You are on page 1of 1

PANGALAN: BERMAS, Mary Joy B.

AKTIBIDAD: Suri-Video sa Ebolusyon


SEKSYON: BSMA IV-13
SURI-VIDEO SA EBOLUSYON

Mula sa 14 minutong bidyo ni Kari Wade na pinamagatang “The Evolution of Media and
Technology (1910-2015),” ipinakita nito ang napakabilis na pag-unlad ng midya at teknolohiya
sa iba’t ibang larangan, partikular sa transportasyon, entertainment, at edukasyon sa loob ng
maikling panahon.

Mula sa bidyong ito, kapansin-pansin na lubos na natugunan ng midya at teknolohiya ang


pangunahing gampanin nito sa ating lipunan: ang mapadali ang buhay ng bawat mamamayan.
Kitang-kita na sa progresibong pag-unlad ng midya at teknolohiya hindi lang sa ating bansa
kundi sa buong daigdig ay mas napadali ang buhay ng bawat mamamayang gumagamit nito.
Subalit, kalakip ng bentaheng dulot nito sa ating mga buhay— ang pagpapadali ng ating buhay—
ay ang mabigat na responsibilidad na dapat nating harapin at pasanin habang ginagamit natin ito.

Sa sektor ng komunikasyon, hindi lingid sa kaalaman na dahil sa mga bagong midya at


teknolohiya ay napadali ang daloy ng komunikasyon at ang pagpapalaganap ng mga
importanteng impormasyon. Ngunit, dahil sa pagiging madali sa pagkalap ng mga
impormasyong ito ay nakakalimutan o hindi na ito nagagamit ng wasto ng karamihan sa atin.
Makikita ang iresponsableng paggamit at pagsasamantala sa midya at teknolohiya sa
komunikasyon dahil sa usapin ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon o 'fake news,' kung
saan ito ay nag-uugat sa tinatawag na 'misinformation' o 'disinformation.' Ang isyung ito ay hindi
lamang limitado sa sektor ng komunikasyon, bagkus ito ay laganap rin sa iba't ibang sektor ng
lipunan na kinakailangan rin ng sapat at tutok na atensyon.

Mula sa usaping natalakay sa itaas, mahihinuha natin na malaking responsibilidad ang


nakaatang sa ating mga balikat bilang mga mamamayang konsyumer ng midya at teknolohiya.
Mayroon tayong responsibilidad na gamitin ng wasto at naaayon ang mga midya at
teknolohiyang patuloy na umuusbong at nagpapadali sa ating pamumuhay.

Bilang nag-aaral maging guro at sikolohista, malaki rin ang hamon sa atin ng mabilis na
pag-usbong o paglago ng midya at teknolohiya, partikular sa sektor ng edukasyon. Isa sa ating
mga responsibilidad ay ang turuan silang maging mulat at magkaroon ng malawak na kamalayan
sa kung paano nararapat gamitin ang mga nabubuong midya at teknolohiya, ipakilala ang
importansiya nito sa iba't ibang larangan ng ating buhay, at mas mapaunawa kung paano
mapapalawig ang paggamit nito o inobatibo upang magbahagi pa ng mga makabuluhang
impormasyon at karunungan. Mula rito, tayo ay kanilang magiging gabay sa maayos na
paggamit ng midya at teknolohiya at maiwasan ang pagsasamantala dito.

You might also like