You are on page 1of 1

Ang mga flood alerts

Sa ilalim ng rainfall advisory, kung malakas ang ulan, yellow rainfall advisory ang
itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod
na isang oras, at inaasahan na magpapatuloy ito.

Kung bahagi ka ng pamayanang binigyan ng yellow rainfall advisory, pinapayuhan kang


maging alerto sa kundisyon ng ulan, at binibigyang-babala na maaaring bumaha sa
mga mabababang lugar.

Orange rainfall advisory naman ang itinataas sa mga lugar na inaasahang


makakaranas ng 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras.
Nagbabadya na ang baha sa mga pamayanang ito.

Kung maituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan, red rainfall advisory ang
itinataas. Nangyayari ito kung mahigit 30 mm ang ulan sa susunod na isang oras, o
kung tatlong oras nang malakas ang ulan at umabot na sa 65 mm.

Kapag itinaas ng PAGASA ang red rainfall advisory, inaasahan ang pagkilos at
pagtugon ng mga pamayanan. Mapanganib na ang baha at dapat nang maghandang
lumikas ang mga residente tungo sa mas ligtas na lugar.

You might also like