You are on page 1of 7

Guro: Ella Mae V.

Baiño Baitang: Apat


Asignatura at oras: Health Markahan: Ikatlo

LAYUNIN
Demonstrates understanding of the proper use of medicines to
A. Content Standards prevent misuse and harm to the body
Naipakikita ang pag-unawa sa pagsusulong ng kaligtasan sa
Pamantayang Pangnilalaman paggamit ng gamot para maiwasan ang masamang epekto/
dulot sa ating katawan.

Practices the proper use of medicines


B. Performance Standards Naisasabuhay/ naisasagawa nang wasto ang paggamit ng
Pamantayang Pagganap gamot.
Describes the proper use of medicines.
C. Learning Competency 1. Nailalarawan ang tamang paggamit ng gamot. (H4S-
IIIfg-5)
Pamantayang Pagkatuto/Layunin
II. PAKSA Tamang Paraan ng Paggamit ng Gamot

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian
Teacher’s Guide pages DLP in Health 4 (3rd Quarter) p. 17 - 25

Learner’s Materials pages

Textbook pages Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4 pahina 356-


369

Additional materials from Learning Resource (LR) portal


B. Other Learning Resources mga larawan, powerpoint ng dayalog,tsart, paper strips ng
mga paraan ng paggamit ng gamot, envelopes na may mga
nakalagay na direksiyon para sa pangkatang gawain, graphic
organizer

IV. PAMAMARAAN

A. Balik – aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Tanong:


bagong aralin Anu-ano ang dapat gawin para makaiwas sa sakit?

B. Paghahabi ng layunin ng aralin Laro:


(Motivation) Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat . Pangkat ng
mga babae at pangkat ng mga lalaki. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ko ng tig-isang larawan na kailangan ninyong
mabuo bago matapos ang musikang aking patutugtugin.

(Ipabigay ang pamantayan sa mga mag-aaral sa pagkakaroon


ng isang laro.)

Babae Lalaki
  Ano ang nakita niyo sa unang larawan?
 Ano naman ang nasa ikalawang larawan?
 Tama ba ang ginagawa nila? Bakit?
 Paano nila ginagamit ang gamot?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin 1. Pagbasa ng dayalogo (LITERACY)


(Presentation) Mayroon ako ditong inihandang dayalogo. Ngunit bago iyan,
narito ang ilang mga salitang madadaanan natin sa pagbasa ng
dayalogo.

 Paghawan ng balakid

“Jumbled Letters”
Sa tulong ng kahulugan ng salita, ayusin ang
ginulong letra upang malaman o mabuo ang salita.
(LITERACY)

TERESA = RESETA

– isang dokumentong bahagi ng pangangalagang


pangkalusugan. Dito isinusulat ng isang doktor ang mga
instruksyon para sa kanilang mga pasyente.

KILINAK = KLINIKA
– maliit na pagamutan

ISUNUSIR = SINUSURI

- inaalam

KEPAET = PAKETE
– lalagyan ng likido o tabletang gamot

BOKATI = BOTIKA
– pharmacy o parmasiya, tindahan ng mga gamot

PEEK = PEKE

- fake o huwad

APKUMSA = PAMUKSA
– pampatigil o pampatapos

 Pagganyak na tanong:
Tungkol saan ang ibinahagi nina Rona,Ben, Belen
at Roy sa kanilang kaklase at guro? Ano-ano ang
mga ito?

 Basahin ang dayalogo


(Ipalahad sa mga bata ang pamantayan sa pagbasa ng
dayalogo)

Dayalogo
Sa silid-aralan, aktibong nakikisali sa talakayan sina
Rona,Ben, Belen at Roy…)

Gng. Castro: Magandang araw sa inyong lahat. Gusto


kong malaman mula sa inyo kung ano ang ginagawa ninyo
bago uminom ng gamot.

Rona: Sinasamahan ako ng Nanay ko sa klinika upang


magpatingin sa doktor, Sinusunod ko ang reseta sa akin ng
doktor sa gabay ng aking mga magulang.

Gng. Castro: Tamang gawi ang ginagawa mo Rona. Ikaw


naman Ben.

Ben: Sinusuri kong mabuti ang nakasulat sa pakete ng


gamot upang malaman ko kung kailan mawawalan ng bisa.

Belen: Hindi kami bumibili ng gamot ng Nanay ko kung


saan-saan lang. Bumibili kami sa mapagkakatiwalaang
botika upang hindi kami makabili ng pekeng gamot.

Gng. Castro: Tama ang ginagawa ninyo mga bata. Ano


naman ang maibabahagi mo sa amin Roy?

Roy: Ipinaghihiwalay namin ang lalagyan o taguan ng mga


gamot sa mga panlinis sa bahay at pamuksa sa mga insekto.
Sinisigurado namin na hindi kayang abutin ng aking mga
nakababatang kapatid ang taguan ng mga gamot upang
hindi nila paglaruan.

Gng. Castro: Magaling! Ako ay nalulugod sa inyong


ibinahagi ngayon. Oras na para sa susunod niyong
asignatura. Paalam mga bata.

Mga Bata: Paalam din po Gng. Castro

A. Pagsagot ng pagganyak na tanong at iba pang mga


D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng katanungan:
bagong kasanayan #1
( Modeling)  Pagganyak na tanong:
 Tungkol saan ang mga ibinahagi nina Rona, Belen
at Roy sa kanilang kaklase at guro?

Itanong:
 Ano ang ibinahagi ni Rona sa klase?
 Bakit kailangan nating komunsulta sa doktor bago
uminom ng gamot?
 Bakit kailangang sundin ang nakasulat sa pakete ng
gamot o ang resetang galing sa doktor?
 Bakit kailangan ang gabay ng nakatatanda bago
uminom ng gamot?
 Ano naman ang ibinahagi ni Ben?
 Ano ang mangyayari kapag lagi tayong nakakainom
ng expired na gamot?
 Ano naman ang ibinahagi ni Belen sa klase?
 Bakit kailangang bumili ng gamot sa
mapagkakatiwalaang botika?
 Ano naman ang ibinahagi ni Roy sa klase?

 Bakit kailangan ang tamang paglalagyan ng gamot?

Tandaan:
Kinakailangang tama ang paggamit ng gamot upang
makatulong ito sa ating kalusugan sa halip na magdulot ito ng
panganib.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Panuto: Basahin ang mga nakasulat sa metacard. Piliin ang
bagong kasanayan #2 mga paglalarawan sa tamang paggamit ng gamot. Idikit sa
(Guided Practice) mga puso na nakapaskil sa pisara.

Suriin at basahing mabuti ang nakasulat sa pakete ng


gamot.

Ihiwalay sa mga pamuksa sa insekto at ilagay sa taguan


ng mga gamot o medicine cabinet at siguraduhing hindi
kayang abutin ng maliliit na bata.

Sundin ang preskripsiyon mula sa doktor.

Alamin ang expiration date o kung kalian mawawalan


ng bisa ang gamot.

Gamitin ang reseta ng kapatid.

Sundin ang payo ng kaibigang nakaranas ng sakit.

Bumibili sa mapagkakatiwalaang botika lamang.

Uminom ng gamot ng may gabay ng mga magulang o


nakatatanda.

Huwag nang magpakonsulta sa doktor at bumili na


lamang ng gamot sa tindahan.

Mga Tamang
Paraan ng Paggamit
ng Gamot

Itanong:
Bakit hindi ninyo pinili ang ibang paraan ng pag-inom ng
gamot?

F. Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain:


(Ipabigay ang pamantayan sa pagkakaroon ng pangkatang
(Tungo sa Formative Assessment) gawain)
Bibigyan ang bawat pangkat ng gagawin na nasa loob ng
envelope. Bigyan ng 5 minuto upang pag-isipan ang
nakaatang na gawain.

Unang Pangkat:
Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na naglalarawan ng
tamang paggamit ng gamot.
_______1. Binabasa nang mabuti ang direksiyon at tamang
sukat bago inumin ang gamot.
_______2. Iniinom ng mas marami sa itinakdang gamot para
mas mabilis ang paggaling.
_______3. Gumamit ng tamang panukat sa pag-inom ng
gamot para di masobrahan ang dami.
_______4. Uminom ng antibiotics na reseta lamang ng
doktor.
_______5. Binibigay sa kapitbahay ang natirang gamot sa
inyong bahay para makatulong.
_______6. Umiinom ng gamot ng kaibigan mo.

Ikalawang Pangkat:
Sa tulong ng flower organizer, maglista ng ilan sa mga
pinag-aralang paglalarawan sa tamang paggamit ng gamot.

Tamang Paraan
ng Paggamit ng
Gamot

Ikatlong Pangkat:

Mag-isip at maglista ng iba pang tamang paraan ng pag-


inom ng gamot.
1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
4. _________________________________________
5. _________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- araw na buhay Masama ang pakiramdam mo nang dumating ka galing sa
bahay ng kalaro mo. Nagsimula kang bumahing at
( Application/Valuing) nakaramdam ka ng sakit ng ulo. Ano ang iyong gagawin?
( Isadula )
(Tumawag ng ilang batang magsasadula ng sitwasyon.)
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang iyong natutunan sa araw na ito? Ipasulat sa loob ng
“House Organizer” ang mga sagot ng bata.

I. Pagtataya ng Aralin
Slow Learner/Average Learner
Isulat ang T sa puwang kung ang pangungusap ay
naglalarawan at nagpapakita ng wastong paraan ng paggamit
ng gamot at M kung hindi.

________1. Ang pag-inom ng anumang gamot ng batang


katulad mo ay nangangailangan ng gabay ng mga nakatatanda
o magulang.

________2. Dalawang araw nang pabalik-balik ang lagnat ni


Riza. Komunsulta siya sa doktor bago uminom ng gamot.

________3. Bumili ng gamot na kaiba sa inireseta ng doktor


upang makamura sa presyo.

________4. Sa pag-inom ng ng gamot mahalagang basahin at


suriing mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot.

________ 5. Sundin ang preskripsyon ng gamot na ginamit


ng kapitbahay.

Advance Learner:
Maglista ng 5 pangungusap na naglalarawan sa tamang
paggamit ng gamot.
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________
4. _____________________________________
5. _____________________________________

J. Takdang-aralin/Karagdagang Gawain Kumpletuhin mo ito.


Ang tamang paraan ng paggamit ng gamot ay ang
Dagdagan ng mga salita upang makabuo ng makabuluhang
mga sumusunod:
mensahe sa tamang paraan ng paggamit ng gamot.
__________________________________________
__________________________________________
_______________________________________.

Ito ay aking susundin upang ako’y

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_________________________________.
V. PAGTATALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)? Bilang ng
mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking punongguro Bat superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na nais kong ibahagi sa ibang
guro?

Inihanda ni:

ELLA MAE V. BAIŇO


Teacher III

Binigyang pansin ni:

HERALD C. SURBANO
Teacher-in-Charge

You might also like