You are on page 1of 1

18 Marso 2023

Lathalain
“AGHAM? KABABAIHAN!”
Ang mundo ng agham at sipnayan ay pinapalakad ng mga kalalakihan; sa
mundong kuryosidad at imahinasyon ang pundasyon, ano ang pwesto ng kababaihan
para iboses ang kani-kanilang kakayahan?

Isa si Ada Lovelace sa mga feministang kababaihan at mahusay na


mananaliksik, matematisyan at imbentor sa larangan ng agham.

Si Ada Lovelace ay ipinanganak noong ika-10 ng Disembre 1815 sa London,


England. Si Ada ay mula sa isang marangal na pamilya, Ang kanyang ina na si
Baroness Byron ay strikto sa pagtuturo at pagpapalaki sa kanya at nilalayo ito sa sining
para di matulad sa amang kinasusuklaman nya. Tanging mga pinaka mahuhusay na
guro lamang ang kanyang kinuha para magturo kay Ada ng mga kalidad na kaalaman
sa mga iba’t ibang wika at sa mga asignaturang agham, sipnayan at magandang
kaugalian bilang isang marangyang babae.

Nuong 1833 ay nakilala ni Ada Lovelace ang matematisyan at imbentor na si


Charles Babbage nuong ito ay pinepresenta ang imbensyong ‘Difference Engine’ na
kayang mag solba ng mga simpleng pagdagdag at bawas ng mga numero. Nagkaroon
ng inspirasyon si Ada sa gawa ni Babbage kung kaya ito ay kanyang nilapitan at
kinaibigan.

Isinalin ni Ada ang mga sanaysay at teksto ng teorya at ekwasyong matematika


na isinulat ng mga banyagang matematisyan, nakita ni Babbage ang pambihirang
kakayahan ni Ada kung kaya binigyan niya ito ng permisong italata ni Ada ang teksto sa
sariling pagkakaintindi. Ang pinal na mga talatang isinulat ni Ada ay naging mas
mahaba pa sa orihinal na sanaysay, ngunit sa kanyang mga nasulat ay naroon na ang
mga detalyadong eksplenasyon, teorya at mahahalagang parte na susi sa kanyang
matagumpay na mga imbensyong ‘Analytical Engine’.

Ngayong Modernong panahon ang kanyang imbensyon at kalkulasyon ay isang


malaking tulong sa Computer Science at teknolohiya ng mundo, ginagamit ito sa mga
modernong computers, satellites at computer engineering. Isang programming
language ang ipinangalan sakanya bilang parangal sa ina ng pangkalahatang modern
computers.

“If you can't give me poetry, can't you give me poetical science?”
- Augusta Ada King, Countess of Lovelace.

You might also like