You are on page 1of 2

SSG Leadership Training ginaganap,

Opisyal mula sa Tanggapan ng Pangulo isa sa tagapagsalita

Upang lalong mapaunlad ang kakayahan ng mga student leaders sa pagganap ng kanilang
katungkulan, isinagawa ng FRNHS ang SSG leadership Training noong Abril 4, 2023 na may
paksang “ Leadership Upskilling:Enhancing Strength of Student Leaders” na nagsimula sa
ganap na 8:00 ng umaga.

Naging isang malaking oportunidad sa FRNHS lalo na sa mga student leaders ng nasabing
paaralan ang pagkakaroon ng pagkakataong makasalamuha at maturuan ng isa sa mga
persona na nanunungkulan sa Tanggapan ng Pangulo bukod sa ibang tagapagsalita na sina
G. Luisito Rabosa (Kabasalan MENRO) at G. Rosalie L. Milla,Prinsipal.

Si G. Jo-Shancy S. Bermudez, Corporate Governance Officer V,Corporate Standards Office ng


Tanggapan ng Pangulo ang isa sa naging tagapagsalita ng nasabing pagsasanay.
Si Sir Josh ay isang batikang International Debater at isa ring Student Leader noong siya’y
nag-aaral pa.Tinalakay ni Sir Josh ang tungkol sa Parliamentary Procedure and Resolution
Writing na naging isang malaking tulong para sa mga nagsisimula pang mga lider na mga
mag-aaral.

Itinuro ni Sir Josh sa mga kalahok ang mga hakbang kung paano magsagawa ng isang
pagpupulong na sinusunod ang pamamaraang parliamentaryo, pagsulat ng isang resolusyon
at minuto ng pulong. Nagbigay rin siya ng mga gawain (output making) upang mas
maintindihan ng mga kalahok ang kanyang ibinahaging paksa.

Dagdag pa ni Sir Josh, hindi biro ang maging isang student leader, nangagailangan ito ng
tibay ng loob, lawak ng pag-iisip, determinasyon at pagmamahal upang magampanan nang
mabuti ang nakaatang na responsibilidad.

Naging kasiya-siya at kaaliw-aliw rin para sa mga kalahok ang iba pang gawain sa nabanggit
na training sa bahaging Team Building.

Sa huli binati ni Sir Josh ang mga kalahok at nag-iwan ng mensaheng nagsilbing motibasyon
upang pagbutihin pa ang nakaatang na tungkulin sa kanila bilang mga lider.
BATO SA TALON

Bakit minsan,hindi natin nauunawaan ang ating nararamdaman? Bakit may kahungkagan sa kabila ng
kasiyahang ating nararanasan…?

Di ko maipaliwanang ang aking nararamdaman kapag ako’y nakakakita ng isang talon. Kung may
masisilayan akong nagtatampisaw sa Kristal na agos ng isang talon,tila naiibsan ang bigat na dalahin ko
sa aking dibdib.
Napansin ko ang mga nakausling mga bato sa talon, iba-iba ang hugis at laki..May hugis na sa wari ko’y
para yatang tutusok sa nakahimlay kong puso,may iba naman na sa kabilugan ay ang sarap
magpagulong-gulong kasama iyon.. Ha…ha..ha..ha..!Natatawa ako sa naiisip ko. Bakit ba ako masyadong
napapaisip ngayon?

Naagaw na naman ang aking atensiyon ng iba’t ibang hugis ng mga bato sa may talon… Na diretsang
natatamaan ng malakas na lagaslas ng tubig, di kaya sila nasasaktan? ., samantalang ang iba’y nakalubog
sa tubig, di kaya sila nilalamig?

Naihambing ko sa kalaunan ang aking sarili sa mga bato. Matapang ako, kaya kong harapin ang mga
pagsubok na dumating at darating pa sa buhay ko. Kaya kong lampasan ang mga balakid na nakaharang
sa aking paglalakbay…May pusong bato ako, may pusong bato..

Subalit, papaano kung ako’y kagaya ng mga batong namamasid ko? Kasintigas kaya talaga ako sa kanila o
baka darating ang panahong ako ay rurupok at manghihina…manghihina.. Papaano???

You might also like