You are on page 1of 8

18

KABANATA 3. PANAHON NG
KASTILA: Katangian ng Panitikan at
Mga Akda
Ngayong alam mo na ang iba’t ibang lahi na nananalaytay sa iyong dugo
maging ang mga akdang tumatalakay sa panitikan ng lahing pinagmulan mo,
atin namang talakayin sa kabanatang ito ang naging impluwensiya ng mga
kastila sa panitikan ng lahing Pilipino. Ang panitikan sa panahong ito ay
sumasaklaw sa mga taong 1565 nang itatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang
unang pamayanan sa Cebu hanggang 1872 nang bitayin ang tatlong martir na
paring Pilipino na sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora.

ARALIN 1:KATANGIAN NG PANITIKAN


Maraming mahalagang pagbabago ang naganap sa Pilipinas sa
pananakop ng mga Kastila. Ang pananakop na ito ang itinuturing na isa sa
pinakamahalagang bahagi sa kasaysayan ng mga Pilipino.
Sa araling ito, ay tatalakayin ang naging kalagayan at katangian ng
panitikang naipamana ng mga naunang ninuno natin. Pero bago ang lahat,
gawin muna ang lunsarang gawain sa ibaba na may kaugnayan sa ating
tatalakayin.

TALAKAYIN NATIN
Mula sa pagsamba sa mga itinuturing na diyus-diyusan ay natutuhan ng
mga Pilipino ang magpahalaga sa mga aral Kristiyano kung kaya lumaganap sa
panahon ng Kastila ang mga kuwento o salaysay tungkol sa mga santo o mga
martir ng simbahang katoliko. Pinahalagahan ng mga Pilipino sa panahong ito
ang mga batas panrelihiyon at pangkaasalan.
Ayon kay Marquez at Garcia (2013), tatlong anyo ng panitikan ang
lumaganap noong panahon ng mga kastila. Ito ay patula, tuluyan at mga dula. Sa
patula ay ang mga berso, awiting-bayan, dalit, dasal, pasyon, awit at kurido. Sa
tuluyan ay ang mga nobena o o talambuhay ng mga santo, mahahabang salaysay
at kuwento. Ang mga dula ay inantas sa tatlo. Ito ay dulang panlansangan:
pangangaluluwa, tibag, panunuluyan at salubong. Ang mga dulang pantanghalan
o entablado: senakulo, moro-moro, komedya, karilyo. Panghuli ay ang dulang
pantahanan: pamanhikan, panubong, duplo, karagatan at huego de prenda.
Ginamit sa lahat ng anyo ng panitikan ang kristiyanismo bilang paksa sa
panahon ng Kastila.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
19

ANO ANG NANGYARI SA PANITIKAN NG MGA KATUTUBO?

Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs. GOD,
GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang
Kristiyanismo, maghanap ng ginto o kayamanan at upang lalong mapalawak
ang kanilang nasasakupan. Dahil sa layunin ng mga kastila na magpalaganap ng
Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga katutubo sa
dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol
sa pananampalataya. Nag-aral sila ng mga wika sa kapuluan at sumulat ng mga
gramatika at diksiyunaryo. Ipinasok rin ng mga Kastila ang kanilang kalinangan,
ang mga kasuotan, ang mga gawi, at ang mga pagdadala ng mga bagay buhat sa
espanya tulad ng alpa, piano, espada, libro, atbp.
Batid ng mga prayle ang pagkahumaling ng mga katutubo sa pagtula kaya
ginamit nila ang kaanyuang ito upang maikalat at maikintal sa isip ng ang
Katolisismo. Lahat ng mga katangian ng tradisyunal na tula ay pinatili ng mga
misyonero; ang hindi lamang nagamit ay ang talinghaga sapagkat ang kailangang
nilalaman ng tula ay malilinaw at lantarang pangangaral hinggil sa bagong
pananampalataya. Ang karaniwang ikli ng mga bugtong at salawikain ay
naragdagan ng terceto, cuarteto, quintilla, romance at iba pa (Borja at Espina).
Alam din ng mga Kastila ang hilig ng mga katutubong Pilipino sa dula,
kaya, tulad ng tula, ay sinamantala nila ang kahumalingang ito upang
palaganapin ang relihiyon. Sa pagsasadula ng mga dasal, sa pagbigkas ng mga
sermon at pagtatanghal ng mga buhay ng santo at santa, lalo na ni Hesukristo,
ang bagong pananampalataya ay naging kaakit-akit.
Samakatuwid, marami ang naging impluwensiya ang mga kastila sa
panitikan at buhay ng mga Pilipino. Kabilang sa kanilang mga naiambag sa
paglinang ng panitikang Pilipino ay ang mga sumusunod:
1. Pagpapalit ng dating alpabetong baybayin sa alpabetong Romano na
nagdulot ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo sa pagbasa at
pagsulat sa mga wikain ng Pilipinas at sa Kastila dahil narin pagkatatag
ng ilang paaralang Katoliko sa Maynila, Bisaya at Luzon.
2. Ang Wikang Kastila na naging Filipino at pinaghiraman ng maraming
salita ng iba’t ibang wika lalo na ang Tagalog at Bisaya.
3. Pagdala ng alamat ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng
panitikang Pilipino.
4. Ang pagtuturo ng Doctrina Cristiana na naging batayan ng mga gawaing
panrelihiyon at ng mga katangiang kanais-nais taglayin sa ilalim ng
pananampalatayang kristiyano, gaya ng kabanalan, pagpapakumbaba,
karangalan, kalinisang budhi, mabuting pakikipagkapwa, pagtitimpi,
pagtitiis at pagkakawanggawa
5. Pagsulat ng mga gramatika ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, at ang
6. Pagtitipon at muling pagbubuo ng matatandang panitikang pasalita at
pasulat, saka pinasukan ng diwang katolisismo.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
20

Sa kabuuan, malaking pagbabago ang naganap sa panitikan ng mga


Pilipino sa panahon ng mga Kastila. Ayon kay Marquez at Garcia (2013), ang
mga pagbabagong ito ay nagkaroon ng tuwiran at di-tuwiran. Tuwirang
pagbabago sa mga aklat na nalimbag gaya ng katesismo. Di-tuwiran naman sa
mga talambuhay hinggil sa santo o nobena, mahabang salaysay at mahahabang
kwentong may paksang kabanalan at panrelihiyon. Ipinaloob sa panitikan sa
panahong ito ang etika at moralidad.

ARALIN 2: MGA AKDA


Nabanggit sa unang aralin na balot ang panitikan sa panahon ng Kastila
ng makarelihiyong paksa. Marami silang ipinakilala sa mga Pilipino tulad ng
mga akdang pangwika at mga akdang pangkagandahang-Asal, akdang
panrelihiyon at mga mga dula. Sa araling ito tatalakayin ang iba’t ibang akdang
pampanitikan na dinala ng mga mananakop na Kastila. Handa ka na bang
malaman ang mga ito? Halina at ating simulan.

TALAKAYIN NATIN
Isa sa mga layunin ng mga kastila ay ang ipakilala sa mga Pilipino ang
relihiyong kristiyanismo. Ang tanong, paano pinaabot ng mga kastila sa mga
Pilipino ang aral ng Diyos? Batay sa aklat nina Casanova et.al (2001), upang
mapaabot ng mga Kastila sa mga Pilipino ang aral ng Diyos, sila ay nag –aral ng
wikang kinaroroonan nila at hindi nila itinuro ang wikang Kastila. Nakita nila
ang iba’t ibang wika ng mga nasa kapuluan kaya nagsikap sila upang matutuhan
ang mga wikang ito upang makipagtalastasan sa mga mamamayan. Kaya ang
mga kastila ay nakasulat ng mga akdang pangwika tulad ng bokabularyo,
diskyunaryo at gramatika. Ang mga akdang pangwika na ito ay mga
sumusunod:

A. BALARILA/GRAMATIKA

Arte y Reglas de La Lengua Tagala – ito ang unang nalathalang pag-aaral


sa katangian at gramatika ng isang wikang katutubo. Inilathala ito noong 1610,
isinulat ni Fray Francisco Blancas de San Jose, isang misyonerong Dominiko at
inilimbag ni Tomas Pinpin sa imprentang Dominiko sa Abucay, Bataan.

Compendio del Arte de la Lengua Tagala – ito ay inakda ni Padre Gaspar


de San Agustin noong 1703.
B. BOKABULARYO

Vocabulario de la Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog


na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
21

Vocabulario de la Lengua Pampango - unang aklat pangwika sa


Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.

Vocabulario de la Lengua Bisaya- pinakamahusay na aklat pangwika sa


Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.

Arte de la Lengua Iloka – kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni


Francisco Lopez.

Arte de la Lengua Bicolana – unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni


Padre Marcos Lisboa noong 1754.
Maliban sa mga akdang pangwika na nasulat ng mga misyonerong
kastila, may mga akdang panrelihiyon at pangkagandahang -asal din na naisulat
noong panahong iyon. Ito ay dahil sa ang layunin ng mga Kastila ay ang
pagpapalaganap ng relihiyon (Casanova et.al 2001). Ang mga akdang ito ay ang
mga sumusunod:

A. AKDANG PANRELIHIYON
Doctrina Cristiana- Ito ang kauna-unahang aklat panrelihiyon na
nalimbag sa Pilipinas noong 1593 sa pamamagitan ng silograpiko. Naglalaman
ito ng mga dasal, sampung utos, sakramento, pitong kasalanang mortal,
pangungumpisal at katesismo. Ang sumulat sa kastila ay si Padre Domingo
Nieva at sa Tagalog naman ay si Padre Juan de Placencia. Inilalahad ng aklat
ang mga pangunahing aral ng Kristiyanidad na nararapat na saulado at
isinasapuso ng mga matatapat sa Iglesia.

Nuestra Señora del Rosario- Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas.


Akda ito ni Padre Blancas de San Jose (1602). Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.

Barlaan at Josaphat- Ito ay pinapalagay na kauna-unahang nobelang


tagalog na nalimbag sa Pilipinas. Unang napasulat sa wikang Griyego at ang
may akda ay si San Juan Damaceno. Isinalin sa wikang tagalog ng Heswitang si
Pari Antonio de Borja. Ang Barlaan at Josaphat ay kasaysayan ng isang prinsipe
na pinagsikapan ng amang hari na mailayo sa pananampalatayang
Kristiyanismo. Si Haring Abenir ng India ay lubhang makapangyarihan at
napakalupit. Dahil sa takot na maganap ang hula na magiging Kristiyano ang
anak na si Josaphat ay ipinagpatayo ito ng malaking palasyo sa liblib na pook at
doon pinatira. Mahigpit na pinabantayan sa mga guwardiya at mga utusan ang
prinsipe upang hindi makausap ng kahit sino at pati babasahin ay hinigpitan.
Naroon nang lahat sa palasyo ang karangyaan, musiko, aliwan at mga
kakailanganin sa buhay ng isang kabataan, huwag lang ang Kristiyanismo.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
22

Pasyon- Ito ay isang patulang pasalaysay ng mga hirap at pasakit ng ating


Panginoon Hesukristo. Ang pagkakasulat ay patula ngunit paawit kung basahin.
Ang pasyon ang naging kadluan ng mga Pilipino ng mga mabubuting kasabihan
at salawikain. Nagtuturo rin ito sa mga Pilipino ng matuwid na landas tungo sa
kagandahang asal at wastong pag-uugali.

Sa mga akdang ito napapaloob ang mga dalit sa iba’t ibang santo, mga
nobena at mga talambuhay ng mga santo at santa na naging kaugalian ng mga
Pilipino sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

B. AKDANG PANGKAGANDAHANG-ASAL
Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang pagtuturo ng kagandahang-
asal, mabuting pakikipamuhay sa kapwa, paggalang sa sarili, sa magulang at sa
nakakatanda (Casanova et.al, 2001). Ang mga akdang ito ay ang mga
sumusunod:

Urbana at Feliza – Ito ay aklat na isinulat ni Padre Modesto de Castro (Ama


ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog). Akda ito ukol sa kagandahang asal. Ito ay
pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Feliza. Ang mga pangalan ng
tauhan ay sagisag ng mga aral na nais maparating ng may-akda sa mga
mambabasa. Ang “Urbana” ay sagisag ng kabutihang-asal at ang “Feliza”ay
sumasagisag sa kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at
pagkamasunurin.

MGA BUHOC NA NANGUNGUSAP – Ito ay isang kuwento ng


kagandahang-asal na naisulat sa isang pahayagan na “Apostolado de la Presa”
isang pahayagang nilimbag sa Maynila ng mga prayle na naglalaman sa
pananampalataya, kagandahang-asal at mga balita ukol sa relihiyon.

Si Tandang Bacio Macunat- isang nobela sa tagalog na sinulat ni pari Miguel


Lucio Bustamante. Ito ay nilimbag sa Maynila noong 1885. Ang nobelang ito ay
tungkol sa relihiyon at lipunan. Ang mga aral na nakapaloob dito ay pagtupad
sa tungkulin bilang Katoliko, ang makukuhang buti sa paninirahan sa lalawigan,
at ang pikit-matang pagpapaaral ng mga magulang sa mga anak na sa Maynila
na wala naming ganap na kakayahan.

Batay sa aklat nina Lalic at Matic (2013), alam ng mga kastila ang hilig ng
mga katutubong Pilipino sa dula, kaya sinamantala nilang ginamit ito sa
pagpapalaganap ng kanilang relihiyon. Sa pagbabasa ng mga dasal, sa pagbigkas
ng mga sermon at sa pagtatanghal ng mga buhay ng santo, ang bagong
pananampalataya ay naging kaakit-akit.

Gayundin naman, ang mga sinaunang anyo ng dula na hindi maaaring


ganap na gamitin sa layuning panrelihiyon ay sinangkapan naman ng mga
Kastila ng dasal, pagpapasalamat sa Diyos, paggamit ng mga pangalang
kristiyano sa mga tauhan at ang pagpapapasok ng kaugaliang kaugnay sa
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
Guro: Jeffrey T. Importante
23

relihiyon. Sa ganitong paraan, ang pagsasama ng katutubo at ng dayuhan sa


panitikan ay minsan pang naganap.
Ayon kay Bisa (1981) sa Pamamaraang Modyular ni Espina at Borja, batay
sa lugal na pinagtatanghalan, may tatlong uri ng dula sa panahon ng kastila. Ito
ay Dulang Pantahanan, Dulang Panlansangan at Dulang Pantanghalan.
Tunghayan natin ang ilan sa mga dulang ito:

A. DULANG PANTAHANAN
Ang mga dulang ito ay karaniwang idinadaraos sa loob ng bahay o sa
bakuran ng sino mang may lamay o parangal sa namatay. Kabilang sa mga
dulang ito ang mga sumusunod:

1. Karagatan - Ito ay larong may paligsahan sa tula na batay sa alamat ng


singsing ng isang dalaga. Ang singsing ay nahulog sa gitna ng dagat at sino man
ang binatang makakuha ng singsing ay pakakasalan ng dalagang may ari nito.
2. Pamanhikan - Tinatawag din itong Panunuyo. Sa pagsasagawa nito, ang
isang binata, sa pamamagitan ng kanyang mga kamag-anakan ay papanhik sa
tahanan ng dalagang kanyang napupusuan at sa pamamagitan ng
matatalinhagang salita ng mga pangungusap ay naipahayag ang malinis na
layunin ng lalaki. Munting pagkasala sa pag-unawa ng kahulugan ng isang
talinghaga ay maaaring humantong sa di-pagtanggap ng mga magulang ng
dalaga sa layunin ng binata.
3. Dulog – Ito ay huling bahagi ng pamanhikan. Itatakda na ang araw at oras
ng kasal. Ito ang pinakamasayang bahagi ng pamanhikan. Ang pagkain ay
bumabaha; may awitan, sayawan at inuman. Ang pamanhikang isinalarawan ay
buhat sa katagalugan.
4. Duplo – Ito ay paligsahan sa pagtula. Ito ay pagtatalo sa pagmamatuwid
at sa palitan ng matuwid o sagutan ay walang paghahanda. Dito naugat ang
ating balagtasan sa ngayon. Ito ay ginagawa sa ikasiyam sa bahay ng namatayan
bilang pang-aliw sa mga naulila.
5. Huego de Prenda – Ang ibig sabihin nito ay “Laro ng Multa”. Nilalaro ito
tuwing burol o lamayan. Umuupo ng pabilog ang mga manlalaro, at ang bawat
manlalaro ay binibigyan ng pangalan, punongkahoy o bulaklak para sa babae,
ibon o numero naman sa lalaki. Ito ay maaaring gagamitin na pagkakataon sa
ligawan.
6. Panubong/Pamutong – isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang
may kaarawan o kapistahan.

B. DULANG PANLANSANGAN
Ang mga dulang ito ay hinggil sa relihiyon na karaniwang pinagsamang
prusisyon, awitan at kaunting aksyon. Tinatawag ang mga ito na panlasangan
dahil ang mga tagpo ay sa labas ng bakuran ng tahanan o kaya ay sa mga kalye.
Kabilang sa mga dulang ito ay ang mga sumusunod:
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
Guro: Jeffrey T. Importante
24

1. Pangangaluluwa – Sinasagawa ito tuwing bisperas o sa mismong araw ng


Todos los Santos, may mga pangkat ng mga kabataan na nagbabahay-bahay at
umaawit hinggil sa mga karaingan ng kaluluwa ng mga namatay. Noong araw,
ang mga it ay pinagbubuksan, pinapatuloy sa loob ng bahay at hinahainan ng
mga kakanin tulad ng kalamay, suman, biko at iba pa. Nang lumaon, ang mga
“kaluluwang” nagsisiawit ay nilalabas ng may-bahay at bibigyan ng limos na
salapi o kaya’y ng nakabalot na mga kakanin. Karaniwang nagsisimula ito
pagdating ng dilim at nagwawakas ng hatinggabi. Sinasabi na ito ang isang
paraan ng pakikipag-ugnayan ng buhay at ng patay bilay bahagi ng ritwal ng
Kristiyano.
2. Panunuluyan/Pananapatan – Pagtatanghal ito ng paghahanap ng bahay
na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birhen Maria noong bisperas ng
pasko.
3. Salubong – Ito’y isang prusisyon na ginaganap sa madaling araw ng
Linggo ng pagkabuhay o Domingo De Pascua. Ang mga imahen ng Kristong
nabubuhay na muli at ang namimighating Birhen Maria ay nasa kani-kanyang
karosa at nagmumula sa magkaibang lugar.
4. Flores De Mayo – pag-aalay ng bulaklak at pagmamahal kay Santa
Mariang birhen. Habang nag-aalay, nagsisiawit ng pagpuri (Dalit) sa Birheng
Maria.

5. Tibag –ito ay pagsasadula ng paghahanap ni Sta. Elena sa nawawalang


krus na pinagpakuan kay Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng mga bundok-
bukan. Patula ang pagsasalita ng mga tauhan. Itinatanghal ito sa tuwing buwan
ng mayo.
6. Lagaylay – Ang dulang ito ay may layuning magbigay galang, magpuri at
mag-alay ng papuri sa mahal na krus na nakuha ni Santa Elena sa bundok na
tinibag.
7. Santa Cruzan – Itinatanghal pagkatapos ng Flores De Mayo.

C. MGA DULANG PANTANGHALAN


1. Senakulo – Pagsasadula ng buhay at pagpapasakit ni Hesukristo mula sa
kanyang pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan. Ito ay mula sa kanyang
pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan.
Dalawang Paraan sa Pagtatanghal ng Senakulo:
✓ Hablada (sinasalita)
✓ Cantada (inaawit)
2. Moro-Moro o Komedya – ito ay pagtatanghal ng paglalaban ng mga
Kristiyano at mga Moro.
3. Morion/Moriones – dulang natutungkol sa buhay ni Longunis, Ang bulag
na Romano na hindi naniniwala kay Kristo.
4. Ninos Inocentes – dulang natutungkol sa pagpapapatay ni Haring
Herodes sa mga sanggol na bagong silang.
5. Karilyo/Carillo – isang uri ng libangan ng mga tao kung madilim ang
gabi sa kapistahan ng isang bayan o nayon. Ito ay nagpapagalaw ng mga anino
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
Guro: Jeffrey T. Importante
25

ng mga pira-pirasong karton ng hugis tao sa isang ilaw sa kabila ng kartong


hugis tao, at sinasabayan ng salita.

MGA KATUTUBONG PAGLALARONG PATULA

Patuloy na naging libangan ng mga tao ang mga katutubong paglalarong


patula. Makikita rito ang mga katutubong katalinuhan at masining na
pagpapahayag ng damdamin ng mga tao noong panahong iyon (Lalic at Matic,
2013).
1. Putungan - ito ay mahabang tulang inaawit bilang parangal sa isang
may kaarawan o sa isang panauhing iginagalang. Ang larong ito ay noong
panahon pa ng kastila nagsimula. Ito ay batay din sa mga tradisyong
panrelihiyon. Ito ay tungkol sa bibliya, ukol sa Diyos, kina Eba at Adan, at
Abraham. Ang mga bulaklak ay mga pawang di katutubo gaya ng rosas, mirasol
at asusena. Ang pinakatampok na putungan ay ang pagpuputol ng korona ng
bulaklak sa pinararangalan.
2. Mga Kantahing Bayan - Ang mga kantahing bayan (folk songs) ng mga
Pilipino ay karaniwang mga tuluy-tinig ( Survival) ng dating kalinangan sa
pamamagitan ng saling dila (oral tradition). Ang mga nilalaman ay
nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga
kaisipan at damdamin ng bayan. Karaniwang mababaw ang kahulugan at payak
ang taludturan, ngunit ang musikang pinagsasakyan ng awit ay katutubong
pahayag ng mga katangian at kasiglahan sa buhay ng ating mga ninuno. Ang
mga kantahing bayan natin ay madamdamin at malugod, bagama’t pamatay-
pag-asa kung minsan.
Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng ating mga kantahing bayan.
Ang pananalog ng mga kantahing di-tagalog ay halaw lamang sa di-ayon sa
musika.
a. Cariñosa (Bisaya)
O mga Pulong Bisaya ng aking puso, Nakapapawi sa pighating alin man.
Ang langit mo’y may pang-akit sa Matamis na lupain ng aking mga
aking kaluluwa, pangarap,
Ang mga awit mo’y may tanging Ikaw ay isang makinang na bituing
kariktang Sa watawat nati’y nagniningning!

b. Bahay Kubo ( Tagalog)


Bahay kubo, kahit munti, Kundol, patola, upo’t kalabasa,
Ang halaman doon ay sari-sari At saka mayroon pang labanos,
Singkamas at talong, sigarilyas, mani mustasa;
Sitaw, bataw, patani. Sibuyas, kamatis, bawang at luya,
Sa palibot ay puro linga.
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
Guro: Jeffrey T. Importante

You might also like