You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City

Banghay Aralin sa Filipino 7 (IKATLONG MARKAHAN)

Petsa: Mayo 17, 2023

I. Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang,
A. Natutukoy kung ano ang kahulugan ng paglalarawan, dalawang uri nito
at mga dapat tandan sa paglalarawan;
B. Nababasa ang maikling tekstong “Ang dalaginding” ni Inigo Ed
Regalado at naiuugnay ito sa sariling paglalarawan sa iyong buhay, at;
C. Nakagagawa ng tula na naglalarawan tungkol sa
pinakamaimpluwensyang tao sa iyong buhay.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Paglalarawan


Sanggunian: Aklat sa Filipino 7 (Sandigan, Lordez A. Arellano et. Al.,)
Kagamitan: Mga kagamitang biswal, Powerpoint presentation, Laptop,
marker, manila paper, mga larawang di gumagalaw.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati
 Pagtukoy sa mga pumasok at lumiban na mga mag-aaral
 Pagpapaalala
 Pagbabalik-aral
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City

Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ilahad ang natalakay sa


nagdaang talakayan tungkol sa nobela at parabula.

B. Pagganyak (Imahe mo, Ilalarawan ko!)


Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyan ng manila paper at marker. Ang guro ay magpapaskil ng larawan sa
pisara. Kanilang isusulat ang kanilang paglalarawan sa manila paper na
binigay ng guro. Bibigyan lamang ng dalawang minuto bawat grupo at
ipapaskil nila sa pisara ang kanilang ginawa. Bawat pangkat ay pipili ng
dalawa o higit pang representante upang I ulat kung bakit iyon ang mga
salitang kanilang naisulat.
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City

C. Aktibiti

Sa kaparehong pangkat, magkakaroon ng malikhaing pagbasa ang bawat


grupo tungkol sa tekstong “Ang dalaginding”. Ang pinakamalikhain ay
makakakuha ng mataas na puntos. Bibigyan lamang ng sampung minuto
bawat grupo upang mag ensayo.
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City
Pamantayan sa pag pe-present

Pagkamalikhain 25%

Pagkakasabay- sabay 25%

Intonasyon at pagbigkas 25%

KABUUAN 75%

D. Analisis
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan
base sa kanilang sariling opinyon:
1. Tungkol saan ang tekstong iyong binasa?
2. Paano inilarawan sa teksto si Ineng?
3. Masasabi mo bang ang istorya ni Ineng ay mailalarawan o
maihahalintulad mo rin sa iyong sariling buhay? Bakit?

E. Abstraksyon
Pormal na Diskusyon:
Ano ang paglalarawan?
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City
Ang paglalarawan ay ang paglalahad ng katangian ng isang tao, bagay,
hayop, pangyayari, o kalagayan. Ang pangunahing layunin nito ay maipakita
ang larawang diwa at kainaham nito sa mga kauri niya.

Dalawang uri ng paglalarawan:

Masining na paglalarawan- gumagamit ng mga piling salita at dito


pinamamayani ang antas ng wikang pampanitikan.

Karaniwang paglalarawan- payak ang paglalarawan upang maipakita


ang mga katangian ng bagay nan ais ikintal sa babasa o nakikinig.

Mga dapat tandaan sa paglalarawan:

1. Pumili ng mga paksang kilalang kilala na o alam ng marami.


2. Gumamit ng mga paglalarawang tiyak, payak, magkatulad o di-
magkatulad, gayundin ng paglalarawang pasukdol.
3. Iwasan ang pagmamalabis.
4. Umisip ng kakintalang iiwan sa isip ng mga nagbabasa o nakikinig.

F. Aplikasyon
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng tula na naglalarawan tungkol sa
pinakamaimpluwensyang tao sa kanilang buhay. Ang tula ay mag tatlong
saknong, apat na taludtod at malayang tugma. Bibigyan lamang sila ng
labinlimang minute (15 mins) sa paggawa.

IV. Pagtataya
Tukuyin kung ang pangungusap ay Masining na Paglalarawan o Karaniwang
paglalarawan.
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City
___1. Ang sanggol ay malusog.
____2. Ang kanyang daliri ay hugis kandila.
____3. Siya ay may kutis porselana.
____4. Maputi ang ngipin ng bata.
____5. Kung lumakad siya ay parang pagong.
____6. Matipuno ang kanyang pangangatawan.
____7. Maamong ang kanyang mukha.
____8. Singbilis ng hangin ang kotseng dumaan.
____9. Makintab ang sahig.
____10. Ang katawan niya ay hugis gitara.

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa mga kaantasan ng pang-uri.

VI. Repleksyon

“Patuloy lang sa hamon ng buhay. Dahil bawat problema ay mailalarawan mong


nagpapatibay s aiyo at pundasyon mo upang mas lalong maging matatag”

Inihanda ni:

SHENNABEL A. CENAS
BSED Major in Filipino

Sinang-ayunan ni:

Bb. Joana Gene Patling, LPT


Guro sa Filipino
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City
Republika ng Pilipinas
DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon XII
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue, General Santos City

You might also like