You are on page 1of 2

ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY

McArthur Highway, Bangkal Davao City, Philippines


Tel No. +63 (82) 221-2411 local 6101/6102
Email: shs@addu.edu.ph * www.addu.edu.ph
In Consortium with Ateneo de Zamboanga University and Xavier University
________________________________________________________________________________________________________
SENIOR HIGH SCHOOL - FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Pangalan: Saidelyn A. Sayre Seksyon: 12-De Loyola

Guro: G. Michael dela Salde Petsa: Ika-30 ng Setyembre, 2022

PAA7-WW4: Pagsulat ng mga Repleksyon

13
REPLEKSYON SA E-POSTER (AdDU-SHS FB Page)
TEMA: “𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝒎𝒈𝒂 𝑲𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂: 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒕𝒖𝒌𝒍𝒂𝒔 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒈𝒍𝒊𝒌𝒉𝒂.

O
IN
IP
IL

Ang pinaka nakatawag-pansin na E-poster para sa akin, ay ang slogan na nagsasabing,


“Isang bansa: Isang daan at dalawampung wika, nagkakaisa para sa hiraya ng Katutubong
-F

Likha.” Sa pagsusuri ng kanilang nagawang poster, naramdaman ko ang pagmamalaki para sa


ating wika at kultura sapagkat nai-highlight at nabigyan ng representasyon ang mga komunidad
ng minorya, ang mga katutubo. Dahil dito, malinaw naman na akma sa pagbibigay halaga sa
U

kulturang Pilipino ang poster na angkop sa tema ng paligsahan. Nakikitaan din ito ng mas
malalim na ideya na pagpapahalaga sa pagkakaisa at sa malalim na koneksyon na resulta ng
nag-iisang wika at pakikipag-ugnayan. Kaya naman, masasabi kong hindi lamang angkop sa
dD

tema ang poster na aking napili, ito rin ay naglalahad ng mahalagang kaisipan ng pagmamahal
at appreciation sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

REPLEKSYON SA PAGSULAT NG BIONOTE (3-5 PANGUNGUSAP)


A

Sa paggawa ng Bionote, napagtanto ko ang kahalagahan ng pagbuo ng kadalubhasaan


sa anumang partikular na larangan. Ito ay dahil, nahirapan ako sa pagpili ng kilalang Arkitekto
na nais ko ring tularan, hindi dahil iilan lamang ang ma tanyag na Arkitekto kundi napakarami
nila, kung kaya’t ako’y nahirapang pumili ng isa. Napaisip ako kung ano-anong mga layunin at
tagumpay ang dapat kong abutin nang ako rin ay maging isang kahanga-hangang tao sa
mapipili kong propesyon. Matapos nang ako ay nakapag-isip, pinili ko si Zaha Hadid sapagkat
bilang isang babae sa isang larangang pinangungunahan ng mga lalaki, lubos na nagbigay ng
inspirasyon para sa akin ang kaniyang mga karanasan at mga napagtagumpayan. Natutunan
ko rin sa paggawa ng bionote ang kahalagahan ng pagkilala sa iyong mga kakayahan at
kahinaan.
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY
McArthur Highway, Bangkal Davao City, Philippines
Tel No. +63 (82) 221-2411 local 6101/6102
Email: shs@addu.edu.ph * www.addu.edu.ph
In Consortium with Ateneo de Zamboanga University and Xavier University
________________________________________________________________________________________________________
SENIOR HIGH SCHOOL - FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

REPLEKSYON SA PAGSULAT NG AGENDA AT PAGSASAGAWA NG PULONG (3-5


PANGUNGUSAP)
Naging madali para sa akin ang pagsusulat ng agenda at pagsasagawa ng pulong,
sapagkat, sa tulong at kooperasyon ng aking mga kaklase madali naming napagtagumpayan
ang mga hamon dahil iisa lamang ang aming layunin at iyon ay ang gumawa ng magandang
output. Bukod dun, organisado at hands on ang mga leaders sa paggabay at pagbibigay ng

13
malinaw na mga tagubilin. Kaya naman, sa pagsasagawa ng pulong naging madali at epektibo
ang daloy ng mga pakikipag-ugnayan. Ang nag-iisang personal na hamon para sa akin lamang
ay ang pagbibigay ko ng opinyon bilang bahagi ng mga tagpagsalita, ito ay dahil ang pagbubuo
ng naaangkop na opinyon na sinusuportahan ng may-katuturang sumusuportang ebidensya ay
nangangailangan ng kaunting pananaliksik. Maliban dun, ito ay naging madaling karanasan

O
para sa akin kahit papaano.

IN
REPLEKSYON SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG (3-5 PANGUNGUSAP)
Bunga ng matagumpay na pagpupulong, naging madali rin para sa akin ang pagsulat ng
katitikan ng pulong. Ginamit ko ang PowerPoint presentation na ginamit namin sa pagpupulong
bilang gabay sa katitikan. Sa paraang ito, madali kong napagsunod-sunod ang mga listahan ng
IP
mga dumalo, mga agenda, at daloy ng pagpupulong. Natutunan ko rin ang kahalagahan ng
pakikinig at pagbibigay atensyon sa mga mahahalagang punto sa pulong na siya’ng aking
inilagay sa pagsusulat. Kaya naman, masasabi kong naramdaman ko ring napakaswerte ko sa
IL
aking mga kaklase sapagkat, kung hindi dahil sa kanila, tiyak na magiging mahirap ang proseso
ng pagbubuo ng agenda, pulong, at katitikan ng pulong.
-F

REPLEKSYON SA PAGSULAT NG LAKBAY AT LARAWANG SANAYSAY (3-5


PANGUNGUSAP)
Sa palagay ko, sa lahat ng mga aralin para sa semester na ito sa asignaturang Filipino,
U

ang pagsulat ng lakbay at larawang sanaysay ang aking naging paborito. Ito ay dahil, nabigyan
ako ng pagkakataong balikan ang aking mga magagandang ala-ala sa paglalakbay kasama ang
aking pamilya. Muli kong inisip ang mga magagandang tanawin na aking nakita at nais
dD

maranasan ulit. May kakaunting lungkot din ang aking naramdaman sa paggawa ng sanaysay,
dahil napagtanto ko ang paglaki ko at ang pagkakaiba ng aking buhay sa lumipas na mga taon.
Napaisip ako kung kailan ko muling mararanasan ang saya ng paglalakbay kasama ang
pamilya. Halo ng aliw at lungkot ang aking naramdaman sa paggawa ng lakbay at larawang
sanaysay dulot ng pag-aasam ng isang stress-free na paglalakbay na sa tingin ko ay hindi ko
A

mararanasan sa lalong madaling panahon.

You might also like