You are on page 1of 2

Immaculate Mary Academy

Poblacion Weste, Catigbian, Bohol

Name: Alvin Niño M. Nesperos Date: November 17, 2022

Grade: 12-Fortitude

Ang General Academic Strand (GAS)


Ang GAS o General Academic Strand ay kabilang sa mga academic track at isang Senior High
School Strand. Sinasaklaw nito ang iba't ibang disiplina tulad ng Humanities, Applied Economics,
Social Sciences at iba pa (jjdanielcledera, 2021). Sa artikulo naman ni Annika Maria Dungo na
“Kahandaan Ng Mga Mag-aaral Ng General Academic Strand Sa Kolehiyo”(2018-2019), ang GAS
strand ay mainam para sa mga estudyante na hindi pa alam kung ano ang kukunin sa kolehiyo
dahil ang GAS Strand ay may napakaraming saklaw na asignatura. Ang kawalan ng
kasiguraduhan sa kung anong kurso ang kukunin sa kolehiyo ang pangunahing kadahilanan ng
mga estudyante upang kumuha ng GAS Strand sa kanilang Senior High School.

Ang pagpapatupad ng Departamento Ng Edukasyon Sa Pilipinas sa Enhanced Basic Education


Curriculum noong 2013 na humantong sa pagkalikha ng Senior High School Program ang
nagbigay daan sa mga academic tracks na kung saan ay kabilang ang General Academic Strand
(Estonanto, 2017). Ito naman ay napagtibay ng maipasa ang Republic Act No. 10533 noong
2013, na nagdagdag ng Grade 11 at 12 na may pangunahing layunin na magkaroon ng dekalidad
na edukasyon na katumbas na ng internayonal na pamantayan.

Ang General Academic Strand ang perpektong kunin para sa mga mag-aaral na hindi pa
sigurado sa kung anong daan ang tatahakin sa kolehiyo. Base sa pananaliksik ni
Narria8517(2021), ang GAS Strand ay isang “flexible” na academic track para sa mga mag-aaral
dahil sa hindi lamang ito nagdadalubhasa sa iisang kasanayan lamang. Ang pagkakaroon nito ng
malawak na kasanayan sa iba't ibang asignatura ang nagbibigay ng malawak na kursong
pagpipilian sa kolehiyo o propesyon na tatahakin.

Ayon sa pag-aaral ng Informatics.edu.ph (2018), maraming kalamangan ang General Academic


Strand sa ibang academic track dahil sa dami ng mga kasanayan at lawak ng asignatura ang
saklaw nito. Kabilang na dito ang pagpapalago ng mga makrong kasanayan. Pagkakaroon ng
kaalaman at pagkatuto sa ibang kasanayan. At pagkakaroon ng kalayaan ng mga estudyante na
tahakin ang iba't ibang kasanayan sa pagdadalubhasa.
Bilang pangwakas, maging sa kasalukuyan ay nanatili paring dominante sa dami ng mag-aaral
ang academic track na General Academic Strand. Hindi lang dahil sa hindi sila sigurado sa kung
anong propesyon ang tatahakin, kundi dahil sa lawak ng kasanayan at pagdadalubhasa ang
tatahakin nila sa ilalim ng academic track na ito. At ang mga kasanayan na ito ay hindi lamang
magagamit sa iilan na kasanayan lamang, sa katunayan ay maraming kasanayan ang pweding
tahakin sa pagdadalubhasa ng isang mag-aaral sa academic track na GAS.

You might also like