You are on page 1of 6

ANG KULTURA SA AMING LUGAR

Ang Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City,


pinaikling QC) o Lungsod ng Quezon ay ang
dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa
Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang
Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad
na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang
Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang
lungsod kay Manuel L. Quezon, ang dating
pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang palitan
ang Maynila bilang kabisera ng bansa.Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming
malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo
na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan
(residential) na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na
ito.

HEOGRAPIYA AT PAMUMUHAY SA NCR

Ang Kalakhang Maynila, tinatawag din bilang


Pambansang Rehiyong Kapital. Ito ay ang kabiserang
rehiyon at isa sa mga itinakdang kalakhang pook ng
Pilipinas. Binubuo ito 16 na lungsod: ang Lungsod ng
Maynila, Lungsod Quezon, Caloocan, Las Pinas, Makati,
Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas,
Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela,
pati na rin ang bayan ng Pateros. Ang rehiyon ay may
sukat na 619.57 square kilometre (239.22 mi kuw) at
kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015. Ang
rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas.
Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang
pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati. Ang mga pangunahing
hanapbuhay rito ay marami: Manufacturing; pagawaan ng iba’t ibang produkto; Pangangalakal;
pagkalakal ng mga iba’t ibang produkto mula sa ibang bahagi ng bansa at daigdig.

MAKASAYSAYANG LUGAR SA NCR

Ang Quezon Memorial Circle ay isang pambansang dambana


at pambansang liwasan sa Diliman, Lungsod Quezon. Isa ito sa
mga tanyag na palatandaan ng Metro Manila at paboritong pook
pasyalan ng mga taga-QC.

Ang Intramuros ay ang makasaysayang napapaderang


lungsod at pinakamatandang distrito ng Maynila, ang kabisera
ng Pilipinas. Sinimulan ng pamahalaang kolonyal ng Kastila
ang pagtatayo ng pader pangdepensa noong huling mga bahagi
ng ika-16 siglo upang protektahan ang lungsod mula sa mga
mananakop sa ibayo.

Ang Rizal Park ay isa sa mga makasaysayang pook sa


Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng Maynila.
Makasaysayan at pinahahalagahan ang Rizal Park.Ito ay
nagsilbing huling hantungan ni Rizal,ang ating pambansang
bayani,sapagkat dito siya binaril at pinatay noong Disyembre
30,1896.

MGA KAUGALIAN, PANINIWALA AT TRADISYON, PAGDIRIWANG

MADALAS NA KAUGALIAN

Madalas na Kaugalian Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang


mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.
PANINIWALA
Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal.
Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin.

TRADISYON

PIYESTA - Ang piyesta o pista ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang
araw na karaniwang kaarawan ng mga patron ng isang lugar o bayan.
MAHAL NA ARAW – Ang Mahal na Araw sa Kristiyanismo ay ang hulíng linggo ng
Kuwaresma at ang linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay.
SIMBANG GABI - Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw
bago sumapit ang araw ng Pasko.
HARANA - Ang harana o serenata ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa
labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan.

MGA PAGDIRIWANG

BAGONG TAON - Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang
sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ngmag-anak.

ARAW NG MANGGAGAWA - Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa.


Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan.

ARAW NG KALAYAAN - Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng


mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga
bulaklak sa bantayog ni Rizal.
ARAW NG MGA BAYANI - Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26
taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila.

MGA SINING

Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa
ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga
pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama
ng kanyang sarili.

SAYAW
Ang sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod na galaw ng tao ng mayroong
pakay. Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy na kultura.

Ang "Pandanggo sa Ilaw" ay isa sa mas kilalang sayaw


pangkultural. Isa itong sayaw na halaw sa malilikot at
masisiglang galaw ng mga alitaptap sa pamamagitan ng
pagbalanse ng mga mananayaw ang tatlong tinghoy, isa sa ulo
at tig-isa sa likod ng kamay.

AWIT
Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito
ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat.

1.PARU-PARUNG BUKID
2.LERON LERON SINTA
3.TATLONG BIBE
4. LET IT GO

TULA
Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo
ang tula ng saknong at taludtod.
1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
2. Kay Rizal – Cecilio Apostol
3. Bayan ko ni Jose Corazon de Jesus

PAGPIPINTA
Ang pagpipinta ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura, pigmento, kulay o iba pang gamit
pangguhit sa isang pang-ibabaw. Ang produkto na pagpipinta ay tinatawag na pinta.
1. Fernando Cueto Amorsolo
2. Benedicto Reyes Cabrera
3. Carlos V. Francisco

4. Cesar Legaspi
5. Juan Luna

SPOLARIUM ni Juan Luna

ISKULTURA
Ang lilok o eskultura ay kahit anong tatlong-
dimensiyonal na anyo na nilikha bilang isang masining o
artistikong pamamahayag ng saloobin.
1. Guillermo Tolentino
2. Napoleon Abueva
3. Ramon Orlina
4. Noel El Farol
5. Hernando R. Ocampo
Isa sa obra maestra ni guillermo tolentino ang
BONIFACIO MONUMENT ito ay matatagpuan sa
caloocan city Noong 1933. Ito ay naglalarawan ng
pagbuo o pagsasama sama ng rebolusyong kataas taasan
kagalang galangan katipunan(KKK).

You might also like