You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

University of Southeastern Philippines


College of Teacher Education and Technology
Bachelor of Early Childhood Education

Banghay-aralin sa
ARALING PANLIPUNAN 1

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naihahambing ang sariling kwento o karanasan sa buhay sa kwento at karanasan ng mga kamag-aral
(AP1NAT-Ig11)

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, ang mga mag-aaral sa unang baiting ay:
a. nakatutukoy sa kaibahan ng sariling karanasan sa kapwa mag-aaral;
b. naibabahagi ang kahalagahan ng sariling kwento o karanasan sa buhay; at
c. nakagagawa ng simpleng puppet sa malikhaing pamamaraan.

II. PAKSANG-ARALIN/KAGAMITAN
Paksa: Paghahambing ng Sariling kwento o karanasan sa buhay sa karanasan ng mga kamag-aral.
Batayang-aklat: K to12 Gabay Pangkurikulum ARALING PANLIPUNAN Baitang 1 –10
Sanggunian: Grade1-Naihahambingang sariling kwento o karanasan sa buhay sa kwento at
karanasan ng mga kamag-aral. (n.d.). Www.youtube.com. Retrieved June 20, 2023, from
https://youtu.be/y_vBYo6O6lY
Kagamitan: Mga larawan ng mga pangyayari, projector, speaker, powerpoint.

III. MGA PAMAMARAAN


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagdadalo
4. Paalala
5. Pagbabalik-aral
6. Pagganyak
“Scavenger Hunt: Pictures”
Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Ang guro ay magbibigay ng ideya sa kung
anong larawan ang dapat makita ng bawat grupo, ayon sa mga sumusunod na larawan:

Unang pangkat, paaralan.

Ikalawang pangkat, simbahan.


Ikatlong pangkat, parke.

Ikaapat na pangkat, dagat.

B. Mga Panlinang na Gawain

1. Paunang Gawain/Pagtataya
Base sa mga ipinakitang larawan, ang mga mag-aaral ay inaasahang magbahagi ng
pangyayari na naisasaad ang kanilang karanasan sa napiling lugar.

2. Pagsusuri
Upang mas mabigyang diin ang kaibahan ng mga karanasan ng bawat mag-aaral, ang guro
inaasahang itanong ang mga sumusunod na katanungan:
1. Base sa naibahaging karanasan ng iyong kamag-aral, ano ang kaibahan o kapareho nito
sa iyong sariling karanasan?

3. Pagtatalakay
Ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa paghahambing ng sariling kwento o karanasan sa
buhay sa kwento at karanasan ng mga kamag-aral.
Ano ang karanasan?
Ang karanasan ay ang ating pinagdaanan na lumipas na. Maari saating karanasan ay pwede
tayong matuto.

Ang guro ay may ibabahaging isang video pa tungkol sa sarili nitong karanasan.

4. Paglalapat
Panuto: Ang bawat mag-aaral ay inaasahang gagawa ng malikhaing puppet. Ang guro ay
magbibigay ng materyales sa paggawa ng “Puppet socks”.

C. Pagtataya
Panuto: Ang mag-aaral ay inaasahang e presenta ang kanilang ginawang “Puppet” bibigyan nila
ito ng pangalan, edad, at kung anong karanasan ang pwede nilang e kwento tungkol sa kanilang
buhay.
D. Closure
Tandaan na ang bawat karanasan ay magkakaiba hindi dapat natin ito ikukumpara sa iba o
ikakahiya dahil iba’t iba tayo ng pinagdaanan sa buhay dapat ipagmalaki natin ito at matuto
saating karanasan.

IV. Kasunduan
Panuto: Magdala ng isang litrato na gusto mong maging paglaki. Humanda sa pagkukuwento tungkol
dito. Halimbawa; Nurse, Doctor at iba pa.

Inihanda ni:
ALYKA ERIKA LORYN GO

You might also like