You are on page 1of 14

Filipino

Quiz Bee

Agosto 8, 2025
Ano ang bahagi ng
pananalita ang tumutukoy sa
salitang kilos o galaw?
A. Pangngalan
B. Pandiwa
C. Pang-uri
D. Panghalip
PANDIWA
ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo, dala),
isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral).
Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.

Mga halimbawa (naka-italiko):


Pumunta ako sa tindahan.
Binili ko ang tinapay.
Kumain ako ng tinapay kaninang umaga.
Sumakay ako sa jeep papunta sa paaralan.
Ginagawa ko palagi ang aking mga takdang-aralin.
Ilang alpabeto mayroon
ang wikang Filipino?

A. 32
B. 25
C. 28
D. 30
28
Ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t-walong (28) letra.
Ang bigkas ng bawat letra ay gaya rin sa Ingles maliban sa Ññ.
Ano ang uri ng gobyerno
ng Pilipinas?

A. Demokrasya
B. Diktadura
C. Komunismo
D. Monarkiya
DEMOKRASYA
Nagmula ito sa salitang Griyego na “demos,” o “tao,” at “kratos,” o “kapangyarihan.” Sa isang
demokratikong estado, ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng kapangyarihan. Mayroon
itong tapat na halalan para sa pagpili at pagpalit ng gobyerno, aktibong partisipasyon ng mga
mamamayan sa politika, pagtatanggol para sa karapatang pantao ng lahat, at walang kinikilingang
pananaig sa batas.

Halimbawa:
Hindi nagtatapos ang kapangyarihan ng mga mamamayan sa pagboto. May responsibilidad din
silang makilahok sa mga prosesong panlipunan at siguraduhin ang pananagutan ng mga lider na
ihihalal nila.
Sa aling taon nagsimula
ang Buwan ng Wika?

A. 1985
B. 1987
C. 1935
D. 1937
1935
Noong 1935, panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon, nagsimula ang mithiing bumuo ng isang
pambansang wika na siyang magbubuklod sa buong bansa. Dahil dito, iniatas sa Kongreso ang
“magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika” sa bisa ng Saligang Batas ng 1935.
Sino ang pangulong
nagdeklara ng buwan
ng Agosto bilang
Buwan ng Wika?
A. Carlos P. Garcia
B. Ramon Magsaysay
C. Fidel V. Ramos
D. Manuel Roxas
FIDEL V. RAMOS
Noong Hulyo 15, 1997, pinalakí ni Pangulong Fidel Ramos ang petsa ng pagdiriwang para sa wikang
Filipino. Sa bisà ng Proklamasyon Blg. 1041, ipinahayag ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa tuwing Agosto 1 hanggang 31.
BONUS!
Ano ang pambansang
wika natin?
BONUS!
Ano ang pambansang
wika natin?

FILIPINO
TAPOS.

You might also like