You are on page 1of 3

Mga Sapantaha sa

Aming Probinsya
PANGKAT
-7

PALOM
A
“Ayon sa kwento na mula sa lola ko patungkol sa
kwentong aswang, kapag pumupunta daw sa lugar na hindi
ka taga roon iwasan makipagtitigan ng mata sa mata upang
makaiwas sa hindi magandang interpretasyon. Dahil ito sa
mga kwentong probinsya ng (Marinduque) na kapag nakita
mo ang repleksyon ng sarili mo sa mata ng ibang tao roon
at nakabaligtad ka ibig sabihin ay aswang ang
nakakatitigan mo.”

POLICARPIO
"Minsan nang naikwento sa aming probinsya sa Gloria,
Oriental Mindoro ang pamahiin na kapag mayroong
buhawing paparating ay magwawasiwas ng itak,
nahahati raw nito ang presyon ng hangin dahilan upang
lumihis ito ng direksyon at noong taong 2019
mayroong nag-viral na bidyo sa Calapan, Oriental
Mindoro na nagsasagawa ng ganoong pamahiin."
SEGUND
O
“Ayon sa kasabihan ng mga nakatatanda sa akin kasama ng aking
mga lola, hindi ka raw maaring basta- basta magpunta sa isang puno
o mga mahalamang lugar ng hindi sinasabi ang "tabi-tabi po,
makikiraan lamang po" sapagkat ito raw ay isang paghingi ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng lugar dahil kung hindi mo ito
gagawin, maaring may mangyari sa iyong hindi mo inaasahan o ang
sinasabi nilang "nuno sa punso". Sabi ng aking lola, marahil ang iilan
ay naniniwala rito at ang karamihan ay hindi ngunit ang mga ito raw
ay totoo at hindi dapat gagawing kathang isip lamang ng iilan at
hindi dapat ito gawing isang biro lamang.”
REYE
S
“Naikwento sa akin ng aking Ina na sa probinsya nila sa Gaitaran, Cagayan
may isang pugot na ulo ang nakasakay sa isang itim na kabayo. Isa siyang
lalaki. Ito ay lumalabas lamang sa tuwing sasapit ang gabi. Kaya naman
sabi ng aking Ina na sa tuwing magbabakasyon siya sa Cagayan ugali na
nila na matulog nang maaga at sabi gabi ay wala nang lumalabas pa. Dahil
noon wala pang mga street lights at tanging gasera pa lamang ang ilaw nila
noon. Hindi naman daw nakakapaminsala ang lalaking pugot na nakasakay
sa kabayo. May mga nakapagsabi na kung ikaw ay abutin sa gabi at nasa
labas ka pa makakasalubong mo siya o sasabayan ka lang niya. Ito ang
kwento ng aking Ina na noong bata pa siya ay labis niyang
kinakakatakutan.”

SANCH
EZ
“Ayon sa aking mama na nanggaling kay lola
mula sa aming probinsya (Negros Occidental),
ito ay pamahiin sa kanilang lugar na kapag ang
isang tao ay nagluluto at ginamit ang sandok na
parang kutsara upang makain ang sahog, ang
taong ito ay mamamatay ng naka-ngisi.”

You might also like