You are on page 1of 4

ESP 10 1ST QUARTER REVIEWER

M1- MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB

I. Isip
-to know what is the TRUTH – Alamin ang KATOTOHANAN
-tahanan ng KATOTO na ang sabihin ay may kasama ako na nakikita o may katoto ako na
nakakita sa katotohanan
-metacogniton – thinking about thinking
-Ayon kay Dy, kakayahan ng tao na magnilay o magmuni-muni kaya naunawaan nito ang
kaniyang naunawaan
-begin with the end in mind by Stephen Covey – alamin ang kahihinatnan ng kilos bago gawin
ang isang bagay.
-may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral,
– maaaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkaroon ng magkaibang pagkilos.
-nabibigyang-kahulugan ng isip ang isang sitwasiyon

II. Kilos-loob
-to do or act what is GOOD – gumawa ng KABUTIHAN
-umaasa ito sa isip, kaya mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng
kilos-loob
-ang pagmamahal ayon kay Scheler ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang
ibat ibang kilos
-ang pagmamahal ay maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa

III. Kakayahan ng Tao


A. Knowing Faculty panloob at panlabas na pandama at isip
- Nakauunawa, naghuhusga at nangangatwiran
a.1 Panlabas na pandama – 5 senses
-ang tao ay may direktang ugnayan sa reyalidad
a.2 Panloob na pandama
-walang direktang ugnayan sa reyalidad nakadepende sa impormasyong hatid
ng panlabas na pandama
1. kamalayan – nakauunawa at may malay
2. memorya- kilalanin at alalahanin ang nakalipas o nakaraan
3. imahinasyon – lumikha ng larawan sa isip
4. instinct – maramdaman ang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa
Katwiran

B. Appetitive Faculty – emosyon at kilos-loob

M2- PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS BATAS MORAL

I. Konsensiya
–bumubulong na ito ay Mabuti na kinakailangang mong gawin. Ito ay masama, hindi ito
nararapat na gawin
–kakayahang kilalanin ang mabuti at masama
–nakabatay sa likaw batas moral
–direksyon ng pamumuhay ng tao.
–direksiyon sa pamantayang moral na siyang ginagamit ang pagpapasiya kung ano ang tama at
mali
II. Elemento ng konsensiya
1. Pagninilay–maunawaan ang tama at mali, mabuti at masama
Paghatol–gawin ng tao kung mali at tama, Mabuti at masama
2. Pakiramdam – obligasyong gawin ang Mabuti

III. Bahagi ng konsensiya


1. Paghatol moral – sa kabutihan o kasamaan ng isang Gawain
2. Obligasyong moral – gawin ang Mabuti at iwasan ang masama

IV. Kamangmangan
–maaaring magkamali ang konsensiya kung tama o mali ang kilos
–hindi lahat ng maling gamit ng konsensiya ay maituturing na masama
–may mga pagkakataong hindi ito maituturing na masama dahil sa KAMANGMANGAN

V. Uri ng kamangmangan
a. Madaraig – may pagsisikap at pag–aaral na matagumpayan ang kasalatan sa kaalaman
b Di–madaraig – walang pagsisikap at pag–aaral na matagumpayan ang kasalatan sa kaalaman

VI. 4 na yugto ng Konsensiya


1. Alamin at naisin ang Mabuti – likas sa tao ang pagiging Mabuti at totoo
2. Pagkilatis sa particular na kabutihan ng sitwasiyon – pag–aaral, pagninilay, pangangalap
3. Paghatol sa mabuting pasiya at kilos – nahuhusgahan at kabutihan at kasamaan ng kilos
4. Pagsusuri at pagninilay ng sarili –binabalikan ang ginawang paghatol
– Matuto sa karanasan
VII. Likas batas moral
1. Gawin ang Mabuti at iwasan ang masama
2. Kasama ng may ibang buhay may kahilingan na pangalagaan ang kaniyang
buhay – pangangalaga sa buhay
3. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at paunlarin)
–tungkulin na pangalagaan ang mga hayop
–tungkulin na bigyan ng edukasyon ang mga anak
4. Rasyonal na nilalang – may kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan

VIII. Mga Antas sa Paghubog ng Konsensiya


1. Ang antas ng likas na Pakiramdam at reaksiyon
–hindi pa sapat ang kaalaman sa tama at mali, Mabuti at masama
2. Ang Antas ng Superego
–utos at paalala ng mga magulang
–mga ipanagbabawal ng lipunan
-mga batas at utos ng lipunan na kailangan sundin
3. Konsensiyang Moral
–tanggapin at isaloob ang mga mabubuting prinsipyo at pagpapahalagang moral
–pagsasabuhay ng mga birtud
–nakikita ang mga kamalian

IX. Proseso ng Paghubog ng Konsensiya


1. Isip – pag–aaral
–pagpapasiya kung ano ang mabuting pagpapasiya
2. Kilos–loob –pagkilos at pagpapasiya patungo sa kabutihan
3. Puso – pagkilala sa mabuti laban sa masama at ginagamitan ng pakiramdam
–paghahanda sa desisiyong gagawin. Piliin ang mabuti
4. Kamay – pagkilos at pagsasabuhay ng mga birtud
–ginagamitan ng panagutang kilos

M3- ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN

I. Kalayaan
– kakayahang piliin kung paano siya kikilos
–wala tayong kalayaang piliin ang kahihinatnan ng ating piniling kilos

II. Mapanagutang Kalayaan


–may kakambal na responsibilidad at pananagutan
–mananagot ako!
–tumugon sa obhektibong pangangailangan ng situwasiyon
–paglilingkod sa kapuwa
–maipapakita ang pagmamahal

III. Dalawang Aspekto ng Kalayaan


1. Kalayaan mula sa (freedom from)
–ang Kalayaan sa loob ng tao ang tunay na nakahahadlang sa pagkamit ng ninanais tulad ng makasariling
interes, mapagmataas, katamaran at kapritso
2. Kalayaan para sa (freedom for)
–mahalaga ang tao sa mga pansariling hadlang para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa
–magmahal at maglingkod sa kapuwa
IV. Dalawang Uri ng Kalayaan
1. Free choice (horizontal freedom)
–pagpili ng tao kung ano sa tingin ng tao ang makabubuti sa kaniya
2. Fundamental option (vertical freedom)
–uri at istilo ng pamumuhay ng tao

2 uri Fundamental option (vertical freedom)


a. Pataas patungo sa mas mataas na halaga
–pagmamahal
b. Pababa patungo sa mas mababang halaga
–pagkamakasarili
–egoism
ID – self principle
EGO – reality principle
SUPEREGO –morality principle

M4- DIGNIDAD NG TAO


I. Dignidad
– latin word na dignitas or dignus
–karapat–dapat
–karapat–dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kapuwa
–wala sa kung anong mayroon siya kundi kung ano siya (being)
–tungkulin na ituring ang ating kapuwa bilang natatanging anak ng Diyos
II. Batayan ng Dignidad ng Tao
–Ang tao ay bukod tangi dahil hindi siya nauulit sa kasaysayan
–ang tao ay may isip at kalooban at ginawang kawangis ng Diyos

III. Obligasyon ng tao sa Dignidad ng Tao


–igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa
–isaalang–alang ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos
–pakitunguhan ang kapuwa ayon sa nais na gawin niyang pakikitungo sa iyo
– The golden rule of Confucious

IV. Kahirapan
–pag–iiral ng pansariling interes sa loob ng pagkatao na mag–ipon ng mga bagay upang matugunan ang pansariling
pangangailang at kagustuhan
–Capitalism
–Karl Max
–hindi sanhi ang malaking bilang ng pamilya kundi sa maling sisitema ng ekonomiya na mas pinahahalagahan ang pera
kaysa sa dignidad ng tao
–Pope Francis
–kadalasang nag–uudyok sa tao na tapakan ang kaniyang dignidad at gumawa ng masama gaya
ng pagnanakaw at pagbibinta ng droga dahil sa kahirapan

You might also like