You are on page 1of 3

CEBU CHERISH SCHOOL, INC.

Waling-Waling St., Capitol Site, Cebu City, Philippines

Weekly Learning Plan in


(Filipino sa GRADE 6)
Date: Schedule:

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalawak ang
CONTENT STANDARD
talasalitaan.
PERFORMANCE Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento,
STANDARD tekstong pang-impormasyon at usapan.

I. SUBJECT MATTER
A. TOPIC : Hiram na Salita
B. TIME ALLOTMENT : Ika – 19 ng Hulyo hanggang Ika – 31 ng Hulyo
C. REFERENCES : FILIPINO: Isang Hamon ni Cyndi C. Samaniego
at Pacita S. Carluen
D. INSTRUCTIONAL MATERIALS : https://www.youtube.com/watch?v=YEdKwruzJFE

II. LEARNING OBJECTIVES


Pagkatapos ng isang masusing talakayan, ang ika-anim baitang na mag-aaral ay inaasahang:
a. nailalahad ang impormasyon tungkol sa isang bagay
b. naiwawasto ang kamalian ng iba
c. nakapaghahanap ng impormasyon at pagbibigay ng tamang impormasyon
d. naisasalaysay o naibabahagi ang karanasan

III. LESSON PROPER


A. SYNCHRONOUS SCHEDULE (Ika – 19 ng Hulyo hanggang Ika – 31 ng Hulyo)
A. Stimulating Activity
Day 1. Magsisimula ang klase na magpapakita nga isang short video clip tungkol sa Ganap ngayong
Bagong Klase ni Lloyd Café kung saan nagpapakita ng mga karaniwang gawain sa pagbabalik ng
klase. Pagkatapos manood, ang klase ay magbabahagi ng kanilang karanasan tungkol sa pagbubukas
ng klase.
B. Actual Activity
Day 2-3. Babasahin ng klase ang maikling kwento na pinamagatang Bagong Kaibigan sa ika-tatlo na
pahina at ipapakita ang talasalitaan na may kaugnay sa binasang kuwento. Ipapakilala at itatalakay ang
paksa na Hiram na Salita.
B. ASYNCHRONOUS SCHEDULE (Ika – 24 ng Hulyo hanggang Ika – 26 ng Hulyo)
C. Follow-up Activity
Day 4. Bilang pagpapatuloy sa talakayan ang klase ay gagawa ng isang sanaysay tungkol sa kanilang
iniidolong tao gamit ang hiram na mga salita sa pangungusap. Ito ay kanilang ipapaliwanag sa klase
kung bakit ito ay kanyang pinili o iniidolo.

PAMANTAYAN NG SANAYSAY
PUNTOS
1|Page
1. Nilalaman o Kaugnay ng paksa 5
2. Kalinawan ng paglalahad 10
3. Wastong paggamit ng mga Hiram na Salita 10
KABUUAN: 25

Day 5-6. Sagutan sa libro FILIPINO: Isang Hamon – Grade 6


1. Tukuyin Natin A at B – pahina 6 at 7 (10 puntos)
2. Unawain Natin A at B – pahina 7 at 8 (11 puntos)
3. Suriin Natin A at B – pahina 11 (20 puntos)

IV. ASSESSMENT
A. Diagnostic
1. Anong mensahe na nais ipahiwatig ng video na ipinakita?
2. Sino ang gustong magbahagi ng sariling kuwento kung ano ang ginawa ninyo noong bakasyon?
3. Ano ang kadalasan ninyong gawain bago magpasukan?
4. Masaya ba kayo dahil balik skwela na? At bakit?
5. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
6. Kung may isang bagong lipat na estudyante sa klase mo at napansin mo na mahiyain siya na bata.
Paano mo siya matutulungan upang magkaroon ito ng mga panibagong kaibigan?
7. Bakit mahalaga magkaroon ng kaibigan?
8. Ano ang hiram na salita?
9. Magbigay ng halimbawa ng mga hiram na salita?
10. Bakit mahalaga ang mga hiram na salita sa pangkomunikasyon?

B. Formative (Evaluation)
Sagutan sa libro FILIPINO: Isang Hamon – Grade 6
C. Isulat sa linya sa kabilang pahina ang wastong baybay ng salitang hira bawat bilang.
Pahina 11 at 12 (10 puntos)

C. Performance Task.
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa iyong “Iniidolo” ilahad kung bakit mo siya iniidolo at paano
siya naka-impluwensiya sa iyong buhay. Gamitin ang mga hiram na salita sa pagbuo ng pangungusap at
ibahagi ang kuwento mo sa klase.

V. ASSIGNMENT
P

2|Page
Prepared by Noted by Approved by
Ms. Charish M. Corsiga Ms. Jessah Mae R. Mr. Judy R. Cachero
Princesa
Subject Teacher Academic Coordinator School Principal

3|Page

You might also like