maunlad” na sibilisasyon.Hungkag ang ganitong konsepto ng ”cultural diversity”
sapagkathinihiwalay ang kultura sa kinaiiralan nitong panlipunangkonteksto. Mapananatili ba ng
mga katutubo ang kanilang kultura kung sila ay sapilitang inaalis sa kanilang lupain? Sa anong
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
antas makikipagturingan nang matino sa mga Muslim kung patuloy silang itinatakwil at
binabansagang terorista?

Laganap ang samu’t saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga
lokalidad at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa . Sa isang banda
nakabubuti ang turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na
makilala ang mayamang kultura sa ating bayan .Ngunit kung ang pangunahing layunin ay kumita
ng pera, nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa
pinagkakakitaan ang kultura, mas masahol ang usapin ngpanghihimasok sa isang kultura at ang
artipisyal na pagpoprosesodito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa
hindi, nababago sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. Sa praktika ng
gobyerno, ginagamit nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan. Sa isang banda, sinusuportahan
nito ang produksyon ng mga tradisyunal na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at paghihikayat ng
gobyerno sa pagpasok ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa
mga kababayang tumutugon sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal
na produksyon.

Ang tinaguriang “kulturang popular” ba ay tunay na kultura ng masa? O nagiging popular


ito dahil pilit itong ipinamumudmod sa masa, hinuhubog ang kanilang panlasa hanggang sa
tanggapin na nila ito bilang sariling kultura? Ang mga eksena mula sa palabas na Wowowee at
iba pang gameshow ay nagpapakita ng matinding desperasyon ngnapakaraming maralitang
Pilipino . Pinapalaganap nito ang pantasya na “suwerte” at kagandahang-loob ng iba ang sagot sa
kahirapan ng masa. Inilalako nito ang hungkag na pag-asa sa milyon-milyong tagapanood,
kasabay ng mga produkto ng mga malalaking kumpanyang isponsor ng mga palabas na ito, sila
na kumikita ng limpak-limpak sa pagtangkilik ng masa. Gayundin, hungkag na kaligtasan ang
nilalako ng mga fantaserye at telenovela, gawa man dito o dinub mula sa ibang bansa, Sa mga
palabas na ito, hindi sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga
masasamang nilalang. At ang katubusan ay nasa balikat ng mga indibidwal na may kakaibang
mga kapangyarihan, mga superhero, hindi sa kolektibong pakikibaka ng mga inaapi at
pinagsasamantalahan. Ito ang artipisyal na kulturang popular na “ibinebenta” ng industriyang
pangkultura ng mga lokal na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili. Dahil ang
mga lokal na naghaharing uri at imperyalismo ang may hawak ng halos lahat ng mayor na
industriya sa kultura at sining (musika, pelikula atbp.) sila ang nagtatakda kung ano ang
isinasalaksak sa isipan at panlasa ng masa. Sila ang nagtatatak na pangmasa ang ganitrong
kulturang mapang-alipin. Sila ang nagpapanatiling mababaw o tanga ang masa – habang umaani
ng tubo mula sa mga produktong kanilang ibinebenta sa masa.

Patuloy ang paglipas ng panahon ngunit tila ba isang iglap lang ay natapos ito na waring
walang naganap na tuwirang pagbabago sa lipunan. Maraming Pilipino ang nangarap ng
katiwasayan sa pamumuhay ngunit bigo pa rin ang karamihan. Ano ba naman ang simpleng
buhay na dapat makamit ni Juan dela Cruz? Maayos na trabaho, masarap na pagkain sa lamesa,
magarang damit na maisusuot, maipagamot ang iniindang sakit sa katawan, at iba pa. Marahil
ang mga pangarap na ito ay patuloy na sumasalamin sa sakit ng lipunan, na umuugat sa bulok na
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
sistemang politikal na siyang patuloy na nagpapahirap sa ating mamamayan. Ito marahil ang
dahilan kung
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
bakit marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang
matugunan ang pangangailangan at makamit ang minimithing katiwasayan ng pamumuhay.
Isang halimbawa ng pangyayaring ito ay ang pag-uwi sa Pilipinas ng marami sa ating mga
kababayan mula sa Taiwan dahil sa pagkalugi ng mga pagawaan at pabrika na nakadepende sa
ekonomya ng Amerika. Alam naman natin kung gaano kalaki ang lawak ng impluwensya ng
bansang Amerika sa kanilang pangangalakal sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Dahil sa
hinaharap na krisis pang- ekonomiya, ang Estados Unidos ay nasasadlak sa matinding
problemang pinansyal. Dahil dito, marami ang patuloy na nawawalan ng trabaho ‘di lamang sa
Amerika kundi sa buong mundo. Tiyak na marami ang tuwirang maghihirap lalo pa’t wala
namang programa ng pamahalaan na tutugon sa krisis na ito. Marami sa ating mga kababayan
ang umaalis na buo ang pangarap at matayog ang mithiin na makamit ang matiwasay na
pamumuhay, nangutang ng “placement fee” subalit umuwing bigo at sawimpalad. Sa totoo lang,
masaklap ang hinaharap nating lahat ngayon dahil sa patuloy na krisis pinansyal na humahagapit
sa buong mundo. Sang-ayon sa isang ekonomista sa Pilipinas hindi pa raw tuluyang nararanasan
ang krisis na ito sa Pilipinas. At ‘pag tinamaan daw nang husto ang ating bansa, marami ang
mawawalan ng trabaho, at patuloy na pagkalulong sa kahirapan ng ating mamamayan. Sa mga
kagalang-galang na mga politiko natin na maayos ang pamumuhay dahil sa karangyahan at
katanyagan, ‘di nila alintana ang kalunos-lunos na sinasapit ng ating mga kababayan sa kabila ng
mapagkutyang kahirapan. Patuloy pa rin ang kanilang kahangalan at kahibangan sa pagkalasing
sa kapangyarihan. Ano ba ang kailangan para magising sila sa katotohanan na sa serbisyo
publiko ay inuuna muna ang kapakanan ng mamamayan bago ang sarili? Kung buhay lang siguro
si Gat Jose Rizal, baka lalo siyang masuklam sa nakaririmarim na kalakalan sa politika sa ating
bansa. At dahil dito, baka makapaglimbag pa nga siya ng bagong serye sa kanyang librong Noli
Me Tangere at El Filibusterismo. Ilan sa mga iniwang pamana ni Rizal sa mga Pilipino ang: “di-
makasariling pamumuhay, pagmamahal sa kapwa higit pa sa sarili, pagkakakawang-gawa,
pagsasakripisyo, pagkamatulungin, mainam na pakikipag-kapwa tao at pagmamahal sa sariling
bansa." Lahat ng ito’y waring nauugat sa kulturang Pilipino pero unti-unting naglalaho na parang
bula sa pag-ikot ng kaunlaran. Sadyang mahirap na buwagin ang ‘di-magandang sistemang
nakaukit na sa ating kultura. Maihahalintulad ito sa dugo na nanalantay sa ating katawan na
siyang nagbibigay ng buhay sa atin; “ang sistemang kultural na siyang bumubuo sa ating
kamalayang Pilipino ay kumakatawan ng ating pagkakilanlan sa mundo. Masasabing ang
Pilipino ay malikhain pero mapanira; mapagmahal pero mapag-imbot; matulungin sa kapwa
ngunit nakikitaan ng ‘utak talangka’; mapagpakumbaba datatpwa’t nagpapayabangan sa isang
banda; at matalino subalit ‘di mapanuri sa mga isyung sosyal sa lipunan." Ang mas
nakasusuklam ay ang ating ugaling pagwawalang-bahala sa mga kritikal na isyung sosyal sa
ating bansa. ‘Di kagaya noong nakaraang dekada kung saan ang mga Pilipino ay mapanuri sa
mapang-aping pamahalaan at nagkaisang gumawa ng makasaysayang “People Power". Ano ba
ang nangyari magmula noon? Tila ba napagod na ang mamamayan sa kanilang pakikibaka sa
mapang-aping gobyerno. Mas kuntento na lang ang karamihan na punan ang kumakalam na
sikmura kaysa ipaglaban at ituwid ang baluktot na sistemang politikal. Ang iba naman ay
talagang hindi na umaasa sa posibleng magbabago ng ating lipunan. Sadyang ito ang
pinakamasaklap sa lahat – kung ang bawa’t isa sa atin tuluyang mawalan ng pag-asa na makamit
ang pagbabago, saan kaya tayo dadalhin ng tadhana? Mas pipiliin pa ng iba na mag-shopping na
lang kaysa makibahagi sa politikal na proseso. Halimbawa, marami ang nakilahok sa protesta
laban sa gobyerno sa Maynila. Pero mas marami naman ang ipinagwalang-bahala ito.
Pinapatunayan lamang na wala na sa atin ang makabayang kamalayan, dahil napagod na rin
marahil ang mamamayan sa paulit-ulit na mala-sarsuwelang pangangalakal ng ating pamahalaan.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
Mas sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
nakatutok pa nga ang karamihan sa pamimili sa mga shopping malls! Kung tutuusin, tayo’y mga
Pilipino ay lubusan ang ating pagkahumaling sa mga bagay-bagay na kumpuni o ginawa sa ibang
bansa. Tahasan nating iniiwasan ang mga lokal na produkto kasi sa ating kamalayan ito’y
madaling masira at ‘di maganda. Kaya hayun naglipana ang mga “imported goods" na
kumukumpitensya sa ating mga lokal na produkto. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ito ang
siyang pangunahing dahilan kung bakit unti-unting nawawalan tayo ng kumpiyansa ng sariling
atin. Kahit anong bagay na gawa sa atin ay ‘di gaanong pinahahalagahan. Pero kung tutuusin,
marami sa mga produkto na ibinebenta sa Amerika ay gawa sa Pilipinas. Nagpapatunay lang na
mataas ang kalidad ng ating teknolohiya. Nararapat na siguro nating baguhin ang maka-
dayuhang pag-iisip at iwaksi ang ating mapanirang “colonial mentality." Dahil dito, hindi tayo
makausad sa ating pagkakasadlak sa banyagang kultura. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala
tayong tuwirang pagkakakilanlan sa buong mundo. Kumbaga, gaya-gaya na lang tayo sa kung
ano ang uso sa Amerika, o sa ibang bansa. Kalunos-lunos ika nga ang ating sitwasyon. Sana’y
lubusan nating isabuhay ang magandang asal ng Pilipino na magpapatibay sa ating
pagkakakilanlan – ang pagpapahalaga sa yaman ng ating kultura.

“Massive reorientation and education' ang sagot. 'Maraming durugista na mahirap....


Kailangang sagutin 'yun. Hindi puwedeng patayin lang sila o ikulong.” Ito ay ayon sa
tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Dr. Virgilio Almario. Sa gitna ng mga
pagbabagong dulot ng bagong administrasyon, ipinaalala ng Pambansang Alagad ng Sining na si
Virgilio Almario na hindi sagot ang pagpatay upang lutasin ang mga problema sa lipunan.
Pinaigting ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa droga simula nang maupo siya
sa puwesto. Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 612 suspek na sangkot sa droga ang napatay sa mga
operasyon ng pulisya. Tinataya namang 576,176 ang sumuko na sa mga awtoridad. Marami na
ang nag-udyok kay Duterte na imbestigahan o ipatigil ang mga nangyayaring pagpatay na may
kaugnayan sa droga. Hinikayat naman ni Almario hindi lamang ang pamahalaan kung hindi
maging ang publiko na tumulong sa "reorientation" upang mas maintindihan nang maigi ang mga
problema sa lipunan. Nagbago man ang administrasyon, tuloy-tuloy pa rin ang komisyon sa
pagpaplanong pangwika na sinimulan nito noong 2013 at magpapatuloy hanggang 2020.

Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ito'y alinsunod


sa pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang wika kung hindi ito gagamitin.
Dahil dito, ang pakiwaring pabayaan munang umunlad ang wikang Filipino bago ito gamitin ay
isang uri ng pag-iwas sa tungkuling makibahagi sa pagpapaunlad ng ating wika. Ang tanging
dahilan kung bakit maraming salitang Ingles ang wala pang katapat o katumbas na salitang
Filipino ay sapagkat sa loob ng matagal na panahon ay itinigil ang paggamit nito. Ginamit at
ginagamit pa rin ang wikang Ingles, kung kaya't ito ang puspusang umunlad. Ito ang yumabong
at lumawak; samantalang ang wikang Filipino ay mistulang naluoy at napuril dahil sa di-
paggamit.

Marami sa atin ay nagsasalita sa Ingles dahil ito ay ang pangunahing wikang itinuturo sa
mga eskwelahan. Ayon nga kay Kate Mcgeon ng BBC News: “The Philippines is fast becoming
the world’s low-cost English language teacher – with rapid increases in overseas students coming
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
to learn English or study in English-speaking universities. The main reasons that attract them are,
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
again, the cost – and the fact that, in the country’s top universities, all classes are held in
English.” Dahil sobrang laki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa wikang Ingles, ang wikang
Tagalog ay nawawalan na ng kahalagahan. Kailangan natin gamitin ang sariling wika para
maipagmamalaki natin ang pagiging Pilipino. Hindi naman sinasabi na ang paggamit ng wikang
Ingles ay masama o dapat tigilan ang pagturo ng Ingles sa eskwelahan, ngunit dapat mas madalas
tayong gumamit ng sarili nating wika sa pagsasalita. Ipinagmamalaki natin ang ating wika sa
mga panahon na nagsasalita tayo sa Tagalog.

Sa isang pag-aaral na ginawa ni Jeyson Taeza, napag-alaman na ang pangunahing


suliraning kinahaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino ay ang pagpapalit nila
ng ilan sa mga tunog o ponema na wala sa kanilang salita sa mga tunog na nagagamit sa wikang
Filipino. Isang umiiral na suliranin din ay ang pagdala nila ng intonasyon, tono at diin ng
kanilang unang wika kapag nagsasalita ng Filipino. Natukoy din sa pag-aaral na ang
pangunahing epekto ng mga suliraning ito sa kanilang pag-aaral ng mga asignaturang Filipino ay
ang pagkawala ng ng kanilang interes sa mga asignaturang Filipino. Dahil sa takot na magkamali
at pagtawanan ay pinipili na lang ng mga Kalinga na manahimik at mahiya kapag nagsasalita ng
wikang Filipino sa loob ng silid-aralan. Napag-alaman din na sa pamamagitan ng mas maagang
pagtuturo ng wikang Filipino ay maaaring masolusyunan ang mga suliraning ito. Malaki din ang
gampanin ng guro sa pagbibigay-motibasyon sa mga mag-aaral upang hindi tuluyang mawala
ang kanilang interes na pag-aralan ang Filipino.

Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa wikang Filipino, maaaring panoorin ang isang
dokumentaryo sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To

Mga Isyung Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon at iba

pa Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas

Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit
ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan dahil ayon
sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging
masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit,
kapansanan, o iba pang karamdaman. Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo,
maging mayaman man o mahirap. Walang pinipiling edad, kasarian, paniniwala o relihiyon ang
pagkakaroon ng karapatan sa kalusugan. Ito ay isa ring responsibilidad sa ating sarili at sa ating
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
kapwa – tao. Sa madaling salita, ang kalusugan ay para sa lahat at ito ay isa sa
pinakamahalagang bagay na dapat nating tinatamasa sapagkat ito ay isang kayamanan.
Masasabing ang kalagayan ng kalusugan sa ating bansa ay hindi maganda sapagkat
maraming mamamayan pa rin ang hindi nakakatanggap ng mataas na kalidad ng tulong
pangkalusugan. Sa resulta ng isang pakikipanayam sa isang Provincial DOH Officer napag-
alaman ang totoong kalagayan ng isang pampublikong ospital sa bansa.

Hallway ng Ospital

Kuwarto ng Ospital

Kapag maraming pasyente sa Ospital

Ayon sa Provincial Department of Health (DOH) Officer na ito, ang isang problema sa
sangay ng kalusugan ay nagdudulot ng mas maraming problema. Ang halimbawa nito ay
ang sobrang dami ng pagpasok ng pasyente. Dahil nga hindi mura ang magpagamot sa mga
pribadong pagamutan, lagpas kalahati ng ating populasyon ang pinipiling magpagamot sa mga
pampublikong ospital. Kung saa'y nagreresulta sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya
ng gamot at kakulangan sa mga tauhan. Bunga ng mga kakulangang ito, mas malaking
problema ang dumarating gaya ng paglalabas ng pera mula sa sariling bulsa ng pasyente
kahit na libre naman ang pagpapagamot sa mga pampublikong pagamutan. Ayon sa DOH
officer, hindi maiiwasan ang pagkaubos ng gamot sapagkat hindi sapat ang dumarating na
pondo para sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente. Binanggit din niya ang kakulangan
sa pasilidad gaya ng mga kwarto at mga hospital bed kung kaya’t napipilitan ang mga
namamahala sa pagamutan na ipuwesto ang mga pasyente sa mga pasilyo at pahigain sa mga
folding bed. Ipinaliwanag din niya na dahil nga sa sobrang dami ng pasyente, nagkukulang ang
mga pagamutan sa tauhan. Kung kaya’t ang kalidad ng serbisyo at pag-aalaga sa mga
pasyente ay naapektuhan na siya ring magreresulta sa pagiging masungit ng mga tauhan ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon
pagamutan. sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Ayon sa resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia, 63% ng mga Pilipino ang itinuturing
na pangunahing pangangailangan ang kanilang kalusugan. Gayunpaman, ang sistemang
pangkalusugan sa Pilipinas ay hindi gaanong nabibigyang importansiya. Ayon sa Department of
Health, noong 2009 ay may kabuuang 94,199 hospital beds ang Pilipinas; ito ay 1.04 na kama sa
bawat isang libong Pilipino. Ito ay mababa kung ikukumpara sa rekomendasyon ng World
Health Organization (WHO) na 20 hospital beds sa bawat 10,000 ng populasyon. Mula sa mga
datos na ito, makikita agad na talagang kulang ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang
ospital at iyon ang hospital beds.

Mula naman sa dokumentaryong, "Lunas na 'Di Maabot" ng Reporter's Notebook,


tinalakay ang kakulangan sa mga gamot at tauhan ng isang barangay health station na nagsisilbi
ding pagamutan para sa tatlo pang barangay. Sa dokumentaryong ito, ipinakita ang istorya ng
isang ina na tinitiis ang kit na dulot ng bukol sa kaniyang dibidib. Bawat sentimong kanilang
kinikita ay mahalaga kaya naman dahil kapos, hindi nakapagpasuri agad ang ina sa isang doktor.
Ngunit sa tulong ng kanilang lokal na pamahalaan, matagumpay na natanggal ang bukol sa
kaniyang dibdib. Gayunpaman, kailangan niya ng gamot upang tuluyang gumaling. Subalit, ang
kanilang inaasahang tulong mula sa kanilang barangay health center ay hindi naibigay. Kulang
ang mga gamot at wala ring permanenteng midwife sa kanilang lugar. Dahil dito, makikita na
hindi desentralisado ang mga institusyon para sa panggagamot dahil hindi sapat ang mga health
centers sa bawat barangay sa buong Pilipinas. "Ika nga, "Ang unang takbuhan ng mga
residenteng may karamdaman ay malubha rin ang kalagayan."

Hindi lang sa mga health center ang may kakulangan sa tauhan ngunit katulad sa mga
nakuhang sagot mula sa panayam, ang mga doktor, nars, at iba pang nasa medikal na propesyon
ay kulang ayon rin kay Sen. Sonny Angara. Base sa tala ng Philippine College of Physicians,
dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao.
Tulad sa isyu ukol sa hospital beds, malayo ito sa rekomendasyon ng WHO na dapat ay hindi
bababa sa 23 na medikal na propesyonal ang nakalaan para sa sampung libo na ito.
Nakababahala rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon.
Dahil dito, ang panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay
kinakailangan ng agarang pagpasa ayon kay Angara. Hindi lamang ito makatutulong sa mga
mahihirap na nais na makapag-aral ngunit maaari din itong solusyon sa kakulangan sa tauhan.

Kung susuriing mabuti, hindi nabibigyan ng mataas na kalidad ng serbisyo ang bawat
pasyente maging sa mga pampublikong ospital o sa mga institusyong pangkalusugan dulot ng
kakulangan sa pasilidad. Gaya na lamang sa "Hospital X", na ayon sa provincial DOH officer
nito'y ang ospital ay may kakulangan sa pasilidad (gaya ng gamot, tauhan, kagamitan gaya ng
mga hospital beds at kwarto) at kakulangan sa pondo, pangkalap ng mga medisina at pangpaayos
sa istraktura ng ospital dahil ito ay binabaha tuwing may malakas na bagyo na siyang
nakapagdudulot ng mababang kalidad na serbisyo lalo't para sa mga pasyenteng kailangan ang
mabilis na pagtugon sa karamdaman. Ngunit, hindi lang dito ang pangunahing pinagmumulan ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon
problema, maaari rin sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
ito'y magmula sa istatus sa lipunan kung saa'y hirap makatugon ng sapat na kalusugan ang
mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman.

Bunga ng mga ganitong pagkakataon o pangyayari ang nagbibigay-daan upang


maisulong ang mga iba’t ibang institutusyong pangkalusugan (gaya ng Silungan Pag-asa at
Guanella Center, inc.) na siya namang tumutugon sa kakulangan ng serbisyong naibibigay mula
sa mga pampublikong ospital, ngunit, maging dito'y may nangyayari pa ring kakulangan sa
pondo nila kung kaya't hindi ganoong karaming pasyente ang natutulungan.

Kung iisipin, nang dahil sa kakulangan ng pasilidad, pondo at hindi maayos na istruktura
ng ating takbuhan para sa kalusugan, na imbis tayo'y maibsan ng problema'y tila naragdagan pa
ito at hindi nalang din nakatutulong sa atin. Ngunit, saan nga ba nagmumula ang mga
problemang ito ng mga mamamayang may pangangailangang pangkalusugan? Hindi ba't bilang
isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay prayoridad dapat ng bawat isa ang pagkakaroon ng
maayos at mabisang serbisyo ng kalusugan, hindi lamang ang may mga pera ang dapat
makinabang sa benepisyong ito dito dahil tayong lahat ay may karapatang mabuhay na nararapat
lamang masubaybayan ang estado ng kalusugan.

Tungkol sa Kalusugan ng Kaisipan at mga Problema Ukol sa Kalusugan ng Kaisipan


Kabilang sa kalusugan ng kaisipan ang paghahanap ng panimbang sa lahat ng panig ng
inyong buhay — pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin, at pang-espirituwal. Ito ang
kakayahang masiyahan sa buhay at harapin ang mga hamon na inyong hinaharap arawaraw —
kabilang man dito ang pagpili o ang paggawa ng desisyon, pag-angkop at pagkaya sa mabibigat
na suliranin, o ang pagpapahayag ng mga pangangailangan at mga pagnanais. Habang ang
inyong buhay at ang mga pangyayari ay patuloy na nagbabago; ganoon din ang inyong
kondisyon ng kalooban, pag-iisip, at kapakanan. Mahalaga ang humanap ng panimbang sa
inyong buhay sa pana- panahon at sa iba't ibang sitwasyon. Natural na maramdamang wala kayo
sa tamang panimbang paminsan-minsan: halimbawa, malungkot, nag-aalaala, natatakot o
naghihinala. Ngunit maaaring maging problema ang mga damdaming ito kung nakasasagabal sa
inyong pang-araw-araw na pamumuhay nang mahabang panahon.

Maraming mga paniniwala kung bakit ang mga tao ay may mga problema sa kalusugan
ng kaisipan. Ayon sa mga siyentipikong pagsusuri, maraming malubhang problema sa kalusugan
ng kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak. Naniniwala din ang mga propesyonal
na ang iba't ibang mga sanhi na may kaugnay sa sikolohiya, lipunan, at kapaligiran ay
nakaaaapekto rin sa kaniyang kapakanan. Ang kalusugan ng kaisipan ay naaapektuhan din ng
pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin at pang-espiritwal na mga bahagi ng buhay. Ang
stress ay nakaaaapekto sa kakayahan sa kahit anong bahagi o sa lahat ng mga bahaging ito at
maaaring pahirapan nito ang pangangasiwa ng tao sa pang-araw-araw na niyang gawain. Maaari
siyang mahirapan dahil wala siyang mga bagong kasanayan at impormasyon na maaaring
makatulong sa kaniya.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Maaaring nagpupunyagi kayo sa mga kahirapan gaya ng (1) pagdidiborsyo; (2)


pagkamatay ng isang minamahal sa buhay; (3) pagkakaroon ng aksidente sa sasakyan; (4)
pagharap sa isang problema sa kalusugan; (5) paglaki sa isang bansang may digmaan, pag-alis sa
bansang inyong pinanggalingan, o pag-angkop sa bagong bansa (kadalasan, ito'y may kaugnayan
sa mga karanasan sa imigrasyon at resettlement); (6) pagharap sa rasismo o iba pang klase ng
paghatol nang may pagkiling (prejudice) (dahilan sa orientasyong sekswal, edad, relihiyon,
kultura, class, atbp.); (7) pagkaroon ng mababang sahod o ang kawalan ng tahana; (8) hindi
pagkakaroon ng kapantay na pagkakataon sa pagtatamo sa edukasyon, gawain, at pangangalaga
ng kalusugan; (9) pagkakaroon dati ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan sa pamilya, o
(10) pagiging biktima ng karahasan, pang-aabuso, o iba pang trauma. Ang kalusugan ng kaisipan
ay maaari ding maapektuhan ng kung gaanong pagmamahal, suporta at pagtanggap ang
nakukuha ng isang tao mula sa kaniyang pamilya at sa iba pa. Mahalagang malaman na hindi
pare-pareho ang pagtingin ng lahat ng kultura sa kalusugan ng kaisipan. Halimbawa, may
paniniwala sa ibang bansa na ang mga taong may schizophrenia ay may mga espesyal na
kapangyarihan at mga kaalaman. Ang pag-inom ng alak at paggamit ng ibang droga ay hindi
kadalasang nagiging sanhi ng problema sa kalusugan ng kaisipan. Ngunit madalas silang
ginagamit upang makatulong sa paglutas sa problema. Maaaring mapasama pa nila ang problema
sa kalusugan ng kaisipan. Kailangang magtulungan ang mga mamamayan at ang mga
tagapangalaga ng kalusugan na kilalanin ang problema, malaman kung ano ang maaaring naging
sanhi o nakadaragdag sa mga paghihirap ng mamamayan, at kung paano sila matutulungan. Ano
man ang sanhi, dapat na malamang hindi kasalanan ng tao ang mga problema sa kalusugan ng
kaisipan. Walang nagnanais magkaproblema.

May iba’t ibang uri ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan Kadalasan ay iba-iba ang
hugis at klase ng mga problemang ito sa iba't ibang panahon. May mga taong nalulumbay nang
malubha (depressed). May iba namang nababalisa at natatakot. Maaaring magpakita ang isang
bata sa klase ng asal na di-pangkaraniwan o umiwas sa iba. May mga di-gaanong kumakain. At
may mga sumosobra naman ang pagkain. Ang ilan ay umiinom ng alak o umaasa sa ibang mga
droga bilang pampamanhid sa mga masakit na damdamin. At ang ilan naman ay nawawala ang
panghawak sa katotohanan. Halimbawa, maaari silang makarinig ng mga boses, makakita ng
mga bagay na wala doon, o maniwala sa mga bagay na hindi totoo. Ang iba ay nag-iisip
magpakamatay
— at ang iba ay talagang nagpapakamatay. May mga nagiging magagalitin at agresibo. At may
ilan din namang nagkakaroon ng trauma dahil sa isang pangyayari, gaya ng grabeng aksidente sa
sasakyan o dahil sa isang problema na pinagtiisan nang mahabang panahon, gaya ng abuso nang
ilang taon habang bata pa sila. Maraming tao ang mayroong higit pa sa isa sa mga problemang
ito. Ang mga problema sa kalusugan ng kaisipan ay babalik lagi o hindi kailanman mawawala.
Marami nang mga taong nakapanunumbalik sa mga hamong ito. Maraming taong may mga
problema sa kalusugan ng kaisipan na gumagaling sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
sariling lakas at kakayahan (resilience), suporta ng pamilya at mga kaibigan, psychotherapy, mga
paraan upang bawasan ang kanilang stress, at gamot, kung kinakailangan. May mga taong
lumuluwag ang kalooban kapag nalaman nila kung paano kinikilala ng mga doktor ang kanilang
mga problema. Maaaring magalak silang makakuha ng pagsusuri na nagbibigay ng palagay kung
ano ang diperensiya at nagbibigay ng mga mungkahi kung paano maaaring bigyang lunas ang
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipinong tulong kung
kanilang mga problema. Ngunit may iba naman na maaaring hindi makatagpo
malaman ang resulta ng pagsusuri. Maaaring ituring nila ito bilang isang marka o
kategoriya na hindi
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
naglalarawan ng kanilang sitwasyon. O kaya'y maaaring naniniwala sila na ang kanilang
kondisyon ay dahil sa mahihirap na pangyayari sa kanilang buhay at hindi sakit. Sa katotohanan,
may mga taong nasusuri nang mali at pagkatapos ay mali ang ibinibigay sa kanilang panlunas.
Minsan ay napakaraming beses nang nagpapalit-palit ang pagkakasuri sa kanilang kalusugan ng
kaisipan sa loob ng maraming taon kaya't nawawalan na sila ng tiwala sa sistema. Ngunit ang
tamang pagsusuri ay nakatutulong naman sa iba na makapili ng tamang panlunas at nauuwi ito sa
pinakamahusay na pag-aalaga.

Samantala, pormal nang nilagdaan ng mga pinuno ng Department of Science and


Technology at Department of Health (na sina Secretary Mario Montejo ng DOST at Secretary
Enrique Ona ng DOH) ang kasunduan (DOST-DOH Memorandum of Agreement noong Abril
14, 2011) para sa magkatuwang na pagbuo ng solusyon sa mga pangunahing suliraning
pangkalusugan sa bansa.

Una rito ay ang partnership ng dalawang ahensiya sa malawakang pamamahagi ng


Mosquito Ovicidal/Larvicidal Trap system upang sugpuin ang dengue sa bansa. Maliban sa
200,000 OL Trap kits na ipinamahagi noong Pebrero, ang DOST sa pamamagitan ng Industrial
Technology Development Institute ay may karagdagang 500,000 kits para sa 125,000 na
kabahayan. Ayon kay DOST Secretary Mario G. Montejo, “ito ay patunay na ang pamahalaan ay
seryoso sa kampanya nito na pababain ang bilang ng dengue cases sa bansa.” Ang bawat isang
kabahayan na tinukoy ng DOH ay makatatanggap ng apat na kit at anim na buwang libreng
supply ng organikong pellet.

Idinagdag pa ni Montejo na dahil sa karagdagang OL Trap kit, matutugunan na ang mga


pangangailangan sa mga lugar na mataas ang insidente ng dengue, at mas mapag-aralan ang mga
ito. Bukod pa rito, ang DOST at DOH ay magtutulungan upang mapaganda ang serbisyong
health care sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar sa pamamagitan ng National Telehealth
Service Program (NTSP). Layunin nitong iugnay ang mga duktor sa mga baryo sa espesyalista sa
pamamagitan ng information and communication technology gaya ng cellphone upang magawa
ang pagsusuri ng mga eksperto base sa mga impormasyong ipadadala ng duktor na tumitingin sa
pasyente. Nakatakdang ipatupad ang programang telehealth upang matugunan at matulungan ang
mga health worker at mga duktor sa kanayunan upang makapagbigay ng mahusay na serbisyong
medikal lalo na sa fourth hanggang sixth class na munisipalidad. Ipinahayag din ni Montejo na
kung ang bawat ahensiya ng pamahalaan ay magtutulong-tulong lamang, maaaring makahanap
ng mga kasagutan sa mga naglalakihang suliranin ng bansa at sa pinagsama-samang kakayanan,
napagaganda ang pagbibigay serbisyo sa kapwa.

Isa pa sa sulliraning kinahaharap ng bansa ang malnutrisyon na bunga ng kawalan ng


sapat na sustansiya ng pagkaing kinakain sa pang-arawa-araw na pamumuhay at ang kahirapan
na maipamahagi ang mga nararapat na kaalaman ng tao sa kahalagahan ng nutrisyon sa kanila.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapataas ang antas
ng kaalaman ng tao sa tamang nutrisyon. Nagsasagawa rin ng tinatawag na feeding program ang
pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon.

Sinabi sa isang link (http://kalusugan.ph/malnutrisyon, n.d.) na lumabas sa pag-aaral ng


ilang respetadong institusyon na ang mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay mga
salik na nakaaapekto kung bakit ang sustansiyang kailangan ng isang pamilya sa kanilang
kinakain ay hindi sapat. Ang mataas na presyo ng bilihin sa merkado ay mga salik din na
nakaaapekto sa kanilang pamimili ng masusustansiyang pagkain. Dagdag pa rito ang panganib na
nakaamba sa mga biktima ng kalamidad na sila ay maging biktima rin ng malnutrisyon.

Kagutuman at malnutrisyon ang pinakanakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig


samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga bata sa
kalahati ng lahat ng kaso batay sa ult ng World Health Organization (The Starveings,2011).

Isa sa mga pangunahing usapin sa larangan ng kalusugan ay ang HIV o Human


Immunodeficiency Virus. Ito ay isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon ng human
immunodeficiency virus. Walang makikitang sintomas ng sakit ang taong may impeksyon nito
maliban sa simpleng trangkaso. Habang patuloy na kumakalat ang impeksyon, higit nitong
sinasalakay ang immune system, na lalong nagpapataas sa tsansa ng pagkakaroon ng karaniwang
impeksyon katulad ng tuberkulosis, opportunistic infections, at tumor na bihirang dumadapo sa
isang tao na may maayos na immune system. Tinatawag na AIDS o Acquired
ImmunoDeficiency Syndrome ang impeksyon sa pinakahuling estado nito na karaniwang
kinasasangkutan ng hindi inaasahang pagbaba ng timbang.

Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain: (1) pakikipagtalik na


walang proteksyon ( anal at oral); (2) kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo; (3)
hypodermic na karayom; (4) mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina; at (5)
pagpapasuso. Ang laway at luha naman na nanggagaling sa katawan ng tao ay hindi
makatutulong sa pagsasalin ng HIV tungo sa ibang indibidwal.

Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng (10 ligtas na pakikipagtali; (2) programa para sa
pagpapalitan ng karayom; (3) paggagamot; at (4) pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata
sa panahon na ito ay ipinagbubuntis. Tandaan na ang antiretroviral na gamutan ay makatutulong
lamang sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang magkaroon ng inaasahang normal na pamumuhay
ang bata.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Sa hulling tala ng Department of Health (DoH) ay umabot sa 871 ang


natuklasang bagong kasong Human Immunodeficiency Virus (HIV) na kung
san ang 131 dito ay nasa nauunang estado ng impeksyon. Sinabi ng HIV/AIDS
Registry of the Philippines (HARP) na ang tala ng HIV noong nakaraang taon
ay 848.

Sinabi pa rin sa ulat ng HARP na 96 na bahagdan ng mga may


impeksyon ay mga lalaki na ang average na edad ay 27. Pakikipagtalik ang
pangunahing

Tinatayang nasa 36.7 milyong katao noong 2016 ang mayroong HIV na nagresulta sa
kamatayan ng nasa 1M tao.

Malaking usapin sa lipunan ang sakit na ito na naging ugat ng maraming diskriminasyon
at epektong pang-ekonomiya. Bunga ng maling edukasyon o kakulangan ng kaalaman hinggil sa
sakit na ito ay ang paniwala ng taong maaaring mahawa kahit sa ordinaryong pakikipag-usap
lamang. Kontrobersiya din ang sakit na ito sa posisyon ng simbahan na tutulan ang paggamit ng
condom bilang proteksyon sa pakikipagtalik.

Ang sakit ng Dengue ay nanggaling sa virus na dengue na dala ng kagat ng lamok, sa


isang tropikong bansa na katulad ng Pilipinas. Ang sintomas nito na karaniwang makikita simula
tatlo hanggang labing-apat na araw matapos ang impeksyon ay ang (1) mataas na lagnat; (2)
pananakit ng ulo; (3) pagsusuka; at (4) pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.

Ipinakilala ang vaccine na dengvaxia na may layuning bigyan ng


proteksyon ang daang libong mga batang mag-aaral laban sa nakamamatay na
dengue. Nasa sampung bahagdan ng mahigit sa 800 mag-aaral ang
binakunahan ng dengvaxia, bagama’t hindi pa nila nararansan ang magkaroon
ng impeksyon ngayon ay kinahaharap ang higit na mapanganib na sakit batay
sa ulat ng manufacturer o gumagawa ng Sanofi Pasteur. Dahil dito, ang
Department of Health ay nag-utos na ipahintulot ang programa ang bakuna
para sa dengue sa
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Pinanghimasukan ng Kongreso at ng department of Justice ang


kontrobersiyang ito na kung saan ang mga opisyal ng kasalukuyan at dating
administrasyon ang nagkakaroon ng pagtuturuan.
Noong Marso, 2016 ay inilabas ng World Health Organization (WHO)
ang isang papel na nagsasabi na maaaring ang dengvaxia ay hindi epektibo at
Noong
maaari 2014 maging
din itong ay napagtagumpayan
peligroso sa mgangseronegative
dengvaxia na kumpletuhin
(taong hindi pa ang
nagka-
lawang magkatulad na ikatlong bahagi ng klinikal na pag-aaral, na kung saan
da dengue) sa panahon ng kanilang unang vaccination. Nanawagan ang WHO nang higit
pinaghambing ang kaligtasan at pagiging epektibo ng bagong gamot. Ang
aylipinas
pang pag-aaral
ay isa sasasampung
dengvaxia.
bansa na naging bahagi ng pag-aaral na ito.
Pi

Ipinagpatuloy noong
Sa kabila nito, September,
inilunsad pa rin2016 ang programa
ng pamahalaang sa vaccination.
Aquino ang programa na
school-based
Ang Kalihimdengue immunization.ofSinabi
ng Department HealthngnaDoH na ang
si Janette bawat
Garin ay mag-aaral
nakipag- ay
bibigyan
ugnayan sa ng tatlongnoong
Sanofi doses ng gamot
ika-9 ng kada anim 2015
Hunyo, na buwan.
na babaan ang halaga ng
vaccine Sa
paraparehong buwan,
sa pagbili ng ang Medical Research Council Center for
Pilipinas.
Outbreak nalysis and Modelling sa Imperial College London ay naglabas ng
pag-aaral a nagsasabing ang dengvaxia ay maaaring magdulot ng mataas na
ng Naglabas
bilangNagpasya
aramdaman na kung
namanhindi
ang Pilipinas
ng panibagong
a maipatutupad
papel angmaayos.
magkaroong nang
WHO noong Hulyo, 2016 na
ng marketing ang denvaxia
A
noong ika-22 ang
nagsasabing ngdengvaxia
Disyembre, 2015. hindi
ay maaaring Inaprubahan ng Food
epektibo o maaaring and Drug ng
makapagdagdag
Administration (FDA) ang
n panganib na pagkaka-ospital dengvaxia
sa daratingvaccine upang
na panahon pigilan
o kaya ang pagkalat
makapagdudulot ng ng
higit
dengue Oktubre, 2016, ang Singapore
sa mga indibidwal na nasa edadHealth Sciences
siyam Authority
hanggang ay nagsabi
apatnapu’t na
limang
k na gulang
taong matnding na karamdaman
nananahan sasamga mgapeligosong
seronegative sa para
lugar panahon ng kanilang unang
sa dengue.
vaccination.

Hindi sumailalim sa pagsusuri ng Philippine National Formulary ang


dengvaxia nang pagbigyan ni Kalihim Garin ang hiling ng DoH-Family Health
ang vaccine
Office ay higit
na huwag na epektibo
na itong dumaan sa
sa mga taong dati nang nagkaroon ng dengue,
pagsusuri.
at higit na may mataas na antas ng panganib sa mga hindi pa nagkakaroon ng
impeksyon ng dengue.

Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong araw subalit
may mga pagkakataon na ang kasong ito ay nauuwi sa nakamamatay na lagnat na dengue
hemorrhagic na nagreresulta ng pagsurugo, pagbaba ng platelets ng dugo at pag-awas ng blood
plasma, o ng dengue shock syndrome na kung saan ay maaaring magdulot ng napakamapanganib
na low blood pressure.

Mabibili sa merkado sa bawat bansa ang vaccine bilang panlunas sa dengue, subalit
Kontekstwalisadong Komunikasyon
maituturing na pinakamabuting pananggalang dito ang pagiging malinis saFilipino
sa kapaligiran na
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
maaaring magresulta sa pagbabawas ng panahanan ng mga lamok at ang paglilimita sa kagat
buhat dito.

Ang adhikain ng administrasyong Benigno Aquino III na bawasan ang kaso ng


pagkamatay buhat sa dengue ay nabalot ng kontrobersiya nang ang kaniyang pamahalaan ay
pumasok ng kasunduan o kontrata sa Sanofi, ang nagmamanupaktura ng gamot laban sa dengue.

Ang pinakabagong suliraning pangkalusugan na kinahaharap hindi lamang ng Pilipinas


kundi halos lahat ng bansa sa mundo ay ang bata ng Coronavirus Disease 2019 na kilala rin sa
tawag na CoViD-19. Ano ba ang mga coronavirus? Ang Coronaviruses ay isang malaking
pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na
hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakahahawa sa mga
hayop, ngunit ang ilan ay maaari ding makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na
kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa
paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong,
o mata.

Ano ang pagkakaiba ng COVID-19 at SARS-CoV-2? Ang COVID-19 ay ang sakit na


dulot ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-
2) ay tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19 (COVID-19) ay tumutukoy sa
sakit sanhi ng virus.

Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na


unang lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa
mundo, kabilang ang United States at Pilipinas. Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga
awtoridad ng kalusugan ay nag-aaral pa tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat.

Marami na ang naapektuhan ng sakit na ito sa buong mundo. Nahihirapang mapigilan ng


mga awtoridad ang pagkalat ng sakit na ito dahil marami sa mga mamamayan ay hindi nakikiisa
at sumusunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan upang makontrol ang paglaganap ng
sakit na ito. Hindi rin mapigilan ang mga tao sa kanilang mga nakasanayang gawin tulad ng
paglabas ng kanilang mga tahanan para mamalengke o kaya ay pumasok sa kanilang mga
trabaho. At dahil hindi naman nakikita ang kalaban, at kung minsan din ay hindi naman
nagpapakita ng sintomas ang nagtataglay ng sakit na ito, palawak nang palawak ang sakop ng
apektadong lugar nito. Araw-araw ay nadaragdagan ang bilang ng tinatamaan ng sakit na ito sa
buong mundo. Bagama’t parami nang parami ang nahahawaan ng sakit na ito, ang bilang naman
ng gumagaling ay di-hamak na mas mataas kaysa bilang ng namamatay rito. Ang prayoridad na
lamang ngayon ay ang pagsasagawa ng pagsubaybay sa kalusugan ng publiko upang matukoy
ang lawak ng pagkalat na lokal. May kakayahan na ngayon na magsubok ang laboratoryo ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa
pampublikong kalusugan at ngayon ay mabilis na suriin kung ano angFilipino
nangyayari sa ating
komunidad.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Paano naman ang pagkakahawa sa mga taong walang sintomas? Dokumentado sa


maraming mga pag-aaral ang pagkalat mula sa isang tao na walang mga sintomas (paghawa na
walang sintomas), hanggang sa 48-oras bago nagsimula ang mga sintomas. Samakatuwid,
maaaring may panganib ang isang tao sa COVID-19 kung sila ay malapit na makipag-ugnay (sa
loob ng 6 na piye nang matagal na panahon) sa isang tao na nakumpirmang nahawaan ng
COVID- 19, nang hanggang 48-oras bago nagsimula ang mga sintomas. Ang mga tao ay naisip
pa ring pinakanakahahawa kapag sila ay pinakanagpapasakit (ang may sakit). Itong mga
natuklasan ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa pagpadistansya sa ibang tao
dahil ang mga taong walang sintomas ay maaaring nakakahawa.

Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang tiyak na panggamot o


pampagaling para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami sa mga sintomas.
Ang mga pasyente ng COVID-19 ay dapat magpahinga nang lubusan, uminom ng maraming
likido, kumain ng masusustansiyang pagkain, at bawasan ang stress.

Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit.
Para sa mga malubhang kaso, ang pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang
mapawi ang mga sintomas at suportahan ang mga mahahalagang pag-andar ng organo hanggang
sa gumaling ang pasyente.

Sa panahon ngayon, marami ang umiiwas sa mga taong bumabahing dahil sa pangamba
na makakuha ng virus, partikular ang bagong coronavirus. Maaaring isa sa mga sanhi ng
pagbahing ng isang tao ay dahil sa allergic rhinitis, na nararanasan ng 2 sa bawat 10 Pilipino.

Ang allergic rhinitis ay ang pamamaga ng ilong dahil sa pagkalantad sa mga allergen o
iyong mga bagay na maaaring magdulot ng allergic reaction, sabi ng pulmonologist na si Marvin
Hilaro. Ilan sa mga karaniwang sintomas ng allergic rhinitis ay ang madalas na pagbahing at
pagsinghot, at pagkati ng ilong. Isa sa mga karaniwang allergen sa labas ng bahay ay ang pollen
na nakukuha sa mga halaman, sabi ng doktor. Kabilang naman umano sa mga allergen sa loob ng
bahay ay dust mites na nakukuha sa alikabok at mga insekto. Maaari din umanong magdulot ng
allergic rhinitis ang molds o amag na nasa bahay.

Ipinaliwanag din ng doktor ang pagkakaiba ng allergic rhinitis sa kinatatakutang COVID-


19.Ayon kay Hilario, isa sa pagkakaiba ay ang allergic rhinitis ay dulot nga ng pagkalantad sa
allergen. Iba ito sa COVID-19 na ang karaniwang sintomas ay lagnat, ubo, at iba pang mga flu-
like sintomas.

Para malaman kung saan allergic ang isang tao, puwede umano siyang kumonsulta sa
isang allergologist. Maaaring sumailalim ang isang tao sa skin test, kung saan tinitingnan kung
may reaksiyon ang balat niya sa mga allergen na ilalagay sa braso niya. Kung ayaw naman
magpa-skin test, puwede ring matukoy ang allergen sa pamamagitan ng blood test. Ayon kay
Hilario, may gamot naman sa allergic rhinitis tulad ng mga antihistamine.

Nagpaalala naman ang isang social enterprise group na maging listo laban sa sintomas ng
hepatitis B sa harap ng pandemya sa COVID-19. Sa harap ito ng paggunita sa World Hepatitis
Day noong Martes, Hulyo 28. Sa isang pahayag, sinabi ng grupong HepaHealth na mas mahirap
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
na makakuha ng healthcare services ngayong may pandemya at naka-quarantine ang ilang lugar.
Para sa HepaHealth, dapat paigtingin ang kaalaman ng publiko sa Hepatitis B. Binigyang-diin ng
mga eksperto na mahalagang malaman ng isang pasyente na may hepatitis B ito lalo’t lumalabas
sa mga pag-aaral na may mga hepatitis B patients na walang nararanasan na sintomas.

Ayon sa grupo, aabot sa 90 porsiyentong tao na may Hepatitis B Virus (HBV) ay walang
nararanasang sintomas. Posibleng makuha ang Hepatitis B sa palitan ng body fluids at isa sa
pinakapangkaraniwang paraan ng paglipat ng virus ay ang mother-to-child transmission na
kadalasang nangyayari sa panganganak ng ina. Kaya giit ng grupo na dapat bigyan din ng
atensiyon pagtugon laban sa naturang sakit, lalo’t maaaring mangyari anila ito sa kahit sino.

Umakyat naman sa 16 ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa mula nang magdeklara
ng outbreak noong Setyembre ng nakaraang taon, sabi ngayong Huwebes ng Department of
Health (DOH). Kabilang sa mga bagong kasong naitala ang pinakaunang pasyente ng polio sa
Metro Manila, na isang 3 taong gulang na lalaki mula Quezon City. Bukod sa bata sa Quezon
City, kasama rin sa mga bagong kasong iniulat ng Research Institute for Tropical Medicine sa
DOH ang 2 lalaki mula Mindanao na may mga edad 2 at 3, at isang 2 taong gulang na lalaki
mula Sultan Kudarat.Hinimok naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na
pabakunahan laban sa polio ang kanilang mga anak, lalo iyong mga may edad 5 pababa.

Maituturing ang polio na isa sa mga suliraing pangkalusugan sa bansa. Ang poliomyelitis
o polio ay isang nakahahawang sakit dulot ng poliovirus. Ito ay maaaring maging sanhi ng
pagkalumpo, hirap sa paghinga, at kamatayan.

Tumaas ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa sa kabila ng pinatinding kampanya ng
gobyerno para bakunahan ang mga bata laban sa nasabing sakit. Nagtakda ang DOH ng
malawakang pagbabakuna kontra polio sa Mindanao mula Enero 20 hanggang Pebrero 2 at
Metro Manila mula Enero 27 hanggang Pebrero 7. Inatasan din ni Duque ang mga health facility
na paigtingin ang kanilang pagbabantay sa acute flaccid paralysis, na nagpapahiwatig ng
pagkakaroon ng polio. Noong Setyembre ng nakaraang taon, kinumpirma ng DOH ang
pagbabalik ng polio sa Pilipinas, 19 taon mula nang ideklara ng World Health Organization na
"polio free" ang bansa.

Bagama’t ang puso ay isang napakatibay na organ, hindi nangangahulugan na hindi ito
tinatamaan ng sakit. Kung ang mga bahagi ng puso ay may problema o pagkasira, maaaring
magkaroon ng sakit sa puso o heart disease ang isang tao. Bukod sa puso, maaari ring
magkaroon ng problema sa ibang bahagi ng cardiovascular o circulatory system gaya ng mga
daluyan ng dugo. Sa Pilipinas lamang, isa ang sakit sa puso sa mga pangunahing sanhi ng
pagkamatay ng mga tao. Kung may sakit sa puso ang isang tao, maaari siyang makaramdam ng
iba’t ibang sintomas gaya ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, iregular na pagtibok ng
puso, pagkahilo, pananakit ng ulo, pamumutla, pangangasul ng balat, pamamanas ng tiyan, binti,
at paa, madaling pagkapagod, at marami pang iba. Depende sa uri ng sakit sa puso, ilan sa mga
sintomas na nabanggit ay maaaring hindi maranasan gaya ng pangangasul ng balat at
pamamanas.

Ang sinuman ay maaaring magkaroon ng sakit sa puso at wala itong pinipiling kasarian o
edad. Kahit ang isang sanggol ay maaaring maapektuhan ng sakit na ito kung siya ay isinilang na
may problema sa puso o congenital heart defect. Maaari ring magkasakit sa puso dahil hindi
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa
malusog ang pamumuhay ng isang tao. Ang kadalasang sanhi ng sakit sa pusoFilipino
ay ang pagkain ng
maaalat at matatabang pagkain, kakulangan sa pag-eehersisyo, labis na timbang, paninigarilyo,
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
labis na pag-inom ng alak, at iba pa. Kung minsan naman, nagkakaroon din ng sakit sa puso
dahil komplikasyon na ito ng ibang karamdaman. Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ay maaaring
magdulot ng panganib sa buhay ng isang tao lalo na kung hindi ito maaagapan. Kung ito naman
ay maaagapan, maaari pang makontrol o maibsan ang mga sintomas upang gumaan ang
pakiramdam ng pasyente. Ang ibang uri ng sakit sa puso ay maaari pang malunasan sa
pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot, samantalang ang iba naman ay nangangailangan na ng
operasyon.

Ang sakit sa puso ay karaniwang isang lifestyle disease o mga sakit na nakukuha lamang
dahil hindi malusog ang paraan ng pamumuhay. Ang mga karaniwang sanhi nito ay: (1) Labis na
pagkain ng maaalat at matatabang pagkain; (2) Hindi nag-eehersisyo; (3) Labis ang timbang; (4)
Paninigarilyo; (5) Labis na pag-inom ng alak

Bukod sa hindi pagkakaroon ng malusog na pamumuhay, maaari ring magkaroon ng sakit


sa puso dahil sa mga sumusunod: (6) Congenital heart defect; at (7) Komplikasyon ng ibang
karamdaman.

Ang sakit sa puso ay nakaaapekto sa kahit sinuman subalit mas mataas ang posibilidad na
magkaroon nito kung nabibilang alinman sa mga sumusunod na grupo: (1) Pagiging matanda; (2)
Kasarian; (3) Namamana sa pamilya; (4) Altapresyon; (5) Hindi malusog na pamumuhay.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso, gawin ang mga sumusunod: Kumain
ng balanse at masusustansiyang pagkain; Mag-ehersisyo araw-araw; Panatilihin ang tamang
timbang; Itigil ang paninigarilyo; Bawasan ang pag-inom ng alak; Regular na magpatingin sa
doktor.

Kung may nararamdamang mga sintomas, agad na magpakonsulta sa doktor. Maaaring


magpasuri muna sa mga general practitioner o internist upang matukoy kung ano ang sakit na
nararamdaman. Kung ito nga ay sakit sa puso, ang doktor ay irerekomenda ang pasyente sa mga
espesyalistang doktor ng puso o cardiologist.

Ang mga nabanggit at ilan lamang sa mga suliraning pangkalusugan na naranasan ng


bansa. Sa kabila nito, nagsusumikap ang ating pamahalaan na kahit papaano ay makatulong sa
ating mga mamamayan na maitaguyod at maproteksyunan ang kanilang kalusugan. Isa sa mga
programang pangkalusugan na naisabatas na ang Republic Act 11223 o ang Universal Health
Care Law. Nilagdaan ito ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 20. Sinisiguro ng
batas na ito na ang bawat Pilipino, maging overseas Filipino worker, ay sakop ng preventive,
promotive, curative, rehabilitative, at palliative care sa pagkakaroon ng awtomatikong
pagkakasali sa health insurance program ng pamahalaan. Sa ilalim ng batas, palalawakin pa ng
Philippine Health Insurance Company (PhilHealth) ang serbisyo na sasakop sa libreng
konsultasyon, pagpapalaboratoryo at iba pang diagnostic services. Layunin din nito na mapabuti
ang doctor-to- patient ratio, mapadami ang bilang ng mga kama sa ospital at kagamitan at
makapaglagay din ng mga ospital sa mga liblib na lugar. Noong Hulyo 12, natapos na ng
Department of Health (DOH) ang ikaapat na konsultasyon sa publiko para sa pagbuo ng
implementing rules and regulations (IRR) ng batas. Ipinag-utos na sa DOH na gumawa ng IRR
ng batas sa loob ng 180 araw matapos itong maisabatas. Nauna nang sinabi ni DOH Secretary
Francisco Duque III, na ang ginawang konsultasyon sa publiko para sa pagbuo ng IRR ay
kinabilangan ng lahat ng sektor at nagbibigay
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
ng boses sa publiko. Ayon pa kay Duque, “To ensure that 106 million Filipinos benefit from the
UHC reform the soonest, we need to make sure that first, Filipinos know what to expect, and
second, the implementers (health care providers, managers, and stewards) have a clear idea of
how to implement this task.” Ang buong implementasyon ng batas ay mangangailangan ng P270
bilyon kada taon. Dagdag pa nito, para mapondohan ang UHC, kukuha ito ng parte mula sa
taunang pondo ng DOH, subsidiya ng PhilHealth sa mahihirap na pamilya, alokasyon na mula sa
Philippine Gaming and Amusement Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office,
kontribusyon mula sa mga miyembro ng PhilHealth, at sin tax na nakukuha mula sa alcohol at
tabako.

Isa pang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao


ng ating mga kababayan ang paglulunsad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang
pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong
gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang
maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer
(CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong
tao sa buong mundo. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong
ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps. Pangunahing programa ito kontra-kahirapan ng
administrasyong Aquino.

Isa sa mga layunin ng 4Ps ang social development sa pamamagitan ng pagsira sa siklo ng
kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at
edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng: (1) check-up
para sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang; (2) pagpupurga ng bulate ng
mga mag-aaral edad 6 hanggang 14; (3) pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at
hayskul; at
(4) mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.

Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan ng Pilipinas na matupad ang pangako nito sa
Millenium Development Goals (MDGs)—ispesipiko sa pag-alis ng labis na kahirapan at gutom,
sa pagkamit ng unibersal na edukasyong primarya, sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa
kasarian, sa pagpapababa ng bilang ng mga batang namamatay, at sa pagpapabuti ng pag-aalaga
sa mga buntis.

May dalawang uri ng tulong-pinansiyal o cash grant ang 4Ps na ibinibigay sa mga
benepisyaryong pamilya: (1) pinansiyang pangkalusugan: P500 bawat pamilya buwan-buwan,
o kabuuang P6,000 taon-taon; at (2) pinansiyang pang-edukasyon: P300 bawat bata buwan-
buwan, sa loob ng sampung buwan, o kabuuang P3,000 taon-taon (maaaring magrehistro ang
isang pamilya ng hanggang tatlong bata para sa programa). Ipinaaabot sa mga pamilyang
benepisyaryo ang tulong-pinansiyal na ito sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines o,
kung di kakayanin, sa pamamagitan ng mga alternatibo tulad ng Globe G-Cash remittance at mga
transaksiyon sa mga bangkong pamprobinsiya.

Upang makatanggap ng mga benepisyong nabanggit, kailangang matupad ng mga


pamilyang benepisyaryo ang sumusunod na mga kondisyon: (1) Kailangang sumailalim ang mga
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
buntis sa pangangalagang medikal bago at matapos sila manganak (pre- and post-natal care).
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Kinakailangan ding isang propesyonal na kumadrona o doktor ang magpaanak sa kanila; (2)
Kailangang pumunta ang mga magulang o tagapangalaga sa mga family development session, o
kung saan tutulungan sila kung paano maging responsableng magulang, alagaan ang kalusugan
at nutrisyon; (3) Kailangang regular na magpa-check up at magpabakuna ang mga batang may
edad
0 hanggang 5 taong gulang para maiwasan ang pagkakasakit; (4) Kailangang uminom ng
pampurga ng bulate sa tiyan ang kabataang may edad 6 hanggang 14 taong gulang dalawang
beses sa isang taon; at (5) Kailangang mag-enrol sa eskuwelahan ang mga benepisyaryong
kabataan na may edad 3 hanggang 18 taong gulang, at pumasok sa klase nang di-bababa sa 85%
ng kabuuang bilang ng klase kada buwan. Sa pakikipagtulungan ng PhilHealth, 4.4 milyong
benepisyaryo na ang naipasok ng 4Ps sa ilalim ng National Health Insurance Program.

Isa pa sa mga malulubhang suliranin ng Pilipinas ang suliranin sa transportasyon. Ayon


sa isang kilalang pahayagan sa bansa, ang Pinoy Weekly sa panayam nito sa isang commuter ng
pampublikog transportasyon, napag-alaman ang kalbaryo ng bawat commuter na araw-araw
sumasakay sa mga pampublikong transportasyon katulad ng tricycle, MRT, dyip, at bus
makarating lang sa lugar ng trabaho sa takdang oras. Kailangang bumangon nang maaga para
makapasok din nang maaga sa pinagtatrabahuhan na madalas ay huli pa rin. Mahirap din ang
sumakay sa Grab (isang transport network vehicle service o TNVS) kasi mahal ang pamasahe
rito. Minsan mapipilitan pang mag-a-Angkas (isa pang TNVS na motor ang sasakyan) kapag
may importanteng mga miting na kailangan daluhan at hindi dapat mahuli ng dating. Ilang
iskema na ang sinubukang ipatupad kaugnay nito ngunit pawang sa lahat ng pagkakataon ay
biigo.

Pinakahuling bumigo sa pangakong pagbabago sa sistema ng transportasyon ay ang


kasalukuyang rehimeng Duterte.

Sa ngayon, sa National Capital Region (NCR), ayon sa Metro Manila Development


Authority (MMDA), umaabot lang sa 19.3 kilometro kada oras (kmh) ang average na bilis ng
mga sasakyan sa EDSA. Malayung malayo umano ito sa 60 kmh na speed limit sa naturang
mayor na kalsada ng NCR.

Samantala, sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na isa sa apat na


sasakyan sa buong Pilipinas ay matatagpuan sa NCR. Sa madaling salita, walang epekto ang
anumang hakbang na ginagawa ngayon ng rehimeng Duterte para maibsan ang trapiko o
problema sa transportasyon.

Noong Setyembre 2017, inaprubahan ng National Economic Development Authority


(NEDA), sa pangunguna ng direktor-heneral nitong si Ernesto Pernia, ang NEDA Board
Resolution No. 5 (series of 2017). Nandito ang National Transport Policy ng rehimeng
Duterte, na diumano’y “kumikilala sa (mahalagang) tungkulin ng transportasyon bilang tagatulak
at tagamaneho ng kaunlarang sosyoekonomiko…”

Sa naturang polisiya ng rehimen, inilatag ang pagsusuri nito sa problema ng sistema ng


transportasyon sa bansa. Ayon dito, ang abang kalagayan ngayon ng sistema ng transport ay
dahil sa “(a) kawalan ng magkakaugnay at koordinadong network pangtransport; (b)
magkakapatong o magkakabanggang tungkulin ng mga ahensiya sa transport; (c) mga alalahanin
Kontekstwalisadong Komunikasyon
ang kaligtasan at sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
seguridad sa transport; at (d) di-sapat na pasilidad pangtransport lalo na sa mga lugar na apektado
ng sigalot at kawalan ng kaunlaran.”

Bilang mga solusyon sa problema ng matinding trapiko at kakulangan ng maayos na


transportasyon, plano ng rehimeng Duterte na “(a) paunlarin ang pagkakaungay-ugnay (o
connectivity) ng iba’t ibang moda ng mga imprastrakturang pangtransportasyon; (b) magkaroon
ng mabuting pamamahala (good governance) sa pamamagitan ng pinagkaisang (streamlined)
mga regulasyon sa transport, isinaayos (rationalized) na mga tungkulin ng mga ahensiya, at mga
polisiyang nakalinya sa mga prayoridad at programa ng gobyerno, at siguradong pagtupad sa
mga istandard sa kaligtasan at pagtupad sa pandaigdigang mga kasunduan;“(c) Pagpapatupad ng
‘bagong’ kaunlaran sa ekonomiya labas sa susing mga lungsod…sa pamamagitan ng
pagpapaunlad at suporta sa turismo, agro-industriya, kalakal at lohistika, at iba pang pang-
ekonomiyang sektor, at (d) pagtaguyod ng mga pamumuhunan sa mga imprastrakturang
pangtransport.”

Mahalaga ang panghuling punto (d) ng National Transport Policy, dahil ito, sa esensiya
ang polisiya ng kasalukuyang rehimen: Mag-akit ng malalaking dayuhang kapital para
mamuhunan sa imprasktraktura ng transportasyon sa bansa. Siyempre, nangangahulugan ito na
aasahan din ng malalaking dayuhan at lokal na negosyanteng sangkot dito na kikita ang kanilang
puhunan.

Isang halimbawa lang nito ang pagbibigay ng rehimeng Duterte ng malalaking kontrata
sa malalaking negosyanteng Tsino sa pagmamantine sa MRT at LRT (Light Rail Transit).

Noong Agosto 2018, inanunsiyo ng DOTr na nakuha ng Chinese na kompanyang Dalian


Company Limited ang kontrata sa pagsasaayos ng 48 di-nagagamit na MRT3 trains. Nakuha
ang kontratang ito ng mga Tsino matapos ang pagbisita ng economic at transportation managers
ng rehimeng Duterte sa Beijing, China noong nakaraang taon din.

Samantala, gusto ng rehimeng Duterte na amyendahan ang Commonwealth Act No. 146
o Public Service Law, lalo na kaugnay ng mga nagnenegosyo sa pampublikong mga serbisyo
tulad ng transportasyon. Sa panukala ng rehimen, maaaring mag-ari na ang mga dayuhan ng 100
porsiyento ng mga kompanya sa transportasyon.

Halata sa mga programa ng rehimeng Duterte na target talaga nitong isapribado ang sa
ngayo’y pampublikong mga transportasyon na inoopereyt ng maliliit o kaya’y independiyenteng
mga operator – mga moda ng transportasyon na inaasahan ng mayorya ng mga komyuter.

Maliban sa MC 2017-011, kasama rin dito ang planong Provincial Bus Ban ng MMDA
o pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA. Batay ito sa Regulation No. 19-002
ng MMDA na naglalayong ipasara ang lahat ng 47 terminals ng provincial buses sa naturang
kalsada. Ang sinasabi ng rehimeng Duterte na dahilan: para maibsan daw ang trapiko sa EDSA.

Pero batay mismo sa datos ng MMDA, umaabot lang sa tatlong porsiyento ng lahat ng
sasakyan sa EDSA ang mga bus. Samantala, umaabot na sa 67 porsiyento ng mga sasakyan sa
EDSA ay pribadong mga sasakyan tulad ng pribadong mga kotse, van, SUV, at iba pa. Mula sa
datos na ito, mahihinuhang hindi bus ang problema ng trapiko sa EDSA – at nakita ito sa
Kontekstwalisadong Komunikasyon
pagtindi sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
ng trapiko sa EDSA sa kabila ng pangalawang dry run ng provincial bus ban na isinagawa ng
MMDA rito noong Agosto 7. (Isinagawa ng MMDA ang naturang dry run sa kabila ng
temporary restraining order ng Korte Suprema sa naturang ban.)

Sa naturang ban, kinakailangang bumaba ang mga pasahero ng pamprobinsiyang bus sa


pinakalaylayan ng Kamaynilaan sa norte (Valenzuela, kung saan ginagawa pa lang ang terminal)
at timog (sa Sta. Rosa, Laguna o Paranaque Integrated Terminal Exchange na di pa rin tapos
ngayon).

Nakatanggap ang MMDA ng matinding batikos sa naturang plano nila. “Talagang di-
siyentipiko at di-demokratiko ang hakbang (provincial bus ban),” sabi ni Ariel Casilao,
pangalawang tagapangulo at dating kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list. Sa
maraming pag-aaral, ayon kay Casilao, malinaw na mas marami ang naisasakay ng isang bus
kumpara sa dalawa hanggang tatlong kotse na sumasakop sa parehong espasyo ng bus.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, tagapangulo ng committee on public services sa
Senado, mistulang “science project na puno ng eksperimento” ang ginagawa ng MMDA at
DOTr na lalong nagpapalala umano sa sitwasyon. Pinaiimbestigahan ni Poe sa Senado ang
naturang mga iskema ng gobyerno.

Mismong NEDA at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang naglabas ng


pag-aaral noong 2014 na nagsasabing 78 porsiyento ng espasyo sa kalsada ang sinasakop ng
pribadong mga sasakyan. Ito mismo ang dahilan, ayon sa Waze (isang navigation app sa
smartphones), kung bakit itinuturing ang Metro Manila bilang may pinakamasahol na trapiko sa
boung Southeast Asia noong 2015. Ang pribadong mga sasakyan ang talagang dahilan ng
trapiko. Dumarami naman ang may pribadong sasakyan dahil wala ring maayos na
pampbulikong sistema ng transportasyon – natutulak ang may kakayanan nitong bumili ng
sasakyan, o kaya regular na sumakay sa TNVS.

Sa kabiguan ng gobyerno na maisaayos ang trapiko o ang sistema ng transportasyon sa


bansa, napupunan ng mga jeepney, traysikel, bisikleta, sidecar, at kahit TNVS ang
pangangailangan ng mga komyuter. Siyempre, dahil walang sistematiko at tumpak na pagtugon
sa problema, hindi rin episyente ang mga modang ito ng transportasyon.

Pero ano ang itinutulak ng rehimeng Duterte sa ilalim ng National Transport Policy nito?
Dito, nakabalangkas na sa pribadong pamumuhunan at negosyo ang polisiya sa transportasypon
ng rehimeng Duterte, at hindi sa prinsipyong dapat na serbisyong panlipunan ang transportasyon.

Sa kongkreto, kabilang sa mga iskema o planong ipinapatupad ngayon ng rehimeng


Duterte ay ang “jeepney modernization” o Public Utility Vehicle Modernization Program,
na mula sa Memorandum Circular No. 2017-011 ng DOTr. Dito, “ineengganyo” ang maliliit
na mga operator ng jeepney na magbuo ng isang korporasyon o consortium para makapag-aplay
sa bagong mga patakaran sa prangkisa ng mga sasakyan. Ibig sabihin nito, ayon sa Pagkakaisa
ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwid (Piston), ang pagsuko ng maliliit
na drayber at operator ng kanilang mga prangkisa sa malalaking operator at sa dayuhang mga
kompanya na may kapital para matugunan ang mga rekisito ng DOTr.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Sabi nga ni Bong Baylon, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Piston, sa bahagi ng
mga drayber at maliliit na operator, sila yung pangunahing tatamaan ng proyekto ng pekeng
jeepney modernization…(G)usto ng gobyernong maipatupad ito upang sa ganon makontrol nila
at ng monopolyo at makuha ng mga monopolyo kapitalista yung sektor ng transportasyon.

Taong 2017 nang matagumpay na naipahayag ng Piston at iba pang grupo ng mga tsuper
at operator ang pagtutol nila sa jeepney modernization sa pamamagitan ng mga protesta at welga.
Noong panahong iyon, napabuladas si Duterte na ipapabaril niya ng “rubber bullets” at
“hihilahin” niya ang mga jeep ng mga miyembro ng Piston na nagpoprotesta at hindi sumusunod
umano sa “modernisasyon.” Sa kabila ng mga protesta, bahagyang napaatras ang DOTr sa
implementasyon ng programa. Gayunman, pansin ng Piston na tila ipinatutupad naman ito ng
naturang ahensiya sa pamamagitan ng lalong paghihigpit sa mga jeepney drayber at operator at
pagpataw ng matataas na mga singil sa kanila.

Kuwento pa ni Baylon, nagtutulungan ang (DOTr at) LTO (Land Transportation


Office), (sa paniningil ng) mataas na multa, na kapag nahuli ka sa simpleng violation na
pinakamababa – halimbawa kapag out-of-line ka — , P50,000 (ang multa). Hindi mo na kayang
tubusin (ang jeep)..

Ayon sa Agham, grupo ng makabayang mga siyentipiko, ang dapat sanang ginagawa ng
gobyerno sa kagyat ay bigyan ng ayuda ang impormal na mga moda ng transportasyon katulad
ng jeepney. Sa position paper nito hinggil sa jeepney modernization noong 2017 ay nabanggit na
sa kalagayang walang malinaw na plano sa pagtugon sa mass transport sa sentrong lungsod at
kanayunan, dapat sana’y sinusuportahan at sinusubsidyuhan ng gobyerno ang impormal na
public transport alternatives tulad ng jeepney. Sa kongkreto, maaari sanang suportahan ng
rehimeng Duterte ang panukalang “palit-jeep” (o libre o murang pagpalit sa mga lumang jeep).
Sinabi pa rin ng Agham na mas mapabibilis nito ang rehabilitasyon at paggamit ng bagong mga
teknoloniya sa halip na ipataw ang tungkulin (ng modernisasyon) sa naghihirap na ngang
jeepney drivers.

Binatikos din ng Agham ang plano ng gobyerno na itulak ang mga jeep na pumaloob sa
malalaking korporasyon o consortium, dahil mapapasailalim lalo ang sistema ng transport sa
malalaking pribadong pagnenegosyo. Samantala, kahit ang mga drayber o operator ng mga
prangkisa ng TNVS, ipinortesta noong Hulyo ang paghihigpit ng Land Transportation,
Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga rekisito—katulad ng pagbabawal sa
ilang klase ng kotse, mataas na bayad sa prangkisa at iba pa.

Malinaw mula sa mga pag-aaral kung ano ang pangmatagalang solusyon sa problema ng
trapiko sa bansa - ang pagpapalakas sa sistema ng pampubliko o mass transport.
Nangangahulugan ito ng direktang pagtuon ng gobyerno ng mga rekurso nito sa mass transport.
Kung kagyat na solusyon lang ang pagsuporta sa impormal na mga moda ng transport (tulad ng
jeep atbp.), ang pangmatagalan ay ang pamumuhunan ng gobyerno sa mga moda ng mass
transport na episyente at malinis na magsasakay sa dumaraming bilang ng mga komyuter sa
Kamaynilaan, ayon sa Agham.

Ayon pa sa naturang grupo, kailangan umanong ituring ng gobyerno ang transportasyon


bilang pampublikong serbisyo at hindi oportunidad para sa malalaking dayuhan at lokal na
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
negosyante para kumita. Kakatwang hindi man lang nagagamit sa National Transport Policy ng
rehimeng Duterte ang terminong “mass transport. Sabi pa ng Agham na mahalaga ang sistema ng
pangmasang transportasyon sa pagkakaroon ng dinamiko at industriyal na ekonomiya sa
pamamagitan ng paglilingkod sa iba-ibang ugnayan (linkages) sa ekonomiya. Bilang
pampublikong yutilidad (utility), may obligasyon ang gobyerno na magbigay ng episyente at
abot- kayang serbisyo sa transport ng mga mamamayan…”. Sinabi pa ng grupo na kailangang
tingnan ng gobyerno ang sarili nito bilang pangunahing tagabigay ng serbisyo sa transportasyon.
Habang hindi ganito pagtingin ng rehimeng Duterte, mananatili ang pagdurusa ng milyun-
milyong komyuter.

Disiplina sa lansangan ang lunas sa trapik. Tumataginting na P3.5 bilyon kada araw ang
nawawalang kita ng Pilipinas dahil sa malubhang problema sa trapiko, ayon sa pinakabagong
pag- aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Nakapanlulumo ngunit ito ang
katotohanan. Resulta ito ng labis na bilang ng mga sasakyan, mga kolorum, illegal parking,
illegal terminal, sidewalk vendors, jaywalkers, pedicab at tricycle sa mga highway, kamoteng
mga motorcycle riders at aroganteng mga tsuper. Samakatwid, kawalan ng disiplina ang
pangunahing problema ng bansa sa mga lansangan.

Kaya naman noong Agosto 2016, itinatag ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT)
sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade upang pagsanibin ang
lahat ng ‘law enforcement agencies’ na may kaugnayan sa pagmamando sa trapiko. Kabilang
dito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP-Highway Patrol Group,
Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Binuo ang i-ACT upang mas mabisang makatugon sa problema ng trapiko sa bansa habang
hinihintay ang hinihiling na ‘special power’ sa trapiko ni Pangulong Rodrigo Duterte buhat sa
Senado. Tututok ito sa limang “E” ng traffic management: ang enforcement, education,
environment, engineering at economics.

Nitong Setyembre 2017, muling inilunsad ang i-ACT at isinama na sa grupo ang Armed
Forces of the Philippines (AFP), mga lokal na pamahalaan sa pama•magitan ng Metro Manila
Council at ang Liga ng mga Barangay. Nakikita kasi ng pamahalaan na mas magiging epektibo
ang paglaban sa mga pasaway kung may kooperasyon ng mga lokal na opisyal lalo na ang mga
barangay chairman na siyang nakakakita sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Inilunsad din ang Task Force Alamid, ang ‘operating arm’ ng i-ACT na lumibot hindi
lang sa Metro Manila ngunit maging sa mga kanugnog na mga lalawigan ng Rizal, Cavite,
Bulacan at Laguna. Sa magkakasunod na operasyon, dito lumantad ang mapait na katotohanan sa
umiiral na bulok na sistema na mismong mga opisyal ng barangay ang kumukun•sinti sa mga
iligal na terminal, sidewalk vendors, mga establisyimentong kumain na sa bangketa at kalsada at
illegal parking. Tunay na nanuot na sa kalamnan ng lipunan ang problema sa lansangan.

Sa kabila nito, nagpatuloy ang sunud-sunod na operasyon ng TF Alamid. Nitong Enero


2018, inilunsad ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign” ng i-ACT na layong linisin ang
mga kalsada sa mga kakarag-karag na sasakyan na panganib sa kaligtasan at kalusugan ng
publiko. Kung nasaan ang TF Alamid, tila nawawala naman sa kalsada ang mga pampasaherong
jeep at mga UV Express na mu•ling lilitaw lamang kapag wala na sa kalsada ang tropa ng
pamahalaan.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Mula nang ilunsad ang Tanggal Usok, Tanggal Bulok campaign, nasa 1,904 na ang
nahuhuli ng TF Alamid sa mga lansangan. Nasa 1,499 ang natikitan dahil sa mga depektibong
parte ng sasakyan, 107 sasakyan ang na-impound dahil sa pagiging kolorum, illegal parking at
iba pa; habang 297 ang naisyuhan ng ‘subpoena’ dahil sa pagiging bulok ng mga behikulo.

Masakit sa bulsa ang multa kapag nahuli sa mga bayolasyon. Ipinatutupad ng i-ACT ang
Joint Administrative Order ng DOTr sa multa sa batas trapiko. Ang isang jeep na kolorum ay
pinagmumulta ng P50,000; P200,000 sa mga van at napakataas na P1 milyon sa bus. Ginawa ito
upang madala ang sinuman na mahuhuli na namamasada nang walang kaukulang prangkisa
buhat sa LTFRB. Masakit pa rito, ilan sa mga nahuhuli na na•ngongolorum ay tauhan ng pulisya,
ng pamahalaan, o kaanak na nais laktawan ang batas para sa sinasabi nilang “paghahanapbuhay.”

Sa kabila ng masigasig na operasyon ng i-ACT, nananatili ang problema sa trapiko. Sa


bawat operasyon, tumataas ang emosyon, nagkakaroon ng sakitan, nagkakaroon ng demandahan.
Ngunit parte ito ng proseso ng pagsagupa sa napakalaking problema na hindi namalayan ng
pamahalaan ay mistulang tinanggap na sa kamalayan ng mga Pilipino na isang normal na
kalagayan. Ang problema ng lamangan, ang kultura ng kawalang respeto sa kapwa at pagtingin
sa sarili lamang. Sa huli, disiplina pa rin ang solusyon sa problemang ito. Binigyang-diin ni
Tugade na ang paglutas ng suliranin sa trapiko ay nangagailangan hindi lang ng isa kundi
napakaraming solusyon at isa rito ang imprastrakturang pangtransportasyon na maari lamang
matugunan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

At ngayon panahon ng pandemya, hindi pa rin nawawala ang suliranin sa transportasyon.


Dahil sa pandemya, iba’t ibang suliraning pangtransportasyon ang lumitaw. Isa na rito ang
pagpapahinto ng pasada ng mga pampublikong transportasyon. Bahagi ito ng pagpapatupad ng
social distancing na sa panahong ito ay nabibigay ng dagdag pasakit muli sa mga sumasakay sa
mga pampublikong transportasyon. Bukod dito, ang mga dating drayber, dahil sa pagtigil ng
operasyon ng transportasyon ay nawalan ng hanapbuhay, ang iba sa kanila kung hindi man
namamalimos na sa lansangan ay nangangalakal ng basura at ang iba ay napipilitang humanap ng
ibang trabaho mabuhay lamang ang kani-kanilang pamilya. Sa suspensyon ng operasyon ng
pampublikong transportasyon, maging ang mga frontliners ay umaasa na sa pagpapasakay ng
mga pribadong grupo at ng gobyerno.

Kaugnay pa rin ng pagpapatupad ng mga health protocols, nagpalabas ng kautusan ang


pamahalaan kung saan obligadong maglagay ng barrier ang mga motorcycle riders sa kanilang
mga motorsiklo. Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng isang grupo ng motorcycle riders sa
Quezon City nitong Linggo para ihayag ang kanilang pagtutol sa mandatory barrier para sa pag-
angkas sa mga motorsiklo. Ayon sa grupong Kagulong — na nagdaos ng protesta sa tanggapan
ng Commission on Human Rights — magastos at hindi praktikal ang pagkakaroon ng barrier,
lalo kung asawa naman ang angkas na kasama rin ng rider sa bahay. Para sa grupo, hindi barrier
ang sagot sa pagsugot sa pagkalat ng COVID-19. Sapat na rin umano ang sinusuot na face mask,
helmet at gloves ng mga rider at angkas.

Sa unang araw ng paghuli sa mga lumalabag sa mga patakaran para sa magka-angkas


noong Sabado, 1,284 ang tiniketan ng mga awtoridad sa buong bansa. Sa bilang na iyon, 704 ang
inireklamo ng reckless driving habang 580 naman ang may dagdag na reklamong overloading
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
dahil sa hindi awtorisadong pag-angkas. Pinagmumulta ng P1,500 hanggang P2,000 ang mga
sinita sa unang paglabag. Muli ring kinontra ng motorcycle expert ang pagkakaroon ng
mandatory barrier. Ayon kay Atoy Cruz ng Motorcycle Philippines Federation, hindi ligtas ang
barrior at maaari pang pagmulan ng aksidente. Ilang beses na raw sumulat ang grupo sa mga
ahensiya ng pamahalaan pero hindi sila pinapakinggan. Pero nanindigan ang Department of
Transportation na paraan ang barrier para maiwasan ang road crashes dahil malilimitahan nito
ang bilis ng takbo ng motorsiklo.

Mga Usapin sa Pabahay


Ang kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang pamilya ay isang suliraning
matagal nang kinahaharap sa buong mundo. Sumasalamin ito sa mukha ng kahirapan na hindi
madaling solusyonan dahil sa maraming kadahilalanan katulad ng kawanlan ng inisyatibo buhat
sa pamahalaan, kawalan ng disiplina sa bahagi ng mga maralita na magsagawa ng paraan upang
maiahon ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan.

Napakalawak ng problema o suliranin ng kawalan ng naaangkop na pabahay para sa mga


mamamayan. Ito ang inihayag ni Fr. Daniel Franklin Pilario, CM – Dean ng Saint Vincent
School of Theology kaugnay sa isinagawang Global Homelessness Forum na dinaluhan ng mga
kasaping kongregasyon ng Vincentian family. Ayon sa Pari, mahalaga ang pagtutulungan ng
iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng Simbahan, pamahalaan, civil society groups at maging ng
mga komunidad upang matugunan ang problema ng pabahay sa ating bansa. Paliwanag ni Fr.
Pilario, mas magiging malawak ang matutulungang mga pamilya na walang sariling tahanan
kung magsasama-sama ang lahat sa iisang layunin mapagkalooban ng permanenteng tahanan ang
bawat pamilyang Filipino.

Sa tala ng Global Homeless Statistics, nasa apanapu’t apat na porsyento (44%) ng mga
Pilipino ang nananatiling walang maayos at permanenteng tirahan na matatagpuan sa Metro
Manila.Batay naman sa tala ng Housing and Urban Development Coordinating Council
(HUDCC) nasa 5.5-milyong kabahayan pa ang kinakailangang ipatayo para sa mga mahihirap na
Filipino at higit 1.4 na milyong kabahayan para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Samantala, inaasahang patuloy pang isusulong ng kongregasyon ang adbokasiya nito sa


pagkakaloob ng mga tahanan sa bawat pamilyang Filipino bilang bahagi narin ng paggunita sa
ika- 400 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Vincentian Family.

Bagama’t may inisyatibo ang pamahalaan na magbigay ng mga libreng pabahay sa mga
walang masisilungan, ang mga inisyatibong ito ay hindi nagiging ligtas sa kontrobersiya. Ang
paliwanag ng nakararami, hindi sapat ang pagbibigay ng pamahalaan ng masisilungan ng mga
maralita. Ang kanilang kailangan ay disenteng tahanan na may angkop na mapagkukunan ng
kanilang mga pangunahing pangangailangan para mabuhay nang marangal katulad ng malinis na
tubig, kuryente, at ang distansya o lapit sa lugar kunga saan sila naghahanapbuhay.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Tinalakay sa ulat ni Moratillo (2017) ang pagtingin sa Chairman ng House Committee on
Housing ang Urban Development sa kahalagahan ng pagsangguni sa mga benepisyaryo ng
proyektong pabahay ng gobyerno upang malaman ang tumutugma sa mga pangangailangan at
panlasa ng mga ito. Ang konsultasyon o pagsangguni ay mahalaga upang hindi masayang ang
paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga proyektong kanilang ginagawa. Ayon kay Benitez, sa
ulat pa rin ni Moratillo, ang balakin ng kongreso na higpitan ang pagsasakatuparan ng kanilang
oversight na tungkulin upang makasigurado na hindi nauuwi sa wala ang pondong inilalaan sa
pabahay sa ilalim sa pabahay sa ilalim ng pambansang pondo o national budget.

Ang mga kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ay


nagtungo sa Malacañang ang Action Center upang magsumite ng kanilang
aplikasyon sa titulo ng mababang pabahay ng gobyerno.

Kanilang napag-alaman na mayroong Senate Resolution na


nagpapahintulot sa Natinal Housing Authority na magkaroon ng realokasyon
ng pabahay para sa mga kapulisan, sundalo, bumbero, at mga kawani ng
kulungan.

Sa kabilang dako, hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga militar at


kapulisan na magparaya na lamang para sa mga pamilya ng kadamay upang
maiwasan ang sigalot. Kinuha ng mga kasapi ng Kadamay ang 6,000
kabahayan sa anim na housing sites ng NHA nang nakaraang taon.

Nag-isyu ng Resolution No. 8 ang Senado na nagpapahintulot sa NHA


na magbigay ng grant sa iba pang kwalipikadong benepisyaryo para sa mga
tahanan na hindi pa naipamamahagi at mga tahanang tinanggihan ng mga

Ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga inisyatibong pabahay ng


pamahalaan ay ang National Housing Authority. Ito ay binuo noong ika-31 ng Hulyo, 1975 sa
ilalim ng hurisdiksyon ng pamahalaan. Itinatag ang National Housing Authority bilang
pagmamay-ari ng pamahalaan at kontroladong korporasyon sa ilalim ng Housing ang Urban
Development Coordinating Council bilang kabit na ahensya.
Edukasyon. Sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral at kalidad ng
pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging
progresibo at maunlad ngunit kay daming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating
bansa at isa na nga rito ang edukasyon, isang problemang nais nang matuldukan ng ating
gobyerno.

Sa panahon ngayon, marami nang kabataan ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral at ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
bansang Pilipinas Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit
naghihirap ang
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi nakapagtatapos ay dahil
nagiging rebelde ito. Maraming nakaiimpluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang
pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.

Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga sa
mga maling metodolohiya na naituturo sa mga kabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang
epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil
nga kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kaniyang napiling asignatura. Ang kakulangan sa
pondo ay isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno
kung hindi maayos ang paggamit nito, hindi uunlad ang edukasyon sa ating bansa.

Karagdagan pa sa mga nabanggit na suliranin sa edukasyon ang kakulangan ng


mga silid aralan. Hanggang ngayon kulang na kulang pa rin ang mga silid-aralan sa iba’t
ibang parte ng Pilipinas, nagkakaroon na ng paghahati ng mga mag-aaral. May
pumapasok na ng panggabing aral at pang-umaga, at pilit na pinagkakasya ang oras na
iyon sa napakaraming asignatura. Pero kahit hinati na ang pasok ng bata, kung bibisita ka
sa mga paaralan makikita mong siksikan ang mga bata sa kanilang classroom at ang iba
naman ay nagkaklase na sa labas.

Nakita rin suliranin ang kakulangan ng mga guro.Sa panahon ngayon kulang na
kulang pa rin ang mga guro sa paaralan, lalo na sa mga liblib na lugar. May mga guro na
pinagsasamang turuan ang mga batang nasa baitang 1 hanggang- 4, hinahati na lamang
ang kaniyang oras para maturuan ang ibang bata. Isa pang suliranin ang kakulangan ng
sweldo ng mga guro Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi ganun kalaki ang
suweldo ng isang guro, kulang pa ito sa kanilang mga gastusin, kaya naman ang ginagawa
ng iba ay nagtitinda ng kung anu-ano sa loob ng klasrum para maragdagan ang kanilang
pera, na nagiging dahilan daw naman ng hindi pagpopokus ng isang guro na maturuan ng
maayos ang mga bata. Ang mataas na matrikula sa mga pamantasan ay isa rinsa mga
dahilan kung bakit kakaunti lamang ang mga batang nakapapasok lalo na sa kolehiyo.
Gayundin ang kakulangan ng mga libro. Hanggang ngayon kulang parin ang mga libro
kahit sabihing nasa makabago na tayong panahon uso na ang internet at computer at
madali ng mag search sa internet ng mga kaalaman, isipin naman natin ang mga batang
nasa malalayong lugar na di pa masyadong abot ng kabihasnan,saka iba parin talaga ang
may aklat sapagkat nadidisiplina ang bata na magbasa at magtiyagang magbasa ng aklat.

Upang matugunan ang mga nabanggit na suliranin, mahalagang bigyan ng malaking


badyet ang pagpapagawa ng mga silid aralan at huwag kurakutin ng mga nasa katungkulan ang
budget na nakalaan dito, isipin ninyo na ang mga mga batang iyan ang magiging pag-asa natin
para sa magandang kinabukasan ng ating bansa pagtuunan natin sila ng pansin. Taasan ang sahod
ng mga guro, at bawasan ang trabahong iniaatang sa kanila tulad ng pagagawa ng reports at kung
ano-ano
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
pa, sapagkat marami ang ayaw kumuha ng kursong edukasyon sa kolehiyo sapagkat hindi lingid
sa kanilang kaalaman na hindi sapat ang sahod ng isang guro sa hirap ng trabaho na ginagawa
nila. Itaas ang sahod ng mga guro, huwag ipagkait sa kanila ang dagdag na sahod, sapagkat ang
mga guro ang dahilan kung bakit may isang pulis, may mga duktor, may mga abogado at iba pa.
Hindi rin naman biro ang kanilang sakripisyo para matuto ang mga bata lalo na ang mga gurong
nadidistino sa malalayo at liblib na lugar. Ibaba ang matrikula sa mga pamantasan, magtayo ng
mas maraming pampublikong paaralan para sa mga mahihirap, magtayo ng mga programang
tutulong sa mga bata upang makapag-aral hanggang kolehiyo. Nararapat ding maglaan ang
pamahalaan ng badyet para sa mga aklat. Isipin ang mga batang nasa liblib na lugar na di pa abot
ng sibilisasyon na tanging aklat lang ang aasahan upang matuto sila. Turuan din ang mga bata
kung papaanong mag-ingat ng mga aklat, upang hindi ito masira at mapakinabangan pa ng mas
maraming kabataan.

Samantala, hindi problema ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral sa bansa,


ayon sa grupo ng mga guro sa Pilipinas. Sa panayam ng Radyo Inquirer kay ACT Philippines
party list chairperson Joselyn Martinez, ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral ay
may malaking epekto sa kasanayan at kaalaman ng isang bata. Giit nito, dapat tutukan ng
pamahalaan ang totoong problema sa edukasyon ng bansa na may malaking epekto sa pag-aaral
ng mga bata, gaya ng: (1) Kakulangan sa mga input katulad ng mga aklat, resource material,
upuan, silid-aralan at iba pa; (2) Dagdagan ang budget ng edukasyon; (3) Magkaroon ng
curriculum na tutugon sa pangangailangan ng mga kabataan at ng bansa; (4) Dagdagan ang
suporta sa mga guro sa pamamagitan ng mga libreng seminar, gamit sa pagtuturo; at (5)
Ipagkaloob ang P16,000, P30,000, at P31,000 na nakabubuhay na sahod para sa mga guro at
kawani sa edukasyon.

Isang malaking usapin ngayon ang panukala ni Quezon City 5th District Rep. Alfred
Vargas ang “no homework policy.”

“Edukasyon sa Pilipinas: Tinimbang ka nguni’t kulang.” Madalas itong maririnig


sa mga naghihirap na nagsusumikap. Hindi baleng mahirap ka basta magkadiploma,
tama? Ang sagot diyan ay depende. Depende sa kalidad ng edukasyong natamo mo. ‘Yan
ang tumingkad sa nakapanlulumong gradong nakamit ng Pilipinas sa Programme for
International Student Assessment o PISA. Pang-79 ang bansa sa pagbabasa. Mababa rin
ang score ng bansa sa math at science: pang-78. Sa katunayan, kulelat tayo sa listahan.

Pasang-awa. Maaaring sisihin dito ang kulturang pasang-awa na kung saan


pinalulusot ang mga bumabagsak at nakaaakyat sa susunod na antas. Nagkaroon tuloy ng
ibang kahulugan ang "No Filipino Child Left Behind." At napag-uusapan din lang ang
mga guro, at bagama’t nabanggit na rin sa unahan, kakaunti ang gustong maging titser
dahil na rin sa reputasyon ng mga guro na kayod-kabayo, abonado pa sa mga school
supplies, at higit sa lahat, naghihikahos kaya't nagtitinda na rin ng tocino at longganisa. Sa
harap nito at ang nauusong "teacher-shaming," malamang hindi gaganahan ang mga high
school graduates na kumuha ng kurso sa edukasyon. Ayon din sa internasyonal na
Kontekstwalisadong Komunikasyon
organisasyon, malakas ang sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
kaugnayan ng pang-ekonomikong status ng mag-aaral sa husay n'ya sa eskwelahan. Mas
mahirap ka, mas malamang na mababa ang reading scores mo. At dito pumapasok ang
vicious cycle ng buhay-mahirap: kung mahirap ka, lalong kumikitid ang hagdan ng pag-
angat mo sa lipunan. Mas mahirap ka, mas mailap ang makabuluhang edukasyong
magbibigay sa iyo ng kakayanang magsuri at maglagom. Ito ang trahedya ng lipunan
natin: nananatiling mahirap ang mahirap at nananatiling mayaman ang mayaman – at
pangunahin ang papel ng palpak na edukasyon sa pagpapanatili ng mga bitak nito.

Ayon sa pandaigdigang pag-aaral, hirap magsuri ang 1/10 ng mga estudyante sa


buong mundo, edad 15 anyos, ng fact (bagay o pangyayari na kinikilálang totoo) o opinyon.
Dito pumapasok naman ang papel ng maling edukasyon sa pagkalat ng disinformation.
Hindi lalaganap ang pekeng balita kung mapanuri tayo bilang isang pamayanan.
Mawawalan ng pangil ang mga ulupong sa internet kung hindi tayo kapos sa dunong at
kumakagat sa nilasong mansanas.

Makikita sa PISA na magkakabit ang bituka ng matataas na reading scores sa


budget spending sa edukasyon. Totoong pinakamalaking bahagi ng badyet nitong 2019 ay
napunta pa rin sa edukasyon – pero nakatikim din and Department of Education ng
matitinding budget cuts sa Basic Education Facilities Fund. Malaki nga ang badget,
mukhang hindi pa rin ito sapat upang makapaghatid ng kalidad na edukasyon na "world-
class." Dahil napakataas ng enrollment rates at napakababa ng proficiency ng mga mag-
aaral. Pero isang dimensyon lang 'yan ng problema, wala pa riyan ang out-of-school youth.
Ayon na mismo sa Multidimensional Poverty Index ng Philippine Statistics Authority, 5 sa
10 pamilya ay walang access sa batayang edukasyon. Kung tutuusin, band-aid lang ang
badyet, kumpara sa nagnanaknak na sugat sa edukasyon. Kaya't humihingi ang
departamento ng P30 bilyong increase sa 2020. Nadagdagan man ang taon ng pag-aaral
dahil sa K-12, hindi pa nakakahabol ang kalidad ng mga pumapasok ng kolehiyo. Ayon sa
inisyal na feedback ng mga guro, mas mature nga raw ang mga estudyante sa
pangkalahatan, pero kapos pa rin sa mga paksang dapat ay natutunan na nila sa K-12.

Isa rin sa napag-alaman ng PISA ay ito: tanging 31% lamang ng Pinoy na


estudyante na edad kinse anyos ang may growth mindset – o may paniniwalang uunlad sila
sa pag-aaral at pagsusumikap. (Bilang reference, ang growth mindset sa bansang nasa
ilalim ng Organisation for Economic Cooperation and Development o OECD ay 63%.)
Habang bukambibig ang "sipag at tiyaga" at "magsumikap ka," hungkag na ito para sa
maraming nagsikap at walang pinatunguhan dahil na rin sa ampaw ang kanilang
edukasyon. Idagdag pa diyan ang bias ng mga kumpanya sa pag-eempleyo ng mga
gradweyt ng mga premyadong institusyon tulad ng Ateneo, La Salle , UP, UST atbp.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Samantala, taong 2011 naipatupad na rin ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa
programang pang-edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na
K to 12 Program.

Gamit ang modelo ng mga Kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning
scheme na ito ay ang K to 12 basic education program. Maraming miyembro ng Akademiya,
mga estudyante, at mga magulang ang unang tumanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang
iminumungkhai ito. Para sa mga magulang at mga estudyante, dagdag gatos ito dahil tatagal ang
ilalagi ng isang bata sa eskwelahan. Para sa mg administrador ng mga paaralan, napakalaki at
napakalalim ng kakailanganing reporma sa pagsasaliksik para matugunan ang requirements ng K
to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutuol at pag-aagam-agam, naituloy rin ang mahalagang
pagbabagong ito sa Philippine education.

Ang DepEd ang nagpatupad at namahala sa edukasyong K to 12 simula nang pormal


itong italaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong
paaralan at regulasyon para sa pribadong paaralan. Mula 10 taon ng basikong edukasyon mula
1945 hanggang 2011, ang implementasyon ng programang K to 12 ng DepEd at kasunod na
retipikasyon ng Kindergarten Education Act of 2012 at Enhanced Basic Education Act of 2013,
naging labintatlong taon na ang basikong edukasyon ngayon. Isang taon ang para sa
kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school, at 2 taon para
sa senior high school, para sa mga mag-aaral mula edad 5 hanggang 17. Nitong 2017 lamang
naipatupad ang implementasyon ng grade 12.

Ayon sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa


programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihang dulot nito ang pagbibigay
ng pagkakataon sa mga estudyante na mahasa sa iba’t ibang larangan ng ispesyalisasyon tulad na
lamang ng animation. Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basikong edukasyon ay
naglalayong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-
aaral ang mga konsepto at kasanayang kinakailangan para sa kolehiyo at unibersidad pati na sa
pagtatrabaho at pagnenegosyo.

Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10
taong basikong edukasyon. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng
panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang programa sa
mga bansang mauunlad sa mundo.

Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito? Una, pinatitibay at
pinahahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang unang 6 na taon ng isang
bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development. Ikalawa, idinagdag sa kurikulum ang
makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster
Risk Reduction, Climate Change Adaptation, at Information and Communication Technology, na
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino. Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o
Spiral Progression - ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga kosepto at aralin mula pinakasimple
hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-
aaral, kaya’t higit na naiintindihan at naaalala ang bawat aralin. Ikaapat, itinuturo ang aralin
gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang
3 baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English. May 12 mother tongue languages na
sinimulan nang gamitin sa pagtuturo noong 2012 - 2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano,
Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense, Tagalog, Tausug,
Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kiniray-a, Sambal, Surigaonon, at Yakan
nang sumunod na taon. Ikalima, may 7 learning areas at 3 ispesyalisasyon na maaaring pagpilian
ang mga mag-aaral para sa Senior High School, ang 2 taon ng specialized upper secondary
education. Ang core curriculum learning areas ay languages, literature, communication,
mathematics, philosophy, natural sciences, at social sciences. Ikaanim, itinuturo ang information,
media at technology skills, learning at innovation skills, communication skills, at life career
skills, para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.

Ang mga estudyanteng nakatapos sa Senior High School ay maaaring mag-aplay ng


TESDA Certificates of Competencies (COCs) at National Certificates (NCs) para
makapagtrabaho nga ayon sa kakayahan nila. May technical, vocational, at entrepreneurship
courses sila. Kung nais pa nilang magpakadalubhasa, maaari nilang ipagpatuloy ang pag-aaral sa
kolehiyo. Sa tulong ng Commission on Higher Education, magiging sapat ang kaalaman at
kakayahan ng isang mag-aaral na nakatapos ng Senior High School, para makapagtrabaho na ng
bokasyonal o magnegosyo, o magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. May mga maaring piliin para
sa specialization o “specific tracks” o patutunguhan ng ispesyalisasyon: (1) Academic (para sa
kolehiyo): Accountancy, Business & Mangement (ABM), Humanities and Social Sciences
(HUMSS), Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM), General Academic
Strand (GAS); (2) Technical- Vocational-Livelihood (TVL) ang para sa technical at vocational
learning. Kasama ang Home Economics, Industrial Arts, Agriculture and Fishery Arts,
Information and Communication Technology; (3) Arts and Design; (4)Sports; at ang bagong
dagdag na (6) Maritime.

Ang K to 12 ang sinasabing naghahanda sa bawat Pilipinong mag-aaral para sa mas


mabuting kinabukasan dahil mas matibay ang pundasyon nito. May mga certification na
maaaring kunin ang mga mag-aaral sa bawat baitang pagkatapos ng elementarya, na nagsasanay
at naghahanda sa kakayahang pangbokasyonal at may specaialization, tulad ng Certificate of
Competency (COC) sa Grade 9 at 10, halimbawa.

Halos 6 na taon na mula nang ipatupad ang bagong sistemang ito sa mga pampubliko at
pampribadong paaralan sa buong Pilipinas. Maraming sumalungat noon pa laman, ngunit sa
ngayon, may karamihan na rin ang may nakikitang kabutihan at positibong resulta ang
programang ito.
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino
Ayon sa mga guro at mag-aaral na rin na nagsimula na ng K to 12 program sa kanilang
mga paaralan, isa sa mga kabutihan nito ay ang pagkakaroon ng mga asignatura at araling
praktikal na magagamit ng mga mag-aaral sa araw-araw na pamumuhay. Ang mga aralin ngayon
ay may practical application na, ika nga. At dahil nga mas maraming taon ang pag-aaral at
paghahanda, nagiging competitive ang Pilipino kapag nag-aaplay sa ibang bansa. Sunod na kasi
sa education requirements na pang-internasyonal, na higit sa 10 taon, base nga sa programa sa
mauunlad na bansa.

Para sa matatagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng paghahanda
para maipatupad ang programang ito. Pakiramdam rin ng mga guro na napakarami pang
problema at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K to 12 program. Hindi
raw kompleto ang mga materyal, wala pang textbooks at hindi pa makasabay sa requirement na
programa lalo na sa public school dahil wala namang internet, computer, at telebisyon. Kaya ang
resulta, hindi pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit na 6 na taon na itong
ipinatutupad.

Malayo pa nga talaga ang tatahakin ng programang pang-edukasyon ng Pilipinas bago


tuluyang marating ang ninanais nitong progresibong sistema para sa ating mga kabataan. Marami
ang naniniwala na simula ito ng magandang kinabukasan. Kailangan lang talagang paigtingin at
pagsikapan ang pagsasaliksik at patuloy na paghahanda para maging mas makabuluhan ang
pagbabago.

Bukas naman ang Department of Education sa panukala sa Kamara na i-review ang


ipinapatupad na K to 12 Basic Education Program. Ayon sa pahayag ng DepEd, makatutulong
ang pag-review ng Kongreso sa K to 12 upang mapag-usapan ang mga isyu sa programa at kung
paano ito masosolusyunan. Nangako din ang DepEd na makikipagtulungan sa Kongreso para sa
mas epektibong pagpapatupad ng programa kasunod ng inaprubahang karagdagang P650
milyong budget para rito sa susunod na taon. Umaasa rin ang DepEd na sa pamamagitan ng
isasagawang review sa Kamara na makakukuha sila ng mas maraming suporta mula sa mga
kongresista. Una nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagkasundo ang mga
kongresista na pag- aralan muli kung nakatutulong ba ang K to 12 program upang agad na
magkatrabaho ang mga kabataan.

Sa kagustuhang maitaguyod at mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa ay nabuo ang


konsepto ng ASEAN Integration. Ang ASEAN Integration ay resulta ng kasunduan ng mga
miyembro ng Association of Southeast Asian Nations kung saan sa taong 2015 ay inaatasan ang
bawat pamahalaan ng sampung miyembrong bansa na gumawa ng mga panloob na polisiya
upang maging isang ganap na isang rehiyon ang timog-silangang Asya lalong-lalo na sa aspeto
ng kalakaran, trabaho at edukasyon. Kabilang din dito ang pagbabago ng iskedyul ng
pagbubukas ng klase para makasabay sa kalendaryo ng mga kalapit na bansa na karamihan ay
nagsisimula sa buwan ng Agosto. Sa pagbabagong ito inaasahan ng mga pamantasan ang mga
pagkakataon na mapalakas at mapalawak ang pagkakataon para sa mga “exchange” ng mga
Kontekstwalisadong Komunikasyon
estudyante at maging mga guro. sa Filipino
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Kasabay ng implementasyon ng Association of Southeast Asian Nations


(ASEAN) Integration 2015, ang pagpapatupad ng rebisyon sa kurikulum ng
CHED. Ang CMO No.20 series of 2013 ng CHED na inilabas noong Hunyo 28,
2013 ay naglalaman ng pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum ng kolehiyo at
paglilipat nito sa ika-11 at ika- 12 na baitang sa Senior High School. Ayon kay
San Juan (2013), iba ang pagtuturo ng nasabing asignatura sa kolehiyo dahil mas
malalim ang pagtalakay at pag-aaral dito kumpara sa hayskul. Dagdag pa ni San
Juan na ang Filipino doon is utilitarian o technical Filipino. Filipino na gagamitin
sa paggawa ng report o simpleng presentation pero hindi yung Filipino na
gagamitin mo sa pagtatalakay ng social issues, eco, science, health policies at iba
pa. Iginiit niyang multidisciplinary o para sa lahat ang Filipinong itinuturo sa
kolehiyo.

You might also like