You are on page 1of 68

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

“BENEPISYO NG PAGKAKAROON NG PART-TIME JOB SA KASANAYANG

PANG NEGOSYO NG MGA PILING MAG-AARAL NG SENIOR

HIGH SCHOOL SA SAN ILDEFONSO COLLEGE”

Isang Pag-aaral na Iniharap sa Kaguruan ng

San Ildefonso College

Tanay, Rizal

Isang Bahagi ng Pinal na Gawain Para sa Kursong Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Jasffer H. Azuela

Kristine Danielle O. Santos

Jhayzelle G. Sollano

Mykaela H. Talavera

Grachel Khate B. Vismonte

Pebrero, 2022

Deus Super Omnia


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Dahon ng Pagsang-ayon

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na “Benepisyo ng Pagkakaroon ng


Part-Time Job sa Kasanayang Pang Negosyo ng mga Piling Mag-aaral ng Senior
High School sa San Ildefonso College (Taong Panuruan 2021-2022)” ay inihanda
nina Jasffer H. Azuela, Kristine Danielle O. Santos, Jhayzelle G. Sollano, Mykaela
H. Talavera, at Grachel Khate B. Vismonte bilang bahagi ng pinal na gawain sa
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Mayo, 2022 Gng. Emmalyn B. Santiago


Petsa Tagahubog

Sinang-ayunan bilang isang bahagi ng pinal na gawain sa Pagbasa at Pagsusuri


ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Mayo, 2022 Gng. Shereen Amoin


Petsa Tagapangulo

Gng. Maricel Astorga Bb. Angelica Ternate


Tagapayo Tagasuring Basa

G. Allan Jay Tabontabon G. Jervy Mark Viray


Tagasuri Tagasuri

Tinanggap bilang bahagi ng pinal na gawain sa Pagbasa at Pagsusuri ng


Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Mayo, 2022 Gng. Rossiel Dela Cruz


Petsa Pang-akademikong Tagapag-ugnay

Gng. Joanna Rose C. Del Rosario


Punong Guro

Deus Super Omnia


ii
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Dahon ng Pasasalamat

Nais naming pasalamatan ang lahat ng mga sumusunod na indibidwal na naging daan

upang maging posible ang aming pananaliksik.

Kay Gng. Emmalyn Santiago at Gng. Thelma Libao, ang aming mga guro na

gumabay sa amin gamit ang kanilang pagkadalubhasa at kaalaman sa bawat hakbang na

aming isinagawa upang matapos ang pag-aaral na ito.

Kay Gng. Maricel Astorga, ang aming tagapayo na nagbigay ng mga suhestiyon at

paggabay upang mapaunlad ang aming pananaliksik.

Sa lahat ng bumubuo ng panel ng mga eksperto na naglaan ng oras upang obserbahan

ang aming pag-aaral at nagbigay ng kanilang mga ideya upang mapabuti pa ito.

Sa mga piling mag-aaral ng Senior High School na may pagkukusang loob na nakiisa

sa aming pananaliksik at nagbahagi ng mga impormasyon upang makumpleto ito.

Sa aming mga magulang, para sa kanilang pagmamahal at pagsuporta na nagbibigay sa

amin ng motibasyon.

Sa iba pang mga guro, kaklase, pamilya, at kaibigan na nagbigay ng mga payo at

nagpahayag ng kanilang panghihikayat.

Sa Panginoon, para sa Kanyang paggabay sa bawat sandali na aming inilaan sa

pagsasagawa ng pag-aaral na ito.

Deus Super Omnia


iii
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Dedikasyon

Ang tisis na ito ay buong pusong inaalay ng mga mananaliksik sa mga

tumulong, gumabay, nagbigay ng suporta, at naging bahagi upang ang pananaliksik

na ito ay maisagawa.

Lalong higit sa mga minamahal na magulang:

G. Jayson C. Sollano at Gng. Fe G. Sollano

G. Nimencio R. Vismonte, Jr. at Gng. Ratchel B. Vismonte

Gng. Maribel R. Opanda

G. Manolito A. Talavera at Gng. Estrella H. Talavera

G. Joniffer B. Azuela at Gng. Wendilyn H. Azuela

Sa pamilya, kaibigan, guro, sa mga taong naging inspirasyon at motibasyon,

at higit sa lahat sa Poong Maykapal sa Kanyang walang humpay na pagpapala at

paggabay.

J.A

K.S

J.S

M.T

G.V

Deus Super Omnia


iv
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matuklasan kung paano nakatutulong ang

pagkakaroon ng part-time job sa pagpapaunlad ng mga kasanayang pang negosyo ng mga

mag-aaral. Ayon kay Caldwell (2017), ang pagtatrabaho ay nagbibigay sa mga mag-aaral

ng mahalagang karanasan sa trabaho, kasanayan sa pamamahala ng oras, benepisyo sa

pananalapi, at akademikong tagumpay. Para sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga

mananaliksik ng Kwalitatibong pamamaraan na may Deskriptibong disenyo. Ang mga

mag-aaral na may part-time job ang pinili mula sa populasyon ng Senior High School sa

San Ildefonso College upang lumahok sa pag-aaral. Batay sa mga nakalap na datos,

natuklasan ng mga mananaliksik ang mga kasanayang nakukuha ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng kanilang part-time job. Ang pagkakaroon ng part-time job ay tiyak na

kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral dahil ito ay magandang oportunidad upang

paunlarin ang kanilang kasanayang pang negosyo.

Talasalitaan: datos, deskriptibo, kasanayan pang negosyo, kwalitatibo, part-time job

Deus Super Omnia


v
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Talaan ng Nilalaman

Pamagat Pahina

Preliminaryo

Dahon ng Pamagat………………………………………………………………………..i

Dahon ng Pagsang-ayon…………………………………………………………………ii

Dahon ng Pasasalamat…………………………………………………………………..iii

Dedikasyon……………………………………………………………………………….iv

Abstrak…………………………………………………………………………………….v

Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………….vi

Kabanata I: Ang Suliranin at Saligan Nito

Panimula…………………………………………………………………………………..1

Kaligiran ng Pag-aaral…………………………………………………………………...3

Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………………………..4

Balangkas Pangkaisipan…………………………………………………………………..5

Balangkas Pangkaisipan (Paradigma)……………………………………………………6

Balangkas Teoretikal……………………………………………………………………..7

Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………………….7

Pagpapalagay/Asampsyon...………………………………………………………………9

Deus Super Omnia


vi
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Saklaw at Delimitasyon………………………………………………………………….9

Talasalitaan………………………………………………………………………………10

Kabanata II: Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Istatistika sa mga Nagtatrabahong Mag-aaral…………………………………………11

Part-Time Job ng mga Mag-aaral……………………………………………………..12

Oras na Inilalaan ng mga Mag-aaral sa Kanilang Part-Time Job………………….14

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Part-Time Job………………………………………..16

Sintesis…………………………………………………………………………………...18

Kabanata III: Metodolohiya

Pamamaraan ng Pananaliksik…………………………………………………………..19

Lugar ng Pag-aaral……………………………………………………………………..20

Kalahok sa Pag-aaral…………………………………………………………………...22

Instrumentasyon ng Pananaliksik…...………………………………………………….22

Balidasyon ng Instrumento.…….………………………………………………………23

Istatistikal Tritment…………………………………………………………….………..23

Kabanata IV: Presentasyon, Pag-analisa, at Interpretasyon ng mga Datos

Propayl ng mga Kalahok………………………………………………………………25

Mga Katanungan.……………………………………………………………………….29

Deus Super Omnia


vii
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Diskusyon………………………………………………………………………………..41

Kabanata V: Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon

Buod……………………………………………………………………………….……..43

Konklusyon………………………………………………………………..……………..46

Rekomendasyon…………………………………………………………….……………47

Bibliyograpiya………………………………………………………….……………….49

Apendiks………………………………………………………………….……………..52

Kurikulum Bitey……………………………………………………….………………57

Deus Super Omnia


viii
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kabanata I

Ang Suliranin at Saligan Nito

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, paglalahad ng suliranin,

balangkas pangkaisipan, balangkas teoretikal, palagay, saklaw at delimitasyon, at

talasalitaan.

Panimula

Maraming estudyante ang pumapasok sa mga part-time job, nagsisikap na

pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Iba-iba man ang mga posibleng dahilan

kung bakit nila ito ginagawa, malinaw pa rin nating nasasaksihan ang kahalagahan

ng mga tulong na naidudulot nito para sa marami sa kanila.

Gaya na lamang sa isang ulat ni Toabi (2019) mula sa UNTV News, kung

saan ipinakilala ang isang working student na nakapagtapos ng kolehiyo bilang

Magna Cum Laude. Nakatulong ang pagtatrabaho niya bilang service crew sa isang

fast-food chain habang siya ay nag-aaral upang matugunan ang ilan niyang mga

pangangailangan gaya ng pambayad sa renta at panggastos sa mga school projects.

Talaga namang nakapagbibigay ng mga benepisyo ang pagkakaroon ng part-

time job sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay nabibigyan sila ng kakayahan

na matustusan ang kanilang mga pangangailangan, masuportahan ang kanilang pag-

aaral, at makatulong sa kanilang pamilya. Bukod sa mga ito, mayroon pang ibang

magandang naidudulot ang pagkakaroon ng part-time job, kabilang na lamang ay

ang pagkakaroon ng mga karanasan na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng

kanilang kakayahang pang negosyo.

Deus Super Omnia


1
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Sa isang blog ni Zambas (2021), isang Content Manager at Career Expert,

nagbahagi siya ng mga benepisyong maaaring makuha ng mga estudyante sa

pagtatrabaho nang part-time. Bukod sa kumikita ng pera, nabanggit din niya ang

ilang benepisyong may kinalaman sa pagpapalago ng kakayahang pang negosyo gaya

ng ‘You gain transferable skills’, ‘You build your professional network’, at ‘You

gain work experience’.

Mapapatunayan ngang ang pagiging working student ay hindi lamang

nakakatulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga mag-aaral. Kasama ang mga

kasanayan na maaari nilang matutunan mula dito, makakatulong din ito sa

pagkakaroon ng magandang kwalipikasyon na hinahanap ng maraming employer lalo

na pagdating ng panahon na sila ay tapos na sa pag-aaral at magsisimula na sa

kanilang mga pangarap na job career.

Sa isang panayam ng TV Patrol kay Tutay (2019) ng Department of Labor

and Employment, ipinahayag niya na ang karanasan bilang working student ay

nakakatulong na maihanda ang kabataan sa work environment, napapaunlad nito ang

kanilang mga kakayahan habang sila ay nag-aaral pa. Kaugnay dito, nabanggit din

ng DOLE na dagdag-puntos sa employer ang karanasan ng isang working student.

Bilang mga mag-aaral ng ABM, batid naming ang aming strand ay may

malaking kinalaman sa entrepreneurship at pagnenegosyo. Pinili naming mga

mananaliksik ang pag-aaral na ito upang maunawaan kung ano ang mga karanasan

at kasanayang nakukuha ng mga working student sa pagkakaroon nila ng part-time

job at paano nakakatulong ang mga ito sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayang

pang negosyo.

Deus Super Omnia


2
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kaligiran ng Pag-aaral

Mababatid na noon pa lamang ay laganap na ang bilang ng mga mag-aaral na

nagtatrabaho. Ayon sa Organisation for Economic Co-operation and Development, ang

pagsasabay ng trabaho at pag-aaral ay nakakatulong sa mga kabataan na bumuo ng mga

kasanayang kailangan sa merkado ng trabaho ngayon at ginagawa nitong mas maikli at

madali ang mga transisyon mula sa paaralan patungo sa trabaho. Ang mga maihahambing

na istatistika ng trabaho at pag-aaral sa 23 bansa/rehiyong lumahok sa 2012 Survey of

Adult Skills (PIAAC) ay nagpapakita na 39% ng mga mag-aaral ay nagtatrabaho nang

karaniwan sa mga bansang ito, isang insidente na mula sa humigit-kumulang 15% sa Italy

hanggang sa mahigit 60% sa Netherlands.

Nang dumating ang pandemya, lalong umusbong ang mga online na business at

trabaho, at mas nabigyan ang mga kabataan ng pagkakataon na kumita ng pera kahit nasa

loob lamang na kanilang tahanan. Dahil dito malaki ang posibilidad na mas dumami pa ang

bilang ng mga nagtatrabahong mag-aaral. Maaaring sa bawat paaralan, sa Pilipinas man o

sa ibang bansa, ay mayroong naka-enroll na working student at kabilang din dito ang San

Ildefonso College.

Layunin ng pag-aaral na ito na makakuha ng impormasyon tungkol sa mga

nagtatrabahong mag-aaral sa San Ildefonso College, lalong lalo na kung ano ang benepisyo

ng pagkakaroon ng part-time job at paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng kasanayang

pang negosyo ng mga mag-aaral.

Deus Super Omnia


3
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay hindi lamang makakatulong sa mga mag-

aaral ng Senior High School kundi pati na din sa mga tao na gustong mag Part

Time Job.

Ang mga mananaliksik ay naniniwalang ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa iba’t-ibang paraan sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral. Ito

din ay makakatulong sa kanilang Pinansyal at magkakaroon ng karanasan sa

pagtatrabaho na makakatulong sa kanilang kasanayang pang negosyo.

Mga Guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging daan upang gabayan ng

mga guro ang bawat estudyante na nais na mag Part Time Job o mga estudyante

na nag Papart Time Job kung ano pa ang kanilang dapat gawin upang mas mapaunlad

pa nila ang kanilang kasanayang pang negosyo.

Mga Tagapangasiwa ng Paaralan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring silang

magkaroon ng ideya o kabatiran kung paano nila mas mapapaunlad ang sistema ng

edukasyon at pamamalakad ng kanilang eskwelahan para sa mga mag-aaral na

nagtatrabaho.

Mga Magulang. Sa pag-aaral na ito ay malalaman ng mga magulang ang paghihirap

at pagpupursige ng kanilang mga anak habang nag-aaral at nag papart time job.

Upang nang sa gayon ay masuportahan at mas masubaybayan pa nila ang kanilang

mga anak.

Deus Super Omnia


4
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang benepisyo ng pagkakaroon

ng part-time job sa kasanayang pang negosyo ng mga mag-aaral ng senior high

school sa San Ildefonso College.

Gayundin, inaasahang mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga kalahok ng pag-aaral ayon sa kinabibilangang:

a. Edad

b. Kasarian

c. Pangkat at Strand/Section

d. Uri ng Trabaho

2. Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng part-time job sa kasanayang pang negosyo

ng mga mag-aaral?

Deus Super Omnia


5
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Balangkas Pangkaisipan (Paradigma)

Pigura 1

Paradigma ng Benepisyo ng Pagkakaroon ng Part Time Job sa Kasanayang Pang

Negosyo ng mga Piling Mag-aaral ng Senior High School sa San Ildefonso

College (Taong Panuruan 2021-2022)

IV DV

Propayl ng mga kalahok:

Edad
Kasarian
Baitang at Strand/Pangkat Benepisyo ng Pagkakaroon ng
Uri ng Trabaho Part-Time Job sa Kasanayang
Pang Negosyo ng mga Piling
Mag-aaral ng Senior High
Katanungan:
School sa San Ildefonso
1. Ano ang benepisyo ng College (Taong Panuruan
pagkakaroon ng part-time job sa 2021-2022)
kasanayang pang negosyo ng mga
mag-aaral?

Deus Super Omnia


6
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Balangkas Pangkaisipan (Paliwanag)

Ang pinakang konsepto ng pag-aaral na ito ay nakasentro sa benepisyo ng

pagkakaroon ng part-time job sa kasanayang pang negosyo ng mga mag-aaral.

Nakasaad sa Independent Variable (IV) ang impormasyon ng propayl ng mga

respondante kabilang ang edad, kasarian, pangkat at strand/section, at uri ng trabaho.

Ang kategoryang ito ay naglalaman din ng katanungan patungkol sa benepisyo ng

part-time job sa kasanayang pang negosyo ng mga respondante.

Ang Dependent Variable (DV) naman ay nagpapakita ng resulta o mga

inaasahang datos at impormasyon tungkol sa benepisyo ng pagkakaroon ng part-time

job sa mga kasanayang pang negosyo ng mga piling mag-aaral ng senior high

school sa San Ildefonso College.

Ang arrow ay nagrerepresenta ng koneksyon ng dalawang variable. Ipinipakita

nito na ang mga impormasyon sa Independent Variable ang pagmumulan ng

inaasahang resulta sa Dependent Variable.

Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa mga teorya nina Gary Becker (Human

Capital Theory) at David Kolb (Experiential Learning Theory).

Ayon sa teorya ni Gary Becker na Human Capital Theory, ang pagtatrabaho

ng mag-aaral ay mayroong mabuting karagdagan sa karunungan dahil sa mga

karagdagang kasanayan at kaalaman na nakukuha habang nagtatrabaho. Mayroong

ilang mga dahilan kung bakit ang gawain ng mag-aaral ay maaaring humantong sa

Deus Super Omnia


7
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

gayong pagtaas ng kapital ng tao. Ang isang dahilan nito ay ang pagtatrabaho ng

mag-aaral ay nagbibigay-daan sa pagkuha ng mga bagong kaalaman at kasanayan

tulad ng mga etika sa trabaho, mga kasanayan sa komunikasyon, at organisadong

pamamahala ng oras.

Ang Human Capital Theory ay nangangatwiran na ang mga indibidwal ay

may isang hanay ng mga kasanayan o kakayahan na maaari nilang pagbutihin o

maipon sa pamamagitan ng pagsasanay at edukasyon.

Ang teorya naman ni David Kolb na Experiential Learning Theory ay nakabatay sa

konsepto ng proseso ng pagkatuto sa pamamagitan ng paggawa. Mas nagagawa ng mga

mag-aaral na ikonekta ang kaalaman na galing sa paaralan sa reyalidad o sa aktwal na

sitwasyon kapag sila ay nakikibahagi sa mga interaktibong karanasan sa pag-aaral.

Mayroong ilang iba't-ibang anyo ng mga experiential learning oppurtunities. Ang

kooperatiba na edukasyon (cooperative education) ay isang anyo nito, kung saan Ang mga

mag-aaral ay karaniwang gumugugol ng bahagi ng araw sa klase at ang iba pang bahagi ng

araw ay sa pagtatrabaho, ito ay nasa isang sadyang plano at organisadong paraan. Ito ay

idinisenyo upang mapabuti at mapalago ang mga kasanayan at kaalaman ng mga mag-

aaral.

Ayon sa Experiential Learning Theory, ang pinakamahusay na paraan upang

matutunan ang isang bagay ay sa pamamagitan ng aktwal na pagkakaroon ng karanasan.

Dahil dito ay nagkakaroon ang isang indibidwal ng mas malawak na pananaw sa reyalidad

at higit na pagpapahalaga para sa komunidad, malinaw na pananaw sa kanilang sariling

interes, hilig, at prinsipyo, pagkakataon na makipag komunikasyon sa iba't-ibang

Deus Super Omnia


8
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

organisasyon at mga tao, mas matibay na tiwala sa sarili, at mahasa ang kanilang kasanayan

sa pamumuno.

Pagpapalagay/Asampsyon

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mapapatunayan ang mahalagang

ugnayan ng benepisyo ng pagkakaroon ng part-time job at ng pag-unlad ng mga

kasanayang pang negosyo ng mga mag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na alamin ang benepisyo ng pagkakaroon

ng part-time job ng mga estudyante. Layunin din nito na makapagbigay ng

inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral na nais magkaroon ng part-time job.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral ng Senior High

School mula sa San Ildefonso College (SIC) Taong Panuruan 2021-2022 mula

Pebrero hanggang Mayo 2022 ng ika-apat na markahan.

Deus Super Omnia


9
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Talasalitaan
Upang mas higit na maunawaan ang pag-aaral, ang mga sumusunod na salita ay
binibigyang-kahulugan:

Deskriptibong Pananaliksik - may layunin na tumpak at sistematikong maglarawan ng


populasyon, sitwasyon o penomena. (McCombes, 2019)

Full-Time Undergraduate - kadalasan ay estudyante na kumukuha ng 12 unit kada


termino sa isang institusyon kung saan ang pamantayan ay 16. (Lucier, 2019)

Human Capital - Ay tumutukoy sa pang-ekonomiyang halaga ng karanasan at kasanayan


ng isang manggagawa (Kenton, 2022)

Kasanayang Pang Negosyo - sumasaklaw sa malawak na hanay ng iba't-ibang mga


kakayahan. (Hirschauer, 2021)

Kwalitatibong Pananaliksik - pag-analisa ng mga datos na hindi numerikal upang


maintindihan ang mga konsepto, opinyon, o mga karanasan (Bhandari, 2020)

Part-Time Job - pagtatrabaho nang mas kaunting oras kada linggo kaysa sa full-
time job. (Woodhouse, 2017)

Part-Time Undergraduate - karaniwan ay mga estudyanteng kumukuha ng 11 o


mas kaunti pa na credit kada semestre. (Upson, 2021)

Professional Network - uri ng konektadong komunidad ng mga taong may katulad na mga
interes sa negosyo o karanasan sa edukasyon. (Ronnie Ann, 2020)

Transferable Skills - mga abilidad na maaari mong magamit mula sa isang trabaho
hanggang sa iba pa. (Duszyński, 2022)

Purposive Sampling - pagpili ng sample na magiging kapaki-pakinabang sa layunin


ng pananaliksik. (McCombes, 2019)

Deus Super Omnia


10
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga literatura at pag-aaral na naglalahad

ng kaugnayan sa ginawang pananaliksik at nakabase sa paglalahad ng suliranin.

Istatistika sa mga Nagtatrabahong Mag-aaral

Ayon sa National Center for Education Statistics ng Estados Unidos o NCES

(2020), 84.9% ng mga full-time undergraduate ay nasa edad na 16-24, habang ang

mga part-time undergraduate naman na kabilang sa parehong edad ay 46.5%. Base

rin sa kanilang pag-aaral, 44.1% ng kabuoang bilang ng full-time undergraduates ay

kalalakihan at 55.9% ang kababaihan, habang ang mga part-time undergraduate

naman ay 42.5% na kalalakihan at 57.5% na kababaihan.

Sa talahanayan na ipinresenta ng Georgetown University Center na base sa

mga datos na ginamit nila Carnavale at Smith (2016), 63% (9.3 milyon) ng mga

nagtatrabahong estudyante ay nasa edad 16-29, 62% (3.7 milyon) sa kanila ay low-

income workers habang 75% (5.6 milyon) ang high-income workers. Sa kabuoang

bilang ng mga nagtatrabahong mag-aaral, 44% (6.2 milyon) ang kalalakihan at 56%

(7.8 milyon) ang kababaihan.

Ayon sa labor force survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority

(2018), 10.8% ng mga manggagawa ay kalalakihan at nasa edad na 15-24, habang

6.0% naman ang mga kababaihan at na kabilang din sa kaparehong pangkat ng

edad.

Deus Super Omnia


11
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Naipakita sa labor force survey highlights ng PSA (2021) na ang youth labor

force participation rate ay nasa 34.7% noong Enero 2021, 33.9% noong Oktubre

2020, at 37.4% noong Enero 2020. Dagdag pa rito, ang labor force participation

rate noong Enero 2021 ay nasa 60.5% na binubuo ng 45.2 milyong Pilipino na

nasa edad 15 pataas na bahagi ng labor force. Ito ay mas mababa kaysa sa labor

force participation nang nakaraang taon na nasa 61.7% ngunit mas mataas kaysa sa

nakaraang quarter na may 58.7%.

Part-Time Job ng mga Mag-aaral

Kung kailangan mong humanap ng trabaho upang maisakatuparan ang isang

pangangailangang pang trabaho - pang edukasyon, o nais mong kumita ng ekstrang

pera para sa semestre, ang mga on-campus job ay magandang pagpipilian para sa

mga mag-aaral na naghahanap ng trabaho. Ang mga on-campus job ay magandang

pagpipilian para sa mga estudyanteng naghahanap ng part-time job. Alam ng mga

nasa kolehiyo na ang kanilang buhay ay okupado ng mga klase, samahan sa

eskwelahan, takdang aralin, pagsusulit, at mga ekstrakurikular na gawain. Magiging

mahirap na ibalanse ang pag-aaral at iskedyul ng pagtatrabaho, at ang pagbabalanse

pang ito ay mas mahirap kung aalalahanin ang pagbyahe papunta at pabalik galing

sa trabaho. Kaya naman ang mga on-campus job ay bagay para sa mga nasa

kolehiyo. (Doyle, 2019)

Ang pagsubok na ipagkasya ang isang trabaho sa iyong iskedyul ay maaaring

maihalintulad sa paglalaro ng Tetris. Sa gitna ng mga klase at samahan sa paaralan, marahil

pati na rin ang mga Greek-life na obligasyon, kailangan mo ng trabaho na aayon sa iyo, sa

Deus Super Omnia


12
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

halip na kabaligtaran. Ang magandang trabaho ay makakapagbigay sa iyo ng malayang

oras (gaya sa gabi o sa mga araw ng linggo na wala kang klase) at maaari rin na mahayaan

ka na matapos ang iyong mga aralin kapag hindi masyadong abala sa trabaho. (Martis)

Ayon kay Zoleta (2022), ito ang mga posibleng part-time na trabahong maaari

mong makuha sa Pilipinas: Data Entry Specialist, Virtual Assistant (VA), Online

English Tutor, Online Survey Participant, Transcriber, Translator, Blogger,

Copywriter, Resume Writer, Proofreader, Graphic Designer, Video Editor, Web

Developer, Customer Service Representative, Telemarketer, SEO Specialist, Search

Engine Evaluator, Forum Writer, Social Media Manager, Social Media Influencer,

Marketing Assistant, Virtual Recruiter, Bookkeeper/Accountant, at Micro Jobs.

Ayon kay Cruz (2018), ang pagtatrabaho habang nag-aaral man ay hindi

pangkaraniwang setup, pero ito ay labis na makakatulong para sa mga handang

kayanin ang hamon na ito. Nagbigay siya ng listahan ng mga trabahong maaring

magbigay ng magandang oportunidad sa mga mag-aaral: service jobs – kung nais

mong magbigay serbisyo, mahilig kang kumilos, at nasisiyahan ka makipag-interakt

sa ibang tao; online jobs – makakapag trabaho ka nang virtual at mas madali na

hindi mo na kailangan pang lumabas ng iyong tahanan; student assistant jobs –

may mga paaralan na mayroong programa kung saan ang mga estudyante ay

nakakapag laan ng oras kada araw na makatulong sa mga guro, opisina, o

departamento ng paaralan; business jobs – kung may galing ka sa pagnenegosyo,

dapat mong subukan na mailabas ang iyong marketing skills; at freelance jobs –

gamitin mo nang lubusan ang iyong mga kakayahan at talento.

Deus Super Omnia


13
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Oras na Inilalaan ng mga Mag-aaral sa Kanilang Part-time Job

Noong 2018, humigit-kumulang 6% ng mga full-time undergraduate ang

nagtatrabaho nang mas mababa sa 10 oras kada linggo, 7% ay nagtatrabaho ng 10-19 na

oras kada linggo, 17% ay nagtatrabaho ng 20-34 na oras kada linggo, at 10% ay

nagtatrabaho ng 35 oras o higit pa kada linggo. Walang masusukat na pagkakaiba sa

pagitan ng 2018 at 2000 sa mga porsyento ng mga full-time undergraduate na nagtatrabaho

ng 35 oras o higit pa bawat linggo, ngunit ang mga porsyento ng oras ng pagtatrabaho kada

linggo sa iba pang kategorya ay mas mababa noong 2018 kaysa noong 2000 para sa mga

full-time undergraduate na nagtatrabaho. Sa mga undergraduate na naka-enroll nang part-

time noong 2018, 3% ang nagtatrabaho ng wala pang 10 oras bawat linggo, 5% ay

nagtatrabaho ng 10-19 na oras kada linggo, 24% ay nagtatrabaho ng 20-34 na oras kada

linggo, at 47% ay nagtatrabaho ng 35 oras o higit pa kada linggo. Ang porsyento ng mga

part-time undergraduate na nagtatrabaho ng 20-34 na oras kada linggo ay mataas noong

2018 kaysa noong 2000 (24 kumpara sa 20 porsyento), ngunit ang porsyento ng mga part-

time undergraduate na nagtatrabaho ng 35 oras o higit pa kada linggo ay mas mababa

noong 2018 kaysa noong 2000 (47 kumpara sa 57 porsyento).

Ayon sa International Labor Organization (2003), ang part-time job ay uri ng

trabaho na nangangailangan ng mas kaunting oras kada linggo kaysa sa full-time

job. Ang mga manggagawa ay itinuturing na part-time kung sila ay karaniwang

nagtatrabaho ng mas kaunti sa 30 o 35 na oras kada linggo. Pagdating sa haba ng oras na

ginugol sa part-time na trabaho, ang iba't ibang bansa ay may iba't-ibang haba ng oras ng

pagtatrabaho. Sa Australia (2007) ang part-time na mga empleyado ay ang mga

nagtatrabaho ng mas kaunting oras kaysa sa mga katapat na full-time job sa loob ng isang
Deus Super Omnia
14
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

partikular na industriya, at kadalasan ang oras ng pagtatrabaho ay mas mababa sa 32 oras

na kada linggo. Sa Canada (2007), ang empleyado na itinuturing na part-time ay ang

karaniwang nagtatrabaho ng wala pang 30 oras bawat linggo sa kanilang pangunahing

trabaho o tanging trabaho.

Ayon sa Bureau of Labor Statistic, ang pagtatrabaho ng part-time ay tinutukoy

bilang pagtatrabaho sa pagitan ng 1 at 34 na oras kada linggo. Mula sa nabanggit na

depinisyong ito, mahihinuha na ang mga mag-aaral na may part-time na trabaho ay

maaaring tukuyin bilang mag-aaral na nagtatrabaho sa panahon ng semestre, na may mas

mababa sa 20 oras ng pagtatrabaho kada linggo.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng National Center for Education Statistics

ng Estados Unidos o NCES (2020), ang kabuoang bilang ng mga full-time

undergraduate na nagtatrabaho nang mas mababa sa 10 oras kada linggo ay 3.5%,

ang mga nagtatrabaho nang 10-19 oras kada linggo ay 9.2%, ang mga nagtatrabaho

nang 20-34 oras kada linggo ay 15.5%, at ang mga nagtatrabaho nang 35 oras o

higit pa kada linggo ay 9.9%. Para sa mga part-time undergraduates naman: 1.4%

ang nagtatrabaho nang mas mababa sa 10 oras kada linggo, 5.8% ang nagtatrabaho

ng 10-19 oras kada linggo, 25.6% ang nagtatrabaho nang 20-34 oras kada linggo,

at 39.9% ang nagtatrabaho nang 35 oras o higit pa kada linggo.

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Part-Time Job

Batay sa mga natuklasan mula sa survey sa 2008 National Survey of Student

Engagement, ang pagtatrabaho habang nag-aaral ay maaaring magbigay ng mga positibong

epekto sa mga mag-aaral sa gawain sa paaralan. (The Benefits of Working While Enrolled

Deus Super Omnia


15
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

in College, n.d.). Ang trabaho ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng mahalagang karanasan

sa trabaho, mga kasanayan sa pamamahala ng oras, benepisyo sa pananalapi, at

akademikong tagumpay (Caldwell, 2017). Maari ding gamitin ng mga mag-aaral ang

pagkakataong ito para paunlarin at paghusayin ang kanilang mga kasanayan at ipakita ang

kanilang mga kakayahan.

Higit pa rito, ang mga mag-aaral ay maaaring bumuo ng mga kasanayan sa

komunikasyon at pagtutulungan ng magkakasama sa pamamagitan ng kanilang mga

trabaho. Ang kanilang kapaligiran sa trabaho ay gumaganap ng isang papel sa kanilang

pag-unlad habang sila ay bumubuo ng relasyon sa mga kustomer, at mga katrabaho, na

nagtutulungan upang mapabuti ang bawat isa sa pagtatrabaho. (Jewell, 2014). Ang mga

part-time na trabaho ay nagbibigay opurtunidad sa mga mag-aaral na paunlarin ang

kanilang panlipunan at personal na mga kakayahan, na mga pangunahing soft skills na

dapat nating makuha. (O'Neil, Bentley, at Bentley, 1984). Bilang resulta, ang mga mag-

aaral ay mas malamang na makakuha ng kadalubhasaan sa mga partikular na larangan, na

kapaki-pakinabang para sa kanilang personal na pag-unlad sa iba't ibang paraan.

Ayon kay Watts at Pickering (2000), ang pagtatrabaho ng part-time habang nag-

aaral ay may maraming positibong benepisyo. Para sa mga studyante, ang part-time na

trabaho ay isang kinakailangan upang magtagumpay sa sektor ng mas mataas na

edukasyon. Ang part-time na trabaho ay karaniwang isang panimula sa totoong mundo para

sa mga mag-aaral, na tutulong sa kanila sa pag-unlad ng personal at karera, partikular sa

sektor ng mas mataas na edukasyon (Tymon, 2013).

Deus Super Omnia


16
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Ayon kay Zambas (2021), ang pagkakaroon ng part-time job ay maaaring

makatulong sa mga mag-aaral na makakuha ng mga kasanayang hindi basta

naibibigay ng pagkakaroon ng college degree. Halimbawa na lamang daw ay sa

pagtatrabaho ng estudyante sa isang fast-paced environment ay matututunan niyang

magtrabaho kaisa ng kaniyang mga kasamahan, magkakaroon siya ng pagkukusa sa

mga gawain, mapapaunlad niya ang kaniyang atensyon sa mga detalye, at matututo

siya ng iba pang mga mahalagang kasanayang maaari niyang madala at magamit

kahit pa sa ibang trabaho at aspeto ng buhay.

Ayon kay Pham at Soltani (2021), ang mahalagang area ng mga kasanayang

pang propesyonal ay ang praktikal at naaangkop na mga karanasan na maaaring

makuha mula sa hanay ng mga gawain at ang pinaka pangkaraniwan sa mga ito

ay ang part-time work na nakapagbibigay ng sari-saring benepisyo tulad ng

pagpapaunlad ng iba’t-ibang kakayahan (bilang indibidwal at bilang bahagi ng isang

team) at pagbibigay ng oportunidad na maka-interakt ang iba’t-ibang taong maaaring

maging bahagi ng kanilang professional network.

Sintesis

Noong Enero 2021, ipinakita ng labor force survey highlights na ang youth labor

force participation rate ay nasa 34.7%. (Philippine Statistics Authority, 2021) Ang datos

na ito ay mas makapagbibigay sa atin ng pananaw sa bilang ng mga kabataan na pumapasok

na sa pagtatrabaho, karamihan ay mga estudyante. Ang pagtatrabaho habang nag-aaral

ay hindi pangkaraniwang setup, pero para sa mga handang kayanin ang hamon na

ito, maaari nilang subukan ang listahan ng iba’t-ibang posibleng trabaho gaya ng

service jobs, online jobs, student assistant jobs, business jobs, at freelance jobs.
Deus Super Omnia
17
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

(Cruz, 2018) Ang mga trabahong ito ay makakatulong lalo na sa mga nais

magtrabaho nang part-time. Ang part-time job ay uri ng trabaho na nangangailangan

ng mas kaunting oras kada linggo kaysa sa full-time job. (International Labor

Organization, 2003) Ibig sabihin, magiging mas madali para sa mga estudyante na

ibalanse ang kanilang pagtatrabaho at pag-aaral. Ang pagtatrabaho nang part-time

habang nag-aaral ay maraming positibong benepisyo. (Watts and Pickering, 2000).

Habang pinagsasabay nila ang kanilang trabaho at edukasyon, may mga karanasan

silang makukuha na makakatulong sa pag-unlad ng kanilang mga kasanayan. Ang

pagkakaroon ng part-time job ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral na

makakuha ng mga kasanayang hindi basta naibibigay ng pagkakaroon ng college

degree; matututunan nilang magtrabaho kaisa ng kanilang mga kasamahan,

magkakaroon sila ng pagkukusa sa mga gawain, mapapaunlad nila ang kanilang

atensyon sa mga detalye, at matututo sila ng iba pang mga mahalagang kasanayang

maaari nilang magamit kahit sa ibang trabaho at aspeto ng buhay. (Zambas, 2021)

Deus Super Omnia


18
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kabanata III

Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pamamaraan ng pananaliksik, lugar ng

pag-aaral, kalahok sa pag-aaral, paraan ng pag-aaral, pinaghanguan ng datos, at

istatistikal tritment.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa paggawa ng pag-aaral na ito na may titulong “Benepisyo ng Pagkakaroon

ng Part-Time Job sa Kasanayang Pang Negosyo ng mga Piling Mag-aaral ng Senior

High School sa San Ildefonso College (Taong Panuruan 2021-2022)”, Kwalitatibong

pamamaraan na may Deskriptibong disenyo ang ginamit.

Ayon kay Bhandari (2020), ang Kwalitatibong Pananaliksik ay ginagamit upang

maunawaan ang karanasan ng mga tao sa mundo. Ito ay pumapatungkol sa

pagkolekta at pag-analisa ng mga datos na hindi numerikal upang maintindihan ang

mga konsepto, opinyon, o mga karanasan. Ito ay maaaring magamit upang makakuha

ng malalim na pag-unawa sa mga problema o upang makabuo ng mga bagong ideya

para sa pag-aaral. Ang Kwalitatibong Pananaliksik ay sumusubok na mapangalagaan

ang boses at perspektibo ng mga kalahok at ito ay maaaring isaayos sa pag-usbong

ng mga bagong katanungan sa pag-aaral.

Ang Deskriptibong Pananaliksik ay may layunin na tumpak at sistematikong

maglarawan ng populasyon, sitwasyon o penomena. Ito ay sumasagot sa mga tanong

na ano, saan, kailan, at paano, ngunit hindi ang mga tanong na bakit. Ito ay

angkop na opsyon kung ang layunin ng pananaliksik ay kumilala ng mga katangian,

prikwensi, kalakaran, at kategorya. (McCombes, 2019)

Deus Super Omnia


19
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Lugar ng Pag-aaral

Ang lugar ng pag-aaral ay ang San Ildefonso College, isang katolikong paaralan

na matatagpuan sa M.H. Del Pilar St. Barangay Plaza Aldea Tanay, Rizal.

Mission

San Ildefonso College is a Diocesan Catholic institution that commits to the

21st Century Education as evangelizing crusaders of the Church. Inspired by the

charism of San Ildefonso, Ildefonsians are involved in the service of the community

and devotion to Mary for a century.

Vision

San Ildefonso College envisions itself as a faith community to be globally,

competitive, academically excellent, certified and accredited.

Core values

-Respect -Social Responsibility

-Cleanliness -Honesty

-Humility -Discipline

-Service -Teamwork

-Perseverance -Dignity

Deus Super Omnia


20
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Pigura 2

Mapa ng San Ildefonso College

Deus Super Omnia


21
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral ng senior high

school sa San Ildefonso College. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive

Sampling Technique at pumili ng partikular na grupo ng mga tao sa loob ng

populasyon. Para sa pananaliksik na ito, mga mag-aaral na mayroong part-time job

ang napili mula sa populasyon ng mag-aaral ng senior high school bilang maging

kalahok ng pag-aaral.

Ang Purposive Sampling ay patungkol sa paggamit ng mananaliksik ng

kanyang pagka dalubhasa sa pagpili ng sample na magiging kapaki-pakinabang sa

layunin ng pananaliksik. (McCombes, 2019) Ginagamit ng mga mananaliksik ang

purposive sampling kung nais nilang makaabot ng partikular na subset ng mga tao,

gaya ng pagpili ng kalahok ng sarbey dahil kabilang sila sa isang partikular na

propayl. (Alchemer, 2021)

Mga mag-aaral na mayroong part-time job ang napiling respondante dahil

naniniwala ang mga mananaliksik na makapagbibigay sila ng impormasyon batay sa

kanilang aktwal na karanasan na talagang makakatulong para sa layunin ng

pananaliksik, ang malaman ang benepisyo ng pagkakaroon ng part-time job sa

kasanayang pang negosyo ng mga mag-aaral.

Instrumentasyon ng Pananaliksik

Upang masagot ang mga tanong na nais bigyang linaw ng pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang pangunahing instrumento sa pangangalap

ng datos. Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang bahagi: ang una ay patungkol sa

propayl ng mga respondante at ang pangalawa ay naglalaman ng mga katanungan.

Talatanungan:
Deus Super Omnia
22
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Part-time Job sa Kasanayang Pang Negosyo ng mga Mag-

aaral

Unang Bahagi: Propayl ng mga Kalahok

Ikalawang Bahagi: Mga Katanungan

Balidasyon ng Instrumento

Ang talatanungan na pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos

ay ipinasuri ng mga mananaliksik sa tagapayo na si Gng. Maricel Astorga at tagasuring

basa na si Bb. Angelica Ternate upang masiguro ang kaayusan ng mga katanungan at ang

kakayahan nito na maibigay ang mga kinakailangang datos para sa pananaliksik na ito.

Paraan/Istatistikal Tritment

Upang malaman ang Benepisyo ng Pagkakaroon ng Part-Time Job sa

Kasanayang Pang Negosyo ng mga Mag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagsagawa

ng mga sumusunod:

Ang una ay ang pag depensa ng pamagat na nabuo ng mga mananaliksik

upang maiwasto at maisaayos ng mga guro nang sa gayon ay mapanatili ang

kaayusan nito.

Upang matuklasan ang benepisyo ng pagkakaroon ng part-time job sa kasanayang

pang negosyo ng mga mag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng mga sumusunod:

Una ay ang pagbuo ng talatanungan at ipinasa ito sa tagapayo upang masiguro ang

kaugnayan at kaangkupan nito sa pananaliksik.

Nang maaprubahan ang talatanungan, nagpadala ng sulat ang mga mananaliksik sa

mga guro ng mga napiling respondante upang ipaalam ang isasagawang sarbey.

Deus Super Omnia


23
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Isinagawa na nga ang sarbey at ang mga datos na nakuha ng mga mananaliksik

mula rito ay sinuri gamit ang istatistikal tritment.

Ito ay sinundan ng paggawa ng buod, konklusyon, at rekomendasyon.

Sa huli ay natuklasan ng mga mananaliksik ang benepisyo ng pagkakaroon ng part-

time job sa kasanayang pang negosyo ng mga mag-aaral.

Upang higit na maunawaan ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumamit

ng pormula sa ibaba sa pagkuha ng porsyento ng ilang mga datos.

f
% = — x100
N
Kung saan:

% = Porsyento

f = Prikwensi

N = Kabuuang Bilang

Deus Super Omnia


24
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kabanata IV

Presentasyon, Pag-analisa, at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng presentasyon, pag-analisa, at

interpretasyon ng mga datos batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral sa

pamamagitan ng talatanungan ng mga mananaliksik.

I. Propayl ng mga Kalahok

Talahanayan 1

Ano ang propayl ng mga kalahok ng pag-aaral ayon sa Edad?

Edad Prikwensi Porsyento

16 na taong gulang 2 14.3%

17 taong gulang 6 42.9%

18 taong gulang 5 35.7%

19 na taong gulang 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Makikita mula sa Talahanayan 1 na 42.9% ng respondante ay nasa edad 17

taong gulang, 35.7% ang 18 taong gulang, 14.3% ang 16 na taong gulang, at 7.1%

ang 19 na taong gulang.

Ang pinakamataas na porsyento sa edad ng mga respondante ay 42.9% na

nagrerepresenta sa 17 taong gulang. Sa pamamagitan ng resultang ito, ating mahihinuha na

Deus Super Omnia


25
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

karamihan sa mga mag-aaral ng Senior High School sa San Ildefonso College ay

nagtatrabaho na nang part-time sa edad na 17.

Talahanayan 2

Ano ang propayl ng mga kalahok ng pag-aaral ayon sa Kasarian?

Kasarian Prikwensi Porsyento

Babae 8 57.1%

Lalaki 6 42.9%

Kabuuan 14 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 2 na 57.1% ng mga kalahok ng pag-aaral ay

babae at 42.1% naman ay lalaki.

Sa pamamagitan ng datos na ito, masasabi natin na sa malaking porsyento na 57.1,

mas marami ang mga babaeng Senior High School na estudyante sa San Ildefonso College

na nagtatrabaho ng part-time kaysa sa mga lalaking estudyante.

Deus Super Omnia


26
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Talahanayan 3

Ano ang propayl ng mga kalahok ng pag-aaral ayon sa Baitang at

Strand/Section?

Baitang at Prikwensi Porsyento


Strand/Pangkat
11 ABM 2 14.3%

11 HUMSS 1 7.1%

11 STEM A 1 7.1%

11 STEM B 1 7.1%

11 TVL 1 7.1%

12 ABM 2 14.3%

12 HUMSS A 1 7.1%

12 HUMSS B 1 7.1%

12 STEM 4 28.6%

Kabuuan 14 100%

Makikita sa Talahanayan 3 na 28.5% ng respondante ay mula sa 12 STEM,

14.2% ang mula sa 11 ABM maging ang sa 12 ABM, at pare-parehong 7.1% ang

mula sa 11 HUMSS, 11 STEM A, 11 STEM B, 11 TVL, 12 HUMSS A, at 12

HUMSS B.

Deus Super Omnia


27
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Ipinapakita ng datos na ito na 12 STEM ang may pinakamataas na porsyento ng

mga respondante sa bilang na 28.6. Kaya naman, mahihinuha sa ating pag-aaral na ang

baitang at strand na ito ang may pinakamaraming bilang ng mga mag-aaral na nagtatrabaho

nang part-time sa departamento ng Senior High School ng San Ildefonso College.

Talahanayan 4

Ano ang propayl ng mga kalahok ng pag-aaral ayon sa Uri ng Trabaho?

Uri ng Trabaho Prikwensi Porsyento

Online 4 28.6%

Manufacturing 1 7.1%

Services 2 14.3%

Business 6 42.9%

Freelance 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 4 na 42.9% ng mga respondante ay Business ang

uri ng trabaho, 28.6% naman ay Online, 14.3% ay Services, at magkaparehong 7.1%

ang Manufacturing at Freelance.

Ayon sa datos na ito, mas maraming mag-aaral ang may trabahong may

kinalaman sa business, sinundan naman ng mga mag-aaral na nagtatrabaho online,

at mas kakaunti ang mga may trabaho ng sevices, manufacturing, at freelance.

Deus Super Omnia


28
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

II. Mga Katanungan

Talahanayan 5

Gaano katagal ka nang nagtatrabaho?

Sagot Prikwensi Porsyento

1 buwan 1 7.1%

1 taon at 2 buwan 1 7.1%

11 buwan 1 7.1%

Halos 2 buwan 1 7.1%

2 buwan 1 7.1%

Halos 2 taon 1 7.1%

1 taon 1 7.1%

3 buwan at kalahati 1 7.1%

2 taon 1 7.1%

4 na taon 1 7.1%

Halos 5 1 7.1%

8 buwan 1 7.1%

3 buwan 1 7.1%

Tatlo 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 5 na karamihan sa sagot ng mga respondante ay buwan,

mayroong isang buwan, dalawa, tatlo, tatlo at kalahati, lima, walong buwan, at labing isang

buwan. May mga nagsagot din ng taon, may isang taon, isang taon at dalawang buwan,

halos dalawang taon, dalawang taon, at ang pinakamatagal ay apat na taon nang

nagtatrabaho.

Deus Super Omnia


29
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Batay sa datos mula sa talahanayan, mahihinuha natin na higit sa kalahati ng

populasyon ng mga working students mula sa San Ildefonso College ay nagsisimula pa

lamang magtrabaho ng part-time at wala pang isang taon na nagtatrabaho.

Talahanayan 6

Gaano kadalas kang nagtatrabaho sa isang linggo at ilang oras sa isang araw?

Sagot Prikwensi Porsyento

24/7 1 7.1%

Isang oras kada araw 1 7.1%

Buong linggo, 5 am hanggang 8:30 pm 1 7.1%

2 araw, 8 oras 1 7.1%

6 na araw, 7 oras 1 7.1%

2 araw, 10 oras 1 7.1%

4 na araw, 13 oras 1 7.1%

Anytime 1 7.1%

5 araw, 12 oras 1 7.1%

2 araw, 7 oras 1 7.1%

6 na araw, 9 na oras 1 7.1%

Araw-araw, 8 oras 1 7.1%

8 oras sa isang linggo 1 7.1%

Araw-araw 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Makikita mula sa Talahanayan 6 na iba-iba ang sagot ng mga respondante,

mayroong dalawa, apat, lima, at anim na araw sa isang linggo nagtatrabaho. Sa oras naman

ng kanilang pagtatrabaho sa isang araw iba-iba din ang kanilang sagot, ang pinakamatagal

sa mga sagot ay 15 oras at 30 minuto at ang iba naman ay 13 oras, 12 oras, 10 oras, 9 oras,

Deus Super Omnia


30
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

8 oras, o 7 oras. Mayroon ding araw-araw nagtatrabaho, 8 oras lang sa isang linggo

nagtatrabaho, at ang isa ay nagsabi na 24/7 o buong araw at buong linggo siya nagtatrabaho.

Ang datos na ito ay nagpapakita na ang mga nagtatrabahong mag-aaral ay may

iba't-ibang bilang ng oras na ginugugol sa kanilang part-time job. Ang ilang mga

respondante ay nagtatrabaho nang mas mahabang oras habang ang ilang mga respondante

naman ay nagtatrabaho nang mas kaunting oras sa isang araw.

Deus Super Omnia


31
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Talahanayan 7

Ano ang dahilan kung bakit mo napagdesisyonan na magtrabaho?

Sagot Prikwensi Porsyento

Upang makatulong sa magulang 2 14.3%

Upang makatulong sa pamilya at pansariling interes 1 7.1%

Pangdagdag pambili sa gastusin 1 7.1%

Sariling tindahan at para makatulong sa magulang 1 7.1%

Upang hindi na manghingi ng pera sa magulang para sa 1 7.1%


mga luho at para makaipon

Sariling negosyo 1 7.1%

Karanasan sa trabaho 1 7.1%

Sariling pangangailangan at para makatulong din sa 1 7.1%


magulang

Karanasan at pagkita ng pera 1 7.1%

Para kumita ng pera 1 7.1%

Gustong kumita ng sariling pera 1 7.1%

Upang matustusan ang sariling pangangailangan at 1 7.1%


matulungan ang aking magulang

Tumutulong sa pamilya na makaahon sa kahirapan 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 7 ang mga sumusunod na kasagutan ng mga

respondante: “Upang makatulong sa pamilya at pansariling interes”, “Pangdagdag pambili

sa gastusin”, “Sariling tindahan at para makatulong sa magulang”, “Upang hindi na

manghingi ng pera sa magulang para sa mga luho at para makaipon”, “Sariling negosyo”,

“Karanasan sa trabaho”, “Sariling pangangailangan at para makatulong din sa magulang”,

“Karanasan at pagkita ng pera”, “Para kumita ng pera”, “Gustong kumita ng sariling pera”,

“Tumutulong sa pamilya na makaahon sa kahirapan”, “Upang matustusan ang sariling

Deus Super Omnia


32
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

pangangailangan at matulungan ang aking magulang”, at “Upang makatulong sa

magulang”.

Ayon sa datos na ipinakita sa talahanayan, karamihan sa mga nagtatrabahong mag-

aaral mula sa San Ildefonso College ay nagdesisyon na magtrabaho upang matulungan nila

ang kanilang mga magulang o pamilya.

Talahanayan 8

Sa iyong pananaw, nararapat bang magtrabaho ang mag-aaral na kagaya mo?

Sagot Prikwensi Porsyento

Oo 9 64.3%

Hindi 4 28.6%

Depende 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 8 na 64.3% ang nagsagot ng Oo, 28.6% sa Hindi, at

7.1% ang nagsabing Depende. Ang iba sa kanila ay nagbigay ng paliwanag kung bakit Oo

o Hindi ang kanilang kasagutan. Pahayag ng mga respondante, “Oo, lalo na kung hindi

kaya ng magulang tustusan lahat ng pangangailangan ng anak”, “Oo, upang makatulong sa

magulang”, “Oo, upang magkaroon ng sariling kita at ng karanasan”, at “Oo, dahil ang

mga mag aaral ay may kalayaang makaranas magtrabaho”. Ang dalawang nagsagot naman

ng Hindi ay halos pareho lamang ng dahilan na ang pagtatrabaho ay responsibilidad ng

mga magulang.
Deus Super Omnia
33
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Batay sa pinakamataas na porsyento na natagpuan sa mga nakalap na datos, 64.3%

o karamihan sa mga working students mula sa San Ildefonso College ay sumasang-ayon

na ang mga mag-aaral na kagaya nila ay dapat na din magsimulang magtrabaho.

Talahanayan 9

Nakakatulong ba ang pagkakaroon ng part-time job sa iyong mga pangangailangan sa

pag-aaral o sa pang araw-araw na pamumuhay?

Sagot Prikwensi Porsyento

Oo 13 92.9%

Hindi 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Makikita mula sa Talahanayan 9 na labingtatlo ang nagsagot ng Oo at isa naman

ang nagsabing Hindi. Mayroong dalawang nagbigay ng kanilang paliwanag kung bakit Oo

ang kanilang sagot, ayon sa isa Oo ang kanyang sagot dahil ang kanya daw pagtatrabaho

ay nakatulong sakanyang panggastos sa pag-aaral, ang isa naman ay nagsagot ng Oo dahil

nakatulong ito sa pagpapaaral sa kanyang kapatid.

Batay sa datos na ito, mahihinuha natin na ang pagkakaroon ng part-time jon ay

nakakatulong din sa pangangailangang pang-edukasyon at pang-araw-araw na pamumuhay

para sa halos lahat ng mga nagtatrabahong mag-aaral mula sa San Ildefonso College.

Deus Super Omnia


34
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Talahanayan 10

Magbigay ng bagay na naipundar mo sa pamamagitan ng iyong part-time job.

Sagot Prikwensi Porsyento

Bisikleta 2 14.3%

Cellphone 2 14.3%

Lamesa, rice cooker, oven, turbo, at gamit pang catering 1 7.1%

Cellphone, computer, mountain bike, at damit 1 7.1%

Mga sapatos at accessories 1 7.1%

Mga bagay na gustong mabili at mga pagkain din 1 7.1%

Pambayad ng tuition at pang araw-araw na panggastos ng 1 7.1%


pamilya

Bike accessories 1 7.1%

Pera pang paayos ng motor 1 7.1%

Sapatos, damit, at mini electric fan 1 7.1%

Mga damit at iba pang pangngailangan 1 7.1%

Pagkain sa araw-araw ng buong pamilya 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Makikita mula sa Talahanayan 10 na karamihan sa sagot ay materyal na bagay tulad

ng lamesa, rice cooker, oven, gamit pang catering, cellphone, computer, bike, damit,

sapatos, accessories, bike accessories, at mini electric fan. Ngunit may mga nagsagot din

ng pambayad ng tuition, pang araw-araw na panggastos ng pamilya, pera pampaayos ng

motor, at pangkain sa araw-araw ng buong pamilya.

Ipinapakita ng datos na ito na karamihan sa mga working students ay nakakapundar

nakakabili ng mga materyal na bagay sa tulong ng kanilang part-time job, bike at cellphone

ang pinaka karaniwan sa mga sagot na ito na parehong nakakuha ng 14.3%.

Deus Super Omnia


35
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Talahanayan 11

Sa iyong palagay, nakapagbibigay ba ng benepisyo ang pagkakaroon ng part-time job sa

iyong pag-aaral? Sa paanong paraan?

Sagot Prikwensi Porsyento

Oo 11 78.6%

Hindi 2 14.3%

(Walang naging 1 7.1%


kasagutan)
Kabuuan 14 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 11 na 78.6% ang nagsagot ng Oo, 14.3% ang nagsagot ng

Hindi, at 7.1% and hindi nagbigay ng kasagutan. Karamihan sa mga respondante ay

nagsagot ng Oo ngunit iba-iba ang kanilang dahilan. Narito ang kadahilanang para sa

karanasan na maari nilang magamit sa klase, nakakapagbayad ng mga bayarin para sa pag-

aaral, naaapply ito at mahalaga rin para sa subject ng work immersion , pangsuporta sa

kailangan sa paaralan, natututong hatiin ang oras, nagkakaroon ng sapat na karanasan at

kaalaman sa tatahaking landas, nagbubuo ng kakayahan sa lakas ng loob at komunikasyon at

nagdudulot ng abilidad sa pag-unlad sa pag-aaral.

Sa pinakamataas na porsyento na 78.6 mula sa datos, masasabi na karamihan sa

mga working students mula sa San Ildefonso College ay naniniwala na ang pagkakaroon

ng part-time na trabaho ay nakapagbibigay din ng benepisyo sa kanilang pag-aaral.

Deus Super Omnia


36
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Talahanayan 12

Sa iyong palagay, nakapagbibigay ba ng benepisyo ang pagkakaroon ng part-time job sa

iyong kasanayang pang negosyo o entrepreneurial skill? Sa paanong paraan?

Sagot Prikwensi Porsyento

Oo 11 78.6%

Hindi 2 14.3%

(Walang naging 1 7.1%


kasagutan)

Kabuuan 14 100%

Makikita mula sa Talahanayan 12 na 78.6% ang nagsagot ng Oo, 14.3% ang

nagsabing Hindi, at 7.1% ang walang nagging kasagutan. Narito ang naging paliwanag ng

ilang respondante: “Oo, dahil pagdating ng panahon magagamit natin ang ating pagiging

'business minded' noong tayo ay nag-aaral pa lamang”, “Oo, dahil sa pagkakaroon ng part-time

job lumalawak ang aking kaalaman”, “Oo, dahil may ideya na ako kung paano sisimulan ang

magiging negosyo ko sa hinaharap”, “Oo, dahil araw-araw ko itong ginagawa at mas lalong

nadadagdagan ang aking kaalaman dito”, “Oo, nakakapagdagdag ito sa aking kaalaman at

nagpapalawak ng ideya”, “Oo, dahil natututo akong magmanage ng pera”, “Oo, nagkakaroon

ng ideya at iba pang impormasyon”, at “Oo, ang positibong panghihikayat sa paggawa at

analitikong pagsusuri sa pang araw-araw na suliranin ay nakakatulong sa aking kakayahang

maintindihan ang nararanasang sitwasyon”.

Ang datos na ito ay nagbibigay sa atin ng isa sa mga pinakamahalagang resulta ng

pag-aaral. Ayon dito, 78.6% o karamihan sa mga nagtatrabahong mag-aaral mula sa San
Deus Super Omnia
37
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Ildefonso College ang naniniwala na ang pagkakaroon ng part-time job ay nakapagbibigay

ng benepisyo sa kanilang kasanayang pangnegosyo.

Talahanayan 13

Magbigay ng kasanayang pang negosyo o entrepreneurial skill na sa tingin mo ay

napaunlad ng iyong karanasan sa pagtatrabaho nang part-time.

Sagot Prikwensi Porsyento

Time management 2 14.3%

Time management at pagiging subordinate 1 7.1%

Kasanayang pang komunikasyon o sales talk 1 7.1%

Kasanayan sa pagtatrabaho sa grocery at food cart 1 7.1%

Paggamit ng matematika sa pagtitinda 1 7.1%

Pakikipag-usap sa ibang tao at pagmanage ng negosyo 1 7.1%

Malawak na mga ideya 1 7.1%

Kasanayan sa water delivery 1 7.1%

Pag aalok at pakikipag interakt sa mga tao 1 7.1%

Communication skills 1 7.1%

Analitikong pagsusuri at kasanayang pangkomunikasyon 1 7.1%

Wala 1 7.1%

(Walang Naging Kasagutan) 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Makikita sa Talahanayan 13 ang mga sumusunod na kasagutan ng ilang

respondante: Time management at pagiging subordinate, Kasanayang pangkomunikasyon

o sales talk, Kasanayan sa pagtatrabaho sa grocery at food cart, Paggamit ng matematika

sa pagtitinda, Pakikipag-usap sa ibang tao at pagmanage ng negosyo, Malawak na mga

ideya, Kasanayan sa water delivery, Pag aalok at pakikipag interakt sa mga tao,

Deus Super Omnia


38
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Communication skills, Analitikong pagsusuri at kasanayang pangkomunikasyon, at Time

management.

Batay sa mga datos na ipinakita sa talahanayan sa itaas, ang time management ang

nakakuha ng pinakamataas na porsyento na 14.3, nangangahulugan na ito ang kasanayang

pangnegosyo na napapaunlad ng karamihan sa mga nagtatrabahong mag-aaral sa

pamamagitan ng kanilang karanasan sa part-time job.

Talahanayan 14

Mairerekomenda mo ba bilang magandang oportunidad ang pagkakaroon ng part-time

job sa iyong mga kapwa mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang kasanayang pang

negosyo? Bakit?

Sagot Prikwensi Porsyento

Oo 10 71.4%

Hindi 3 21.4%

(Walang naging kasagutan) 1 7.1%

Kabuuan 14 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 14 na 71.4% ang nagsagot ng Oo, 21.4% ang nagsagot

ng Hindi, at 7.1% ang hindi nagbigay ng kasagutan. Ayon sa naging paliwanag ng ilan sa

mga respondante: “Hindi, sapagkat ang pagkakaroon ng part-time job ay pansariling

kagustuhan at depende sa kakayahan ng isang estudyante”, “Oo, dahil makakatulong ito

lalo na ngayong pandemya na nahihirapan ang ating mga magulang na maghanapbuhay”,

“Oo, dahil sa pagkakaroon ng part-time job ay magkakaroon ng karanasan, kasanayan, at

Deus Super Omnia


39
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

pagkatuto”, “Oo, upang mabigyan sila ng ideya at karanasan sa kanilang tatahakin sa

buhay”, “Oo, upang mahasa ang kanilang kakayahan habang nasa murang edad pa lamang

at para magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa pagnenegosyo”, “Oo, dahil matutulungan

mo ang iyong sarili na mabili ang mga gusto mo at hindi maging pabigat sa magulang”,

“Oo, upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman”, “Oo, dahil hindi lang basta isip pati

rin sa kaayusan ay masasanay sila sa pagkilos sa mga gawain”, “Oo, dahil bilang

estudyante lamang ay matutunan at malalaman ang hirap ng buhay at dito matututo tayo

na tumayo sa sarili nating mga paa at huwag lamang umasa sa tulong ng iba”, “Hindi,

mahirap ito”, “Oo, upang mapaunlad ang karanasan at magkaroon ng ideya sa

pagtatrabaho”, “Hindi pa”, at “Oo, ang part-time job ay hindi lamang makakatulong sa

iyong kasamahan, kundi sa sariling pag-unlad ng kakayahan”.

Ayon sa nakalap na datos, 71.4% o karamihan sa mga nagtatrabahong mag-aaral

mula sa San Ildefonso College ay sumasang-ayon na irekomenda ang pagtatrabaho nang

part-time sa kanilang mga kapwa mag-aaral bilang isang magandang oportunidad upang

mapaunlad ang kanilang mga kasanayang pangnegosyo.

Diskusyon

Layunin ng aming pag-aaral na malaman ang benepisyo ng pagkakaroon ng part-

time job sa kasanayang pang negosyo ng mga mag-aaral. Isa sa pinakamahalaga naming

natuklasan na maraming estudyante ang naniniwala na ang pagkakaroon ng part-time job

ay nakapagbibigay ng benepisyo sa kanilang kasanayang pang negosyo. Nalaman din

namin kung paano nakakatulong ang pagtatrabaho nang part-time sa kanilang pang-araw-

araw na pangangailangan at pag-aaral, ngunit ang mas mahalaga, natuklasan din namin

Deus Super Omnia


40
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

kung ano-ano ang mga kasanayang pang negosyo na kanilang napapaunlad sa

pamamagitan ng kanilang part-time job.

Dahil ang propayl ng mga respondante ay bahagi din ng datos na aming nakalap,

nais naming isama ang aming naging obserbasyon na sa kabila ng murang edad at

limitadong karanasan sa pagtatrabaho ng mga nagtatrabahong mag-aaral, kamangha-

manghang malaman kung paanong sila ay nagkakaroon ng kakayahan na masuportahan

ang kanilang mga pangangailangan, pati rin ang kanilang pamilya at pag-aaral, at kung

paano nila nakikita ang pagtatrabaho sa murang edad bilang magandang oprtunidad upang

magkaroon ng karanasan at mapaunlad ang kanilang kakayahan.

Lahat ng datos na aming nakalap ay mahalaga, mula sa edad ng mga respondante,

gaano katagal na silang nagtatrabaho, paano nakakatulong ang pagpapart-time job sa

kanilang pag-aaral o kasanayan, at kung mairerekomenda ba nila bilang magandang

oportunidad ang pagtatrabaho nang part-time; lahat ng mga ito ay naging daan tungo sa

maraming mahahalagang konklusyon sa pag-aaral na ito. Dagdag pa rito, masasabi namin

na ang aming mga nakalap na datos ay makapagpapatunay sa aming naging asampsyon na

ang benepisyo ng pagkakaroon ng part-time job at pag-unlad ng kasanayang pang negosyo

ng mga mag-aaral ay mayroong mahalagang ugnayan.

Deus Super Omnia


41
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kabanata V

Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay ang huling bahagi ng pananaliksik. Ito ay naglalaman

ng buod, konklusyon, at mga rekomendasyon ng mga mananaliksik na batay sa

interpretasyon ng mga datos.

Buod

Ang pananaliksik ay inimbistigahan at ininalisa ang Benepisyo ng Pagkakaroon ng

Part-time Job sa Kasanayang Pang Negosyo ng mga mag-aaral. Ang mga datos ay nakuha

sa pamamagitan ng ginawang talatanungan ng mga mananaliksik na sinagutan ng mga

piling mag-aaral sa Senior High school ng San Ildefonso College.

I. Propayl ng mga Kalahok

1. Ayon sa nakalap na datos 42.9% ng respondante ay nasa edad 17 taong gulang,

35.7% ang 18 taong gulang, 14.3% ang 16 na taong gulang, at 7.1% ang 19 na

taong gulang.

2. Ayon sa datos na nakuha mula sa isinagawang sarbey, 57.1% ng mga kalahok

ay babae at 42.1% naman ay lalaki.

3. Makikita mula sa nagging resulta ng sarbey na 28.5% ng respondante ay mula

sa 12 STEM, 14.2% ang mula sa 11 ABM maging ang sa 12 ABM, at pare-

parehong 7.1% ang mula sa 11 HUMSS, 11 STEM A, 11 STEM B, 11 TVL, 12

HUMSS A, at 12 HUMSS B.

4. Ipinapakita ng datos na 42.9% ng mga respondante ay Business ang uri ng

trabaho, 28.6% naman ay Online, 14.3% ay Service, at magkaparehong 7.1% ang

Manufacturing at Freelance.
Deus Super Omnia
42
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

II. Mga Katanungan

1. Batay sa nakalap na datos, may mga mag-aaral na bago pa lamang nagsisimulang

magtrabaho nang part-time gaya ng ilan na isa, dalawa, tatlo, walo, at labing-isang buwan

palamang o wala pang isang taon na nag tratrabaho. May ilan ring mga mag-aaral na

matagal nang mayroong part-time job na nagtatrabaho na sa loob ng isa, dalawa, at apat na

taon.

2. Ayon sa nakalap na datos, ang mga estudyante na nagpapart-time job ay nagtatrabaho

nang 2, 4, 5, 6 na araw sa loob ng isang linggo, at may ilan din na buong linggo daw na

nagtatrabaho. Habang mayroong 7, 8, 9, 10, 12, 13 oras o minsan ay 24/7 ang ginugugol

na oras sa loob ng isang araw.

3. Batay sa sagot ng mga kalahok ng pag-aaral, karamihan ay nagsabi na napagdesisyonan

nilang magtrabaho upang magkaroon ng karanasan sa trabaho, makatulong sa kanilang

pamilya o magulang, at kumita ng sariling pera para sa mga pansarili nilang kagustuhan o

pangangailangan.

4. Dagdag pa rito mas marami ang sumang-ayon na nararapat magtrabaho ang mga mag-

aaral ngunit may mga ilan din na hindi sang ayon. Ayon sa mga sumagot ng Oo,

makakatulong ito sa mga magulang o sa kanilang pag-aaral, magkakaroon din ng ekstrang

kita o mga karanasan, at may nagsagot din na ang mga mag-aaral ay may kalayaan na

makaranas ng pagtatrabaho. Samantala, isang nagsagot ng Hindi ay nagpaliwanag na

magulang muna ang dapat magtrabaho upang punan ang pangangailangan ng anak.

5. Batay sa sagot ng mga kalahok ng pag-aaral sa tanong kung ang pagkakaroon ba ng part-

time job ay nakakatulong sa pangangailangan sa pag-aaral o pang araw-araw na

pamumuhay, 13 ang nagsagot ng Oo at 1 naman ang nagsagot ng Hindi. Ayon sa isang

Deus Super Omnia


43
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

nagsagot ng Oo, dito nila kinukuha ang kanilang panggastos sa kanilang pag-aaral at ang

isa pang respondante ay nagsabing ito ang tumutulong sa kanya upang mapag-aral ang

kanyang kapatid.

6. Mula sa sagot ng mga mag-aaral, nalaman din ng mga mananaliksik ang mga bagay na

naipundar ng mga estudyanteng may part-time job. May mga ilan na nagagamit ang perang

kinikita upang ipambayad sa tuition, panggastos at pangkain ng pamilya, may ilan na

nakabili ng appliances, at marami din ang nakapagpundar ng mga bagay na gusto nilang

bilhin gaya ng gadgets, bisikleta, sapatos, accessories at mga damit.

7. Batay sa sagot ng karamihan sa kalahok, ang pagkakaroon ng part-time job ay may

benepisyo sa kanilang pag-aaral sa iba’t-ibang paraan. Paliwanag ng ilang respondante,

nagbibigay ito ng karanasan at kaalaman, nakakatulong ito sa kanilang subject o strand na

napili, at maaari din daw itong makatulong sa mga panggastos para sa kanilang pag-aaral.

8. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng part-time job ay nakakatulong din sa kasanayang

pang negosyo ayon sa karamihan sa mga respondante. 10 sa kanila ang nagsagot ng OO at

ayon sa kanila, nakapagpapalawak ito ng kaalaman at ideya.

9. Batay sa datos, nalaman ng mga mananaliksik ang ilang kasanayang pang negosyo na

napaunlad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng part-time job. Ayon sa ilang sumagot,

umunlad ang kanilang kasanayang pangkomunikasyon, natuto sila ng time management,

nagkaroon ng malawak na ideya, at natuto kung paano magmanage ng negosyo.

10. Ayon sa naging kasagutan ng mga kalahok, marami ang nagsabi na mairerekomenda

nila bilang magandang oportunidad ang pagkakaroon ng part-time job sa kanilang kapwa

mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang kasanayang pang negosyo, ngunit may ilan din

na nagsagot ng Hindi. Ayon sa mga nagsagot ng Oo, makakatulong ang pagkakaroon ng

Deus Super Omnia


44
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

part-time job na magkaroon ng karanasan, mahasa ang kasanayan, magkaroon ng ideya sa

pagtatrabaho o tatahakin sa buhay, magkaroon ng kadagdagang kaalaman o pagkatuto,

masanay sa gawain at mapaunlad ang mga kakayahan.

Konklusyon

Mula sa mga datos na nakalap at mga resulta ng isinagawang pag-aaral, ang mga

sumusunod ay ang konklusyon ng mga mananaliksik:

1. Maraming mga mag-aaral na bago pa lamang nagsisimula sa kanilang part-time job

habang ang iba naman ay mas matagal nang nagtatrabaho.

2. Iba-iba ang araw at oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa kanilang trabaho.

3. Karamihan sa mga mag-aaral ay nagdesisyon na magtrabaho upang magkaroon ng

karanasan, makatulong sa kanilang pamilya o magulang, at kumita ng sariling pera.

4. Marami sa mga respondante ang sang-ayon na nararapat magtrabaho ang mga mag-aaral

na kagaya nila ngunit may ilan din na hindi sang-ayon.

5. Halos lahat ng mga respondante ay nagsabing nakakatulong ang pagkakaroon ng part-

time job sa kanilang mga pangangailangan.

6. Ayon sa pananaliksik, ang mga estudyante na may part time job ay nagkaroon ng

kakayahan na makapag pundar ng iba’t-ibang bagay at matustusan ang ilang mga gastusin.

7. Ayon sa karamihan sa respondante, may benepisyo din ang pagkakaroon ng part-time

job sa kanilang pag-aaral at ang pangunahing dahilan dito ay nakakatulong daw ito sa

kanilang mga gastusin at pangangailangan.

8. Karamihan sa mga respondante ay naniniwalang ang pagkakaroon ng part-time job ay

nakakatulong sa kanilang kasanayang pang negosyo.

Deus Super Omnia


45
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

9. Ayon sa datos mula sa mga kalahok, may ilang kasanayang pangnegosyo ang napaunlad

ng kanilang karanasan sa part-time job gaya nalang ng time management, communication

skill, at pagmamanage ng negosyo.

10. Marami sa mga respondante ang nagsabi na mairerekomenda nila bilang magandang

oportunidad ang pagkakaroon ng part-time job sa kanilang kapwa mag-aaral upang

mapaunlad ang kanilang kasanayang pang negosyo

Rekomendasyon

Base sa resulta ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod

na rekomendasyon:

1. Ang mga Estudyante na may part time job ay dapat subaybayan ang kanilang iskedyul

upang matiyak na walang gawain ang makaliligtaan. Ayusin ang iyong listahan ng mga

gawain ayon sa pinakamahalaga upang hindi malito at maging malinaw kung ano ang dapat

unahin. At gamitin nang wasto at balansehin nang maayos ang oras para masiguradong

may nakalaan na oras para sa trabaho, para sa pag-aaral at pati na rin sa pagpa-pahinga.

2. Ang mga Guro ay dapat bigyang konsiderasyon ang mga mag-aaral. Ito ay hindi upang

bigyan sila ng espesyal na pagtrato, ngunit para lamang bigyan sila ng higit na pang-unawa

at sapat na oras upang tapusin ang itinalagang gawain.

3. Ang mga Tagapangasiwa ng Paaralan ay dapat unawain at suportahan ang mga mag-

aaral sa kanilang part-time na trabaho. Higit sa lahat, dapat nilang paalalahanan ang bawat

adviser na laging hikayatin ang kanilang mga estudyante na magtrabaho at mag-aral nang

mabuti. At magsilbing magandang inspirasyon para maging matapang na harapin ang lahat

ng hamon na kanilang kinakaharap.

Deus Super Omnia


46
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

4. Ang mga Magulang ay dapat palaging magpakita ng pagpapahalaga para sa pagsisikap

ng anak. Malaking tulong ito para maramdaman nila ang pagmamahal at maging

inspirasyon ito para sa kanila upang magsumikap pa lalo.

5. Ang mga Susunod na Mananaliksik ay dapat na mas tumutok sa kanilang mga

respondante dahil mahirap na makahanap ng mga working students ngayon sa

kadahilanang gusto ng iba na magtrabaho lamang. Dapat nilang subukan na magsagawa ng

isang pakikipanayam sa isang dating working student na ngayon ay isang propesyonal at

matagumpay.

Deus Super Omnia


47
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Bibliyograpiya

Aklat
Pham, T. and Soltani, B. (2021). Enhancing Student Education Transitions and
Employability: From Theory to Practice
https://books.google.com.ph/books?id=NkkgEAAAQBAJ&dq=student+part+tim
e+jobs&source=gbs_navlinks_s

Article
Bhandari, P. (2020). What is Qualitative Research? | Methods & Examples
https://www.scribbr.com/methodology/qualitative-research/

Carnevale, A. and Smith, N. (2018). Balancing Work and Learning


https://1gyhoq479ufd3yna29x7ubjn-wpengine.netdna-ssl.com/wp-
content/uploads/Low-Income-Working-Learners-FR.pdf

Doyle, A. (2019). Top On-Campus Jobs for College Students


https://www.thebalancecareers.com/top-on-campus-jobs-for-college-students-
2059898

Hirschauer, J. (2021). Entrepreneurial Skills: Definition and Examples


https://www.linkedin.com/pulse/entrepreneurial-skills-definition-examples-julie-
hirschauer

Lucier, K. L. (2019). What Does It Mean to Be a Full-Time Student?


https://www.thoughtco.com/what-is-a-full-time-student-
793235#:~:text=In%20a%20very%20general%20sense,is%20a%20very%20gene
ral%20description.

Martis, L. Best Part-Time Jobs for College Students


https://www.monster.com/career-advice/article/part-time-jobs-college-students

Deus Super Omnia


48
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

McCombes, S. (2019). Descriptive Research Design | Definition, Methods and


Examples
https://www.scribbr.com/methodology/descriptive-research/

McCombes, S. (2019). Sampling Methods | Types and Techniques Explained


https://www.scribbr.com/methodology/sampling-methods/

Zambas, J. (2021) 12 Benefits of Working a Part-Time Job as a Student


https://www.careeraddict.com/5-benefits-for-students-who-work-part-time-jobs

Zoleta, V. (2022). How To Get a Part-Time Job Online in the Philippines: An


Ultimate Guide
https://filipiknow.net/online-part-time-jobs/

Balita
TV Patrol (2019). Karanasan sa pagiging working student, dagdag-puntos sa
employers.
https://www.youtube.com/watch?v=OesWILzZtWg

UNTV News (2019). Isang working student na nagtapos bilang Magna Cum
Laude sa kolehiyo, kilalanin.
https://www.youtube.com/watch?v=UjGz_j-9lEQ

Website
Alchemer (2021). Purposive Sampling 101
https://www.alchemer.com/resources/blog/purposive-sampling-
101/#:~:text=Purposive%20sampling%2C%20also%20known%20as,to%20partic
ipate%20in%20their%20surveys.
National Center for Education Statistics (2020).
https://nces.ed.gov/programs/digest/d21/tables/dt21_503.40.asp

Deus Super Omnia


49
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Philippine Statistics Authority (2018). Employment Situation in January 2018


https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-
survey/title/Employment%20Situation%20in%20January%202018%20%28Final
%20Results%29

Deus Super Omnia


50
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Apendiks

Apendiks A

Sulat Para sa Pagpapasuri ng Talatanungan

Abril 11, 2022

Gng. Maricel Astorga,

Magandang araw po, purihin si Hesus at si Maria! Kami po ang Pangkat D mula sa Grade

11 - ABM. Nais po namin magpatsek ng aming talatanungan para sa isinasagawa naming

pananaliksik. Maraming salamat po!

Lubos ng Gumagalang,

Grade 11 – ABM Pangkat D

Gng. Maricel U. Astorga

Tagapayo

Gng. Emmalyn B. Santiago

Tagahubog

Deus Super Omnia


51
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Apendiks B

Sulat ng Paghingi ng Pahintulot sa Pagsasagawa ng Sarbey

Abril 25, 2022

Sir/Ma’am

Magandang hapon po, purihin si Hesus at si Maria! Kami po ang Pangkat D mula sa Grade

11-ABM. Hinihiling po namin ang kooperasyon ng inyong klase na sagutan ang aming

survey. Ang kailangan pong respondante ay mga mag-aaral na mayroong part-time job.

Maraming salamat po.

Lubos ng gumagalang,

Grade 11 – ABM Pangkat D

Gng. Emmalyn B. Santiago

Tagahubog

Deus Super Omnia


52
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Apendiks C

Talatanungan

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Part-Time Job sa Kasanayang Pang Negosyo ng

mga Piling Mag-aaral ng Senior High School sa San Ildefonso College

(Taong Panuruan 2021-2022)

Unang Bahagi: Propayl ng mga Respondante

Pangalan (Opsyonal): ______________________________

Panuto: Ibigay ang mga hinihinging impormasyon.

1. Edad

15 ( ) 18 ( )

16 ( ) 19 ( )

17 ( )

2. Kasarian

Babae ( )

Lalaki ( )

3. Strand/Section

11 ABM ( ) 11 STEM B ( ) 12 HUMSS A ( )

11 GAS ( ) 11 TVL ( ) 12 HUMSS B ( )

11 HUMSS ( ) 12 ABM ( ) 12 STEM ( )

11 STEM A ( ) 12 GAS ( ) 12 TVL ( )

Deus Super Omnia


53
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

4. Uri ng trabaho

Online ( ) Services ( )

Retail ( ) Business ( )

Manufacturing ( ) Freelance ( )

Telecommunication ( ) Iba pa:

Ikalawang Bahagi: Mga Katanungan

1. Gaano katagal ka nang nagtatrabaho?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

2. Gaano kadalas kang nagtatrabaho sa isang linggo at ilang oras sa isang araw?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

3. Ano ang dahilan kung bakit mo napagdesisyonan na magtrabaho?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

4. Sa iyong pananaw, nararapat bang magtrabaho ang mga mag-aaral na kagaya

mo?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

5. Nakakatulong ba ang pagkakaroon ng part-time job sa iyong mga pangangailangan

sa pag-aaral o sa pang-araw araw na pamumuhay?

Deus Super Omnia


54
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

6. Magbigay ng bagay na naipundar mo sa pamamagitan ng iyong part-time job.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

7. Sa iyong palagay, nakapagbibigay ba ng benepisyo ang pagkakaroon ng part-time

job sa iyong pag-aaral? Sa paanong paraan?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

8. Sa iyong palagay, nakapagbibigay ba ng benepisyo ang pagkakaroon ng part-time

job sa iyong kasanayang pang negosyo o entrepreneurial skills? Sa paanong paraan?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

9. Magbigay ng halimbawa ng kasanayang pang negosyo o entrepreneurial skill na

sa tingin mo ay napaunlad ng iyong karanasan sa pagtatrabaho nang part-time.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

10. Mairerekomenda mo ba bilang magandang oportunidad ang pagkakaroon ng part-

time job sa iyong mga kapwa mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang kasanayang

pang negosyo? Bakit?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Deus Super Omnia


55
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

Kurikulum Bitey

I. Personal na Impormasyon

Pangalan: Jasffer H. Azuela

Tirahan: L. Aquino St. Imatong Pililla, Rizal

Kapanganakan: May 16, 2005

Lugar ng Kapanganakan: Pililla, Rizal

II. Edukasyon

Primarya: Virgilio B. Melendres Memorial Elementary School

Sekondarya: Junior High School - Pililla national high school

Senior High School - San Ildefonso college

Deus Super Omnia


56
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

I. Personal na Impormasyon

Pangalan: Kristine Danielle O. Santos

Tirahan: M.L. Quezon St. Brgy. Kay-Buto Tanay, Rizal

Kapanganakan: March 25, 2005

Lugar ng Kapanganakan: Tanay, Rizal

II. Edukasyon

Primarya: Patricio Jarin Memorial Elementary School

Sekondarya: Junior High School - San Ildefonso College

Senior High School - San Ildefonso College

Deus Super Omnia


57
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

I. Personal na Impormasyon

Pangalan: Jhayzelle G. Sollano

Tirahan: St. Dominic Street Townsite Subdivision Sampaloc

Tanay, Rizal

Kapanganakan: August 16, 2004

Lugar ng Kapanganakan: Tanay, Rizal

II. Edukasyon

Primarya: Ambassador of Hope Christian Academy

Sekondarya: Junior High School - Greenfield Montessori School,

University of Rizal System

Senior High School - San Ildefonso College

Deus Super Omnia


58
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

I. Personal na Impormasyon

Pangalan: Mykaela H. Talavera

Tirahan: L.Aquino St. Imatong Pililla, Rizal

Kapanganakan: November 08, 2004

Lugar ng Kapanganakan: Tanay, Rizal

II. Edukasyon

Primarya: Virgilio B. Melendres Memorial Elementary School

Sekondarya: Junior High School - San Ildefonso College

Senior High School - San Ildefonso College

Deus Super Omnia


59
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

San Ildefonso College


“Envision itself as faith community, globally competitive, academically excellent, certified and accredited.”
S.Y. 2021-2022

I. Personal na Impormasyon

Pangalan: Grachel Khate B. Vismonte

Tirahan: Sitio Sampiro Brgy. Plaza Aldea Tanay, Rizal

Kapanganakan: March 30, 2005

Lugar ng Kapanganakan: Tanay, Rizal

II. Edukasyon

Primarya: Simeon R Bendaña Sr. Memorial Elementary School

Sekondarya: Junior High School - Tanay National High School

Senior High School - San Ildefonso College

Deus Super Omnia


60

You might also like