You are on page 1of 1

PANAHONG PRE-KOLONYAL

1. Boxer Codex
- Ito ay isang manuskritong isinulat noong 1595 na naglalaman ng mga iginuhit
na larawan ng mga pangkat etiniko sa Pilipinas nang unang madatnan ito ng
mga Espanyol. Naglalaman din ito ng 75 kinulayang guhit ng mga naninirahan
sa mga rehiyong ito at ang kanilang mga natatanging kasuotan.

2. Mga Binukot
- Ang binukot ay ang mga babaeng itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing
silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang Makita ng kalalakihan hanggang sa
magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa panay. Ang gampanin ng
mga babae noong pre-kolonyal ay ibang-iba sa gampanin ng babae sa
panahon ng Espanyol. Noong pre-kolonyal, ang mga babae ay binibigyan ng
importansya. Sila ay tinitingala dahil sa kanilang karunungan. Maaari silang
humawak ng mga matataas na posisyon kagaya ng pagiging datu,
tagapagpagaling, maging lider at maging mandirigma.

3. Pagmamay-ari ng lalaki
- Kahit mataas ang posisyon ng mga babae sa panahong iyon ay tinuturing pa
rin silang pagmamay-ari ng lalaki. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon
ng may higit sa isang asawa subalit maaari nilang pataying ang kaniyang
asawang may kasamang ibang lalaki.

4. Pakikipaghiwalay
- Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng
kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan
ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.

You might also like