You are on page 1of 1

Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.

PACUCOA Accredited – Level 3 Status


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
City of San Jose del Monte Bulacan

GAWAING PAMPAGKATUTO
#2

Paksa : Konseptong Pangwika: Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, at


wikang Panturo (Bilingwalismo at Multilingwalismo)
Layunin : Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggan/napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam
at telebisyon
Sanggunian : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
May-akda : Liezl Radin Borlasa, MA.ED

Gabay na tanong:
Manuod at suriin ang naging sagot ni Herlene Budol. Sagutan ang mga sumusunod na tanong
(https://www.youtube.com/watch?v=j6rHHD1oTF0 ) :
a. Ano ang paksang nakapaloob sa panayam?
b. Sa paanong paraan ginamit ni Herlene ang wika sa kabila ng kaniyang katayuan na sumali
sa pang-international pageant?
c. Kung kayo ang nasa katayuan ni Herlene, gagamitin nyo rin ba ang wikang Filipino? Bakit?
WIKANG PAMBANSA
Ang wikang pambansa ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang
pagkilanlan ng ating lahi at bansa. Ginagamit ang Pambansang Wika sa politikal at legal nadiskurso
at tinatalaga ng pamahalaan ng ating bansa.

WIKANG OPISYAL
Ang wikang opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa
saligang batas ng isang bansa, estado at iba pa. Ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang
bansa ay tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon.

WIKANG PANTURO
Ang wikang panturo ay ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag- aaral sa mga paaralan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitan sa pagtuturo sa paaralan.

BILINGWALISMO- nauukol sa paglinang sa kahusayan ng mga mamamayan ng isang bansa sa


dalawang wika.
Executive Order No. 335 (Wikang Opisyal)
Patakarang Bilingguwal ng 1974 (Wikang Panturo)

MULTILINGWALISMO- Ito ay patakarang pangwika kung saan nakasalig sa paggamit ng


pambansang wika at wikang katutubo bilang pangunahing midyum sa pakikipagkomunikasyon at
pagtuturo bagama’t hindi kinalilimutan ang wikang global bilang mahalagang wikang
panlahat. (Wikang Pambansa)

Gawain:
Magbigay ng paraan kung paano mapahahalagahan ang Wikang Pambansa sa loob ng chart.

You might also like