You are on page 1of 28

Modyul 3-Aralin 1

COR8
BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:


a. Kalinawan b. Kaugnayan c. Bisa Sa reaksyong papel na isinulat
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa:
a. Sarili b. Pamilya c. Komunidad d. Bansa e. Daigdig
Bakit tayo nagsusulat?
Katuturan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay sistema ng komunikasyong


interpersonal, na gumagamit ng mga simbolo at inuukit
o isinusulat sa isang makinis na bagay tulad ng papel,
tela, o 'di kaya’y isang malapad at at makapal na tipak ng
bato (Badayos, 1999).
Katuturan ng Pagsulat

Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil


sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais
niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan (Mabilin et al., 2012).
Katuturan ng Pagsulat

“Walang misteryong taglay ang mabuting panulat, ito ay


kasanayang natutuhan” (Gonzalez, 2005).
May dalawang pangunahing
dahilan sa pagsulat

Una, upang maipahayag ang niloloob at nadarama at


ikalawa, upang makipagtalastasan.
mga uri ng pasulat

Akademik
Teknikal
Journalistik
Reperensyal
Propersyonal
Malikhain
mga uri ng pasulat
Akademik
Pagsulat sa paaralan mula antas primarya hanggang doktoradong pag-
aaral. Itinuturing na intelektuwal na pagsulat.

Halimbawa:
akademikong na sanaysay
tesis
pamanahong papel
posisyong papel
mga uri ng pasulat
Teknikal
Nagsasaad ng impormasyon na maaaring makatugon sa isang
komplikadong suliranin. Nakatuon sa espesipik na awdyens.

Halimbawa:
dokumentasyon
panukala sa negosyo
resume
mga aplikasyon sa trabaho
mga uri ng pasulat
Journalistik
Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist. Makikita sa columnar ng
dyaryo.

Halimbawa:
balita
editoryal
lathalain
mga uri ng pasulat
Reperensyal
Sulating naglalayon na magrekomenda ng iba pang mga source o
reference. Para mas maging malawak ang pag-intindi sa isang paksa.

Halimbawa:
interbyu
disertasyon
mga uri ng pasulat
Propresyonal
Nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon.

Halimbawa:
police report
medical report
investigative report
mga uri ng pasulat
Malikhain
Masining, pokus ang imahinasyon ng manunulat.

Halimbawa:
tula
pabula
proseso ng pagsulat

1. Bago Sumulat (BS)


2. Pagsulat ng Burador (PB)
3. Pag-e-edit (PE)
4. Pagrerebisa (PR)
5. Pinal na Sulatin (PS)
proseso ng pagsulat

Bago Sumulat (BS)

Pagpili ng paksa​
Pagbuo ng balangkas​
Pangangalap ng datos​
Pagsusuri ng datos
proseso ng pagsulat

Pagsulat ng Burador (PB)

Pagsunod sa balangkas​
Pagbuo ng pangungusap at talata​
Paghahabi ng salita​
Pinakamahirap sa lahat ng bahagi
proseso ng pagsulat

Pag-e-edit (PE)

Pagwawasto sa kamalian sa pagbabantas at sa


pagbabalarila
Pagtukoy sa wastong gamit ng napiling salita
proseso ng pagsulat

Pagrerebisa (PR)

Kaukulang pagbabago at pag-aayos ng naunang


sulatin
Pagsusuri sa istruktura ng pangungusap at lohika ng
presentasyon​
proseso ng pagsulat

Pinal na Sulatin (PS)

Komposisyong maayos at malinis ang pagkakasulat​


mungkahi para sa mabisang
pagsulat
1. Piliin ang paksa na malapit sa iyong kawilihan o interes.
2. Piliin ang mga paksang may taglay kang kaalaman o di
kaya'y may nais
kang alamin.
3. Isaalang-alang ang maraming teknik sa pangangalap ng
mga ideya bago isulat ang draft.
mungkahi para sa mabisang
pagsulat
4. Tiyakin ang target na awdyens para sa iyong sulatin at lagi
itong isaisip habang nagsusulat.
5. Tiyakin din ang layunin sa pagsulat at ano ang gustong
matamo sa sulatin. Magbigay ba ng impomasyon?
Manghikayat at magbigay-lugod? Mangatwiran?
mungkahi para sa mabisang
pagsulat
6. Isaisantabi muna ang mga detalye sa unang draft.
Sikaping mailapat muna sa papel ang lahat ng iyong mga
ideya.
7. Paulit-ulit na basahin ang mga naisulat. Obhetibo itong
basahin na parang hindi ikaw ang sumulat at isaisip na nakita
mo lamang ito sa unang pagkakataon.
mungkahi para sa mabisang
pagsulat
8. Ipabasa sa iba ang iyong isinulat at humingi ng mga puna o
mungkahi.
9. Huwag matakot magdagdag, magbawas o maglipat ng mga
ideya sa iba't ibang bahagi ng sulatin.
10. Kapag maayos na ang paglalahad ng mga ideya, iwasto ang
pagbabalarila, bokabularyo, ispeling at pagbabantas upang
makatiyak sa kawastuhan at kadalisayan ng buong sulatin.
elemento ng pagsulat

Ang Tagabasa/tagapakinig
Layunin
Ang Paksa
bahagi ng isang sulatin
SIMULA

Introduksyon

GITNA

Paglalahad sa pinapaksa ng sulatin

WAKAS

Konkludyon
katanugan?
MARAMING SALAMAT SA
MARAMING SALAMAT!
PAKIKINIG!

You might also like