You are on page 1of 2

Ang Pagsusulat ng Komposisyon

Ang Komposisyon ay talata ng mga hinabing kaisipan tungkol sa isang paksa

Bumubuo ito ng tatlong mahagi:

- Panimula
- Panggitna
- Pangwakas

Dapat taglayin:

- Maypaksang pangungusap (Lantad o di-lantad)


- May isang diwa
- May kaisahan. Ang mga walang kaugnayan sa paksa ay inaalis
- May kaayusan
- May tamang-tamang haba
- Wasto ang kayarian
- Maayos ang pag uugnayan ng mga sinusundan at sumusunod na talaan

Paksang pangungusap

- Ito ang nagtuturo kung tungkol saan ang tekstong isinusulat at dito umiikot ang talakayan.

Katangian ng isang mahusay na komposisyon:

- May kalinawan para sa tiyak na grup ng mambabasa


- May kawastuhan para sa paniniwalang tama
- Limitadong sentral na ideya
- Pagkakaugnay-ugnay ng ideya at presentasyon
- Masusing pagpili sa kongkreto at ispesipikong detalye at mahusay na pagdedebelp
- Lohikal at epektibong kaayusan ng mga materyales na isasama
- Tiyak at sigurado sa mga detalye
- Epektibong talataan at ugnayan sa pagitan ng mga talata at bahagi nito
- Matino, mahusay at iskolarling mga pangungusap na nagpapatingkad sa talino ng manunulat
- Tamang pagpili ng salita
- Tamang ispeling, grammar, bantas at iba pang mekanika

Bakit tayo nag susulat ng komposisyon:

- Sinusulat natin ang hindi natin masabi


- Nagiging manlilikha tayo sa pagsulat
- Hinuhulma natin at hinuhugasan ang mga kaisipan at ideyang nasa ating utak
- Gamit natin ang pagsulat sa ating propesyon at pag-aaral
- gusto nating magpakilos, umantig ng damdamin, magbigay kuro, magsiwalat ng katotohanan at
magturo
- mayroon tayong tinatayuan at tinitindigang usaping panlipunan at pampulitika

Proseso ng Pagsusulat ng Komposisyon:

- paghahanap,pagpipili at paglilimita sa paksa


- pagpaplanong eksplorati (mag-eksplor ng maraming posibilidad upang makahanap ng mga
detalye parasa pag dedebelop ng sentral na ideya
- pagsulat ng burador (draft)
- muling pagsulat at pagrerebisa (revise)

Paano Nagrerebisa:

1. basahin nang buo ang lahat ng sinulat. Mas mabuti kung babasahin nang malakas.
2. Iwasto ang makikitang kahinaan o pagkakamali, gaya ng:
- Ispelling
- Mali o malabong pangungusap
- Ugnayan ng mga pangungusap at ideya
- Di tiyak o maling impormasyon
- Anyo at format (pagtatalata, pwesto ng larawan o graphic organizer kung meron man.)

You might also like