You are on page 1of 30

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

LANGIS AT ENERHIYA, AT PAGMIMINA

Ipinasa nina:
Arban, Kyryll P.
Batuigas, LovelyAireen Rose L.
Garcia, Lyndone F.
Grama, Kent J.
Oraña, Ronald C.
Prodigalidad, A-jay L.
Tiama, Rexie
Torreliza, Cyan Jasmine C.
Tuazon, Eljade T.
Velasco, Mica Joy C.

Ipinasa kay:
Edith A.. Piedad

1
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagsasalin sa


Kontekstong Filipino, ang pagsasalin na ito na pinamagatang “Langis at Enerhiya, at
Pagmimina.” inihanda at iniharap ng pangkat 2 ng mga tagapagsaliksik mula sa BSBA 2-
1 na binibuo nina:

Arban, Kyryll P. Prodigalidad, A-jay L.


Batuigas, Lovely Aireen Rose L. Tiama, Rexie
Garcia, Lyndone F. Torreliza, Cyan Jasmine C.
Grama, Kent J. Tuazon, Eljade T.
Oraña, Ronald C. Velasco, Mica Joy C.

Tinanggap bilang proyekto sa asignaturang Pagsasalin sa Kontekstong Filipino


bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura.

Ginang Edith A. Piedad


Propesor

2
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

DAHON NG PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang pinapaabot ng mga tagapagsaliksik ng papel na ito


sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa suporta, tulong, at kontribusyon
upang makamit ang tagumpay sa pananaliksik na ito.
Sa kanilang guro sa Pagsasalin sa Kontekstong Filipino na si Gng. Edith Piedad
na pinangunahan ang pag-gabay upang maisagawa ang pananaliksik na ito.
Sa kanilang mga magulang na walang sawang sumuporta sa paggawa ng papel na
ito, at sa pagbigay ng moral at pinansyal na suporta. Lalo na sa kanila G. at Gng.
Batuigas sa pagpapagamit ng kanilang tahanan upang makapagsimula ng kanilang papel
ang mga tagapagsaliksik.
Sa kumpanyang Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Rosario Branch na
pinaunlakan ang kanilang kahilingang makapagsagawa ng interbyu, at kay G. Cabestrano
Sulpicio na sumagot sa mga tanong ukol sa kanilang pananaliksik.
At higit sa lahat, sa Panginoong Maykapal, sa pagbibigay ng sapat na lakas, at
kaalaman mula sa simula hanggang sa matapos ang pananaliksik na ito.
Muli maraming salamat po sa inyong lahat.

3
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA NG PAMAGAT...................................................................................................1
DAHON NG PAGPAPATIBAY.........................................................................................2
DAHON NG PASASALAMAT........................................................................................3
TALAAN NG NILALAMAN.............................................................................................4
TALAAN NG TALAHANAYAN......................................................................................5
MGA ARTIKULO
Art 1. Langis....................................................................................................................6
Art 1. Langis(nairebisa)...................................................................................................7
Art 2. Enerhiya................................................................................................................8
Art 2. Enerhiya(nairebisa)...............................................................................................9
Art 3. Pagmimina...........................................................................................................10
Art 3. Pagmimina(nairebisa)..........................................................................................12
Langis sa Masa..............................................................................................................13
TURISMO
Historikal na kasaysayan ng bayan ng Rosario(mga trademark)....................................26
Culture Icon sa bayan ng Rosario...................................................................................27
Mga kilalang kulturang maipagmamalaki sa bayan ng Rosario.....................................28
Leksikograpiya ng bayan ng Rosario.............................................................................30
Bibliyograpiya...............................................................................................................32
Liham na Pahintulot.......................................................................................................33
Sarbey Kwestyuner........................................................................................................35
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

TALAAN NG TALAHANAYAN
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

ARTIKULO 1: LANGIS

Noong 1859, si Edwin L. Drake, isang retiradong konduktor sa tren, gamit ang
isang lumang motor na pinatatakbo ng singaw, ay nakahukay ng isang balon na 22 metro
ang lalim na kinaroroonan ng unang krudong langis na natuklasan malapit sa Titusville,
Pennsylvania, E.U.A. Dito na nagsimula ang panahon ng langis. Habang natutuklasan
ang langis sa maraming sulok ng daigdig, nagdudulot ito ng malalaking epekto sa
ekonomiya at pulitika. Ito'y naging de-kalidad na pinagmumulan ng artipisyal na liwanag
na pinakahihintay ng daigdig.
Isang uri ng malapot na likido ang langis na maaaring magmula sa ilalim ng lupa
o dagat, o mula sa mga halamang tulad ng niyog o ibang gulay. Maaring ito ay nasa
katayuang hidropobiko at lipopiliko. Maraming uri ang langis ayon sa gamit nitó. Ang
kilalang uri na tinatawag na "petrólyo" ang pinakamahalagang uri ng langis na
komersiyal. Mula sa petrolyo ang langis na nagpapatakbo ng maraming makina na gamit
ng tao sa pang-araw-araw na gawain, katulad ng mga sasakyan, mga makina sa
industriya, at iba pa. Ang uri ng langis na ito ay inaangkat pa ng pamahalaan at mga
negosyante mula sa ibang bansa kung kaya nagiging dahilan ng paiba-ibang presyo. May
malaking deposito nito ang lupain sa Gitnang Silangan at kaya ito ang pangunahing
pinagkukunan ng yaman ng mga bansa sa bahaging iyon ng daigdig. Ito rin ang
pangunahing yaman ng Malaysia at Sabah kompara sa ibang bansang ASEAN.
Samantala, ang mga langis na kinatas mula sa mga halaman ay karaniwang gamit sa
paggawa ng maraming produkto na pangkalusugan at pangkosmetik.
Sa pagdating ng mga Portuges, Olandes, at Briton sa Kanlurang Asya ay marami
ang nagbago sa lipunan, kabuhayan, at pamumuhay ng mga tao sa Kanlurang Asya. Isa
rito ay ang pagpapatupad ng Sistema ng pagmimina at malawakang paghahanap ng
mineral at langis sa rehiyon. Simula noon ay tuluyan nang nagbago ang pamumuhay ng
mga tao sa Kanlurang Asya. Ang langis at petrolyo ang nagbunsod sa pagsulong at pag-
unlad ng Kanlurang Asya dahil ito ay sagana sa yamang mineral partikular na ang langis
at petrolyo. Ang Saudi Arabia ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong
daigdig. Ang mga bansa tulad ng Iran, Iraq, United Arab Emirates, Kuwait, at Oman ay
ang may malalaking bahagi ng produksiyon ng langis. Karamihan sa mga bansa sa
rehiyong ito ay may natural gas, tanso,bauxite, potash, zinc, magnesium, phosphate at iba
pa.

6
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

ARTIKULO 1: LANGIS (NAIREBISA)

Isang retiradong konduktor ng tren na si Edward L. Drake ang nakatuklas ng


isang balong 22 metro ang lalim na naglalaman ng unang krudong langis na nahanap sa
lugar na 7 itsulle Pennsylvania EUA. Nagsimulanh makilala ang langis sa ibat -ibang
bansa. Madali ang epekto nito sa ekonomiya at politiko, ito ang punagmulan ng dekalidad
na liwanag na naging kilala sa daigdig. Ang langis ay isang uri ng malapot na likido na
nagmumula sa ilalim ng lupa o dagat o mula sa halamang tulad ng niyog o ibang gulay.
Mula pa noon ang langis ay ginagamit na para tumakbo ang mga makinarya at sasakyang
kinakailangan ng langis. Noon pa man ay nagkakaroon narin ng pagtaas at pagbaba ng
presyo ng langis. Natural na langis ang ginagamit sa panahon pa ng mga ninuno, galing
sa gulay, lupa, dagat.
Ngayon, ang langis ay mas mataas na ang presyo at demand nito. Sapagkat sa
makabagong panahon ay marami ng nabagong pamamaraan upang mas mapakinabangan
ito. Ang langis ang nagsisilbing gamit sa pagluluto, at pagpapaandar ng sasakyan. Ang
dalawang uri ng langis na Multigrade at Monograde, ang tawag sa langis na ginagamit sa
mga kasalukuyang sasakyan ngayon. Ang likas yamang mineral na langis ang isa sa
pangunahing nag- aambag sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang kahalagahan ng langis sa
kasalukuyan ay malaki ang naging apekto sa mga Pilipino at tao sa makabagong panahon.

7
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

ARTIKULO 2: ENERHIYA
Sa loob ng aking tatlong buwan bilang isang Research Fellow ng Climate
Tracker Media, nagsagawa ako ng isang magkahalong pamamaraang pag-aaral na
naglalayong sagutin ang tanong na, "Paano tinalakay ng mga nakabase sa Pilipinas na
mga pahayagan ang mga usapin sa enerhiya na nauugnay sa karbon at sa napapalitang
enerhiya mula Enero 1, 2019 hanggang Hulyo 1, 2020? (How did Philippine-based media
outlets present energy issues related to coal and renewables from January 1, 2019, to July
1, 2020?)” Matapos pag-aralan ang 1,329 na mga artikulo at pakikipanayam sa 14 na
nagsasanay ng media, naging malinaw na mayroong isang markang paglipat mula sa
karbon sa pambansa at panrehiyong talakayan ng media. Gayunpaman, ang napapalitang
enerhiya ay halos ipinakita bilang isang kapaki-pakinabang na pamumuhunan para sa
mga nagbibigay ng koryente at mga tagapagkonsumo sa halip na isang napapanatiling,
pangmatagalang patakaran. Ang mga pangkalikasang balangkas para sa mga balita, kapag
pinagtibay, ay karaniwang pinagtutuunan ang lokal na epekto ng karbon, habang ang
pangangailangan para pagpigil sa pagbabago ng klima ay ipinaliwanag sa walong mga
artikulo lamang. Ang mga salaysay na ito ay nilalaro sa isang bansa na umaasa pa rin sa
mga fuel fossil: ang karbon ay bumubuo ng 44.5 porsyento ng pinag-halo-halong
pagbubuo ng enerhiya (power generation mix) ng bansa hanggang 2015 at likas na gaas
(natural gas) 22.9 porsyento, ayon sa Kagawaran ng Enerhiya ng Pilpinas. Ang
geothermal ay nag-ambag ng pinakamalaking bahagi ng nababagong enerhiya na 13.4
porsyento, habang ang hydro ay binubuo ng 10.5 porsyento, at solar 0.2 porsyento. Kung
nais matugunan ng bansa ang sarili nitong mga layunin sa pagbabawas ng karbon
(decarbonization), malinaw na kinakailangan ang paglipat ng enerhiya patungo sa mga
napapalitan (renewables). Bagama’t ang solar ay kasalukuyang binubuo ng isang maliit
na porsyento ng kabuuang koryente, nakikita ito bilang isang mabilis na lumalagong
merkado at nakakakuha ng maraming pansin mula sa INQUIRER.net, Philstar.com, at
GNO—malalaking kalipunan ng media na karaniwang nagbibigay-diin sa mga interes ng
negosyo. Sa mga pahayagang ito, ang mga artikulo sa enerhiya ay karaniwang isinusulat
ng mga mamamahayag na sumasaklaw sa sektor ng negosyo. Gayunpaman, para sa mga
pahayagan na nakabase sa Mindanao at Kabisayaan, ang pananaw ng mga komunidad sa
mga proyekto sa enerhiya ay higit na binibigyang-diin ng mga mamamahayag na
nakakakuha ng balita mula sa mga lokal na mga tagapagbulong. Ang pag-unawa sa mga
pangunahing pagkakaiba ay mahalaga para sa mga nakikinabang na nagnanais na
maimpluwensyahan ang salaysay ng media sa Pilipinas na pumapalibot sa paglipat ng
enerhiya.

8
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

ARTIKULO 2: ENERHIYA (NAIREBISA)

Isang fellow researcher ang nanaliksik tungkol sa enerhiya. Ayon sa kanila


mabilis na umunlad ang rehiyon ng Timog Silangan Asya sa pandaigdigang pagsisikap
enerhiya. Ang paggamit ng Solar ang siyang nakatulong na masalba ang enerhiya.
Nakatulong ito upang mabalanse ang ekonomiya sa labis na paggamit ng karbon. Kung
ating susumahin malamim na pagsusuri sa pagbabalita ng solar, karbon at geothermal na
enerhiya, at kung paano nagkaroon ng interes ang Pilipinas sa paggamit nito. Ang
enerhiyang Solar ang naitala sa pinakamataas na paglago ng merkado. Samantala ang
enerhiyang karbon ay tinatayang ang kalahati lamang ng paglago sa merkado. Ang
geothermal na enerhiya naman ay hindi halos nakilala sa merkado at balita. Ang Stanley
Center for Peace and Security ay nakipagtulungan sa mga mamamayan, organisasyon qt
sa mga malalawak na komunidad upang mapaunlad ang tatlong larangang nabanggit ukol
sa enerhiya. Ang Climate Tracker naman ay pinangungunahan ng mga kabataan,
proyekto kung saan pinapahayag ang epekto ng klima sa enerhiya at epekto ng enerhiya
sa klima. Umiikot ang artikulo sa kahalagahan at gamit ng tatlong enerhiya (karbon,
Geothermal, at Solar).
Ayon sa DOE o Department of energy noong taong 2023 na nakatipid ang
pamahalaan ng 20 million kilowatt-hour o katumbas ng 205 milyong piso sa ilalim ng
Energy Management Program.Kung saan,tumaas din ang kamalayan ng iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan sa kung paano sila makapagtitipid ng konsumo sa enerhiya. Ang
Government Energy Management Program ay nakasalig sa panuntunang itinakda ng
Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee sa ilalim ng Republic Act
11285 o ang Energy Efficiency and Conservation Act. Layon nito na mabawasan ng 10
porsyento ang konsumo ng pamahalaan sa paggamit ng kuryente sa pamamagitan ng mga
hakbang nito tulad ng sistematikong paggamit ng kuryente gayundin ang pagpatay ng
mga hindi kinakailangang kagamitan. Pinapurihan naman ni Energy Sec. Raphael Lotilla
ang mga ahensya ng Pamahalaan na sumusunod sa mga hakbang upang makatipid ng
kuryente na makatutulong din naman sa pangangalaga sa kalikasan.

9
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

ARTIKULO 3: PAGMIMINA

Manindigan Laban sa Pagdagsa ng mga Dayuhang Kumpanya sa Pagmimina


Alinsunod sa atas ng amo nitong imperyalista, pinag-libayo ngayon ng rehimeng
Aquino ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa dayuhang malalaking monopolyo
kapitalista, laluna sa mga dambuhalang kumpanya sa pagmimina. Ginagawa nito ang
lahat ng paraan upang padulasin ang proseso ng pamumuhunan ng mga dayuhan habang
pinaghahandaan ang pagbabago sa reaksyunaryong konstitusyon para tuluyang baklasin
ang mga ligal na balakid sa dayuhang pamumuhunan.
Ipinagmamalaki ng rehimen ang target nitong pagdoble ngayong taon ng
pamumuhunan ng mga dayong kumpanya sa pagmimina tungong $2.8 bilyon. Upang
mapatanggap sa bayan ang pagdagsa ng mga dayong kumpanya sa pagmimina kaliwa't
kanang kasinungalingan ang inilalako ng rehimeng Aquino tungkol sa mga biyayang
hatid umano ng pagmimina.
Sinasabi ng mga upisyal ng gobyerno ni Aquino na malaki raw ang maitutulong
ng malawakang dayuhang pagmimina sa pagpapalago ng ekonomya. Makatutulong din
daw ito upang maibsan ang malalang disempleyo.
Subalit ayon sa mga pag-aaral may abereyds na 1.6% lamang ang ambag ng
pagmimina sa pangkabuuang lokal na produksyon o Gross Domestic Product. Ang buwis
na ibinabayad nila ay katumbas lamang ng 5% porsyento ng taunang kabuuang halaga ng
mga mineral na dinambong nila sa bansa. Ni hindi umaabot sa 1% ang naiaambag ng
pagmimina sa kabuuang empleyo, at ang anumang mga trabahong nililikha nito ay
delikado at pansamantala lamang.
Kumpara sa kakarampot na mga "ambag" na ito, hindi masukat ang pinsalang
idinudulot ng malalaking dayuhang minahan sa bansa. Nitong huting tatlo't kalahating
dekada, hinuthot ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina ang P1.5 trilyong halaga ng
mga yamang mineral ng Pilipinas, kabilang ang ginto, nickel, tanso, chromite at
magnetite.
Bukod rito, pinahihintulutan ng umiiral na Mining Act of 1995 ang pagluluwas ng
lahat ng tubong kinikita ng malalaking dayuhang kumpanya sa pagmimina pabalik sa
kani-kanilang mga bansa.
Walang anumang iniaambag ang dayuhang operasyong pagmimina sa
pangmatagalang pag-unlad ng lokal na ekonomya. Hanggang paghuhukay lamang ng
mga mineral ang ginagawa ng mga ito. Habang bilyun-bilyon ang kanilang kinikita,
permanenteng nawawala sa bansa ang mga rekursong mineral na iniluluwas at nalaambag

10
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

sa industriyalisasyon ng mga banyagang ekonomya. Ipinagkakait nila sa Pilipinas ang


maraming mineral na kinakailangan para makapagpundar ng lokal na mga saligang
industriya na kailangan para sa pambansang industriyalisasyon.

11
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

ARTIKULO 3: PAGMIMINA (NAIREBISA)

Sa panahon ng rehimeng Aquino binuksan ang ekonomiya ng bansa para sa mga


dayuhang malalaking monopolyong kapitalista at sa mga dambuhalang kumpanya sa
pagmimina. Ginawa ito upang padulasin ang proseso ng pamumuhunan ng mga dayuhan
at upang tuluyang baklasin ang mga iligal na balakid sa dayuhang pamumuhunan.
Target ng rehimen na madoble ang pamumuhunan ng mga dayuhang kumpanya
sa pagmimina tungo sa $2.8 bilyon. At upang matanggap ng bayan ang pagdagsa ng mga
dayong kumpanya sa pagmimina, kaliwa't kanan na kasinungalingan ang nilalako ng
rehimeng Aquino tungkol sa mga biyayang hatid ng pagmimina.
Ayon pa sa opisyal ng gobyerno ni Aquino, malaki raw ang maitutulong ng
dayuhang pagmimina sa pagpapalago ng ekonomiya. Makababawasan din daw ito sa dis-
empleyado. Subalit lumabas sa mga pag aaral na tila konti lamang ang naitutulong ng
dayuhang kumpanyang nagmimina sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Ni hindi rin
umabot ng 1% ang ambag ng pagmimina sa kabuuang empleyo, at ang nalikhan nitong
trabaho ay lubhang delikado at pansamantala lamang.
Sa kakarampot na ambag ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina ay mas
mabuti na bawasan na lamang ang mga dayuhang kumpanya sa pagmimina. Huwag na
rin hikayatin ng ating gobyerno ang mga dayuhang kumpanya sa pagmimina na magtayo
ng minahan sa ating bansa upang maiwasan ang pagkasira sa ating kalikasan. Sa
pamamagitan nito, hindi agad mauubos ang mga yamang mineral sa bansa tulad ng ginto,
tanso, nickel, chromite, at magnetite.
Sa halip na dayuhang kumpanya sa pagmimina ang suportahan ng gobyerno ay
ang mga lokal na minahan na lamang ang kanilang palakasin at suportahan bigyan nila ng
mga puhunan, ayuda at mga bagong kagamitan at makinarya ang ating mga lokal na
minero sa gayo'y lalakas ang produksyon ng mga likas na yaman sa bansa gaya ng ginto
at tanso. At dahil doon lalago ang ekonomiya ng ating bansa at kikita tayo ng bilyon.

12
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

Langis sa Masa

“Ano ba yan? Nagtaas na naman ang bentahan ng gasolina? Ang tumal na nga ng
kitaan ngayon? Dadagdag pa toh” Yan ang madalas na litanya ng mga mamamayan na
komukunsumo ng gasolina, lalo na ng mga pumapasada sa daan na ito ang pangunahing
hanapbuhay, upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit bakit nga ba
nagkakaroon ng pabago-bagong presyo ng gas? Ano-ano nga ba ang epekto nito sa atin?
Ilan lamang ito sa mga tanong na marahil naisip mo na rin. Kaya’t bumuo an gaming
grupo ng ilang mga katanungan ukol dito.
Nito lamang dumaang Miyerkules, ika-31 ng Mayo taong kasalukuyan ay
nagsagawa ang aming grupo ng maikling interbyu sa Marseilla St.Brgy. Bagbag II
Rosario, Cavite at doon naming nakapanayam si Ginoong Cabestrano Sulpicio (25 taong
gulang) na nagtatrabaho sa nasabing gasolinahan bilang isang cashier. Ilan sa mga tanong
ay kung “Gaano kahalaga ang paggamit ng langis para sa kanya?” na kanya namang
binigyan ng iskor na apat (mahalaga) lalo na sa lokasyon na kanyang pinagtatrabahuan
sapagkat ayon sa kanya ay nagkakaubusan ng stock ng langis sa lugar na iyon lalo pa at
kaunti pa lamang ang gas station na sa daan na iyon, na kanya pang sinusugan na
nakatutulong ito sa mga nagko commute at pag deliver ng mga kagamitang ginagamitan
ng langis kagaya ng mga sasakyan na pang hatid sundo at pang karga ng mga gamit
upang mas mapadali ang mga gawain na kanyang napapansin sa bawat araw na siya ay
nagtatrabaho roon. Amin ding naitanong ang pagtaas ng presyo ng langis, kung saan
hindi siya sumasang-ayon dito sapagkat hindi raw magiging madali para sa iba ang pag-
adjust sa pabago bagong presyo, lalo pa’t nagkakaroon ng pagka luge sa parte ng mga
komokunsumong driver na nagiging balik sa kanila (Ginoong Cabestrano Sulpicio) ay
nababawan ang kanilang kita sapagkat ang palagiang kinokunsumo ng mga nagpapagas
sa kanila ay mas mababa kumpara noong bago tumaas ang presyo. Na kapag nagpatuloy
ay maaaring ika lugi rin nilang mga trabahador sa nasabing istasyon. Sa aming panayam
sa kanya ay nasambit niya rin ang paggamit ng electronic vehicle na nakatutulong sa
kalikasan na mabawasan ang polusyon ganun din sa paggamit ng langis, na kung tutuusin
ay hindi lahat ng langis ay garantisadong walang masamang epekto kung kaya’t kanya
ring nabanggit ang pag sang-ayon sa Euro 4 compliant gasoline at diesel fuel na katulad
din ng electronic vehicle ay nakapagbibigay ng magandang resulta sa kalikasan at
kalusugan.
Sa kinalabasan ng buong interbyu ay aming masasabi na ang langis nga ay tunay
mahalaga para sa ating pang araw-araw na pamumuhay hindi lamang upang kumita, o
kaya naman ay mapadali ang mga gawain, ito rin ay nagbibigay ng epekto sa kalikasan at
ating mga kalusugan. Sa madaling salita ang langis o gasolina kung tawagin ng
karamihan ay patuloy na umiikot upang tumugon sa ating pangangailangan.

13
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

TURISMO

ROSARIO, CAVITE
Ang Rosario ay dating parte ng San Francisco De Malabon na ngayun may may
pangalang Gen. Trias. Ang dating tawag ng mga spanyol sa Rosario ay Tehero,
konektado ang pangalang ito sa pangunahing trabaho ng mga tao noon ang pangingisda.
Ang Rosario ay tinawag ding Salinas noon nang galing sa salitang Sal or Salt, dahil din
sa maraming nag gagawa ng asin sa lugar na iyon.
Naging sariling bayan ang Rosario noong 1846, nakuha ang pangalang "Rosario" sa
santong patrol nilang si Nuestra Senora del Rosario (our lady of the rosary)

1. MGA TRADEMARK
 CASA HACIENDA DE TEJEROS
Isa sa sikat na pook pasyalan sa Tejeros
Convention noong 1897, itinayo ang Casa Hacienda
de Tejeros noong ika-labing pitong siglo. Nagkaroon
ng malaking parte ang Casa Hacienda noong 1897,
nang maganap ang isang pagpupulong tungkol sa
eleksyon ng mga bagong halal na lider sa bansa.
Katulad nina Emilio Aguinaldo (Presidente),
Mariano Ponce (Bise-Presidente), Artemio Ricarte
(Kapitan Heneral), Emiliano Riego de Dios
(Director of War), at si Andres Bonifacio (Director
of Interior)

 DIOCESAN SHRINE AND PARISH OF OUR


LADY OF THE MOST HOLY ROSARY -
ROSARIO, CAVITE
Itinayo ang Diocesan Shrine and Parish of Our Lady
of The Most Holy Rosary of the Roman Catholic Diocese of
Imus noong October 22, 1845. Nakatayo ito sa Brgy.
Poblacion, Munisipalidad ng Rosario, sa Cavite. Ang

14
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

pagiging deboto sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay makikita sa mga taga-Rosario.


Walang eksaktong datos kung paano ba naging patroness ng Rosario ang Mahal na
Birhen, ngunit ayon sa mag-asawang sina Don Catalino Abueg at Doña Rosa Ner ang
dahilan daw dito ay dahil noong panahon ng Espanyol, may bagyo umanong dumating na
nakasira ng maraming ari-arian ng mga mamamayan, lalo na ang mga nasa baybayin
nakatira. May isang bangka na naanod dahil sa bagyo at may mga pasaherong nakasakay
doon. Nakita ng lider ng pangkat ang imahe ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo na
nakapagbigay ng pag-asa sa kanila na malagpasan ang pagsubok na hinaharap nila noong
mga oras na yun. Nagdasal sila at mukhang nadinig nito ang kanilang mga dalangin dahil
naging payapa at maaraw na umaga ang kanilang nakita. Dahil sa tuwa na kanilang
nadama, nagpatayo sila ng kapilya para sa tuwang kanilang naramdaman. Noong lumago
na ang taong nagsisimba ay nagpatayo sila ng mas malaking simbahan, na ngayon ay
nakatayo malapit sa munisipyo ng Rosario.

 “SALINAS”
Maraming termino ang unang itinawag sa bayan
ng Rosario, tulad ng Tejero na mula sa salitang Espanyol
na “tejer” o paghahabi, dahil ang paghahabi ng lambat ang
kadalasang trabaho ng mga kababaihan noon. Ngunit, mas
tumatak ang saliitang “Salinas”, hanggang ngayon ay
marami pa rin ang gumagamit nito bilang alterrnatibong tawag para
matukoy ang bayan ng Rosario. Ang “Salinas” ay nagmula naman sa
salitang “sal” o asin sa salitang Espanyol, ito ay nagsimula noong
rebolusyonaryong Pilipino dahil ang paggawa ng asin ang pangunahing
industriya ng bayan.

 EPZA (Export Processing Zone Authority)


Ang Export Processing Zone Authority o mas kilala
sa tawag na EPZA at nilikha sa bisa ng Presidential
Proclamation Nos. 1980 at 2017. Lumago ito at naging
Cavite Economic Zone noong lumagda ang dating Pangulong
Fidel V. Ramos ng isang batas patungkol sa Special
Economic Zone Act of 1995 noong Pebrero 24, 1995. Nang
dahil sa EPZA maraming kabitenyo ang nagkaroon ng
trabaho, pangunahin na rito sa bayan ng Rosario dahil dito
nakatayo ang isa sa daanan papasok sa loob nito.

15
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

 TINAPANG SALINAS
Ang Tinapang Salinas ang ipinagmamalaking produkto ng
bayan ng Rosario. Itinuturing na pamanang kultural ang tinapang
Salinas mula pa noong panahong kontemporaryo.

 PANGINGISDA
Isa sa pangunahing maiisip kapag binabanggit ang bayan
ng Rosario ay ang pangingisda. Kilala ang paraann ng pamumuhay
na ito dahil ang bayan ay isa sa pinakamababang munisipalidad sa
Cavite. Dahil sa naturang lokasyon, isa itong malaking salik para
maituon ng mga mamamayan nito ang kanilang paumuhay sa
panngingisda.

2. CULTURE ICON NG BAYAN

 FEAST OF OUR LADY OF THE MOST HOLY ROSARY


Ang pistang
kada taon, ang una ay kada ikatlong Linggo sa buwan ng Mayo at ang
ikalawa ay tuwing ika-7 ng Oktubre, papuri sa mahal na Birhen na
pinaniniwalaang nagpakita ng himala noong anurin di umano ang
imahe nito sa dalampasigan ng bayan. Ang pistang ito ay isinagawa at
nagsimula noon pang 1845.

 PANGINGISDA BILANG PANGKABUHAYAN

16
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH
Ang pangingisda bilang kabuhayan ng mga lokal na
mamamayan ay isang kultura o tradisyong hindi nawala at posibleng hindi talaga
mawawala sa sistema ng pamumuhay ng mga taong naririto. Sa
mga ninuno pa lamang ay makikita na na isa talaga ito sa nagtawid
at nagtatag sa imahe nng bayan ng Rosario. Mula sa paghahabi ng
lambat parra sa pangingisda, hanggang sa paggawa ng iba’t-ibang
produkto mula sa mga isdanng nahuli, at maging sa paglalako nito
sa mga karatig-bayan. Mula noon pa man, hindi na mahihiwalay
ang naturang kabuhayan sa bawat mamamayan ng Rosario.

3. MGA KILALANG KULTURANG MAIPAGMAMALAKI NG BAYAN

 SALINAS KARAKOL

isinasagawa sa Rosario, Cavite. Ito ay binubuo ng iba’t-ibang


klase ng masasaya at masisiglang gawain na nagbibigay
kapurihan sa Patrona. Isa na nga dito ay ang “karakol” o
“pasayaw na panalangin”, ito ay ang prusisyon habang
isinasayaw ang imahe ng birhen paikot sa karagatan hanggang
sa kalsadang bayan, at ito ay nagmumula at nagtatapos sa
simbahan. Ang sinasabing pinagmulan ng tradisyon na ito ay
nang diumanong nakita ang imahe ng birhen na inaanod malapit
sa dalampasigan ng bayang ito. Kanila daw itong itinago ngunit
himalang natagpuan na lagi itong nakalutang sa may
dalampasigan. At dahil dito ay tumindi ang pananampalataya ng
mga tao at ginawa na nila itong patrona na naging simula na sa
pagdaraos ng kapistahang isinasagawa taun-taon.

 PANGINGISDA BILANG PANGKABUHAYAN

ng karamihan sa mamamayyan ng Rosario. Naipamana


pa sa mga bagong henerasyon at mas nakikilala pa ang
bayan sa katangiang ito dahil sa patuloy na pagpraktisa

17
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH
nito at masiglang pang-eenggannyo na din sa iba pang mga bayan na
tangkiilikin ang mga produkto ng pangingisda

 TINAPANG SALINAS FESTIVAL


Tinapa festival ay ipinagdiriwang sa bayan nng Rosario
upang ipakilala at pagyamanin pa ang imahe ng bayan kung
saan nga nagmula ang kilalang produkto na “Tinapang Salinas”.
Ito ay isinisagawa tuwing Oktubre ng taon subalit walang
ispesipikong petsa.
Napupuno ang buong kalsada upang masaksihan ang
makulay at buhay na parada sa saliw ng tugtuging “Salina” na
nilikha ng miiyembro ng Kulturang Salinas (lokal na samahan
ng mga talentadong indiibidwal). Sapat nang dahilan upang
ipagdiwang ang pangunahing lokal na produkto sa mga
kadahilanang pagbibigay trabaho nito at pagiging
pangunahing pinagkukunan ng kita ng mga lokal na
mamamayan na malaking bagay kaya naman ang pagbibigay
atensyon dito ay nararrapat lamang

4. LEKSIKOGRAPIYA NG BAYAN NG ROSARIO

Mga salitang ginagamit sa


Kahulugan Salin sa Wikang Ingles
Rosario, Cavite
1. alkansya tibyo coin bank
2. arbor hingiin ask

18
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

3. bangkito maliit na bangko mini chair


4. bantuan banlian scald
food taken from one place and
5. bug-ong baon na pagkain
eaten somewhere
6. dambalasek matindi intense/severe/extreme
7. galante mapagbigay generous
8. kumukulo bumubulak boiling
9. maalinsangan mainit na panahon sultry
10. magaslaw malikot mischievous
to make a cup of
11. magkanaw maghalo
coffee/tea/milk/etc.
12. magkanaw maghalo mix
13. makupad mabagal slow/sluggish
14. masagana maunlad abundant
15. masigasig matiyaga diligent
16. nasusuka nadudual nauseous
17. palandong pantakip sa ulo head cover
18. pamutat panghimagas dessert
19. pangangawil panghuhuli ng isda fishing
20. papagayo saranggola kite
21. perok perok gasera gas lamp
22. pumarine lumapit come here
23. purunggo bubog shard
24. purunggo bubog shard
25. shorpit sumbrero cap
26. simutin saidin finish off
27. sindihan apuyan light
28. siyanse sandok laddle

19
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

29. suki tapat na mamimili patronizer/loyal customer


30. talipapa palengke wet market
31. talyase malaking kawali large pan
32. tangkal kulungan ng manok chicken cage
33. tinapa pinausok na isda smoked fish
lugar kung saan inihahanda
34. tinapahan smokehouse
at niluluto ang tinapa
35. utol kapatid brother/sister

20
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH
Mga Reperensiya:
https://www.scribd.com/document/441750988/LANGIS-AT-ENERHIYA
https://stanleycenter.org/wp-content/uploads/2020/10/Philippines-National-Report-
Tagalog.pdf
https://www.yumpu.com/xx/document/view/34811320/pilipino-philippinerevolutionnet/5
https://cavite.gov.ph/home/tinapan-festival/#:~:text=Tinapa%20Festival%20was
%20celebrated%20every,mainly%20because%20of%20smoked%20fish.
http://www.thebackpackadventures.com/2016/02/featured-destination-casa-hacienda-
de.html?
m=1&fbclid=IwAR3_SUfDwqxdFUDyQQoULuXJyuNpnwwutpQGkGVwOzSxBlABV
ZWcYBSwoPI
https://caracolrosariocavite.weebly.com/history.html?
fbclid=IwAR3ko8ZGnk8tRxKqDKtE6-
30AxPPhT6gZJAKQzynG3g4quf61_b9qAHAA3M
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Cavite_Economic_Zone
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5904/
https://www.researchgate.net/publication/
325658506_THE_SAVINGS_AND_INVESTMENTS_BEHAVIOR_OF_SELECTED_F
ISHERFOLKS_IN_THE_MUNICIPALITY_OF_ROSARIO_CAVITE

21
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

LIHAM NA PAHINTUULOT

Mayo 31, 2023


Estudyante sa Pagsasalin sa Kontekstong Filipino
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sangay ng Maragondon

Mahal naming Ginoo/Binibini,


Maalab na Pagbati!
Kaugnay ng aming ginagawang pananaliksik sa asignaturang Pagsasalin sa
Kontekstong Filipino tungkol sa Langis sa inyong gasolinahan, ay nais po naming
humingi sa inyo ng pahintulot upang ang aming grupo ay makapag-sagawa ng saglitang
interbyu.
Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing paksa ay
makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na pagsulat ng aming
pananaliksik. Dalangin po naming ang inyong pahintulot sa aming pakiusap.

LubosArban,
na gumagalang
Kyryll P.
Lider ng Pangkat

22
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

Mayo 31, 2023


Estudyante sa Pagsasalin sa Kontekstong Filipino
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sangay ng Maragondon

Mahal naming Ginoo/Binibini,


Maalab na Pagbati!
Kaugnay ng aming ginagawang pananaliksik sa asignaturang Pagsasalin sa
Kontekstong Filipino tungkol sa Enerhiya ay nais po naming humingi sa inyo ng
pahintulot upang ang aming grupo ay makapag-sagawa ng saglitang interbyu.
Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing paksa ay
makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na pagsulat ng aming
pananaliksik. Dalangin po naming ang inyong pahintulot sa aming pakiusap.

Lubos na gumagalang
Arban, Kyryll P.
Lider ng Pangkat

23
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

SARBEY KWESTYUNER

“LANGIS”

1. GAANO KAHALAGA ANG PAGGAMIT NG LANGIS PARA SA IYO?


(5-1) 5- PINAKAMATAAS 1- PINAKAMABABA

Ο 5
Ο 4
Ο 3
Ο 2
Ο 1

2. MAY MASAMANG DULOT BA SA IYO ANG PAGGAMIT NG LANGIS?

Ο OO
Ο HINDI
BAKIT?__________________________________________

3. SUMASANG AYON KA BA SA PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG


LANGIS?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

24
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH
4. ANO ANO ANG MAGANDANG NAIDUDULOT SA IYO NG
PAGGAMIT NG LANGIS?

5. NAGKAROON NA BA NG KAKAPUSAN/KAKULANGAN SA PAGGAMIT NG


LANGIS?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

6. SA IYONG PALAGAY GAANO NAKAKATUTULONG ANG PAGGAMIT NG


LANGIS? (5-1)
5- PINAKAMATAAS 1-PINAKA MABABA

7. MAKAKATULONG BA ANG PAGGAMIT NG E-VEHICLES PARA


MABAWASAN ANG KONSYUMO NG PAGGAMIT NG LANGIS?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

8. SUMA SANG AYON KA BA SA PAGKAKAROON NG EURO 4 COMPLIANT


GASOLINE AT DIESEL FUELS

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

25
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

9. SA IYONG PALAGAY MALAKI BA ANG NAGING EPEKTO SA INDUSTRIYA


NG PILIPINAS SA PAGGAMIT NG LANGIS?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

10. PAANO MO NAPAG PASIYAHANG MAGTRABAHO SA LARANGANG


IYONG NAPILI? ITO BA AY IYONG SARILING DESISYON AT NAAYON SA
IYONG KAGUSTUHAN?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

26
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

“ENERHIYA”

1. GAANO KAHALAGA ANG PAGGAMIT NG ENERHIYA PARA SA IYO?


(5-1) 5- PINAKAMATAAS 1- PINAKAMABABA

Ο 5
Ο 4
Ο 3
Ο 2
Ο 1

2. MAY MASAMANG DULOT BA SA IYO ANG PAGGAMIT NG ENERHIYA?

Ο OO
Ο HINDI
BAKIT?__________________________________________

3. SUMASANG AYON KA BA SA PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG


ELEKTRISIDAD?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

4. ANO ANO ANG MAGANDANG NAIDUDULOT SA IYO NG PAGGAMIT NG


ENERHIYA?

27
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

5. NAGKAROON NA BA NG KAKAPUSAN/KAKULANGAN SA PAGGAMIT NG


ENERHIYA?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

6. SA IYONG PALAGAY GAANO NAKAKATUTULONG ANG PAGGAMIT NG


ENERHIYA? (5-1) 5-PINAKAMATAAS 1-PINAKA MABABA

7.MAKAKATULONG BA ANG PAGGAMIT NG SOLAR POWER PARA


MABAWASAN ANG KONSYUMO NG PAGGAMIT NG ENERHIYA?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

8. SUMA SANG AYON KA BA SA PAGKAKAROON NG SOLAR PANELS PARA


SA MGA LUGAR NA HINDI NA AABOT NG ELEKTRISIDAD?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

9. SA IYONG PALAGAY MALAKI BA ANG NAGING EPEKTO SA INDUSTRIYA


NG PILIPINAS SA PAGGAMIT NG ENERHIYA?

28
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

10.PAANO MO NAPAG PASIYAHANG MAGTRABAHO SA LARANGANG


IYONG NAPILI? ITO BA AY IYONG SARILING DESISYON AT NAAYON SA
IYONG KAGUSTUHAN?

Ο OO
Ο HINDI

BAKIT?__________________________________________

29
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND SATELLITE CAMPUSES
MARAGONDON BRANCH

30

You might also like