You are on page 1of 4

BAGO CITY COLLEGE

Republic of the Philippines


COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
Higher Education Regional Office VI (HERO VI)
City Government of Bago
Rafael Salas Drive, Brgy. Balingasag, Bago City, Negros Occidental 6101
Tel: [034] 4611-363 | Fax: [034] 4610-546 |
E-mail: bagocitycollege@yahoo.com.ph

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag- aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang angkop na salita upang mabuo ang mga pangungusap
B. Nakagagawa ng maikling tula at pick- up lines tungkol sa wagas na pag- ibig
C. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng wagas na pag- ibig

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kabanata VII: Suyuan sa Asotea (Noli Me Tangere)
Sanggunian: Noli Me Tangere, pahina 24- 27
https://youtu.be/kN2D0j257xY
Kagamitan: Laptop, Telebisyon, Power point presentation, Video presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban
4. Pagbibigay ng tuntunin

B. Pagbabalik Aral
1. Sa ika- anim na kabanata, ano ang unang inilarawan tungkol ky Kapitan Tiyago?
2. Bakit hindi nakapag- aral si Kapitan Tiyago?
3. Ano naman ang nangyari ky Donya Pia Alba?

C. Pagganyak
“Jumbled Bee”
Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. May ipapakitang mga pahayag sa telebisyon at
magpapaunahan ang dalawang grupo sa pagsagot sa pamamagitan ng pagsunod- sunod ng mga
nakahalong letra na may numero sa likuran nito. Kung ilan ang letra ay gayundin ang bilang ng
miyembrong hahawak at magpapakita sa harap ng klase.

1. Magsindi o magtirik
M1 A2 G3 T4 U5 L6 O7 S8

2. Tumutukoy sa balkonahe o gilid ng bahay.


A1 S2 O3 T4 E5 A6

3.Mabisang halamang gamot


S1 A2 M3 B4 O5 N6 G7

4.Malaking silid sa pasukan ng isang gusali


B1 U2 L3 W4 A5 G6 A7 N8

5.Mabilis o matindi
S1 U2 M3 A4 S5 A6 S7 A8 L9

Gabay na Tanong
1. Saan kaya mababasa ang mga salitang ito?
2. May nahihinuha na ba kayo kung tungkol saan ang ating aralin?

D. Paglalahad ng Aralin

(PAGPAPAKITA NG BIDYU TUNGKOL SA KABANATA VII: ANG SUYUAN SA


ASOTEA)
Pagtatalakay
1. Sino ang dumating sa bahay nila ni Kapitan Tiyago?
2. Saang bahagi ng bahay nag- uusap sina Maria Clara at Crisostomo?
3. Ano ang mga alaalang ginugunita ng magkasintahan?

F. Aktibiti/ Gawain
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay gagawa ng maikling tula na
binubuo ng dalawang saknong. Ang ikalawang pangkat naman ay gagawa ng limang pick- up
lines. Ang tema na pagbabatayan nila ay tungko sa wagas na pag- ibig. Isusulat nila ito sa
malinis na bond paper at pwedeng lagyan ng design. Ilalahad sa klase ang kanilang mga
nagawa at bibigyan ng angkop na iskor gamit ang mga pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Puntos Pamantayan sa Puntos


Paggawa ng Paggawa ng
Tula Pick - up lines
Orihinalidad 10 Orihinalidad 10
Nilalaman 10 Kaangkupan 10
Kawastuhan ng 5 Pagkamalikhain 5
Gramatika
Kooperasyon sa 5 Kooperasyon sa 5
Paggawa G. Paggawa
Kabuuan 30 Kabuuan 30
G. Pagpapahalaga
1. Ano ang mga aral napulot niyo mula sa nobela at sa paggawa ng inyong mga aktibiti?
2. Sa kasalukuyan ba’y may magsing- ibig na gumugunita sa kanilang nagdaang suyuan?

H. Paglalahat
1. Paano mo maipapahayag ang wagas na pag- ibig sa makabagong panahon?
2. Naniniwala ka ba na ang wagas na pag- ibig ay nakakapawi ng kalungkutan? Bakit?
3. Kung ikaw ang sa katayuan ni Crisostomo at Maria Clara na nawalay sa iyong kasintahan sa loob
ng pitong taon, mananatili ka pa rin bang aasa na muli kayong magkikita? Bakit?

IV. EBALWASYON
Panuto: Tukuyin ang angkop na salita mula sa loob ng panaklong upang mabuo ang bawat
pangungusap. Isulat ang mga kasagutan sa papel.

1. Maya- maya ay lumapit sina Maria Clara at Ibarra sa (asotea, beateryo) upang iwasan ang
alikabok na nilikha ni Isabel.
2. (Nalulungkot, Sumasasal) sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang sasakyan.
3. Pumasok sina Ibarra at Maria Clara sa ( bulwagan, kusina).
4. Nawala lamang ang kanilang tampo ng lagyan ni Maria ng ( bulaklak, sambong) sa loob ng
kanyang sumbrero upang hindi upang hindi mainitan.
5. Inutusan ni Kapitan Tiago si Ibarra na (magtulos, bumili) ng kandila para sa mga manlalakbay na
sina Mahal na Poong San Roque at Mahal na Poong San Rafael.

V. TAKDANG - ARALIN
Magsaliksik sa Ika- walong kabanata ng Noli Me Tangere at sagutan sa kwaderno ang mga
sumusunod na tanong.

1. Ilarawan ang naging damdamin ni Ibarra habang siy ay nagdaraan sa isang bahagi ng Maynila?
2. Ano kaya ang kahalagahan ng mga gunitang ito ni Ibarra sa kanyang namimintong haharaping
suliranin sa pag- uwi sa San Diego?
A. Bilang ng mag- aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag- aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawaing remediation
C. Nakakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag- aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punong guro
at supervisor?
G. Anong kagamitang
pangturo ang aking na dibuho
na nais kung ibahagi sa kapwa
guro?
Inihanda ni: Sinuri at Pinagtibay ni:
CLARISSA V. CATALONIA BABES T. VILLANUEVA
Student Intern Guro sa Filipino 9

PHOBIE S. GUBAT
Koordineytor sa Filipino

You might also like