You are on page 1of 1

GRADE 4- GRADE 6

KATANUNGAN:
1. Paano maipapakita ng isang batang katulad mo ang pagmamahal sa mga
matatanda, halimbawa ang mga lolo at lola mo? At bakit?

2. Kaibigan mong matalik sina Ana at Maria at nakita mong nag-aaway silang
dalawa at galit na galit sila sa isa’t isa, inaawat mo sila at sinabing huwag na
silang mag-away, tinanong ka ni Ana at sinabing pipili ka raw ng kakampihan.
Ano ang gagawin mo? Bakit?

3. Kung papipiliin ka kung sino ang mas mahal mo, ang tatay mo o ang nanay mo,
sino sa kanila ang pipiliin mo? Bakit?

4. Paano mo mamahalin ang iyong sarili? Bakit?

5. Mahalaga ba sa isang batang tulad mo ang pagpasok sa paaralan? Bakit?

6. Magsasaka ang iyong mga magulang, paano mo sila matutulungan?

7. Nagalit ang Tatay mo sa iyo dahil may nagawa kang kasalanan, ano ang
gagawin mo sa mga pinapayo niya? Bakit?

8. Paano mo pahahalagahan ang pagkakataong nakapag-aaral ka? Bakit?

9. Kung ikaw ang panganay sa inyong magkakapatid at sinabi ng nanay mo na


bantayan ang dalawa mong nakababatang kapatid ngunit nataon na may praktis
sana kayo sa kagrupo mo sa isang subject, ano ang gagawin mo? Bakit?

10. Kasalukuyan kang nag-aaral sa inyong mga aralin dahil may pagsusulit kayo
kinabukasan ngunit sinabi ng nanay mo na tignan muna ang kapatid mo dahil
siya ay nagluluto, ano ang gagawin mo? Bakit?

You might also like