You are on page 1of 2

GAWAIN

PUNAYAN, DESIRRE DUEÑAS


Guro: Gng. Celestina Garces
1. Ipaliwanag sinabi ni Wilamowitz, isang kilalang teorista at praktisyuner, ayon sa
kanya ang pagsasaling wika ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa
katawan ng isang patay?
Para sa aking pagkakaintindi sa sinabi ni Wilamowitz, ang pagsasalin ay
maproseso at may sinusunod na tungkulin upang ang kaniyang
sinanasalin ay magkaruon ng buhay kagaya ng sa orihinal. Kaya dapat
may sapat kang kaalaman sa pagsasalin at sa mga wikang kasangkot nito
pati narin ang mga tungkulin sa pagsasaling wika upang maisalin mo ng
maayos at mapanatili ang orihinal na pakahulugan ng iyong isinasalin.
2. Ibigay at ipaliwanag ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling
wika?
Dapat ang tagapagsalin ay may sapat na kaalaman sa gramatika ng
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ibig sabihin kailangan ng
tagapagsalin na magkaroon ng sapat na kaalaman sa dalawang wika upang
masuri niya ng maayos at mabuti ang tunay na diwang nais ipahatid ng awtor. At
uoang maging wasto ang mga salitang kaniyang gagamitin sa pagsasalin at ang
kung paano ito bubuohin. Dapat may sapat na kakayahan sa pampanitikang
paraan ng pagpapahayag ang isang tagapagsalin upang mapagsunod- sunod
niya at maipaliwanag ng maayos ang kaniyang isinasalin. Sapat na kaalaman
sa paksang isasalin dapat alam ng isang tagapagsalin ang kaniyang paksang
isasalin upang malaman niya sa kaniyang sarili kung interesado ba siya sa
paksang isasalin niya para naman pag isasalin niya na ito ay magiging maganda
ang kalalabsan at magiging interesado din ang mga mambabasa. Dapat din ang
isang tagapagsalin ay may sapat na kaalaman s akultura ng dalawang
bansang kaugnay sa pagsasalin upang maisalin niya ng maayos at mapanatili
ang orihinal na kahulugan nito.
3. Ipaliwanag ang mga nagsasalungatang paraan sa pagsasaling-wika.
1. “Salita” laban sa “Diwa”
Ang salin ay dapat pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming taglay ng
isang orihinal. Kaya dapat ang salitang gagamitin sa pagsasalin ay angkop
upang mapanatili ang kahulagan ng kaniyang isinasalin kagaya ng sa
orihinal.
2. “Himig-orihinal” laban sa “Himig-salin”
3. “Estilo ng Awtor” laban sa “Estilo ng Tagapagsalin”
Bawat tagapagsalin ay may kani- kaniyang estilo pero dapat ang isang
tagapagsalin ay may sariling estilo sa pagsasaling wika na ang kaniyang
salin ay kagaya parin ang kahulugan sa orihinal.
4. “Panahon ng Awtor” laban sa “Panahon ng Tagapagsalin”
5. “Maaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaring Baguhin”
6. “Tula-sa-Tula” laban sa “Tula-sa-Prosa

You might also like