You are on page 1of 7

MTB-MLE

FOURTH GRADING PERIOD

Petsa: May 15, 2023 (MONDAY)


Oras/Baitang: III – MATATAG (1:10 – 1:40)

I. Layunin
 Nakikilahok at nakapagsisimula ng pinahabang usapan o dayalogo sa mga kaedad, nakatatanda sa mga
hindi pamilyar na paksa sa pamamagitan ng pagtatanong atpagsasagot, pag-uulit atpaghingi ng
impormasyon

II. Paksa
Aralin: LAKAS NG ENERHIYA
MT3OL – Ivb- c -6.3
TG p. 352-353,CG p.145 of 149
KM p. 299 -
Mga Kagamitan: larawan

III. Pamaraan
1. Panimulang Gawain
Ipalabas sa mga bata ang bayarin nila sa tubig at kuryente.

2. Panlinang na Gawain
Itanong kung para saan ang mga bills o bayarin na dala nila.
Paghambingin ng mga bata ang bayrin sa kuryente at tubig .Ipasabi kung alin ang mas mataas ang
babayaran. Pataasin ang kamay ng pinakamataas at pinakamababa ang babayaran.

Itanong sa klase: Bakit kaya ang pamilyang ______ ay mas Malaki ang babayaran sa kurte/tubig?

3. Pagtalakay
Pangkatin ang klase sa tatlo.
Bigyan ng sobre na may dalawang papel sa loob ang bawat lider ng pangkat.
Ang mga tanong na ito ang nakasulat sa isang papel:
 Anu-ano ang pinagkukunan(pinanggagalingan) ng kuryente?
 Paano kayo makatutulong upang makatipid sa paggamit ng kuryente?
 Anu-ano ang maaring mangyari kung hindi magtitipid sa kuryente?

 Sa hudyat ng guro bubuksan nila ang sobre at ipapasa sa mga kasapi ng pangkat ang papel at isa-isa silang
sususulat ng sagot nila sa tanong.
 Makalipas ang 5 minuto patitigilin sila ng guro at ipapasa nila ang sobre sa ibang pangkat.
 Matapos makaikot ang sobre sa mga pangkat.
 Ibabalik nila ang lahat ng ito sa guro.
 Ang sobre ng pangkat 1 ay ipapasa sa pangkat 2, ang sa pangkat 2 sa pangkat 3 ,ipapasa namn ng pangkat
3 ang kanilang sobre sa pangkat 1.
 Matapos ang pasahan.
 Ibabalik ang mga sobre sa unang pinanggalingang pangkat at isusulat nila ang buod ng mga sagot sa manila
paper.
 Pag-uulat ng bawat pangkat.

4. Paglalahad
Iproseso ang lahat ng sagot ng bata

5. Paglalahat
Itanong: Paano ninyo nasagot ang mga tanong?

6. Paglalapat
Hatiin ang klase sa tatlo. Bigyan ang bawat grupo ng envelop na may nakalagay na puzzle. Ang unang
makakabuo ng puzzle at makapagsasabi ng gawain ay siyang mananalo.

IV. Pagtataya
Pagwawasto ng ginawang gawain sa pangkatan. Bigyan ng puntos ang mga mag-aaral ayon sa pangkatang Gawain
batay sa pakikiisa at paglalahad nila ng kanilang mga ginawa.

V. Takdang Aralin
Prepared by:

EMMEREN D. AGUSTIN
Teacher

Checked by:

ZENAIDA A. NUÑEZ, PhD


Master Teacher In-charge

Noted by:

RANDY G. TAGAAN, PhD


Principal IV
MTB-MLE
FOURTH GRADING PERIOD

Petsa: May 16, 2023 (TUESDAY)


Oras/Baitang: III – MATATAG (1:10 – 1:40)

I. Layunin
 Nakasusulat ng 3-5 na pangungusap/talata gamit ang mga sugnay na una, gitna at huli sa pangungusap.

II. Paksa
Aralin: PAGGAMIT NG MGA HUDYAT SA TALATA
MT3C – Iva –i-2.7
TG p. 352-353,CG p.145 of 149
KM p. 299 -
Mga Kagamitan: larawan

III. Pamaraan
1. Panimulang Gawain
Wastong Pagbaybay

2. Panlinang na Gawain
Ipabasang muli ang kwentong “MAKI MAAKSAYA” km p. 311
Hayang pagsunud-sunurin ng mga bata ang pagkakasunod-sunod ng kwento.

3. Pagtalakay
 Ano ang ginawa ni Maki?
 Bakit niya hinayaang tuloy-tuloy na umagos ang tubig?
 Ano ang nangyari kay Maki?
 Saan siya nagpunta upang humingi ng tubig?
 Sino ang gumising sa kaniya?
 Bakit siya masaya nang sabihin ng kaniyang in ana ang tubig ay patuloy na umaagos?
 Maaari kayang tuluyang tumigil ang agos ng tubig?
 Bakit natin kailangan magtipid ng tubig?

4. Paglalahad
Hayaang makilala ng mga bata ang ginamit na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng kwento.

5. Paglalahat
Ano ang ginamit nating mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng kwento?

6. Paglalapat
kung ikaw ang batang si Maki, gagawin mo din ba ang kanyang ginawa?

IV. Pagtataya
Buuin ang mga hakbang sa anyo ng talata. Gumamit ng mga panandang salita.

Maskarang yari sa supot ng Papel

1. Ipatong ang supot na papel sa ulo.


2. Tukuyin ang gitna na dalawang mata at markahan sa supot na papel.
3. Tukuyin ang gitna ng bibig at lagyan ng guhit.
4. Alisin ang supot na papel sa ulo.
5. Iguhit ang iba pang bahagi ng maskara.
6. Gupitin ang butas para sa mata at bibig.
7. Lagyan ng dekorasyon ang maskara.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang talata tungkol sa paghahanda mo sa pagpasok sa iskwela.

Prepared by:

EMMEREN D. AGUSTIN
Teacher

Checked by:

ZENAIDA A. NUÑEZ, PhD


Master Teacher In-charge

Noted by:

RANDY G. TAGAAN, PhD


Principal IV
MTB-MLE
FOURTH GRADING PERIOD

Petsa: May 17, 2023 (WEDNESDAY)


Oras/Baitang: III – MATATAG (1:10 – 1:40)

I. Layunin
 Nakikilahok at nakapagsisimula ng pinahabang usapan o dayalogo sa mga kaedad, nakatatanda sa mga
hindi pamilyar na paksa sa pamamagitan ng pagtatanong atpagsasagot, pag-uulit atpaghingi ng
impormasyon.
 Nababasa nang malakas ang mga tekstong sa antas ng baitang na may angkop na bilis

II. Paksa
Aralin: KATOTOHANAN O OPINYON
MT3LC –RC –Ivb-2.2.1
TG p. 352-353,CG p.145 of 149
KM p. 299 -
Mga Kagamitan: larawan

III. Pamaraan
1. Panimulang Gawain
Wastong Pagbaybay

2. Panlinang na Gawain
Nakarinig na ba kayo na “taong nagkasakit dahil sa maruming tubig?”
Ano kaya sa tingin nyo ang dahilan kung bakit sila nagkakasakit?

3. Pagtalakay
Pagbabaliktanaw sa kwento na “MAAKSAYANG SI MAKI”

 Alin kaya sa kwento ang katotohanan?


 Alin naman ang opinyon?

4. Paglalahad
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1: Pagsusulat ng mga KATOTOHANAN na nangyari sa kwento ni Maki.
Pangkat 2: Pagsusulat ng mga OPINYON na nangyari sa kwento ni Maki.

5. Paglalahat
Itanong: Ano ang KATOTOHANAN? Ano naman pag OPINYON?

6. Paglalapat
Magbigay ng isang pangungusap na KATOTOHANAN O OPINYON.

IV. Pagtataya
Isulat ang K kung ito ay katotohanan at O naman kung itp ay opinyon.

1. Ang tubig ay ang pangunahing kailangan ng tao.


2. Sa palagay ko, ang tubig ay nakakagaling ng mga sakit.
3. Isa sa mga nilikha ng Diyos ay ang tubig.
4. Sa wari ko’y, hindi mauubos ang tubig sa gripo.
5. “sa palagay ko, hindi ito titigil” wari ni Maki.

V. Takdang Aralin
Sumulat ng 5 pangungusap na KATOTOHANAN at 5 na pangungusap na OPINYON.

Prepared by:

EMMEREN D. AGUSTIN
Teacher

Checked by:

ZENAIDA A. NUÑEZ, PhD


Master Teacher In-charge

Noted by:

RANDY G. TAGAAN, PhD


Principal IV
MTB-MLE
FOURTH GRADING PERIOD

Petsa: May 18, 2023 (THURSDAY)


Oras/Baitang: III – MATATAG (1:10 – 1:40)

I. Layunin
 Nakagagawa ng balangkas na dalawang antas (two-level outline)

II. Paksa
Aralin: ANTAS
MT3SS – Iva – c- 13.1
TG p. 352-353,CG p.145 of 149
KM p. 299 -
Mga Kagamitan: larawan

III. Pamaraan
1. Panimulang Gawain
Basahin ang sumusunod na talata sa pahina 297-298
Ano ang mga pangyayari sa talata?

2. Paglalahat
Ang balangkas ay ang buod ng talata. Ang pangunahing aral ng talata ay maaaring isulat ng maikli at sa paraang
gumagamit na panandang Roman Numeral. Ang detalye na nagsasabi ng pangunahing aral sa talata na maaaring
nakasulat ng maikli at may marka ng malaking titik.

IV. Pagtataya
Basahin ang sumusunod na talata. Pagkatapos kompletuhin ang kasunod na balangkas.

Ang tubig ay isang importanteng bagay sa mundo. Ang mga tao at hayop ay nangangailangan ng
tubig upang mabuhay. Maging ang halaman ay nangangailangan ng tubig upang lumaki. Kailangan rin natin ng
tubig sa paglilinis ng katawan. Ginagamit din natin ito sa paglilinis ng maraming bagay. Hindi tayo makapagluluto
ng ating pagkain kung walang tubig. Kung kaya’t, kailangan natin itong pahalagahan.

A. Ang tubig ay, ___________________________________________

a. Ang tao at hayop ay umiinom ng tubig


b. ______________________________________
c. Kailangan sa paglilinis ng ating katawan
d. ______________________________________
e. ______________________________________

Prepared by:

EMMEREN D. AGUSTIN
Teacher
Checked by:

ZENAIDA A. NUÑEZ, PhD


Master Teacher In-charge
Noted by:

RANDY G. TAGAAN, PhD


Principal IV

You might also like