You are on page 1of 1

Maria Dixie Jimenez Introduksyon sa Pagsasalin 1 st year

Reaksyong Papel para sa paksang “Ang Pagsasalin at ang Wika”


Ang isang matalinong tagapagsalin ay nasisiyahan kung kaniyang naipapahayag ang nais
ipabatid ng mensahe sa akda na kaniyang isinasalin, sa ganoong paraan pumapasok sa isip ng
mga mambabasa ang mga detalye na nakalahad sa kaniyang isinalin sa wikang nauunawaan
nila, magiging madali ito para iparating sakanila ang nilalaman ng kanilang binasa
Sa paksang ito naunawaan ko sa tinalakay ang iba’t-ibang mga katangiang dapat angkinin ng
isang tagapagsaling-wika , kung ano-ano nga ba ang mga dapat taglayin ng isang tagasalin.
Lahat kaya ay maaaring maging tagapagsalin? Tinalakay rin ang mga uri ng pagsasalin,paano
nga ba ang pagsasalin? Nahahati ba sa ilan ang mga uri ba ang pagsasalin? Nakapaloob din dito
pati na rin ang mga prinsipyo ng pagsasalin na binuo ng ibat-ibang mga awtor ng pagsasalin,
natutunan ko ang mga dapat isinasaalang-alang ng isang tagapagsalin sa kaniyang ginagawang
pagsasalin.
Ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin ay ang sumusunod: Sapat na
kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin, na kung saan kailangang alam mo ng
mainam ang parehong wika, ang sa orihinal at ang sa pagsasalinan. Alam dapat ng tagasalin ang
mga pasikot sikot ng parehong wika lalo na sa gramatika upang maisalin sa pinaka malapit na
katumbas na salita. Ang sumunod ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang
isasalin, kailangang alam ng tagasalin kung ano ba ang kaniyang isasalin, kung para saan ba ito,
at kung ano ba ang nilalaman ng tekstong ito, sa ganoong paraan mas alam nya ang mga
salitang dapat gamitin at madaling maunawaan ng mga mambabasang may alam rin sa paksang
ito. Sumunod naman ang sapat na kaalaman sa kultura ng bansang kasangkot sa pagsasalin, na
nagpapakahulugan para sa mga ekspresyon o idyoma na sinasambit ng dalawang bansang
kasangkot sa pagsasalin, bawat bansa ay may iba’t-ibang kultura na kanilang pinapahayag sa
kanilang wika. At ang huli ay ang sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang bansang
kasangkot sa pagsasalin , mainam na alam ng tagasalin ang gamit ng mga gramatika sa
parehong wika upang makaiwas ito sa pagkalito ng mambabasa. Pag dating naman sa mga uri
ng pagsasalin ay mayroong dalawa: ang Literal o tumbasang salita at ikalawa ang Idyomatiko.
Ang literal ay umaayon sa pagtutumbas lamang ng orihinal sa pagsasalinan, literal na isinasalin,
ang pangalawa naman ay gumagamit ng idyoma upang maipahayag ng may damdamin o
kakaibang estilo ng paglalarawan sa salita ng orihinal.
Kung nanaisin mong maging matagumpay na tagapagsalin ay kailangan mahalin mo ang wika,
wikang orihinal man o pagsasalinan, sa ganoong paraan ang diwa ng isinalin ay nananatili at
nabubuhay sa kaisipan ng makakabasa nito, tatanim din sa kanilang kaisipan ang mga
mabubulaklak at mga henyong salita ng paglalarawan na ginamit ng tagasalin na nakakabuo ng
senaryo, imahinasyon at ideya sa mga makakabasa nito.

You might also like